Chapter 7
First day ng pagiging second year highschool namin, kinakabahan pa ako kasi usapan namin nila Aster na hindi muna namin sasabihin sa isa't isa yung section namin kaya natatakot ako na baka 'di ko sila kaklase, sila lang kasi ni Stella kaibigan ko kaya kapag wala sila tahimik lang ako tsaka hindi masaya kapag wala sila.
Nang makita ko silang dalawa na papasok sa gate ng school ay agad akong kumaway sa kanila para makita nila ako.
"Ang aga mo ah." bati ni Aster sabay akbay sa akin.
"Anong section nyo?" agad kong tanong.
"Hope" sabay nilang sabi.
Sa tuwa ay agad ko silang niyakap, magkaklase kasi kaming tatlo!
"Ako rin." sabi ko habang nakayakap sa kanila.
Niyakap rin nila akong dalawa sabay talon naming tatlo. Npapatigil kami nang biglang mag-ring na yung bell para sa morning prayer at flag ceremony. Dahil first day of class meron din kaming mass, catholic school kasi kami at nasa likod lang ng simbahan yung school namin pero mga madre ang may hawak ng school namin at hindi mga pari.
Magkakalapit lang kami ng height nina Stella at Aster kaya magkakasunod kami sa pila at sa likod yun, pero sa aming tatlo ang pinaka maliit si Stella, sunod ako, tapos ang pinaka matangkad sa amin ay si Aster. Masaya kami na magkakalapit lang height namin kasi kapag may mass kami magkakatabi.
Pero pagdating namin sa simbahan ay nadismaya ako, dahil nga nasa likod kaming tatlo ay nahalo kami ni Aster sa ibang section, ang star section faith, habang si Stella nakasingit pa sa section namin. Sa mga lalaki kami napatabi, sa dulo ng pila nila, at dahil ako ang sunod ni Stella ako ang may katabi na lalaki habang si Aster ay nasa dulo malapit sa aisle.
Naiilang ako kasi iniisip ko na agad yung ama namin na part ng misa, kailangan ko kasing hawakan ang kamay ng katabi ko na lalaki eh kaso yung kamay ko pasmado. Siguro pati dala na rin ng ilang at kaba, kahit anong punas ko sa palad ko ay hindi nawawala ang pasma.
At dumating na nga ang kinatatakutan ko, ang hawak kamay para sa ama namin. Napatingin muna ako sa katabi ko, nabigla rin ako nang bigla rin siyang lumingon at ngumiti. Hindi ko alam pero hindi ako naka ngiti pabalik at nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Inilahad nya ang kamay nya sa akin pero nang hindi ko iyon inabot sa kanya ay siya na ang kumuha ng kamay ko para hawakan sabay kindat sa akin.
Tumingin na sya sa harap kaya tumingin na rin ako.
"Don't worry, I don't mind." mahinang sabi nya kaya napalingon na naman ako sa kanya.
Ngumiti muna sya bago lumingon sa akin at this time nginitian ko na rin sya.
Eto ang unang beses na may lalaking humawak ng kamay ko habang nasa simbahan at wala akong ibang naramdaman kundi ang kalma sa puso ko.
*
"Huy Lia nakikinig ka ba?" sabi ni ate sa kabilang linya, naka video call kami.
"Oo." maikling sagot ko.
"Nakikinig daw, oh basta uuwi kami dyan next month ah." sabi nya habang inaayos lunchbox ng mga pamangkin ko.
"Talaga ate? uuwi kayo? size 8 ah!" singit naman ni Stella na kumakain ng apple.
"Dahil parang mas excited ka pa kaysa sa kapatid ko, osige 'di ka mawawalan!" sabi naman ni ate.
"Ate pasama buong pamilya mo, pasabi na rin kay kuya." sabi ko habang nagtutupi ng damit.
"Ha? bakit naman? ano meron?" tanong naman nya.
"Ikakasal ako." kaswal kong sabi.
"Ha?!" sabay na sabi ni Ate at ni Stella.
"Hoy ako nga wag mong pinaglololoko Lia ah, hindi magandang biro yan, ang mahal ng pamasahe."
