CHAPTER 21

Nakayakap si Sky sa akin ngayon at pati binti nya ay nakapatong sa akin, nakasubsob rin sya sa may taas ng dibdib ko habang ako ay nakatihaya lang at hindi makagalaw dahil parang ginawa niya akong hotdog pillow nya.

Pumayag ako na matulog kami ng magkasama dahil sabi nya baka mangyari ulit yung nangyari na bigla na lang pumapasok ang mommy ni Sky sa bahay namin.

Bigla ko na naman naalala yung kiss namin ni Sky, hindi ko alam kung paano i-oopen sa kanya kung ano na ba kami? may nararamdaman na ba sya sa akin?

Naramdaman ko bigla na bumilis ang tibok ng puso ko kaya dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap nya sa akin dahil baka marinig nya ang tibok ng puso ko. Nang matanggal ko na ay yumakap na naman ulit siya, pero ngayon ay wala na ang binti nya, sumubsob lang siya ulit sa akin.

Mukhang ganito na nga ang mangyayari kaya hinayaan ko na lang at sinuklay suklay ko pa ang buhok nya gamit ang kamay ko.

Hindi ko alam kung gising ba sya o ano pero bigla nyang kinuha ang kamay ko at iniyakap sa kanya kaya napaharap na ako sa kanya. Itiningala nya ang ulo nya at tsaka saglit na dinampian ang labi ko ng halik bago bumalik sa pagkakasubsob sa akin. Napangiti pa ako nang yakapin pa nya ako ng mahigpit, at maya-maya rin ay dinalaw na ako ng antok.

*

Nagising ako na wala na sya sa tabi ko.

"Goodmorning, Cordelia." nakangiting sabi ko sa sarili ko sabay takip ng unan sa mukha ko.

Bumangon na rin naman ako at inayos ang higaan, paglabas ko ng kwarto ay wala sya. Hindi ko alam na pang-umaga pala sya ngayon. Kumuha muna ako ng pitsel sa ref at nagsalin ako ng tubig sa baso ko para inumin nang marinig ko na bumukas ang pinto. Sisilipin ko sana kung sino ang pumasok pero huli na dahil napabangga na ako sa dibdib ni Sky kaya agad ako na lumayo.

Nagpupunas sya ng ulo nya dahil sa pawis.

"Nag-jogging ka?

"mmh.." sagot nya sabay kuha ng baso na ininuman ko at uminom din doon.

Pagkatapos niyang uminom ay ibinalik niya sa akin ang baso.

"Thanks." nakangiting sabi nya sabay lagpas sa akin.

Napanguso na lang ako dahil sa ginawa nya.

Naalala ko na may lakad nga pala ako kasama sila Stella at Aster dahil ngayong araw namin malalaman kung anong gender ng baby ni Stella. Medyo maaga pa naman kaya nagluto na lang muna ako ng umagahan namin para pagkatapos ni Sky magshower ay kakain na kami.

Nagluto lang ako ng fried rice, tustadong corned beef, at hotdog.

Sakto nang matapos ako magluto ay natapos na rin si Sky magshower, hindi pa sya nakabihis kaya dumiretso pa sya sa kwarto nya, paglabas nya tsaka lang kami kumain. Napansin niya ata na nagmamadali akong kumain kaya tinanong na nya ako.

"May lakad ka?" tanong nya.

"Ah oo, ngayon kasi namin malalaman yung gender ng baby ni Stella. Ikaw, wala ka bang pasok?" tanong ko.

"Wala, naka double off ako. Gusto mo ihatid na kita, saan ba kayo magkikita?" sabi nya.

"Hindi na, susunduin ako ni Aster. Ikaw wala ka bang lakad?" tanong ko sa kanya.

"Nagyayaya nga yung mga taga ER, pero nag-pass ako kasi nandoon din yung ex ko." sagot nya.

"Ah... tumuloy ka na, sigurado ako gusto nila na nandoon ka." sabi ko naman sa kanya.

"Gusto mo bang tumuloy ako?" tanong nya.

"Bakit naman... hindi, kung gusto mo wala namang problema sa akin." sagot ko sabay subo.

Tumuloy-tuloy lang ako ng subo hanggang sa matapos akong kumain. Uminom muna ako ng tubig bago ko nilagay sa lababo yung kinainan ko.

"Nagtext na si Aster na nag-aayos na raw sya kaya maliligo na ako." sabi ko sa kanya.

Hindi ko na sya hinintay na magsalita, kinuha ko muna ang twalya ko bago dumiretso sa banyo, sa kwarto na lang kasi ako magbibihis para hindi ako mahirapan.

Wala naman talagang text si Aster pero ewan ko, gusto ko na lang matapos agad kumain para hindi na nya ako tanungin pa. Kung gusto niyang pumunta sa mga kaibigan nya, wala namang problema, pero bakit ba naiinis ako? kasi nandoon yung ex nya? hindi naman na niya siguro mahal yun, ilang months na rin naman, tsaka yung kiss namin ni Sky at yung magkatabi na kami matulog... siguro naman may nararamdaman na sa akin si Sky diba? Siguro naman ako na pipiliin ni Sky diba?

