Chapter 8

Ilang linggo na ang nakalipas noong nagkita kami ni Sky, 'di pa rin namin napag-uusapan mga detalye sa contract namin kasi panay straight duty sya sa hospital kaya walang oras na makapagkita kami. Pero ngayon himala na tumawag sya at naka rest day daw sya kaya mag-kita raw kami, kaya naman kanina pa ako nakatayo rito sa harapan ng aparador ko at iniisip kung ano bang susuotin ko. Halos puro itim nga kasi yung mga damit ko eh ang init sa labas, takaw pawis yung itim.

Naisip ko na humiram ng damit kay Stella kaya naman inabangan ko syang lumabas ng banyo kasi naliligo sya. Pagkalabas naman nya aya nagulat sya sa akin dahil nasa tapat ako ng pinto ng banyo.

"Sorry." mahinang sabi ko sa kanya.

"Bakit ka kasi nandyan? na-jejebs ka na ba? oh eto na, pasok ka na." sagot naman nya.

Lalagpasan na sana nya ako para magbihis nang hinarang ko sya.

"Pwedeng..." hindi ko matuloy ang sasabihin ko, nakakahiya kasi manghiram ng damit. Maingat pa naman 'to si Stella sa mga damit nya.

"Pwedeng?" tanong nya.

"Ano kasi... Pwedeng maghiram ng damit?" napayuko kong sabi.

"Bakit? may date kayo ni Sky no?" pangaasar nya, may pagsingkit pa ang mga mata.

"Uh... oo meron." yun na lang sinabi ko, tutal bawal ko ipagsabi sa iba yung sa amin ni Sky kahit sa kanila. Hindi naman sa pinilit ako ni Sky pero choice ko na lang din siguro, kasi magtatanong lang sila tapos 'di ko naman kayang ipaliwanag at ipagtanggol sarili ko sa kanila kasi alam ko na kung ano man yung sabihin nila sa akin, tama naman sila.

Bigla na lang tumili si Stella at hinatak ako papunta sa kwarto ko. Nagkalkal sya sa maleta nya, napapakamot pa sya kakaisip kung anong ipapahiram nya sa akin, natatawa na lang ako.

"Eto?" tanong ko nang bigla syang may inangat at ibinigay sa akin na pink drop waist dress.

Tumango naman sya.

"Ano ka ba, wag na 'to. Kahit blouse na lang, mag-papants lang naman ako."tanggi ko naman.

"Hindi, yan ang susuotin mo."sabi nya sabay alis para isaksak ang blower at ilabas ang make up na gagamitin nya mamaya pagkabihis nya.

"Pero... mukhang mahal kasi baka madumihan ko."halos pabulong na sabi ko.

Bumalik si Stella sa harapan ko at hinawakan ang dalawang kamay ko na hawak ang dress na pinapahiram nya at tumingin sya ng diretso sa mga mata ko.

"Ano ka ba, ok lang. Kahit suotin mo pa lahat ng damit ko." sabi nya sabay tawa.

Iniwas ko naman ang tingin sa kanya kasi naiiyak ako. Bata pa lang kasi ako noong nawala sila mama at papa kaya nasanay ako na hindi bumibili ng mga damit kaya kahit sa pagdadalaga hanggang ngayon, nasanay lang ako na T-shirt lang at pants madalas pa kulay itim. Nung college ako, kapag nagpapadala ng mga damit sila ate at kuya binebenta ko lang kasi mas kailangan ko yung pera. Nagpapadala rin naman sila ng pera pero kailangan ko kasing makaipon para makabukod na kala tita Marie, ayoko kasing maging pabigat. Kaya siguro naiyak ako sa pinapahiram ako ng dress ni Stella, kasi mukhang eto pa lang yung masusuot ko na dress na maganda simula noong nawala sila mama at papa, sobrang naappreciate ko.

Pinunasan naman ni Stella ang luha ko tsaka niyakap ako.

"Ang bestfriend ko, naiiyak sa dress."biro naman nya kaya natawa ako, para na tuloy akong timang na umiiyak at tumatawa.

Nang huminto na ako umiyak tinulungan rin ako mag-ayos ni Stella. Pinusod nya ang wavy na buhok ko ng half bun tapos nag-iwan sya ng kaunting hibla sa may mukha ko, ganun daw yun. Pagkatapos nya ako ayusan ng buhok ay nilagyan nya rin ako ng make up. Light makeup lang para daw pa-simple girl lang daw ang peg ko pero pak na pak pa rin. Pinahiram nya rin ako ng sandals, heels pa nga dapat pero sabi ko hindi ko kaya.

Nang matapos nya ako ayusan ay tiningnan na nya ang full look ko at napatakip siya ng bibig sa mangha.

"Grabe, tayo ka lang, picturan kita. Ngiti ka rin dali, sesed ko kay Aster!" sabi nya.

Pagkatapos pa ay nagselfie kaming dalawa.

Muntik na akong hindi makaalis kasi tumawag pa si Aster at binilinan ako ng mga hindi dapat at dapat gawin sa date kaya naman hindi pa ako nakakalabas ng apartment ay mukhang pagod na ako sa energy ng dalawang yun.

Buti na lang hindi pa ako late sa usapan namin ni Sky. Tatawid na lang ako at nandoon na ang coffee shop na usapan naming dalawa. Natanaw ko na sya na nakaupo at napangiti naman ako nang makita ko na naka kulay pink sya na sweatshirt, white na shorts at sapatos. Kinilig ako at napatingin din ako sa suot ko na kulay pink.

