CHAPTER 10
Nandito ako ngayon sa hospital ng family ni Sky, dapat susunduin nya ako para sabay na kami pumunta sa bridal fair pero naipit daw sya kasi wala pa yung ka-endorse nya tapos ang toxic pa ngayon dahil ang daming nagpapaadmit.
Aligagang napadaan sa harap ko si Sky habang maraming hawak na folder na naglalaman ng patient's profile. Napatingin sya sa akin kaya naman ay ngumiti ako sa kanya tapos sinagot nya naman iyon ng wait na sign sa kamay nya at sorry daw.
Naglaro muna ako habang naghihintay sa kanya pero napatingin ako sa nurse counter nang narinig ko ang boses ni Sky. May kausap syang nurse rin na lalaki, medyo magkalapit sila at medyo napapangiti si Sky sa sinasabi nung nurse na iyon. Napakapit ako ng mahigpit sa bag ko nang makita ko na bumulong pa ito kay Sky at tsaka sila tumawa.
Biglang nawala ang kunot sa noo ko nang lumingon sa akin si Sky kaya ngumiti ako, pero nang makita ko na lumingon din sa akin yung kausap nyang lalaki na nurse ay nawala ang ngiti ko at nag-bow lang na parang bati ng mga Korean.
Binaling ko na ulit ang tingin ko sa phone ko at naglaro na lang ulit pero nagulat ako nang biglang may nagsalita sa harap ko, pagtingala ko ay nakita ko ang nurse na lalaki na kausap ni Sky kanina.
"Hi, ikaw yung fiance ni Sky right?" tanong nya.
Tumango lang ako,.
Bigla siyang nag-lean, yung dalawang kamay nya nakapatong sa kanyang tuhod kaya nakapantay na sya sa akin.
"I'm Jacob." sabi nya sabay lahad ng isang kamay nya sa akin habang nakapatong pa rin ang isa sa kanyang tuhod.
"Lia." sagot ko at nakipagkamay ako sa kanya.
"Nice to meet you Lia." sabi nya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
Naiilang ako kaya hinahatak ko na pabalik yung kamay ko pero ang higpit ng hawak nya.
"Jacob..." nakita ko na tinapik ni Sky ang balikat ni Jacob.
Bigla namang binitawan ni Jacob ang kamay ko at tsaka tumawa.
"Chill." sabi nya sabay alis pero tinapik nya rin sa balikat si Sky.
Nang makalayo na si Jacob ay umupo si Sky sa tabi ko.
"Sorry, flirt kasi talaga yun si Jacob, pero are you ok? may sinabi ba sya sayo?" tanong nya.
Umiling naman ako at ngumiti sa kanya, wala naman kasi talaga, nailang lang ako kasi ang higpit ng hawak ny sa kamay ko.
"Ok, buti naman." sabi nya naman sabay haplos sa buhok ko.
"Tapos na rin naman yung duty ko, kunin ko lang yung things ko at magpapalit din ako ng damit and then alis na tayo." sabi nya sabay ngiti.
Tumango naman ako kaya tumayo na sya para kunin ang mga gamit nya.
Maya-maya ay umalis na rin kami, sobrang init nga lang at traffic pa kaya kinuha ko na lang ulit ang phone ko at nagtingin sa instagram.
Nakita ko na may post kagabi ang sikat na artista na si Zea Curtis, pinost nya yung editorial photoshoot nya sa isang magazine. Nilike ko ito at nakita ko na nakalike din ni Sky ito at may comment pa.
"Slay!" comment nya.
Napangiti naman ako.
Inopen ko pa ang account ni Zea para tingnan kung may mga iba pa syang comment kay Zea.
"So pretty!"
"Gorg!"
"Queen!"
Yung iba ay emoji na fire.
Nakakatuwa naman, fan sya ni Zea.
"Cute." Bulong ko habang nakangiti at nagtitingin pa ng mga comments nya sa mga posts ni Zea.
"Sinong cute?" Nagtatakang tanong ni Sky.
Lumingon ako sa kanya at bakas sa mukha nya ang pagtataka.
"Wala, secret." sagot ko naman sabay tawa ng mahina at balik sa pagtingin sa phone ko.
Nakita ko sa peripheral vision ko na nag-ayos sya ng buhok kaya napalingon ulit ako sa kanya at nakita ko sya na nakanguso na tumingin sa bintana nya habang ang isang kamay ay nakapatong sa manibela, at ang isa ay naka dantay ang siko sa maliit na space sa may bintana habang inaabot ng dulo ng daliri ang labi nya.
Naisip ko tuloy na kuhanan sya ng litrato habang hindi sya nakatingin. Medyo silhouette kaya hindi halata na sya yun. Tinago ko bigla ang phone ko nang bigla syang umayos ng upo nya dahil umaandar na ang trapiko.
*
"Here's your nametags, enjoy." sabi ng front person ng event.
Pumasok na kami ni Sky sa loob.
Wala naman kaming gagawin dito kasi naplano naman na namin ni Sky lahat at naasikaso na namin ng palihim, sadyang pinagbigyan na lang talaga namin ang mommy ni Sky.
Napanganga naman ako sa daming tao at sa dami ng magagandang gowns at bridal car na nagkalat sa venue.