Tinapatan ko ng shower ang mukha ko para mawala ang mga iniisip ko.

Nang matapos ako maligo ay nagbihis na rin ako. Nagtext na rin kasi si Aster kanina habang naliligo ako na malapit na daw sya kaya sakto lang din pala. Pagkalabas ko ng kwarto ay nagulat na lang ako dahil nakaupo si Aster sa sofa at umiinom ng juice.

"Nandito ka na pala." nagulat kong sabi.

"Kakadating ko lang, pinapasok na ako ni Sky. Ano tara na?" tanong ni Aster.

"Paalam lang ako kay Sky" sabi ko kay Aster sabay punta sa kusina dahil naghuhugas si Sky.

"Alis na kami." paalam ko.

"Okay love, ingat kayo." sabi nya sabay lapit sa akin at halik sa noo ko.

"Tama na yan, mahiya naman kayo sa single." sabi ni Aster at nauna ng lumabas.

"Sige..." hindi makatinging sabi ko kay Sky.

Iniisip ko pa rin kasi kung pupunta ba siya mamaya sa mga kaibigan nya, hindi ko naman matanong kasi nahihiya ako, hindi ko rin naman sya pwedeng pigilan kahit na nandoon pa ang ex nya kasi ano ba kami?

"Anong iniisip mo?" tanong ni Aster habang nagmamaneho.

"Kapag ba months pa lang hiwalay, may chance kaya na may feelings pa sila sa isa't isa?" tanong ko sa kanya.

"Sino ba yan?" tanong ulit nya.

"May napanood lang ako." sagot ko.

"Ahh, depende sa dahilan kung bakit sila nag-break, may mga nag-break kasi na matagal ng walang feelings, alam mo yun yung nasasayangan na lang sila sa ilang taon na sila pero ang totoo hindi na talaga nag-wowork at hindi na nila talaga mahal ang isa't isa, meron din namang dahil sa cheating..." paliwanag ni Aster.

"Pero kung time lang naman, wala namang maximum na tagal kung kailan makakamove on ang isang tao, may mga mabilis makamove on, meron namang matagal. Depende na lang kung kailan mawawala yung sakit, dahil hangga't nasasaktan pa yung tao hindi pa sya nakakamove on, ganun." duktong pa nya.

Mukha namang ayos na si Sky, mukha namang nakamove on na sya. Wala naman na siguro akong dapat ipagalala.

Nang makarating na kami sa dati kong apartment na ngayon ay kay Stella na ay nakita naming nakatayo na sa labas si Stella at nag-aabang na sa amin.

"Tagal nyo, ang init." reklamo nya pagkapasok sa loob ng sasakyan ni Aster.

"Ba't naman kasi sa labas ka naghintay? mamaya na-aswang ka pa." sabi ni Aster.

"Walang mangangaswang ng tirik ang araw." sagot naman ni Stella.

"Anong gusto mong gender ng anak mo?" pag-iiba ko ng topic.

"Sa totoo lang, kahit ano naman ayos lang sa akin, ang mahalaga lumaki siyang mabuting tao." sagot naman nya.

Parang nagmamature na mag-isip si Stella, mas naging tahimik na rin sya ngayon dahil sabi nya mas gusto daw ng baby na mahinahon yung boses na naririnig mula sa nanay. Nakakatuwa nga kasi kahit ang daming nangyayari sa katawan nya, mga cravings at mood swings, morning sickness rin noong una, pati na rin pagdagdag ng timbang ay kinakaya nya at niyakap nya. Naramdaman ko rin na mas naging warm siyang tao simula noong nagbuntis sya.

Nang makarating na kami sa hospital nila Sky ay dumiretso na kami sa OB-Gyne ni Stella, nakapagpalista na rin naman siya sa tawag kaya maghihintay na lang kami. Nasa gitna namin ni Aster si Stella, pinaghiwalay nya kaming dalawa dahil kami ang hindi mapakaling dalawa.

HInawakan ni Stella ang kamay naming dalawa ni Aster kaya kumalma na kami.

" Stella Marqueza." sigaw ng secretary ng OB-Gyne ni Stella.

Kaya tumayo na kaming tatlo para pumasok sa room.

Pinahiga na si Stella at kami naman ni Aster ay nakatayo lang sa gilid niya. May nilagay na parang petroleum sa tiyan ni Stella.

"Ready?" tanong ni Doktora.

" Yes po." sabay naming sagot ni Aster kaya natawa sila Stella at si doktora.

"Oh baby excited na ang mga tita-ninang mo." natatawang sabi ni doktora.

Napatakip na lang kami ng bibig ni Aster.

Nagsimula na ang ultrasound, pinaliwanag ni doktora na healthy naman ang baby at ipinaalala lang kay Stella ang mga dapat niyang gawin. Maya-maya ay napunta na ang usapan sa gender ng baby.

"Gusto nyo na ba malaman ang gender ng baby?" nakangiting tanong ni doktora.

"Opo." sagot ni Stella.

"It's a baby boy." nakangiting sabi ni doktora sa amin.

