CHAPTER 14
After sa simbahan ay kumain lang kami sa restaurant dahil ilan lang din naman kami. Halos sila lang ang nag-uusap habang ako ay tahimik lang dahil sa pagod na ako.
"Are you ok?" bulong ni Sky sa akin.
"Oo, medyo pagod lang." sagot ko naman.
Nang matapos na kami kumain at mag-uuwian na ay lumapit sa akin ang kambal at kinongrats ako, yun lang din ang sinabi nila dahil nagmamadali rin ata sila.
"Hija." tawag sa akin ng mommy ni Sky.
Lumapit naman ako sa kanya.
"Tita.." sagot ko.
"Anong tita ka dyan, mommy." Pagcocorrect nya sa akin.
Hindi ako sanay na may tinatawag na mommy kasi matagal-tagal na rin nung huli, parang bago na ulit sa pandinig ko kapag nanggagaling sa akin yung mga salitang 'mommy' at 'daddy'.
"Mo-mommy..." pagsunod ko naman sa kanya.
"Yan." sabi nya sabay ngiti kaya napangiti na lang din ako.
Sobrang bait ng mommy ni Sky kaya kahit naiilang ako na tawagin siyang 'mommy', alam ko na darating yung araw na masasanay rin ako dahil sobrang warm makitungo ng mommy ni Sky.
"Eto hija." sabi ng mommy ni Sky sabay abot ng isang white envelope.
"Ano po 'to?"tanong ko.
Lumapit naman sya ng kaunti sa akin para bumulong.
"Alam ko sobrang naging busy kayo ni Sky sa pag-aasikaso sa kasal kaya ako na ang nagayos ng honeymoon nyo."sabi nya sabay hagikhik.
"Po?" gulat na tanong ko.
"Plane ticket yan papuntang Siargao." sabi nya sabay takip ng bibig dahil sa kilig.
Pinipilit kong itago sa mommy ni Sky ang stress ko sa sitwasyon.
"Thank you po." sabi ko na lang sabay tawa ng alanganin.
Buti na lang at lumapit sila Stellaat Aster sa akin kaya naligtas ako sa mommy ni Sky dahil umalis na rin ito para magpaalam kay Sky.
"Oh ba't parang namumutla ka?" tanong ni Aster.
"May sinabi ba sayo mommy ng asawa mo?" dugtong na tanong ni Stella.
"Binigyan nya ako ng plane ticket.. plane ticket namin ni Sky pa-Siargao."nanghihina kong sabi.
Tumili naman ng mahina si Stella kaya tinakpan ko ang bibig nya pero tinanggal nya rin.
"Magkakaroon na nga agad ng kalaro baby ko!" sabi nya pa sabay hampas sa balikat ko.
Kung alam lang nila ang sitwasyon namin ni Sky.
"Sabi sayo eh." sabay tingin sa akin ni Aster ng nakakaloko.
"Tumigil nga kayo." sabi ko sa kanila pero hindi pa rin sila tumitigil sa pagtawa.
"Love, uwi na tayo?" Sabi ni Sky na nasa gilid ko na pala.
"Uy love daw." sabi ni Stella kaya naghampasan na naman sila ni Aster sa balikat.
"Hindi pa ba kayo uuwi?" sabi ko naman sa kanila habang nilalakihan ko sila ng mata.
"Oo na uuwi na kami love." Asar pa ni Aster.
"Ingat kayo." sabi naman ni Sky habang kumakaway sa kanila at ako naman ay napasapo na lang sa mukha ko.
Umalis na rin kami ni Sky, kasunod nila. Habang nasa byahe kami ay tahimik lang kaming dalawa; hindi ko rin naman kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya kaya nagtulog-tulugan na lang ako.
"Are you sleeping?" Nag-aalangan nyang tanong.
Nang hindi ako sumagot ay pinatay nya ang tugtog at medyo nilaksan ang aircon napahaplos ako sa braso ko dahil nilalamig na rin naman ako pero kunwari tulog pa rin kaya hininaan nya ulit yung aircon.
Muntik na akong mapagalaw nang bigla syang may pinatong sa akin, parang kumot, may kumot sya sa kotse nya?
Hindi pa rin naandar yung kotse dahil sa traffic kaya sana mapanindigan ko 'to kasi medyo nakakamanhid din ng braso kapag matagal na, medyo nakaharap din pala ako sa kanya kaya dagdag hirap sa pagpapanggap.
Muntik na naman akong mapagalaw nang maramdaman kong hinaplos niya ang buhok, pero unti-unti rin ay inaantok na ako ng totoo dahil sa haplos nya sa buhok ko.