Nang makapasok sa coffee shop ay agad nya akong nakita at kumaway sya sa akin kaya agad akong lumapit. Sakto rin naman na nilapag ng waiter ang inorder ni Sky at mukhang sa akin yung isa.

"Sorry, umorder na ako para sayo but if there's anything else that you want, I can order it for you."

"No it's fine, hindi naman ako maarte." sagot ko.

"You sure?" tanong ulit nya.

Tumango na lang akong nakangiti.

"Ok then. So let's talk about our contract na?" sabi nya habang kinukuha nya sa bag nya ang laptop nya.

Nawala bigla ang ngiti sa labi ko, napahawak ako sa buhok ko sunod sa laylayan ng dress ko. Bigla akong nalungkot, ano bang ineexpect ko?

"Uh... osige."sabi ko sabay ngiti ng alanganin.

Kung kanina ay kalma lang akong nakaupo, ngayon ay hindi na mapakali ang kamay ko. Napapahawak ako sa buhok, batok, at sa dress ko.

Hinarap nya sa akin ang laptop nya at pinakita sa akin ang mga conditions at rules.

"Kung may gusto kang idagdag o baguhin sabihin mo lang sa akin para..." hindi nya natapos ang sinasabi nya dahil sumabat ako.

"Pwede bang hindi muna natin pag-usapan yan? pwede bang pagkatapos na lang ng kasal?" kalmado kong sinabi sa kanya habang diretso akong nakatingin sa mga mata nya

Nakatingin lang din sya sa mga mata ko, hindi ko mabasa kung anong iniisip nya pero tumango sya sabay ngiti.

"Alright, we can do that."sabi nya habang nakangiti pa rin ng maliit lang.

Napayuko naman ako at kinain ang cake, nahihiya sa sinabi ko. Ganun kasi ako, kapag may gusto akong sabihin hindi ako mapapakali hangga't 'di ko nasasabi. Sabi rin nila Stella, kapag lumilikot na raw ang kamay ko ibig sabihin may hindi ako masabi na galing sa puso ko. Kaya talaga nahihiya ako kapag nasabi ko na yung 'di ko masabi, kasi minsan masakit yung salita ko, minsan naman cringey.

Napabalik ako sa realidad nang biglang hawakan nya ang baba ko para iangat ang mukha ko at pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaking daliri nya. Pero mas nawindang ako ng himurin nya yung pinahid nya.

"Ang sarap pala nyan, sana yan na lang din pala inorder ko." napakurap ako sa kanya.

"Gusto mo?" alok ko sa kanya.

Tumango sya, pero biglang tumunog ang phone nya kaya kinuha nya ang phone nya at tiningnan nya kung sino nagtext sa kanya. Nagulat ako nang bigla siyang nag-lean papalapit sa akin at ngumanga ng slight.

Susubuan ko sya?

Mukhang oo kaya nag-slice ako ng cake ko at tsaka sinubo sa kanya. May chocolate na naiwan sa gilid rin ng labi nya kaya pinahid ko rin iyon gamit ang daliri ko. Hihimurin ko rin ba? hindi ba indirect kiss yun? pero sa gilid lang naman ng labi eh, wala pa rin namang saliva nya, kaya hinimod ko na lang din sa daliri ko.

Napaayos ako nang ibalik nya ang tingin sa akin.

"Sorry, may tinatanong kasi sa akin about dun sa inendorse ko na pasyente kagabi, nakakastress."

"Bakit pala hindi ka nag-doctor?" napahinto sya sa pagkuyumos ng mukha nya at nakapangalumbaba na lang at parang nag-iisip ng isasagot.

"Sabihin na lang natin na hindi ko naman kasi talaga gusto kahit yung pagiging nurse. Pinagbigyan ko lang yung parents ko." pagkasabi niya ay tumingin siya sa akin ng seryoso.

"Ikaw? bakit ka pumayag magpakasal sa akin?" tanong nya.

Hindi naman nya natandaan na nagconfess ako sa kanya, so ang awkward kung sasabihin ko na kaya ako pumayag kasi sya yun at gusto ko sya matagal na.

Nagpangalumbaba rin ako pero sa salungat na kamay na gamit ni Sky sa pangangalumbaba, kaliwa sya ako naman ay kanan, magkatapat kami at medyo maliit ang lamesa ka medyo napalapit ang mukha naming dalawa.

"Ayokong mag-isa." sabi ko habang nakatingin din sa mga mata nya.

"Nandyan sila Stella at Aster, pero darating yung araw na mag-aasawa sila at maiiwan nila ako. Kaya mas ok na sa akin na pumasok sa marriage na 'to kasi sa tingin ko eto na lang yung solusyon para hindi ako mag-isa."

Lagi ko sinasabi kina Stella at Aster, at pati na rin sa sarili ko na hindi ko kailangan ng boyfriend kasi kaya ko naman sarili ko. Pero kapag dumating yung gabi at naramdaman ko ang katahimikan, nalulungkot na ako at natatakot bigla na mag-isa.

Tumango-tango naman si Sky.

"Ikaw? bakit?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Aside from the pressure I get from my family, I think we share the same reason." sagot nya.

"Naranasan ko na masaktan, kaya naisip ko na maybe marrying someone without expectations can be a good thing. I mean, wala ka namang nararamdaman para sa akin diba? kaya walang expectations at ganun ka rin sa akin, kaya hindi tayo masasaktan."

Ngumiti ako at tumango na lang, tinanggal ko ang pangangalumbaba ko at sumandal na lang sa upuan ko.

Sana nga wala na lang akong nararamdaman.