Nakatingin lang sa akin si Stella at mukhang hinihintay lang na matapos ang tawag namin ni ate para masabunutan na nya ako.
"Seryoso ako ate, kaya dapat kahit sa kasal ko man lang nandoon kayo lahat." sabi ko at napatahimik naman si ate sa sinabi ko.
"Babye na ate, may ginagawa pa ako." tumango naman sya kaya pinatay ko na ang tawag.
Pagkapindot na pagkapindot ko ay agad akong sinabunutan ni Stella at iniharap sa akin ang phone niya kung saan nandoon si Aster na naka video call at naghihintay rin ng paliwanag ko.
"Chinat ako ni Stella, ano 'tong nalaman ko na ikakasal ka na raw at hindi namin alam?" seryosong tanong nya.
"Pumunta ka muna rito bago ko ikwento." gabing gabi na pero nasa office pa rin kasi sya.
"Marami pa akong tatapusin na trabaho kaya sinasabi ko sayo magsalita ka na, nanggigigil ako sayo." seryosong sabi nya.
"Si Sky, magpapakasal kami ni Sky." Mahinang sabi ko pero alam kong rinig nila.
"Ha?!" sabay nilang sabi.
"Kanina pa kayo nagugulat, kahit si ate. Nakakagulat ba talaga na may magpapakasal sa akin?" tanong ko na nakanguso.
"Hindi naman nakakagulat yung may taong papakasalan ka, pero ang nakakagulat naman kasi eh yung biglaan mong iaannounce tapos sasabihin mo na si Sky pa yung papakasalan mo! Sinong hindi magugulat? baka nga pati sila tita at tito sa heaven nagulat din eh." sabi naman ni buntis.
"Uy tubig ka muna, masama sa bata ang ganyang emosyon." sabi ko sabay tayo para kumuha ng tubig para ipainom sa kanya.
"Hinga lang Stella." pagpapakalma naman ni Aster mula sa tawag.
Pagkakalma ni Stella ay balik na naman sa akin ang atensyon nila.
"So paano?" mas may kalma na na tanong ni Aster.
"Umamin ako sa kanya na may gusto ako sa kanya, tapos ganun rin pala nararamdaman nya sa para sa akin"
Nagsinungaling ako.
Napagkasunduan kasi namin ni Sky na mas maigi na wala na lang makaalam ng totoong sitwasyon kung bakit kami ikakasal bukod sa aming dalawa, para wala ng paliwanagan at wala ring mangengealam. Pumayag ako kasi tama si Sky at tsaka ang mahalaga naman sa akin ay yung nararamdaman ko kaya walang mawawala sa akin kasi mahal ko naman sya at yun naman ang pinangarap ko, ang ikasal sa taong mahal ko.
"Pero bakit parang ang bilis naman? kasal agad?" tanong ulit ni Aster.
"Kasi..." nag-iisip ako ng idadahilan.
"Kasi pareho nilang mahal ang isa't isa." seryosong sabi ni Stella at napayuko para itago ang lungkot sa mukha nya.
Natahimik kaming dalawa ni Aster.
Niyakap ko na lang si Stella dahil ramdam ko na iiyak na naman sya.
Ano nga bang dahilan bakit kami magpapakasal ni Sky? hindi naman mutual ang feelings namin kasi ako lang naman ang nagmamahal sa aming dalawa, pero siguro ang dahilan kung bakit kami ikakasal ay dahil pinili at ginusto namin. Kung ako lang din tatanungin, hindi naman ako basta basta magpapakasal kung kanino lang, pero dahil si Sky yun, ginusto at pinili ko sya at ganun din siguro sya. Kaya naisip ko na hindi siguro sapat ang pagmamahal para ikasal ang dalawang tao, dapat siguro ginusto nyong dalawa at pinipili nyo ang isa't isa para gawin yun.
Kaya kahit alam ko na hindi naman ako mahal ni Sky, masaya pa rin ako kasi ako ang pinili nya para pakasalan. Hindi ko man alam kung ano kahihinatnan ng desisyon kong ito, kung masasaktan man ako sa huli, sa huli pa naman yun kaya magiging masaya muna ako sa kasalukuyan.