Chapter 3
Finally natapos ko na rin trabaho ko, sa dami kong ginawa ngayon muntik ko ng makalimutan na may pupuntahan pala akong reunion. Kaya dali-dali akong pumunta sa harap ng aparador at naghanap ng masusuot. Kailangan ba mag-dress kapag reunion o pwede na pants? Wala na rin pala akong mga make up, puro expired na! Hindi naman kasi kailangan sa trabaho ko maging presentable, kasi through chat naman kami nag-uusap ng mga clients ko, kaya ang hirap lang din sa mga ganitong sitwasyon wala akong masuot at magamit.
May nakita akong black dress na hanggang tuhod ang haba na nasa sulok ng aparador ko, halos lahat naman kasi ng damit ko kulay itim. Hindi ako magaling magdescribe ng damit pero ang masasabi ko lang, ito yung sinuot kong dress noong nakipaglibing ako sa kapatid ng lola ko. Pwede na 'to, isang libing pa lang naman napuntahan nito. May pang plantsa naman ako ng buhok kaya yun na lang ang ineffortan ko.
Sinundo ako ni Aster bandang 8 na, wala naman daw kasing dumarating ng maaga sa venue. One hour ang byahe namin kaya late na talaga kami.
"Wow all black ah, sure ka bang reunion pupuntahan mo o libing?" bati ni Aster. Pati kasi heels, hikaw, at bag ko itim, eh anong magagawa ko eto lang nasa aparador ko.
Dinaanan pa namin si Stella kaya mas lalo kaming nalate sa venue na school namin. Ang pinagdarasal ko na lang ay sana hindi pa umalis si Sky. Ang namiss lang namin sa reunion ay yung opening program kung saan nagsalita ang principal namin noon, mga teachers, at mga honor students kaya ayos lang din kasi wala naman kaming pake.
Pagkapasok namin ay dumiretso na kami sa table namin pero habang naglalakad, hinahanap na ng mata ko si Sky. Nasaan kaya sya? late din kaya sya? may jowa na kaya sya?
Gutom na kami kaya napagdesisyunan na naming kumain nang biglang may nagsalita sa stage, paglingon ko ay may nahagip ang mga mata ko na mukhang kadarating lang. Grabe, mas lalo siyang gumwapo, naggygym ba sya? sabagay maraming boylet doon.
"Huy, laway mo tumutulo." sabi ni stella sabay turo sa bibig ko at tawa kaya hinampas ko ang kamay nya.
Halos lahat na ng tao nakatingin na sa kanya imbes na sa MC. Grabe naman kasi, ang lakas talaga ng dating nya; simula pa kasi noon hindi naman na talaga crossdresser si Sky, kaya kung hindi mo kakausapin mapagkakamalan mo pa rin siyang straight.
Lahat ng makakasalubong nya nginingitian nya, friendly pa rin talaga sya, pwede nga sya tumakbong mayor eh. Kinabahan ako bigla nang mapadaan din sya sa table namin, napatingin sya sa akin at nginitian nya ako, hindi ako nakangiti pabalik kasi nabigla ako, lumagpas na lang tuloy sya at pumunta na sa table nya. Ano bang problema mo Lia? Nakakainis naman.
"Alam mo Lia, walang mangyayari kung titingnan mo lang sya buong gabi. Aba galaw galaw girl!" payo ni Stella habang may tinetext.
"Eh ano naman kasing sasabihin ko? hindi naman kami ganoon ka-close." bulong ko sa kanya kasi baka may makarinig.
"Edi simulan mo sa uy kumusta, ganoon."suggest nya.
"Hindi ba awkward yun?"
"Hindi, pero depende sa delivery mo siguro."
"Kung anu-ano na naman tinuturo mo dyan sa kaibigan natin." sabat naman ni Aster na kakatapos lang ibaba ang phone nya dahil may kausap.
Panay sunod lang ang mata ko kung saan napunta si Sky, sana kaya ko rin lumapit at kausapin sya kagaya ng mga ka-batch namin.
Maya-maya pa ay umalis sila Stella at Aster dahil pumunta sila sa ibang ka-batch namin, samantalang ako ay naiwan mag-isa kaya naisip ko na maglakad-lakad na lang ako. Naisip ko rin tuloy na sana 'di na lang ako pumunta rito, hindi ko rin naman talaga sya kayang kausapin, sana nag-movie marathon na lang ako habang nag-fofoodtrip.
"Hay..." mapapabuntong hininga ka na lang talaga.
"Lalim nun ah."
Napalingon ako sa biglang nagsalita.
"Sky..."
"Hi, anong ginagawa mo rito? malamok tsaka mahamog." sabi nya sabay tanggal ng coat na suot nya.
"Uh, wala lang nagpapahangin lang." sagot ko naman sabay ngiti ng alanganin, hindi rin ako makatingin sa mata nya!
