CHAPTER 20

"Cordelia..." Paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Sky pero kahit saan ako lumingon ay hindi ko sya makita.

Maya-maya ay nawala na ang boses ni Sky at naramdaman ko naman na para akong lumilipad. Nasaan na si Sky, bakit nawala siya? Nang lumapag na muli ako sa lupa ay lumingon-lingon ulit ako para hanapin si Sky pero hindi ko pa rin sya makita.

"Cordelia, hey... mom and dad are outside..."

Ha?

Napamulat ako at nasilaw sa liwanag na nanggagaling sa bintana. Paglingon ko ay nakita ko si Sky na katabi ko habang ang kamay nya ay nasa may likuran ko pa rin at naiipit ko.

"Bakit..." hindi ko na natuloy ay itatanong ko dahil biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Sky.

"Oops, sorry." sabi ng mommy ni Sky sabay labas at sarado ulit ng pinto.

Napatayo ako sa pagkakahiga ko at napatakip ng katawan ko dahil wala akong suot na bra.

"Sorry, hindi ka kasi nagigising kaya binuhat na kita, baka magtaka kasi sila na magkaiba tayo ng kwarto." Nakaiwas sya ng tingin sa akin.

"Ayos lang, pero bakit nga pala sila nakapasok? may susi sila?" tanong ko kay Sky.

"Siguro." napakamot sya sa ulo niya.

Naunang lumabas si Sky para kausapin muna sila para makalusot na ako sa kwarto at makapagsuot ng bra, pero bago ako makalabas sa kwarto ni Sky ay napansin ko ang mga papel na nasa computer table nya, parang business plan. Bubuklatin ko na sana pero napatigil ako nang marinig ko na tumatawa ang mommy ni Sky.

Lumabas na ako ng kwarto ni Sky at tsaka dali-daling pumasok sa kwarto para magsuot ng bra pero nang papalabas na ako ay bigla akong nakaramdam na parang dadatnan na ata ako. Kukuha sana ako ng panty at napkin pero bigla na naman akong napahinto nang marinig ko na nagsisigawan si Sky at ang daddy nya.

"Ayoko nga magdoctor dad, why can't you just respect that?" saktong sigaw ni Sky pagkalabas ko ng kwarto ko.

Susuntukin na dapat sya ng daddy nya kaya napayuko siya, hindi naman ito tinuloy ng daddy nya at napatingin sa akin at tsaka umiling at umalis na lang.

"Are you okay anak?" lumapit kay Sky ang mommy nya.

"Just... just go mi." nakayukong sabi ni Sky.

Nginitian ko naman ang mommy ni Sky na parang sinasabi ko na ako na ang bahala kay Sky kaya naman umalis rin sya para sundan ang daddy ni Sky.

Nanatiling nakatungo si Sky kaya lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

"Kung gusto mong umiyak, umiyak ka na, hindi ako nakatingin." mahinang sabi ko habang nakayakap sa kanya.

Maya-maya ay narinig ko na na nagsimula na syang umiyak at sumubsob na sya sa balikat ko. Nakita ko kasi sa kanya kanina na parang gusto na nyang umiyak pero pinipigil nya lang at alam kong masakit sa loob yun kaya mas ayos na iiyak nya para gumaan din ang pakiramdam nya.

HInaplos-haplos ko ang likod nya.

Medyo matagal na rin kaming magkayakap at wala na rin tunog ang iyak nya, pero hindi pa rin tumitigil ang luha nya dahil nararamdaman ko pa sa balikat ko; kaya naisip kong kantahin ang kantang kinakanta ni mama sa akin kapag umiiyak ako dahil may sugat ako.

"Lift your head, baby, don't be scared of the things that could go wrong along the way. You'll get by with a smile, you can't win at everything but you can try..." mahinang kanta ko habang hinahaplos ang likod nya.

Kumawala sya sa yakap at nakita ko na basang basa ang mukha nya ng luha nya kaya hinawakan ko ang dalawang pisngi nya para punasan ang mga luha nya.

"Kuhanan lang kita ng tubig." sabi ko sa kanya.

Bigla nya akong hinawakan sa braso ko.

"Bak--?" hindi ko natuloy ay sasabihin ko dahil lumapit siya sa akin at hinawakan nya ang dalawang pisngi ko bago tuluyang magdampi ang mga labi naming dalawa.

