Chapter 15: Canteen
Nagbibiruan ang grupo sa Kantina habang paparating si Mam Ramos. Tumahimik sila sandali, ayaw nila na mapadala sila sa opisina ng principal kapag di sila nag behave kahit sa Kantina. Hangga’t maari sinabihan sila ni Mam Ramos na mag ingat kasi malapit na matapos ang school year at ayaw nya bumaba ang mga grades ng magnificent 8.
“Maam, libre naman!” pabiro ni Chris
“Mas mayaman ka pa sa kin Chris.” paparating naman si Sir Enrico.
“Chris may pabor sana ako sa Daddy mo, pede ko ba syang makausap mamaya. Give me call!”
“Sige po Sir, sabihin ko po mamaya ke Dad pag uwi.” Magkaklase ang Daddy ni Chris at si Sir Enrico sa Rizal High at magbarkada din sila nung panahon na yun. Ang pagkakaalam din ni Chris at Christine nanligaw si Sir Enrico sa Mommy nila pero si Daddy nila ang pinili ng Mommy nila.
May pumasok na freshman at kinausap si Ken.
“Kuya Kenneth, pinatatawag ka po ni Maam Lorelei sa Laboratory room.” Umalis na ang freshman pagkasabi kay Ken.
“Guys babalik ako.”
Kinuha ni Andrea at Bernadette ang sopas na inorder nila at orange juice, matabang ang sopas ganun din ang orange juice palaging kulang sa asukal. Nag rereview sila habang kumakain, maya maya dumating na si Ken.
“Ken, bakit ka pinatawag ni MamLorelei, may nakakita ba sa atin kahapon sa pag over the bakod natin.” marihin na sabi ni Verna.
“Ha, hindi, pinakilala lang ako ni Mam Lorelei sa mga freshman at ginawang example, nahiya nga ako.”
“Akala pa naman namin baka may nakahuli sa atin, salamat!” napabuntung hininga si Charlotte.
Maya maya pumasok ang grupo nila Bernard kasama ang ibang player ng basketball.
“Hello love!” sabi nya kay Charlotte. Si Charlotte naman inis na inis, ayaw na ayaw nya makita pagmumukha ni Bernard, feeling kasi ni Bernard girlfriend nya si Charlotte at pinag mamayabang sa mga kaibigan na basketbolista. Mabait din si Charlotte ayaw nyang magpahiya kaya binabalewala nya si Bernard.
“Charlotte, ano gusto mo kurutin ko yan sa ibaba nya.” bulong ni Chris, napangisi lang si Charlotte.
Maingay at mayayabang ang mga koponan ni Bernard palibhasa mga star player at palaging nanalo sa mga laban nila sa labas ng campus. Gawain nila , kapag nasa kantina, babasain ang tissue paper at ihahagis sa kisame. Dumidikit yun at kapag natuyo na ay bumabagsak.
Umiinom si Andrea ng orange juice nya ng may tissue paper na lumagpak s iniinuman nya.