Chapter 5
Nagising ako ng maaga kaya bumangon agad ako para magluto ng breakfast para sa aming tatlo, maya maya rin naman ay nagising na rin si Aster at pinuntahan ako sa kusina. Napahinto ako sa pagluluto nang makita na nakatayo lang sya habang nakatitig sa akin na nakasingkit ang mga mata.
"Ano ba yun?" nagtatakang tanong ko.
"Lumabas ka ba kagabi?" diretsahang tanong nya.
"Hindi" plain kong sagot.
Napakamot na lang sya sa ulo nya.
"Namalikmata lang siguro ako." sabi nya sabay kibit balikat.
Pinanood ko syang pumunta sa banyo at pagkapasok nya ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko rin alam bakit ako nagsinungaling sa kanya na hindi ako lumabas kahit lumabas naman talaga ako at nakipagkita kay Sky.
"Sorry natagalan, wala kasi akong masakyan." nakita ko kasi na nauna na sya dito sa location.
"You should've told me, sinundo na lang sana kita." sagot naman ni Sky.
"Hindi ayos lang. Ano nga pala pag-uusapan natin?"
Nandito kami sa rooftop ng isang building, open naman 'tong building na 'to 24 hours kaya dito ko na lang sinabi na magkita kami, tsaka lagi rin naman akong nandito kaya kilala na ako ng guard. Maganda kasi tumambay dito, may malaking upuan dito kaya minsan masarap humiga dito kapag marami kang iniisip.
Nakaupo kami ngayon sa sinabi kong upuan, hinihintay ko syang sumagot pero hindi sya sumasagot kaya lumingon na ako sa kanya. Nakita ko syang nakapikit, tulog na ba 'to? dapat pala bukas na lang, pagod na ata 'to sa shift nya.
Nagulat ako nang bigla syang lumunok, kitang kita kasi yung adam's apple nya kasi nakatingala sya kaya umiwas na lang ako ng tingin at tumingin na lang sa langit kasi baka nararamdaman nya yung titig ko sa kanya.
"Ang tagal ko ring pinag-isipan 'to." bigla nyang sabi kaya napalingon na naman ako sa kanya, nakatingala pa rin sya sa langit pero ngayon nakamulat na.
"Ang alin?"
"Yung tayo.." sabi nya sabay lingon sa akin.
"Huy!" nabigla ako kaya yan lang nasabi ko. Hindi naman sa ayaw ko pero nakakabigla na sa kanya nanggagaling yan.
Tumawa sya bigla ng malakas kaya napakurap ako sa kanya.
"Diba! 'di ko rin kinaya. Grabe muntik na akong kiligin sa sarili ko!" sabi nya pa sabay tawa ulit.
Mas lalo akong hindi makapaniwala, niloloko nya ba ako?
" Prank ba 'to? pinapunta mo ba ako dito para paglaruan ako?"seryosong sabi ko.
Napatigil sya sa pagtawa nya at sumeryoso rin ang mukha.
"Cordelia, hindi sa ganun..."
"Bakit may nagsabi ba sayo na matagal na kitang gusto para paglaruan mo ako ng ganito? na para gamitin mo yung sinabi mo noon para pagmukhain akong tanga?" hindi ako sigurado kung may nagsabi sa kanya pero naamin ko na.
Hindi sya makapagsalita.
"Nagulat ka? oo, gusto kita. Gusto kita dati pa." Hindi ko rin alam pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak.
"Kaya kung nakakatawa lang sayo yung mga ganitong bagay pwes sa akin hindi, iba na lang pagtripan mo."
Hindi ko na sya kayang harapin pa kaya umalis na ako, wala naman akong narinig na salita mula sa kanya.
Napasabunot ako sa sarili ko "Bakit ko ba kasi sinabi?"
"Ang alin?" nagtatakang tanong ni Aster sa akin.
"Oo nga, ang alin? wala ka naman sinasabi kanina eh."duktong naman ni Stella.
Nakatingin lang silang dalawa sa akin, oo nga pala kumakain kami. Ngayon lang kasi talaga ako tinamaan ng hiya sa mga sinabi ko kagabi tapos hindi ko man lang pinagpaliwanag si Sky, pinangunahan kasi ako ng emosyon ko, nakakainis!
"Sa panaginip... may sinabi kasi ako sa panaginip ko." palusot ko na lang.
"Parang shunga 'to." sabi ni Aster sabay harap ulit nya sa kinain nya.
Napakamot na lang talaga ako sa ulo.
Pagkatapos kumain ay umalis na rin sila, pero si Stella babalik mamaya kasi dito muna daw sya sa apartment ko kasi kay Dion yung condo. Pumayag naman ako, pabor rin naman sa akin na kahit papaano may kasama ako dito. Dati oo gusto yung mag--isa ako kasi tahimik, pero ngayon kasi parang nalulungkot na ako 'pag mag-isa ako.
Mamaya pa naman babalik si Stella pagkatapos ng trabaho nya, principal si Stella sa school tapos si Aster naman graphic designer sa isang kompanya.
Pagkatapos ko maligo at magbihis ay nagsimula na akong magtrabaho. Virtual assistant ako ngayon sa isang client, per hour bayad ko dito, minsan binibigyan ako ng mahabang oras para tapusin ang task ko pero ako tinatapos ko kaagad para chill na lang ako bayad pa yung oras ko. Katulad ngayon, malapit ko na ulit matapos yung trabaho ko na dapat ay eight hours kong gagawin, pero naging two hours lang.
Patapos na ako nang biglang may nag-message sa akin, si Sky.
" Sorry. It's really not my intention to make you feel that way."
Alam ko naman na hindi yun yung intensyon nya. Hindi ko rin talaga alam sa sarili ko bakit ako sumabog ng ganoon. Siguro humahanap na lang din ako ng rason para magalit sa kanya at para tumigil na ako sa kahibangan ko sa kanya, para masaktan na lang ako at hindi na sya gustuhin.
"Can we meet? gusto kong bumawi sayo, please?"
Pero kung ganito siya ng ganito...
"Sagot ka naman oh. "
Paano ako tatanggi?
"Okay."