Marahan nya akong hinalikan habang ang isang kamay nya ay lumipat sa may bewang ko papunta sa may likuran ko at itinitiin pa ako papalapit sa kanya.

Parang nawalan ako ng sariling pag-iisip dahil hindi ko magawang itigil ang halik. Ipinulupot ko ang dalawang kamay ko sa leeg niya kaya ang isa nya pang kamay na nasa mukha ko ay inilagay nya sa bewang ko bilang alalay dahil naglalakad kami paurong, naramdaman ko na isinandal nya ako sa dingding habang patuloy pa rin nya akong hinahalikan.

Biglang tumunog ang phone nya na nakapatong sa kitchen counter kaya napamulat ako pero nakita ko sya na nakapikit pa rin at patuloy pa rin sa paghalik sa akin.

"Sky..." maikling sabi ko sa pagitan ng mga halik nya.

"Tawag..." sabi ko ulit.

Bigla syang huminto sa pahalik sa akin at namula ang mukha.

"S-sagutin ko lang." nauutal at hindi siya makatingin sa akin.

Dali-dali nyang dinampot ang phone nya at tsaka pumasok sa kwarto nya, habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Hindi naman ito ang first time na nagkiss kami ni Sky, pero parang iba 'to.

Napasuntok ako sa dingding sa kilig pero huminto rin nang lumabas si Sky sa kwarto nya kaya napaayos ulit ako ng tayo.

"S-sorry may tumawag.." sabi nya na hindi makatingin ng maayos sa akin.

"Okay lang." nahihiyang sagot ko.

Hinahaplos nya ang batok nya habang unti-unting lumalapit sa akin. Bakit? Itutuloy ba namin yung naudlot kanina!?

Pero bago pa man sya makalapit sa akin ay narinig namin ang truck ng basura.

"Basura.." naiilang niyang sabi.

"Oo nga, badtrip." mahinang sabi ko.

"Ha?" tanong nya.

"Wala." natatawang sabi ko.

"Ilabas ko lang yung basura." paalam nya at tumango naman ako.

Sinilip ko kung nakalabas na sya sa main door bago ako nagtakip ng bibig ko at tumili ng walang tunog.

Kailangan kong ikwento 'to sa mga kaibigan ko!

Mag-chachat na sana ako sa group chat naming tatlo nang mag-personal message bigla sa akin si Aster.

"Inom? sa tambayan dati, nandito ako ngayon." text nya.

Hindi na ako nagtanong.

"Sige, hintayin mo ako." reply ko.

Dali-dali kong kinuha ang twalya ko at pumunta sa banyo para maligo.

Hindi man sinabi ni Aster alam kong may problema sya, hindi naman kasi iinom yun ng ganitong oras kung wala. Napailing ako habang nagshoshower dahil kailangan ko ng magmadali para mapuntahan ko na si Aster.

Nang matapos ako ay doon ko lang narealize na twalya lang ang nakuha ko kaya nagtapis na ako at tsaka lumabas na sa banyo para makapagbihis na sa kwarto.

Paglabas ko ng banyo ay nasa kusina na si Sky at nagluluto sya. Tumingin sya sa akin pero hindi nagsalita at napalunok lang. Pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis na, nagpants lang ako, t-shirt na black, at sneakers din na black. Nagblower lang ako ng buhok at inipit ko na rin dahil alam kong mahangin sa dati naming tambayan.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nasa tapat si Sky ng pinto ko.

"Aalis ka?" tanong nya.

"Oo, tumawag kasi si Aster." sagot ko.

"Kain ka na muna, nagluto ako." sabi nya.

"Hindi na, sasabayan ko na si Aster. Sorry, alis na ako." sabi ko.

Nang makasakay na ako sa jeep ay tinext ko si Aster na papunta na ako. Ang dating tambayan namin ay rooftop ng isang lumang building. Doon kami laging tumatambay dahil nakakapag-ingay kami doon kapag umiinom kami. Ngayon kasi 'di na kami basta makatambay doon dahil busy na sila.

