EPILOGUE

"Love, tara na magagalit sa atin niyan si Aster." sigaw ko kay Sky na ang tagal sa kwarto.

Nagulat ako nang bigla siyang lumabas ng kwarto at may hawak-hawak na dalawang neck tie "Love, I can't choose, which one do you think?" sabi niya sabay taas ng hawak niya.

"Lord, ang cute po ng asawa ko." natatawang sabi ko.

"This one." turo ko sa kulay pink na neck tie.

"I knew it, eto talaga maganda." seryosong sabi niya bago ibinalik sa loob ang isa niyang hawak.

Pagbalabas niya ulit ay ipinalagay niya sa akin ang napili kong neck tie.

"There." proud na sabi ko, ilang beses ko rin kasi inaral sa internet kung paano gawin yun.

"Thank you, love." sabi niya sabay pulupot ng kamay niya sa bewang ko.

Five years na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Mabilis ang naging hatol ng korte kay Jacob dahil na rin sa may nakawitness ng pagsunod niya sa akin noong gabi na yun. At yung audition? ayun pinalad naman akong makapasa at umabot pa ako sa grand finals kaso hindi ako ang nanalo, pero ayos lang dahil nabigyan pa rin naman ako ng break at ngayon proud kong masasabi na singer na ako. Si Stella happy mommy at ready na to find a daddy, siya na ngayon ang kinukulit ko sa dating app at pakikipagdate. Si Aster, hindi talaga siya nagkaanak pero nag-adopt siya ng isang baby girl at ngayon ay ikakasal na kay Ashton na lagi niyang iniiyakan noon... oo nga pala kasal na ni Aster!

"Tara na malalate na tayo!" sabi ko kay Sky sabay hatak sa kanya paalis ng bahay.

Si Sky naman, malaya na siya sa pressure at malaya na niyang nagagawa ang gusto niya at yun ay ang gumawa ng sariling app na makakatulong din sa mga tao. Ang app na iyon ay tinawag niyang 'pasuyo', kung saan lahat ng mga kailangan serbisyo ng mga tao pwedeng ipasuyo sa app na ito, kailangan ng tubero pasuyo naman, may sunog pasuyo naman ng bumbero, may emergency pasuyo naman ng ambulansya, at marami pang iba. Ang nakakatuwa pa ay investors niya ang sarili niyang mga magulang dahil naintindihan na siya ng mommy niya at humingi na ng tawad ang daddy niya. Habang sila Hailey at Helena naman ang naghati sa pagpapatakbo ng hospital nila.

"Bakit ang tagal niyo?" bulong ni Stella sa akin nang pumila ako sa likod niya, bridesmaid kasi kaming dalawa.

"Traffic." palusot ko na lang.

"Mamaya nag-ano pa kayo kaya kayo na-late ah." biro ni Stella.

"Oo, gusto mo kwento ko sa'yo?" pang-aasar ko rin sa kanya.

"Tumigil ka nga!" ismid niya.

Nang makita namin dumating na ang bridal car ay umalis muna kami sa pila para puntahan si Aster.

"Akalain mo nga naman oh, naunahan pa ako." biro ni Stella.

"Hayaan mo, may irereto ako sa'yo dyan, maraming invited na kaibigan si Ashton na kaya kang panindigan, kaya kalma mo lang sarili mo dyan." sabi ni Aster sabay pindot ng dibdib ni Stella.

"Ano ba!" natatawang tinapik ni Stella ang kamay ni Aster.

Hindi nagtagal ay magsisimula na rin ang ceremony at isa-isa na kaming maglalakad papasok ng simbahan. Kapartner ko si Sky, dahil bukod sa asawa ko siya, close na rin kasi sila ni Ashton.

"Shall we?"tanong ni Sky kaya kumapit na ako sa braso niy at pumasok na sa loob ng simbahan.

Nang matapos ang ceremony ay pinapwesto na sa labas ng simbahan ang mga single para sa pag-salo ng bouquet ng bride, kaya lahat ng invited na single mapaano pa ang kasarian ay pumwesto na sa pagsalo.

Nang may makasalo na ay napapalakpak kami ni Aster nang makita na si Stella ang iyon.

"Ikaw na talaga yan Stella!" sigaw ni Aster kaya napatakip ng mukha si Stella dahil sa hiya.

