Chapter 12: 25 years ago
“Good morning Class! Prepare for a short quiz?”
“Namputsa naman si Maam Edwina Ramos, kakastart pa lang, short quiz agad!” Pabulong na salita ni Charlotte.
“Is there any problem Charlotte.”
“Nothing Maam!” sagot nya.
“Distribute the leaflets and the answer sheets, Chris.”
Tumayo si chris at kinuha ang leaflets sa mesa ni Maam Ramos.
Isa isa nyang pinamahagi ang leaflets at naupo. Natapos ang pagsusulit at pumalit naman si Sir Enrico Dela Cruz ang teacher namin sa Physics.
“Good morning Class! Get a sheet of paper and be ready for a short quiz.” sabi ni Sir Enrico.
“Ano ba yan quiz na naman, sinimulan ni Maam Ramos kaninang start ng class eto isa pa!” bulong ni Charlotte.
Nagkamot ulo na lang ang ibang estudyante ng section Anahaw. Tensyonado ang iba kasi di sila nakapag aral kahit sinabihan na sila na etong buong linggong eto ay puro quiz bilang pagrereview sa last quarter. Natapos ang isang oras ni Sir Dela Cruz na pagtuturo at ang munting pagsusulit ay mataas naman ang nakuha ng magnificent 8. Nag sirena para sa recess. May baon si bernadette na tinapay na may palaman peanut butter at jelly. Inabutan nya ng isa si Ken.
“Uy!” tukso ni Christine. Binato ni Chris ng napkin si Christine at pinandilatan ng mata.
Pinapanuod lang ng magbabarkada ang 2, siyang siya sila sa nakikita at napapanuod sa 2.
“Bagay sila di ba. Parehong matalino.” sabat ni Verna.
“OO naman, bagay na bagay!” segunda ni Charlotte at Andrea, nagkatawanan sila. Natapos na ang break time at balik na sila sa klase. Nang pumasok si Maam Ramos na sabihing wala si Maam Maricel Abella. Nakahinga sila ng kaunti kasi alam nila magbibigay ulit ng short o long quiz, e math teacher pa naman sya, advance algebra ang topic nya nung nakaraan.
Naglalandian sila Charlotte at Chris. Sila ang komikero at komikera ng section na eto.
“Charlotte, charot mo talaga, nagpapapansin si Bernard sa iyo di mo pansin.” sabi ni Chris.
Maganda si Charlotte siya ang Muse ng kanilang section kaya marami ang nagkakagusto dito pero ayaw nya ng relationship o boyfriend/girlfriend thing kasi bata pa sya at ayaw nyang magkamali.
“Mamatay sya sa tingin tingin lang hahaha!”
“Kahit varsity pa sya o star player, wala akong paki.”
“Bulinggit, pahiram ng mga notes mo sa Filipino.” sabi ni Maryanne ka Andrea. Binansagan kasing Bulinggit si Andrea ni Maam Ramos kaya yun na lagi ang tawag sa kanya sa buong klase.
“Di pa ako tapos Maryanne, pagnatapos ko dalhin ko sa bahay nyo mamaya.” sagot nya, malapit lang ang bahay ni Andrea kina Maryanne.
Si Ken at Bernadette ay busy sa kaka review ng mga notes nila habang ang iba ay nagkakatuwaan at naglolokohan dahil wala silang guro. Si Carl at Joseph naman ay punta’t parito sa may pintuan sinisilip kung dadaan ang principal o ibang guro. Si Verna, Lilibeth, Susan at ibang kaklaseng babae ay tila may tinatapos na bagay sa home economics. Ang iba naman ay nilalaro lang ang ballpen, nakatingin sa kisame ng classroom, nag kukwentuhan at nagtatawanan.
Sa grupo nila, sina Ken, Andrea , Carl at Bernadette ang kanilang isinasabak kapag may academic competition sa labas ng campus, sila kasi yung matataas ang grade sa Math at Science. Pinapadala sila kung saan saang probinsya o sa metro manila man kung san may labanan ng talino. Kadalasan nakukuha nila ang medalya. Paminsan minsan kapag may declamation contest si Chris ang pinadadala naman.
Natapos ang oras ng walang ibang guro na pumasok, dahil busy na rin sila at malapit na pati ang Teacher’s week. Nag sirena na, bubuksan na ang main gate. Hindi ka kasi makakauwi hanggat di nagbe bell pag uwian at 2 gate lang ang binubuksan, ang main gate at ang isang malaking gate sa harapan ng main road. May gate pa sa likuran at tagiliran ng rizal high at ang katapat ng main gate naman ay Pasig Ilog na. Wala ng ibang gate o lusutan.