Nang makarating ako ay agad akong umakyat, kaya rin talaga ako nagitim kasi para hindi makita ang pawis ko sa pagakyat dahil 15 floors at hagdan lang, isa pa ring rason bakit hindi na kami madalas dito ay dahil sa tumatanda na rin kami, madali ng hingalin dahil sa mga wala kaming exercise.

Nang makarating ako sa rooftop ay nakita ko agad si Aster, kaya tumabi ako sa kanya ng walang sinasabi dahil alam ko rin naman na alam nyang nandito na ako.

"Oh." alok niya sa akin ng beer at isang burger.

Alam nila ni Stella na nagkastomach ulcer ako dahil sinabi ko sa kanila sa tawag pagkauwi namin ni Sky galing sementeryo last week.

Kinuha ko ang beer at isang burger, kumain muna ako bago ako uminom.

Tahimik lang ako dahil hinihintay ko na sya na mismo ang magkwento.

"Nagpacheck up ako, gusto ko kasing magkaanak, pero sabi ng doctor malabo daw mangyari yun... baog ako Lia." sabi nya sabay inom sa beer nya.

Hindi ko alam na gusto nya pala magkaanak. Lagi nya kasing sinasabi noon na hindi sya mag-aanak kasi sakit lang daw sa ulo.

"Alam ko dati, sabi ko sa inyo na ayaw ko magkaanak pero ewan ko rin bakit biglang nagustuhan ko yung idea na magiging nanay ako sa mga anak namin." patuloy nya pa.

"Haay Lia, ang dami kong gustong ikwento pero 'wag na lang muna. Baka tapusin ko na rin eh, wala naman syang mapapala sa akin." duktong nya pa.

Lines.

"Paalala ko lang yung sinabi mo sa akin noon na walang sigurado sa buhay at kailangan mo lang subukan para wala kang pagsisihan sa huli. Sana kung ano man maging desisyon mo, hindi mo pagsisihan." sabi ko sabay inom sa beer ko.

Hindi ko man kilala kung sino ang tinutukoy ni Aster, alam ko na mahal na nya ang taong iyon dahil naiisip na niyang bumuo ng isang pamilya kasama ang taong yun. Kaya sana lang hindi nya pagsisihan ang kung ano mang maging desisyon nya.

Kinailangan na ring bumalik ni Aster sa trabaho niya kaya umalis na rin kami, hindi na ako nagpahatid sa kanya at nag-commute na lang. Nang makapasok na ako sa loob ng bahay ay nagtetxt si Aster.

" Sa atin na lang pala muna yun, ayoko na mag-alala si Stella.." text nya.

"Okay sige." reply ko sa kanya.

"Nandyan ka na pala." nakangiting bati ni Sky.

Ngumiti lang ako bilang sagot dahil parang nakakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam, pakiramdam na buwan buwan kong nararanasan.

Nilagpasan ko si Sky at dali-daling pumunta sa kwarto para kumuha ng napkin, underwear, shorts, at maluwag na t-shirt.

Napasigaw ako nang makita ko na wala na pala akong stock.

"Are you okay?" dali-daling pasok ni Sky sa kwarto ko.

"Wala na akong napkin.." sagot ko.

Sumasakit na rin ang puson ko kaya doon na ako nakafocus.

"Bibili ako, dyan ka lang." nagmamadali niyang sabi.

Halos mapahiga na ako sa sahig at kinikilabutan na rin ako sa sakit. Nakalimutan ko na magkakaroon nga pala ako, at kaya rin pala nung nasa jeep ako akala ko ulcer na naman yun pala eto na, hindi na ako bumili ng napkin.

Maya-maya ay nandyan na si Sky.

"Here." sabi nya sabay labas ng lahat ng binili nya.

"Bakit ang dami?" tanong ko.

"Hindi ko kasi alam ano ba ginagamit mo."

Pinigil ko ang tawa ko kasi alam kong may bubulwak kapag tumawa ako. Kumuha na lang ako ng isang pack ng all night with wings na napkin sabay takbo sa banyo bitbit ang pamalit ko.

Nang matapos ay lumabas na rin ako sa banyo at bumungad sa akin si Sky at hinatak nya ako papunta sa kama ko at pinahiga nya ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang sumampa rin sya sa kama ko.

"Sky... meron ako, pwedeng next time na lang?" nahihiyang sabi ko.