Biglang hinawakan ni Sky ang palapulsuhan ko at tsaka ako hinatak papunta sa isang booth at tinanong nya kung pwede banng isukat ang gowns at suits. Ineexpect ko na hindi papayag pero pumayag ang may-ari ng booth at pinapunta kami sa may fitting nila.
Pinilian ako ng designer at tsaka ako pinapasok sa loob at ganoon din si Sky pero sa kabila naman.
Naunang natapos si Sky dahil tinanong niya ako kung ok lang ba daw ako. Ang totoo kasi nahihiya akong lumabas kasi walang salamin dito sa loob kaya hindi ko alam kung ano itsura ko, pero lumabas pa rin ako kasi baka magalit yung designer.
Paglabas ko ay nakita ko si Sky at napatulala na lang ako sa kanya dahil sobrang bagay sa kanya ng suit na suot nya. Hindi ko alam anong sasabihin ko sa kanya kaya ngumiti na lang ako sa kanya.
"Selfie... Selfie tayo." sabi nya sabay kuha ng phone nya na parang natataranta pa.
Nang makuha niya ang phone nya ay lumapit siya sa akin at tsaka kami nag-selfie, isesend nya daw kasi sa mommy nya.
"Nag-iba ka ng perfume?" tanong nya.
Napanganga naman ako sa gulat dahil paano niya nalaman?
"Although it smells good, I like the other one, mas ikaw yun."
Napanguso naman ako dahil iniisip ko kung dadaan ba ako sa mall mamaya o sa online na lang ako bibili nung luma kong perfume.
Napatingin ako sa designer nang alukin nya kami na kuhanan ng picture ni Sky, nagpasalamat naman kami ni Sky.
Kinuha nya ang phone ni Sky at tsaka kami pinaayos ng pwesto ni Sky.
Hinawakan ni Sky ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Oh isa pa." sabi ng designer.
Tumingin na ako sa camera.
"Cute nyo, nung una si ma'am yung nakatingin kay sir tapos nung pangalawa si sir naman ang nakatingin kay ma'am." sabi nung designer na tumatawa pa ng kaunti at tsaka inabot ang phone kay Sky.
Nagpalit na kami ng damit ni Sky, pero bago kami umalis ay nagbigay ng business card yung designer ng gown para macontact daw namin sya.
Pagkatapos sa booth na yun ay naglibot-libot na lang kami ni Sky at paminsan-minsan ay nagpipicture para i-document ang pagpunta namin dito at iupdate sa mommy nya. Sa tagal naming naglilibot ay hindi namin namalayan na gabi na pala kaya nagyaya si Sky na kumain na kami ng dinner.
Habang hindi pa kami naalis ay tinanong niya ako kung saan ko gusto kumain kaya sinabi ko sa kanya yung isang open space na maraming food stalls at pumayag naman sya.
Pagkadating namin doon ay natuwa naman sya dahil ang daming pwedeng pagpilian kaya ang ending ay ang dami naming nabili. Ako ang naunang umupo at tsaka naman sya sumunod na ang daming bitbit na pagkain.
Pagkaupo nya ay tuwang-tuwa syang nagkwento noong bumibili sya ng pagkain. Pinakinggan ko lang sya habang nagkwekwento, minsan ay nagkakadumi pa ang gilid ng bibig nya kaya pinupunasan ko iyon. Pagkatapos nya kumain ay tumayo pa sya para bumili pa, natatawa naman akong tumango lang sa kanya.
Medyo nagtagal kami kumain dahil ang dami niyang kinain lalo na mga street foods kasi ngayon na lang daw siya ulit nakakain noon. Pero nang matapos naman sya ay nagyaya sya na maglakad--lakad muna para bumaba ang kinain namin.
Habang naglalakad ay may nadaanan kaming convenience store kaya bumili siya ng ice cream doon.
Kinain namin yung ice cream habang naglalakad.
Walang nagsasalita sa amin kaya kinuha ko na lang yung phone ko para tingnan ang ginawa kong wallpaper ko na picture nya.
Napahagikgik ako kaya naman napatingin si Sky sa akin at tsaka nagtangkang sumilip sa phone ko, kaya agad kong tinago sa bulsa ko ang phone ko at naunang maglakad sa kanya habang nakangiti.
"Uy, ano ba yung tinitignan mo?" habol naman nya sa akin.
Tinawanan ko lang sya.
Napahinto naman kami nang maramdamang naulan na. Hinawakan nya ako sa palapulsuhan ko at hinatak ako para tumakbo at humanap ng masisilungan.
"Basang basa ka na."sabi ko sa kanya. Nilabas ko ang panyo ko sa bulsa para punasan ang buhok niya.
"Ikaw rin." sabi rin nya sabay punas ng mukha ko gamit ang dalawang kamay nya.
Inilugay ko yung buhok ko na nakatali para matuyo, pinunasan ko rin ang buhok ko gamit ang panyo ko.
"Grabe ang lakas ng ulan..." Napahinto ako sa pagsasalita at pagpunas ng buhok ko nang makita ko na nakatitig lang sa akin si Sky.
"Ayos ka lang ba Sky?" tanong ko.
Lumapit ako sa kanya para punasan ang mukha nya.
"Uy?"
Hindi sya sumagot ngunit unti-untig lumalapit ang mukha nya sa akin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero automatic na pumikit ang mga mata ko na para bang hinihintay ang pagkakataong ito.
Hahalikan nya ba ako?.