Chapter 6

"Nandito na yung pinadeliver natin, nakapili ka na ng movie?" tanong ni Stella habang inilalabas at inaayos ang mga pagkain na pinadeliver namin.

"Alam mo, kahit ano naman ako eh. Ikaw ano ba gusto mong panoorin ngayon?" tanong ko pabalik sa kanya habang nag-brbrowse pa rin ng papanoorin. Kami lang ngayong dalawa kasi late daw matatapos yung work ni Aster ngayon.

"Gusto ko nakakaiyak." suggest naman nya sabay lapag ng pagkain sa mini table sa harap namin.

"Bawal. Iiyak ka na naman eh, kawawa naman yung baby mo."

"Edi comedy na lang."

Tumango ako at naghanap nang comedy na papanoorin naming dalawa. Nung makahanap na ako ay tumabi na rin sa akin si Stella na kumakain ng bayabas na pinabili nya sa akin noong isang araw.

Nagsisimula na ang movie kaya nagsimula na rin akong kumain ng pizza at fries. Mukhang ayaw na ni buntis nitong pinadeliver naming pagkain dahil puro bayabas na ang ang kinakain nya.

Biglang may nag-message sa akin, si Aster nagsosorry at babawi na lang daw sya. Naalala ko tuloy si Sky, ilang araw na ang nakalipas nung tinext nya ako, oo pumayag ako pero naisip ko na magpabebe naman kaya sabi ko imemessage ko na lang siya kapag free na ako. Free naman ako lagi, kahit nga nag-wowork ako pwede ako gumala eh pero ang totoo kasi nyan, nahihiya pa rin ako sa kanya dahil sa mga sinabi ko, hindi ko alam paano ko sya haharapin.

"Uy bakit?" nag-aalalang tanong ni Stella.

Sinasabunutan ko na naman kasi yung sarili ko. Napatingin ako sa kanya at kumurap-kurap, iniisip kung ano idadahilan ko.

"Ah.." tumawa-tawa pa ako.

"Tinatry ko lang kung maganda yung shampoo na nabili ko, sabi kasi nakakatibay ng buhok." paliwanag ko.

"Talaga?" 'di makapaniwalang tanong nya.

"Huy, anong ginagawa mo!?" pigil ko sa kanya, kasi naman sinabunutan ya rin yung sarili nya.

"Matibay nga." hindi makapaniwalang sabi nya.

Napasapo na lang ako sa mukha ko. Pero napatalon naman ako ng biglang may mag-text sa akin.

"Alam mo ang weird mo ngayon." sabi ni Stella na nakatutok sa pinapanood.

Tumawa ako ng bahagya bago kinuha yung phone ko para tingnan kung sino ang nag-text.

"Hi, hindi ako blackpink pero I'm in your area. Gusto mo mag-coffee?" text ni Sky.

Natawa naman ako sa pa-blackpink nya kaya napatingin na naman sa akin si Stella. Nginitian ko na sya bago tumingin ulit sa phone ko para magreply.

"Hindi ako pwede eh, nanonood kami movie ni Stella." reply ko.

Actually lagi na siyang nag-memessage, nag-aaya. Minsan sa mga oras na hindi ko inaasahan na magtetext sya, katulad na lang kapag naliligo ako, ala una ng tanghali, kapag nasa kalagitnaan ako ng paglalabas ng sama ng loob sa banyo, at madalas alas tres ng madaling araw kasi madalas after shift nag-iinom pa sila ng mga kasama nyang nurse.

Kada mag-rereply ako ng hindi ako pwede, ang irereply na lang nya ay sad face na emoji, consistent yun. Minsan gusto ko kiligin pero buti na lang napipigil ko.

Naka ilang movie na kami ni Stella, nakatulog na nga sya. May kutson naman kaming hinihigaan kaya inayos ko na lang higa nya at kinumutan ko sya. Noong inayos ko na yung unan sa may ulo nya, napansin ko na umiyak pala sya, hindi ko na napansin kasi naririnig ko naman syang tumatawa kada movie na pinapanood namin, hindi ko alam na umiiyak na pala siya. Tumayo ako para kumuha ng wipes at pinunasan ko ang mukha nya para maaliwalas pakiramdam nya. After noon, pinatay ko na ang T. V. at nagsimula ng magligpit ng kalat namin.

