Chapter 4

Totohanin kaya natin

Totohanin kaya natin

Totohanin kaya natin

Totohanin kaya natin

Totohanin kaya natin

Hindi na mawala sa isip ko ang sinabi nya. Hindi ako nakasagot sa kanya nung gabi na yun kasi may tumawag sa kanya na kaibigan nya.

"Mababaliw na ata ako." sabi ko sa sarili ko habang ginugulo ko ang buhok ko.

Hindi ko pa makwento agad kina Aster at Stella kasi kahit ako wala pang kasagutan!

Isang linggo na ang nakalipas, siguro naman kung totoo yung sinabi niya noong reunion minessage nya na ako diba? kaso wala, kaya siguro nagbibiro lang sya noon. Bakit ba naman kasi pumasok sa isipan ko na totohanin niya yun, eh malinaw na nga na sinabi nya nung gabing yun na bakla sya.

"Lia! buksan mo yung pinto!" napabalik ako sa realidad nang marinig kong sumisigaw sa labas ng apartment ko si Stella, kaya agad akong pumunta sa may pinto para pagbuksan sya.

"Ang tagal mo naman magbukas, may tinatago kang lalaki no? ihing-ihi na ako teka!" bilis bilis syang tumakbo sa banyo. Sinundan ko sya doon pero sa labas lang ako at sumandal sa may dingding malapit sa pinto ng banyo.

"Bakit ka ba nandito? Wala ka bang trabaho?" tanong ko.

"Ayun na nga, dumaan ako dito kasi may papasuyo ako sayo. Pa-jebs na rin girl ah, grabe masama pala kumain ng maanghang tas iinom ng maasim." paliwanag nya.

Napasapo na lang ako sa mukha ko "Ano ba yung ipapasuyo mo?" tanong ko.

" Ah oo, ano kasi Lia, pwede ba ikaw kumuha ng lab results ko? may meeting pa kasi ako na pupuntahan, please. Madali lang yun, kukuhanin mo na lang, sabihin mo na lang name ko tapos ibibigay na sayo yung results." pakiusap nya.

Pumayag na lang ako, malapit lang naman dito sa tinutuluyan ko yung sinabi niyang hospital kung saan siya nagpacheck up at nagpa-laboratory. Pagkaalis nya ay naglinis muna ako ng apartment bago naligo para umalis. Iniisip ko pa kung may kailangan akong bilhin para isang labasan na lang. Nakita ko na kailangan ko na pala mag-grocery kaya nagmadali na rin ako umalis.

Isang jeep lang ang sinakyan ko at nakarating na agad ako sa hospital. Sabi ni Stella sa third floor ko daw kukunin kaya nagelevator na lang ako. Pasara na dapat yung pinto ng elevator nag biglang may kamay na sumingit kaya nagbukas ulit. Hindi ko na pinansin at tumingin na lang ulit ako sa phone ko.

"Cordelia?" napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Sky? anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Uh, nurse ako dito. Papasok pa lang ako para sa shift ko. Ikaw ba't ka nandito?" tanong niya pabalik.

Oo nga pala, nurse si Sky, pero 'di ko inexpect na dito lang pala sya nurse malapit sa apartment ko, akalain mo nga naman.

" Nakisuyo kasi yung isa kong bestfriend, si Stella, may pinapakuha syang lab result. May meeting kasi sya kaya 'di nya makukuha." paliwanag ko.

"Uh Cordelia, about that night..."

Nagbukas na ang elevator sa third floor kaya kailangan ko nang lumabas. Sya naman sa fifth floor pa.

"Osya, dito na ako. Nice to see you." sabi ko sabay ngiti ng bahagya, ayoko nang marinig kung anong sasabihin nya, alam ko naman na magsosorry lang sya kasi nasabi nya yun. Mas ok na sa akin na hindi na lang malaman, mas ok na sa akin na magpantasya na kahit isang beses at kahit saglit may pumili sa akin.

Nasa labas na ako ng elevator nang bigla siyang nagsalita at pinigilan ang elevator na magsara.

"Can we talk? I mean, only if you have time. Kahit mamayang gabi, ok ako. Just let me know." sabi nya bago magsara ang pinto ng elevator.

Hanggang makauwi ako ay iniisip ko pa rin ang sinabi nya at yung mga posibleng mangyari kapag pumayag ako na makipagkita sa kanya. Naniniwala kasi ako sa 'what you don't know won't hurt you'. Nagsimula lang ako maniwala dyan noong nalaman ko na wala na sila mama at papa, noong naramdaman ko yung grabeng sakit na hindi ko maipaliwanag kahit kanino. Ayoko na ulit maramdaman yun, takot akong masaktan dahil alam ko na yung ganoong pakiramdam.

Dumating na sila Stella at Aster, kasi sabi ni Stella dapat kumpleto daw kami kapag binuksan namin yung result. Nacurious naman ako kung tungkol saan ba yung lab result na yun.

Si Stella ang nagbukas at nang makita niya ang resulta ay napahagulgol na lang sya ng sobra. Nagulat kami ni Aster kaya agad kaming lumapit sa kanya, pinapakalma ko si Stella habang si Aster kinuha ang result at binasa.

"Buntis ka? congrats!" napasigaw si Aster.

Kinuha ko ang papel kay Aster at tsaka kami nagyakapan ni Aster dahil sa sobrag tuwa para sa kaibigan namin.

Napahinto rin kami agad nang mapansin na hindi masaya si Stella at patuloy lang ang pagiyak.

"Hiwalay na kami." mas lalo kaming nagulat sa sinabi ni Stella.

"Kung hindi ko ba sya pinilit na magpakasal, hindi nya ako iiwan? Dapat ba pumayag na lang ako? Paano kung 'di na lang talaga niya ako mahal?" tanong ni Stella sa pagitan ng mga hikbi nya.

Parehas kaming hindi nakapagsalita ni Aster habang tig-isa naming hawak ang kamay ni Stella. Kahit pa gustuhin namin magsalita, sa ganitong pagkakataon, mahirap hanapin ang tamang salita sa bigat ng nararamdaman nya.

Matagal na sila Stella at Dion, marami na rin silang pinagdaanan, pero sa lahat ng yun never kong nakita na umiyak si Stella ng ganito kagrabe. Yung iyak na parang nagmamakaawa na na sana tanggalin na yung sakit. Pero sa lahat ng tanong nya, mawawala ba yung sakit kapag nalaman nya ang sagot? paano kapag nalaman nya pero hindi yun yung inaasahan nyang sagot? hindi ba parang mas pinatay niya ang sarili nya?

Pero sa paghahanap ng sagot kahit alam mong baka mas masaktan ka, ibig sabihin lang noon na mas gusto mong masaktan ng may dahilan kaysa habang buhay kang nagtatanong.

Nakatulog na si Stella dahil sa pag-iyak, tinabihan naman sya ni Aster na nakayakap at himbing na rin ang tulog. Wala sa amin ni Aster ang nagsalita kanina, hinayaan lang namin si Stella magsalita at umiyak, hindi naman kasi sa amin gusto malaman ni Stella ang sagot sa mga tanong niya kaya ang magagawa na lang namin ay maging kaibigan nya at samahan sya sa lahat ng sakit.

Biglang tumunog ang phone ko at nakita ko ang isang text message mula kay Sky.

"Off duty na ako, text me back if you're free tonight." with a smiley face.

Nireplyan ko sya ng location kung saan kami magkikita.

Hindi ko alam kung anong mangyayari pero siguro kahit ngayon lang, gusto kong malaman ang sagot.