Chapter 11: Busy as a bee

Ilang araw na lang at malapit na ang silver homecoming. Dumaan si Carl sa banco at nag withdraw ng cash para mag advance payment sa Shangrila Plaza, nakahiwalay kasi ang pondo ng sa reunion at ayaw nya na ma account sya. Nagkita sila ni Menchie sa banko at nagbigay din ng advance payment para sa catering.

“Menchie, ok na ba ang mga courses, kaya ba nila on time.”

“Yes, dadalhin nila ahead of schedule ang mga food.”

“Carl, pwede ba tayo magdala ng extra drinks, we can talk to them, may mga request kasi ang iba , pero kung meron sa hotel, ok lang, mahal kasi ang order sa hotel.”

“Sige, tanungin ko mamaya, pagbigay ko ng advance, may list ka ba kasi baka tnungin ako, di ko naman kasi alam angmga yan, San Mig light beer lang ang iniinom ko.” Inabot ni Menchie ang list at naghiwalay na sila.

“Good heavens!” napabuntong hininga si Carl, ang laking tulong ang pinadala ni Ken. Nag ikot ikot muna si Carl sa Venue, binigyan sya ng Shangrila ng isang complimentary na room bilang gift sa pagpili sa hotel. Makatikim naman ang pamilya nya ng isang room na free sa shangrila sa Valentine’s Day.

Ang reunion kasi binilang nila pati ang pamilya, kaya napakalaki ng pera na dapat nilang malikom para sa napakalaking paghahanda. Dahil Valentine’s Day yun, inaasahan nila na maraming pupunta na kasama ang pamilya. Pinaghandaan nila Carl ang araw na eto.

Magkikita sila ni Chris sa may ground floor ng Shangrila at hinihintay nya eto. Maya maya dumating na si Chris.

“Pare musta! Sino kasama mo?”

“Ako lang P’re! Si Mare mo busy sa mga bata.!”

“Nanggaling ka naba sa venue?”

“Oo nag advance payment na ako.” sabay pakita sa receipt.”

“Kukulangin ba ang pondo, sabihan mo lang ako.”

“Kasya naman Pare, salamat, may mga nag pe pldge pa naman, tuloy tuloy kanina may pumasok na naman galing sa Australia at Dubai. May mga nag pledge pero hindi makaka attend, ivideo na land daw at bigyan sila ng copy.”

“P’re nakuha kong host si Allan K, di kasi pwede sina Vice Ganda busy ang schedule, pinakiusapan ko lang si Allan K kahit sa ibang network at buti wala syang engaement sa Valentine’s”

“Salamat Pre, ilagay ko na yan sa Invitation as host.”

“Si Morisette, mag render ng 3 song then aalis na agad kasi may engagement sya sa may Greenhills, malapit lang kaya umokey sya, ganun din si Christian Bautista, pag break nya sa concert sa kabilang wing ng Shangrila, tatakbo daw sya at mag perform, wag ka mag alala puro gratis yan, takot lang nila sa akin.!”

“Chris, thank you talaga, iba ka talaga P’re!”

“Musta na pala ang Mommy at Daddy mo.”

“In pink of health pa din, Good Lord!”

“Carl may mga stand up comedian pa tayo ha, maya itext o tawagan kita sa cp para sa names.”

“Thank you Pare!” Sabay yaya sa coffe shop.

“Mag coffe muna tayo ng magkwentuhan sandali, sabat ni Chris.

Pasok sila sa starbucks.

“Kahapon nasa Mega mall ang mga girls, tinawagan ako sa opisina, e busy naman ako nahiya nga ako!”

“Wag mo yan alalahanin, alammo naman ang mga girls, kulang ang buong araw sa shopping.” sabay halakhak ni Chris, lumabas na naman ang pagka bakla nito.

Napagkwentuhan nila ang mga ibang kaklase at ang list ng attendees at ang pagdating ni Bob sa Feb 7, maging ang mga guro na inimbitahan nila.

“Pare kita na lang tayo uli, pm kita sa names maya, may kausap ako ng 8pm dito sa shangrila.”

“Thanks uli P’re! At nagkahiwalay na sila. Si chris papunta sa kausap nya at si Carl papauwi na ng house.