"Ahh oh eto, suotin mo muna..." pumunta siya sa may likod ko at isunuot niya ang jacket niya sa akin.
"Papapakin kasi ng lamok yang braso mo."sabi nya sabay tawa ng kaunti.
Pagkatapos noon ay tumalikod na sya para bumalik sa loob ng school, pero napahinto sya nang bigla akong sumigaw.
"Birthday ko!"
"Birthday ko ngayon." halos pabulong na sabi ko.
Nakangiti syang humarap at naglakad pabalik sa pwesto ko, "Oh? happy birthday! sorry 'di ko alam."
"Ayos lang." sagot ko na nakayuko dahil sa hiya.
"Wait, dito ka lang may kukunin lang ako. Dito ka lang ah?" sabi nya sabay tayo na naka senyas ang kamay sa akin na wag akong aalis.
"S-sige, dito lang ako." nagtatakang sagot ko naman sa kanya.
Maya-maya rin naman ay bumalik na sya na may dalang platito na may cupcake na handa sa reunion at isang posporo. Nagsindi sya ng isang stick sa posporo at nilagay sa ibabaw ng cupcake.
" Sorry, walang kandila eh. Blow mo na dali, bago mamatay ang apoy." sabi nya na mas excited pa ata sa akin na parang siya ang may birthday.
Hindi ko napigilang mapangiti dahil sa effort na ginawa nya, kaya bago ko hipan nagwish muna ako na sana hindi muna matapos ang gabi na 'to.
Pagkatapos kong hipan ang apoy, umupo si Sky sa bench na nasa tapat namin at nilapag ang platito sa tabi nya. Idinantay nya ang dalawang kamay sa may bandang likuran para maging suporta sa bigat nya habang nakatingala sya at pinagmamasdan ang mga bituin at ang buwan. Nangangalay na rin naman ang paa ko kaya umupo ako sa tabi nya at tumingala rin.
"Alam mo ba yung pangalan ko na Cordelia, moon sya ng Uranus." bigla kong kwento sa kanya, ewan ko rin eh, parang ang gaan ng pakiramdam ko.
"Oh? kaya naman pala ang ganda at ang unique ng pangalan mo." naramdamdaman ko na tumingin siya sa akin kaya nanatili lang akong nakatingin sa langit para hindi magtama mga mata namin at bumalik pa ang hiya ko.
"Cordelia." ulit nya pa sa pangalan ko.
"Si mama nagpangalan sa akin, mahilig kasi sya sa buwan kaya noon kapag gabi, lagi kaming tumatambay ni mama sa labas tapos pinagmamasdan lang namin yung liwanag ng buwan. Pero ngayon, hindi na namin nagagawa." kwento ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa buwan.
"Bakit naman?" tanong naman nya na nakatingin pa rin sa akin.
"Wala na sila ni papa, nasa heaven na sila." sagot ko naman.
"Sorry."
"Matagal na yun." sabi ko sabay tingin sa kanya na nakangiti ng bahagya. Napaiwas din naman agad ako kasi hindi ko kaya ang hiya na nararamdaman ko.
"Ikaw kumusta?" tanong ko naman sa kanya.
"Pressured. Ako lang kasi yung lalaki 'daw' sa pamilya kaya gusto nila mama ng apo sa akin. Eh paano naman, bakla ako. Tapos nag-break pa kami ng boyfriend ko, seven years na kami pero nagawa niya pa rin akong lokohin, that asshole!" kwento nya rin na parang close na kami.
Kung titingnan mo lang si Sky, lalaki talaga sya, pero kapag nagsimula na siyang magsalita doon mo talaga malalaman na bakla sya. Kaya minsan kahit gaano ko sya kagusto, pinanghihinaan na lang talaga ako ng loob kasi nareremind ako na wala akong chance sa kanya kapag nakakausap ko na sya.
"Ikaw ba may boyfriend ka na?" tanong naman nya sa akin.
"Wala."
"Bakit naman wala? bulag ba sila? kung hindi nga ako bakla nako baka niligawan na kita."
Talaga? kung hindi sya bakla liligawan nya ako?
"Hindi ko rin alam." sagot ko.
Kasinungalingan.
Napabalik sya ng tingin sa langit.
"Alam mo natandaan ko, nung prom natin sabi ko sayo kapag wala pa tayong karelasyon kapag thirty na tayo, tayo na lang dalawa. Diba natatandaan mo?" sabi nya sabay tawa ng mahina.
Hindi ako nakasagot kasi ayokong masabi ko na hindi yun nawala sa isip ko, na hinihintay ko na mag-thirty ako para malaman ko kung totoo ba yung sinabi nya, na umaasa ako na kahit sa ganoong paraan maging kami.
"Totohanin kaya natin?" seryosong duktong nya.