Chapter 16: The Fight

“Pambihira, ano ba yan.” galit na galit na Andrea ang nakita nila Ken.

“San galing yan!” Sabi ni Christine.

“Sa kisame! Alam mo naman gawa ng di maganda.” panimula ni Charlotte.

“Tumingala ka, makita mo madaming tissue pa ang nakakabit, pagtuyo nyan maglalaglagan yan.” sabi naman ni Bernadette.

Pinagsabihan ni Ken at Carl ang isang player na nakita nyang naghagis ng tissue sa kisame ng kantina at palagay nila Carl at Ken sila ang may gawa nun.

“Pare tigilan nyo na yan, di yan maganda, pano kung may iba na kumakain o kayo ang kumakain malaglagan din ng tissue ano sa palagay nyo.” sabi ni Ken.

“Pare, di porke ikaw ang valedictorian pagsabihan mo kami ng ganyan, may pruweba ka ba? Sabi ni mark, isa sa mga basketbolista.

“Kakikita ko pa lang na naghagis ang isa nyong kasamahan.” Sabi ni Verna.

Di makakibo ang isa sa player, na mukhang mabait at nakikisama lang kina Bernard.

Nagyabang pa ang isang player, nagrolyo ng tissue, binasa at hinagis sa kisame. Inis na inis sina Andrea sa gawa ng mga mayayabang na eto. Tinawanan lang sila ng mga basketbolista.

Nagkaroon ng mainit na sagutan dalawang kampo.

“Sabi naman na tigilan nyo yan!” sigaw ni Charlotte at nag alisan ang ibang kumakain sa kantina, lalo na ang mga freshman, oras kasi ng recess o break time nila at kadalasan sa kantina ang punta ng mga yan , bawal kasi mag gala gala sa oval o sa ibang building.

“Ano ba yan, magtigil nga kayo.” Isang sigaw pa galing kay Christine, inaawat ni Chris si Christine na tumigil na sa kakasigaw at baka ma expleed sila aniya.

Inambahan ni Mark si Ken at nanlaban si Carl pero ang napuruhan ay si Ken, nagdugo ang labi nito.

Hindi si Ken ang tipo ng lalaking mangunguna sa away kalye. Matangkad nga siya at medyo patpatin ang katawan, mahinang kumain at walang hilig sa isports maliban sa pagsunod sunod sa ilang larong required sa PE. Gayunman kung ano ang kulang nito sa katawan sya naman lawak at talino sa pag iisip. Myembro sya ng mga academics club at palaging pambato ng eskwelahan sa mga academic competion sa labas ng campus.

Natakot si Bernadette, kaya umalis at tinawag si Mam Ramos.

“Anong kaguluhan eto.” Galit na galit si Mam Ramos.

Dinala nya eto sa classroom para mamagitan at di na makarating sa Principal.