Pagtingin ko sa orasan, alas dos na pala ng madaling araw nang matapos ako magligpit.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko kasi nag-vibrate, nagtext na naman pala si Sky.

"Nandito ako sa labas ng apartment mo."

"HA?" agad kong reply.

Pumunta ako sa may bintana para masilip kung nandyan ba talaga sya at nandoon nga sya! Nakita nya ako kaya ngumiti sya sabay angat ng plastic na dala nya. Dali-dali akong lumabas para tanungin sya kung anong ginagawa nya dito ng ganitong oras.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya habang binubuksan ko ang gate. Ngumiti lang sya at pumasok nang mabuksan ko na ang gate.

Naamoy ko agad na amoy alak sya.

"Uminom na naman ba kayo?" tanong ko kaya naman tumango sya bago ngumiti.

"Bakit ba inom kayo ng inom? Ikaw na nga 'tong nurse kaya dapat alam mo na kung anong mangyayari sayo kakainom mo. Alagaan mo nga sarili mo. " pangangaral ko sa kanya.

Nakatingin lang sya sa akin kaya nahiya tuloy ako na bakit ko sya pinapagalitan.

"Sorry." mahinang sabi ko.

"Tara pasok, 'wag ka lang maingay kasi may tulog." duktong ko.

Pagpasok namin sa loob ay nakita ko syang iginala yung mga mata nya sa apartment ko. Naliliitan siguro sya, mayaman kasi pamilya nito ni Sky, sila ang may-ari ng hospital kung saan sya nagtatrabaho, kaya alam ko na di hamak na mas malaki yung place nya.

"Uh, upo ka." Alok ko ng upuan sa kanya.

Sa may dining table kami kasi si Stella nasa sala natutulog. Inalok ko rin muna si Sky ng tubig kaya uminom muna sya habang tinitignan pa rin ang paligid ng apartment ko.

"So bakit ka nga pala nandito?" napalik naman ang tingin nya sa akin dahil sa tanong ko.

"May dala akong pagkain tsaka beer. Gusto mo?"

Napaawang na lang ang labi ko sa gulat na mag-iinuman pala kami.

Hindi nya ako hinintay na sumagot at binuksan na nya ang dalawang can ng beer, inabot nya sa akin yung isa kaya wala na akong nagawa kundi uminom din.

"May bago na sya." napatigil ako sa pag-inom sa sinabi nya.

"medtech." hindi sya umiiyak pero ramdam ko yung bigat ng loob nya.

"Mokong na yun, sya na nangloko sya pa madaling naka move on. "pagrarant nya.

Tuloy tuloy lang sya pag-inom hanggang sa maubos na nya yung isa kaya nagbukas na naman sya ng isa pang can.

Binuksan ko yung mga chips na dala nya at kumain.

"Sya naman yung nawalan." sabi ko sabay kain ulit ng chips.

"Dahil kung ako lang, hindi kita papakawalan." seryosong duktong ko.

Nakatulala lang sya sa akin na parang nabigla sa mga sinabi ko.

"Oh tabla na tayo, kinilig ka eh." sabi ko sabay tawa ng alanganin.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya, buti na lang naitawid ko kasi nabigla lang rin talaga ako sa sarili ko ba't ko nasabi yun!

Napatawa sya ng bahagya bago uminom ulit ng beer.

"Sorry... sorry sa nasabi ko noon sa rooftop." bigla nyang sinabi.

"Sorry din." nakayukong sabi ko.

Natawa sya, "Para saan? kasi sinigawan mo ako? Ayos lang, gets ko naman."

Yun lang ba natatandaan nya? hindi niya ba natatandaan na nag-confess ako sa kanya?

" Pero seryoso, hindi kita pinagtitripan noon. Nagbibiro lang ako pero seryoso ako sa sinabi ko."

Hindi ako makapagsalita.

"Bakit 'di nga natin subukan? naisip ko lang naman pero kung ayaw mo, ok lang din naman kasi alam ko naman na importante ang kasal sa mga babae kaya 'di rin kita masisisi..."

"Sige." putol ko sa sinasabi nya.

"Ha?"

"Magpakasal tayo."