Nang matapos ang picture-ran ay isa-isa nang nag-alisan para pumunta sa venue ng reception ang mga bisita. Habang nasa byahe naman kami ay bigla akong nakaramdam na para akong masusuka kaya inihinto muna ni Sky sa isang gasoline station ang sasakyan.

"Are you okay?" katok ni Sky mula sa labas.

"Yes, may nakain lang siguro." sagot ko pabalik.

'Wag muna Cordelia, nasa gasoline station tayo.

Paglabas ko ng banyo ay kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Okay lang ako." nakangiti kong sabi sa kanya para hindi na siya mag-alala.

Bumyahe na ulit kami papuntang tagaytay dahil doon ang reception. Halos buong byahe ay nakahawak ang kamay niya sa akin, aalisin niya man pero saglit lang. Malapit na sana kami nang may makita akong magandang view kaya pinahinto ko ulit siya bigla.

"Why? what now? anong masakit? punta na ba tayong hospital? Ano bang kinain mo?" sunod-sunod niyang tanong.

Hindi ako sumagot at lumabas lang ng sasakyan.

"Cordelia!" sigaw niya pagkalabas ng sasakyan.

Seryoso akong lumingon sa kanya.

"Sky..." seryosong tawag ko sa kanya.

Nabigla ako nang lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"I'm sorry." sabi niya.

"Ha?" napakawala ako sa yakap.

"Bakit ka nagsosorry?" tanong ko.

"A-akala ko may nagawa ako.." napakamot siya.

"Oo, may nagawa ka, pero hindi kasalanan." sabi ko sa kanya.

"Ha?" siya naman ang nalito.

"Sky, hindi ako nireregla, madalas din akong makaramdam ng pagod, nararanasan ko rin yung morning sickness, nasusuka rin ako at minsan kahit hindi umaga kasi may mga pagkain na ayoko yung lasa ewan ko rin pero gustong-gusto ko naman dati, tapos ihi rin ako ng ihi..." bigla niya akong niyakap.

"Tatay na ako?"

Tumango lang ako sa balikat niya.

"Tatay na ako, tama ako?!" umalis siya sa yakap at hinawakan ako sa dalawag balikat ko.

Tumango ulit ako.

Bigla siyang nagsisisigaw at nagtatatalon, nakangiti naman akong pinapanood siyang gawin iyon.

Pero bigla rin siyang napaupo at nagtakip ng mukha kaya nilapitan ko na siya at niyakap.

"Tatay na ako..." iyak niya sa balikat ko.

Kumalas ako sa yakap para punasan ang mga luha niya, "Oo tatay ka na at alam kong excited na siyang makilala ka... baby, ang daddy mo oh." sabi ko sabay lagay ng kamay ni Sky sa tiyan ko.

"Hi baby, I'm your daddy... I can't wait to see you. Pero ngayon sa tingin mo, papayag kaya si mommy mo na pakasalan ako ulit?" nagulat ako sa sinabi niya.

May kinuha siyang singsing sa bulsa niya.

"I never really got a chance to properly proposed to you before, at kahit na naging masaya naman tayo sa marriage natin after lahat ng mga pinagdaanan natin, I still want to make it right by renewing our vows... with our baby." nakatitig lang ako sa kanya..

"Cordelia, will you marry me again?"

"Yes!" sigaw ko sabay yakap sa kanya.

Tinulungan ako ni Sky na tawidin ang sarili kong mga linya sa buhay kaya nakausad ako at hindi nahinto sa takot at sakit. Hindi niya lang ako tinuruan magmahal pero tinulungan niya rin akong magpatawad at ituloy ang naudlot kong pangarap.

Kaya napatunayan ko na kahit gaano pa karami ang ilagay nating linya sa sarili natin para lang makaiwas sa sakit o para lang maitago ang takot natin, may isang tao na tatawidin iyon at kahit walang kasiguraduhan ay pipiliin ka paulit-ulit, pwedeng ibang tao ang gumawa noon pero pwede ring ikaw mismo para sa sarili mo.

Hindi pa ito ang katapusan ng istorya namin ni Sky, dahil sa bagong buhay na paparating, alam kong magsisimula pa lang ulit ang bagong pahina namin...

ang kaibahan lang ngayon, wala ng linya na hahadlang sa amin.

-END-