*
Nang makarating kami ay bahay ay nagising ako dahil na rin sa mga pagbukas ng pinto, nakita ko na may nilalabas pala si Sky sa kotse niya na mga gamit nya. Inabot ko ang bag ko na nasa backseat bago lumabas ng kotse.
"Gising ka na pala." bati nya ng nakangiti
"Sorry nakatulog ako kanina."sabi ko naman.
"It's alright, I know you're tired."
"Kailangan mo ba ng tulong?" tanong ko naman.
"No, ayos lang ako. Pasok ka na." sagot naman nya.
"Ah sige.' sabi ko.
Pagkapasok ko ay nilagay ko muna ang bag ko na puro mga damit lang din at iba pang mga personal na gamit.
Nakita kong nalaglag ang envelope na binigay sa akin ng mommy ni Sky, agad ko iyong pinulot at nang marinig ko na nasa loob na ng bahay si Sky ay lumabas ako ng kwarto para sabihin sa kanya ang tungkol doon.
"Sky may binigay nga pala yung mommy mo, plane ticket sa Siargao para daw sa... ho-honeymoon." nahihiya kong sabi.
"Si mommy talaga." Napasapo sya sa mukha nya.
"Anong gagawin natin?" tanong ko sa kanya sabay lapag ng ticket sa dining table.
"We have no choice but to use it, mas marami pang tanong kapag hindi tayo tumuloy." sagot naman nya sabay inom ng tubig.
Napatingin akosa adam's apple nya na parang nauhaw din ako.
"Are you ok?" tanong nya.
"Ah... oo, tama ka gamitin na lang natin hindi pa rin kasi ako nakakapuntang Siargao kaya ayos din yun. Osige, mauna na ako maligo ah." tulo-tuloy kong sabi sabay alis at pasok sa kwarto ko.
Kaya talaga delikado yung honeymoon na yan eh, kung anu-ano pumasok sa isip ko wala pa man.
Kinuha ko ang towel ko at damit tsaka ako lumabas para pumunta ng banyo at maligo. Paglabas ko ay nandoon pa si Sky at napatingin sa akin.
"Ligo lang ako.' sabi ko sabay ngiti.
Hala, ano ba 'to! Bakit ba sinasabi ko sa kanya na maliligo na ako.
Pagkapasok ko sa banyo ay napagulo na lang ako ng buhok ko.
"Kumalma ka Cordelia." bulong ko sa sarili ko.
Inayos ko muna ang mga pang skin care ko sa lalagyan na para sa akin bago ako tuluyang naligo.
Nang matapos ako maligo ay nagbihis na ako at tsaka nag skin care bago lumabas ng banyo. Napaatras naman ako kaunti dahil sa gulat nang makita ko na nagsisit-ups si Sky sa sala. Napahinto naman sya at napaupo na lang.
"Nag-eexercise lang. Tapos ka na pala, ako naman." parang natataranta nyang sabi sabay pasok sa kwarto nya at lumabas na may dalang twalya.
"Ligo lang ako." sabi nya bago pumasok sa banyo.
Hindi naman ako makagalaw sa pwesto ko at ramdam na ramdam ko ang init ng mukha ko. Umiling-iling ako para alisin ang namumuong malisya sa utak ko at tsaka pumasok na sa kwarto ko.
Nang matapos ko nang ayusin ang gamit ko ay lumabas ako para kumuha ng tubig at para iabot yung contract, medyo matagal na rin naman ako sa kwarto kaya baka tapos na sya kanina pa maligo. Pero pagkalabas ko ay sakto ring lumabas si Sky sa banyo na naka twalya lang isa ibaba. Huminga ako ng malalim at hindi ko na lang tiningnan ang perfect at pasok sa standards ko na katawan nya.
Pero dahil dyan ay para kaming nagpapatintero, kaya tutal nandito na sya iabot ko na yung contract.
"Uh.. Sky." sabi ko kaya napahinto sya.
Sobrang lapit nya kaya medyo lumayo ako para makatingin ako sa mata nya.
"Eto nga pala yung kontrata natin, na-sign ko na yan ikaw na lang kulang, pero siguro kahit bukas mo na lang ng morning ibigay sa akin yung copy ko." sabi ko sabay abot ng contract namin sa kanya sabay ngiti at lagpas sa kanya.
HIndi sya nagsalita at maya-maya ay pumasok na rin sya. Napasara naman akong ref at napahawak sa dibdib ko.
"Tama lang yan Cordelia, yun lang naman talaga 'tong kasal na 'to, isang kontrata kaya wala ka dapat i-expect." Pagpapaalala ko sa sarili ko.