"Ha? hihilutin ko lang puson mo, nakita ko kasi na may ganito ka sa lalagyan mo." sabay pakita nya ng panghilot na binili nya.

"Ahh.." matipid kong sabi.

Nakakahiya ka naman Cordelia, mamaya isipin ni Sky ang manyak mo na bigla.

Itinaas nya ang porsyon ng damit ko sa baba para mahilot nya ang puson ko. Ang weird lang ng pakiramdam na hinihilot nya yung puson ko.

"Hindi ka ba umiinom ng pain reliever?" tanong nya.

Umiling lang ako.

"Ano gusto mong kainin?" tanong nya.

"Ikaw... bahala." sagot ko, medyo napadami kasi yung nilagay ni Sky kaya nararamdaman ko na sobrang init ng puson ko pero hindi ko pinapahalata.

"Okay." nakangiting sagot nya.

Paglabas nya ng kwarto ko ay pinunasan ko ang puson ko dahil sobrang init talaga, pero guminhawa na rin pakiramdam ko dahil sa hilot nya kaya nung humupa na ang init ay inantok na ako.

*

Nagising ako nang maamoy ko na parang may pizza at carbonara at maya-maya ay may pumasok na sa kwarto ko.

"Gising ka na pala." si Sky na may dalang pizza at isang mangkok ng carbonara, may dala rin siyang fries at mga chocolates.

"Bakit ang daming pagkain?" tanong ko.

"Sabi ganyan daw kapag may period..." sagot nya.

"Sino nagsabi?" tanong ko.

"Yung napanood ko sa... lesson namin... noon, bigger appetite before or during... period, kain ka na." putol-putol niyang sabi.

Natawa naman ako sa kanya.

Pero ang totoo nyan, wala akong gana kapag may period ako kasi pakiramdam ko busog ako kapag masakit yung puson ko. Pero dahil nag-effort sya, kakainin ko pa rin

Pagkatapos kumain ay nakahiga lang ako maghapon, ni-hindi nga ako makatrabaho kasi naiirita ako sa puson ko kaya bukas na lang.

Kinagabihan ay lumabas na ako para magluto ng kakainin pero nakita ko si Sky na may nakasalang na na niluluto habang nagaayos ng cabinet

"Bakit tinatanggal mo yung name?" tanong ko.

"Uy, gising ka na pala, eto tinatanggal ko na para kung ano yung pagkain ko pwede mo na kainin." natatawang sabi nya.

"Tapos sabay na tayo mag-grocery para mabudget din natin." duktong nya pa.

"Bakit?" naguguluhan ko pang tanong.

"Wala lang, kasal naman tayo kaya kung ano ang akin ay sayo rin." sabi nya pagkalapit nya sa akin at pisil sa pisngi ko.

Napangiti na lang ako.

"Ako na maghain." presinta ko.

"Okay po." nakangiting sagot nya.

Ang weird talaga ng araw na 'to pero gusto ko 'to.

Maya-maya ay kumain na rin kami.

Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.

"Okay ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Yes, thanks to you." nakangiting sagot nya kaya napangiti rin ako.

Bigla ko tuloy naalala yung business plan nya.

"Nakita ko nga pala yung business plan sa table mo kanina, bakit hindi mo ituloy?" sabi ko.

"Tingin mo kaya ko?" tanong nya.

"Oo naman, matalino ka at magaling, kaya kakayanin mo yun." nakangiting sabi ko.

"Alam mo may narinig ako na ano ba dapat ang sinusunod, utak o puso? Kapag utak daw ang sinunod mo, dadalhin sa noon sa alam nyang tama. Kapag puso naman, dadalhin ka noon sa kung saan ka sasaya. Anong pipiliin mo?" tanong ko.

"Ako na maghuhugas." sabi ko ulit sabay tayo.

Hindi ko na sya pinasagot dahil gusto kong pagisipan nya yun, alam ko na yun ang gusto nya at natatakot lang sya.

Nang matapos na ako maghugas ay naisip ko na rin maghalf bath na rin ako dahil gusto ko ng pumunta sa kwarto ko para matulog, dahil kapag meron ako ay gusto ko lang lagi nakahiga, pero pinigilan akong pumasok ni Sky.

"Bakit?" tanong ko.

"Let's... sleep together."