May mga tinuro pa sya sa screen, napatingin naman ako kay Aster na nakatitig lang sa baby screen. Alam ko ang nararamdaman niya kaya inilagay ko ang kamay ko sa likod nya at hinaplos iyon.

Nang matapos ay kumain muna kami ng lunch bago namin hinatid si Stella sa apartment, umabsent sya kasi pupunta ang parents nya sa apartment nya para malaman ang gender ng baby.

"Uy ingat kayong dalawa." sabi ni Stella habang nakasilip sa bintana ko.

"Sige na alis na kami, pumasok ka na." sagot naman ni Aster.

Kumaway ako bago paandarin ni Aster ang sasakyan nya.

"Tara sa condo ko, inom tayo. Umabsent rin kasi ako kaya sulitin na." yaya nya.

"May work ako." sagot ko.

"Edi doon na lang, habang nainom. Hiramin mo na lang laptop ko." sabi nya habang nagmamaneho.

"Osige." maikling sagot ko

Pumayag na lang ako kasi alam ko na kailangan nya ng makakasama.

Dumaan muna kami sa convenience store para makabili ng inumin at ng mga makakain katulad ng mga instant ramen at mga tsitsirya.

Nang makarating kami sa condo nya ay humiram ako ng pambahay na shorts para kumportable ako. Marami kaming binili na inumin kaya sinimulan na namin. Naka dalawang client lang ako kasi medyo tinatamaan na ako kaya tumigil na ako sa work dahil baka hindi ko lang magawa ng maayos.

"Tinapos ko na yung sa amin..." sabi bigla ni Aster na halatang tinamaan na pero hindi pa lasing.

"Bakit?" tanong ko.

"Yun yung tama, tsaka makakahanap din sya ng mas deserve nya." nakatulalang sabi nya.

"What if ikaw yung deserve nya." sabi ko.

"Hindi.. dapat hindi." sagot nya sabay inom.

Napatingin ako sa labas dahil nakabukas ang kurtina nya, gabi na pala.

"Tara hard na?" tanonng niya.

"Tara." kailangan kong sabayan ang trip nya dahil ito ang makakapagpagaan ng loob niya kahit papaano.

Nagsimula na nga kami sa hard nang bigla kong maisip tignan kung nagtext ba si Sky pero wala kaya pumunta na lang ako sa instagram para i-check. kung pumunta ba sya.

Wala syang post o story kaya pumunta ako sa tagged photos, nakita ko na may nakatag sa kanya na parang party kaya pinindot ko para tignan, at nakita ko na pumunta nga siya at katabi nya pa ang ex nya sa picture. Alam ko yung itsura ng ex nya at alam kong Kyle ang pangalan dahil inistalk ko sya nung wala akong magawa, kaya alam ko na eto yun, hindi ako nagkakamali

"Punuin mo Aster." sabi ko kay Aster kaya sinunod naman nya at pinuno nya nga ang baso ko.

"Shot puno!" sigaw ni Aster.

Tinungga ko iyon at nagsalin pa ng isa pa, hanggang sa nagsunod-sunod na ang pag-inom ko kaya parang lumalakas na ang loob ko.

"Aster!!"

"Oh!!!"

"Punta tayo dito.."

"Osige, book na ako!!"

Nahihilo na ako pero kailangan naming bumaba ni Aster at sumakay sa binook nya. Maya-maya ay nakarating na rin naman kami.

"Paano tayo papasok?" napahawak na ako sa ulo ko.

"May card ako."

"Sir, I have a card... We're together, not romantically but she's with me." sabi ni Aster sa bouncer.

Nakakatawa 'to si Aster!

"Shunga 'wag kang tumawa baka isipin nangtritrip lang tayo." hinampas nya ako ng malakas kaya napaupo ako.

"Masira shorts ko ano ba!"

"Akin yan, nangaangkin ka!"

"Edi iyo na, hubarin ko pa eh!"

"Ma'am pasok na po kayo."

"Thanks sir."

"Kamsahamnida." yumuko pa ako, grabe ang bait ng bouncer pinapasok ako.

"Hanapin natin si Sky!"

"Sino si Sky?"

"Asawa ko, shunga ka?"

"Osige! excuse... tabi!"

"Kamsahamnida..."

"Ayun..." napatigil ako.

"Saan?"

Nagbubulungan sila ng ex nya at nagtatawanan.

"Uy saan?" tanong ni Aster.

"Wala, tara na uwi na tayo." Biglang bumaba ang tama ko.

Habang nasa byahe kami ni Aster ay tuluyan ng bumaba ang tama ko, habang sya naman ay nakatulog. Napagdesisyunan kong 'di muna umuwi at matulog na lang muna sa condo ni Aster.

"Eto po." sabi ko sabay abot ng bayad sa driver.

Nang makaakyat na kami sa unit ni Aster ay inihiga ko na sya sa kama nya habang ako naman ay uminom ulit. KItang-kita ko sa labas na kumikidlat at parang uulan.

BIglang tumunog ang phone ko, nagtext si Sky.

"Sunduin kita?" text nya.

Tinaob ko lang ang phone ko.

Ano namang laban ko kung mahal nya pa nga?