Chapter 14: Filipino Class
Maagang nag simula si Maam Rowena ng klase sa Filipino. May bakanteng 2 upuan sa likuran napansin ni Maam Rowena.
“Good morning Class. May absent ba tayo ngayon, bakante ang upuan sa likod.” tanong ni Maam Rowena.
“Wala po mam, extra seats po yun.” sagot ni abraham, nakaupo sa likuran.
“Class kahapon natapos na natin ang tekstong prosedyural. Ngayon naman ay angtekstong persweysib.”
“Magbigay halimbawa ng komersyal o advertisement na inyong maalala, Regina?.” tanong ni Maam Rowena. Sandaling natapos ang salita ni Mam Rowena ng pumasok si Mam Diana.
“Excuse me Mam Rowena, Verna, can you go to English room now, Mam Edwina is looking for you.” sabi ni Mam Diana, kinabahan si Verna at ang grupo, nalaman kaya ang ginawa nila kahapon? Lagot silang 8. Tumayo si Verna at sa likod naka krus ang kanyang daliri nakita ng grupo.
Tumayo si Regina. “Maam, yung commercial po ng Jollibbe na ‘Apo’.” sagot ni regina, tumaas ng kamay si Chris.
“Ok Chris!”
Tumayo si Chris at naglakad lakad na parang commercial model at nadulas at tumayo uli.
“Kaya nyo yun.” pag arte ni Chris ala Melanie Marquez sa patalastas ng isang detergent.
“Class ang aralin natin ngayon ay ang tekstong persweysib.” Panimula ni Mam rowena.
“Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas o advertisement, propaganda para sa eleksiyon, o pagrerekrut para sa isang samahan o networking.”
“Inilarawan g Griyegong pilosopo na si Aristotle ang 3 paraan ng panghihikayat o pangungumbisi, eto ay ang , Ethos, Pathos at Logos.”patuloy ni Mam Rowena. Marami pa syang sianabi patungkol sa tekstong persweysib.
“Class , mag grupo kayo ng 8 at bawat grupo may 4 na katao. maglarawan kung san ginagamit ang tekstong persweysib.” Nag pili pili na ng mga kasama ang bawat estudyante.
“Kailangang tandaan na sa paggamit ng paraang ito dapat isalang alang kung sino o anong uri ang mga mambabasa. Nais ko na ilarawan nyo ang pagagmit ng tekstong persweysib .” dagdag ni Mam Rowena.
Nag grupo na ang lahat sa 8, sa isang grupo ng 4 magkasama sina Christine at Bernadette, At ang iba sa magnificent 8 ay sa iba nakigrupo.
“Class, mag isip kayo kung pano nyo yan gagawin, bigyan ko kayo hanggang bukas para sa graded recitation nyo, kapag mataas ang nakuha ng grupo ay ieexempt ko sa final examination.” Natuwa ang lahat sa sinabi ni Mam rowena, malaking kabawasan na rin sa pag rereview at sa final examination.
Bawat grupo ay busy sa pag isip ng konsepto nila, sila Chris sy nakaisip na mag drama o gawin sa pamamagitan ng television.
“Chris gawa ka ng iskrip halimbawa, isang cook si Madelaine at ipopromote nya ang ginamit nya na sangkap, ano sa palagay mo.” sabi ni edward.
“Pwede edward, galing mo, guys bigay pa kayo ideas, ano ang ipopromote natin dapat alam natin kung ano at para saan para kapanipaniwala ang gagawin natin para ma exempt tayo sa final.” sagot ni Chirs.
“Bob, mag eleksyon tayo naman, ikaw ang kakandidatong mayor sa ipapakita natin at kami ang mga botante kunwari.” suhestyon ni Carla.
“Ano naman kaya ang sa atin, si Verna magaling sa deklamasyon at debatehan, ikaw na lang ang lider ng grupo.” Sabi ni Charles pero umayaw si Verna.
“Wag na ako, kayo naman, tulong tulong naman tayo.” sagot ni Verna sa kagrupong Charles.
Bawat maisip ng bawat grupo ay lumalapit sila kay Mam Rowena para ipacheck ang kani kanilang naisip, sa mangha ni mam Rowena sa mga eto wala man lang nag doble o nagkapareho sa mga ideya ng mga grupo kaya dineklara nya na ang mga konsepto at ipakita bukas sa pamamagitan ng pag arte ang tekstong persweysib.
“Alright Class, bukas isalarawan nyo ang mga naisip nyo at tandaan lahat ng makakuha ng mataas na marka ay exempted sa Final exam.”
Umalis na si Mam rowena ay busy pa ang mga grupo sa kanilang pagsasagawa ng tekstong persweysib.
“Sana lahat tayo ma exempt sa final.” Sigaw ni Antoinette.
“Yes, yes, yes.” bulalas ng iba pang estudyante. Maya maya dumating na si Verna galing sa English room, nakangiti at nabuhayan ng loob ang grupo.
“Tayo na sa kantina!” hawak ang tiyan na sumisigaw si Louie.