Chapter 13: Over the fence.
Kinabukasan pahinga ang section Anahaw, wala silang pagsusulit, binigyan lang sila ni Mam Ramos ng mga sasagutan at ibang exercises. Nagkayayaan ang grupo na manuod sana ng sine sa Mega Mall kasi wala naman na silang masyadong gagawin at nang makapg relax, ilayo ang utak sa mga gawain sa eskwelahan.
“Carl di naman tayo palalabasin ng gate kasi hindi pa time.”
“Shit! Oo nga.” Sabi ni Chris.
“Magpaalam kaya tayo kay Maam Edwina, sabihin natin mag rereview tayo sa labas.” bungad ni Charlotte kay Chris habang nagdodrowing.
“Ngeek! Di tayo papayagan nun sasabihin pa nyon sa library kayo mag review at sautin ang mga exercises. Parang di nyo kilala si Maam Ramos.”
“Sabagay may tama ka dyan Sistah! hahaha! Tawanan silang lahat.
“Mag over the bakod na lang tayo kaya! May butas akong nakita dun sa gilid pede kaming mga babae lumusot dun.” Bulalas ni Verna.
“San naman yun Verns, totoo ba yan.” tanong ni Charlotte.
“Oo nakikita ko madaming nag oover the bakod, hindi na wait yung closing time.”
“Go ako dyan, ma experience nga yan. Bob, ano sa palagay mo ikaw ang lider hahaha! Pabirong sabi ni Charlotte kay Ken.
“Go din ako.”Sagot naman ni Bernadette. Nabigla at nagulat ang lahat, si Bernadette makikijoin sa pag over the bakod. Nagkatinginan sila lahat.
“Verns, sure ka ba dyan na di tayo ma Principal’s office nyan baka mawala tayo sa honor list hahaha!”sabi ni Carl.
“Sure na sure ako, dami na kayang nag oover the bakod basta may look out. Ako ang mauna para mag look out.”
Isa isa silang umalis ng silid aralan, di nila sinabi kung ano ang saan sila pupunta habang busy ang mga kaklase nila sa pagsagot sa mga exercises na binigay ni Mam Ramos.
Nakita nila na may parang hagdanan na naka balandra sa may pader at kinuha ni Chris at Charlotte. Nauna si Verna na umakyat ng bakod, tinulungan sya nila Ken at Carl. Sumunod si Andrea, Bernadette at Charlotte. Pumito si Verna na wag muna lalabas ang iba kasi paparating ang guwardya ng eskwelahan nag ra round kung may mga estudyante sa labas ng compound. Nang makaalis na ang guwardya, pumito uli si Verna, hudyat na pede na uli mag over the bakod. Sumunod na si Chris, Carl at huli si Ken.
Tuwang tuwa ang grupo at nakaligtas sila na walang aberya, pumunta sila ng Mega mall.