Thirty Eight
"Oh no." sabi ni Fade sa bestiang kaharap niya.
Agad naman siyang hinatak ni Helium sa dilim at tinakpan ng bibig niya.
"Shh. H'wag kang maingay. Hindi nakakakita ang bestiang yan pero magaling siyang makiramdam. Kung mag-iingay ka, lalo lang siyang magwawala." bulong ni Helium sa kanya.
Agad namang tinanggal ni Fade ang pagkakatakip sa bibig niya at huminga ng malalim. Walang sagot-sagot ay gumawa ng paraan si Fade para malito ang nasa harap niya.
Sa labas ng selda, isa ding dambuhalang bestia ang nagwawala na ginawa ni Fade. Natuon naman doon ang atensyon ng bestia. Nang mapansin nilang ayos na ang lahat ay lumabas na si Fade sa selda at dumiretso na sa pinanggalingan niya.
"Sandali lang Fade." sabi ni Helium habang sumusunod siya patungo sa lagusan.
"H'wag ka ng sumunod kung gusto mo pang mabuhay."
"Fade. Kung kailangan mo ng tulong ko, tawagin mo lang ako. Darating ako." sabi niya at bumalik na siya sa loob ng kulungan.
* * *
"So... maghihintay na lang talaga tayo?" tanong ni Airy gamit ang kanyang isip. Ilang araw na rin silang naglalakbay patungo sa kaharian nila Pipe.
"Bakit di na lang natin sabihin kay Fade na gumawa siya ng gulo sa may tarangkahan at tatakas tayo?" sabi naman ni Kill.
"Hindi. Ipinaubaya na natin sa kanya ang pagpapalaya sa mga nabihag. Hindi naman pwedeng pati ang pagharang sa harapan ng tarangkahan sa kanya rin manggagaling." sabi naman ni Pipe.
"Edi gumawa na tayo ng plano. Ilang araw na rin tayo dito at ayoko namang sa ganito na lang matapos ang lahat." sabi ni Airy.
"So ano ngang plano?" tanong ni Risk.
"Baka pwede nating magamit ang mga magos natin. Hindi naman nila siguro mahahalata agad yon. Lalo na yung isa, baliw na baliw na kakahintay na mamatay tayo." suggestion ni Airy at doon na siya nakaisip ng plano.
"Paano?" tanong ni Pipe.
Pumabilog sila at mahinang nag-usap-usap. Makalipas pa ng isang araw at ngayon na ang nakatakdang araw para sa lahat.
* * *
Tok! Tok! Tok! Tok! Tok!
"Excuse me. Pwede bang umihi?" tanong ni Drown mula sa loob.
Nakapasok na sila sa city at malapit na sila sa tarangahan ng kaharian.
"Magtiis ka d'yan." sabi naman ni Arg mula sa labas.
"Huh? Wala ka bang awa? Nakakahiya sa mga babae. Hindi naman ako tatakas." sabi pa ni Drown.
"Sige." sabi ni Arg at lumabas na si Drown. "Samahan mo 'to." utos niya pa doon sa martial.
Panandaliang nawala si Drown at bumalik na rin. Bago pa man isarado ng martial ang pinto ay napansin niyang wala si Pipe.
"Sir Arg. Nakatakas po ang bihag." sabi nito at tinignan niya rin ang loob at nakonpirma niya ngang nawawala si Pipe.
"Hanapin n'yo siya. Hindi pa nakakalayo yun." utos niya sa lahat ng martial at siya na lang ng matira sa pagbabantay kina Airy.
*crak*
*blast*
*burns*
Bigla na lang nasunog ang buong sasakyan nila Airy at sumisigaw naman sila sa loob. Napigtal naman ang tali ng kabayo kaya nakatakas ito mula sa sunog. Walang ginawa si Arg kundi ang titigan ito ng nakangiti. Nawasak ang pinto at gumapang palabas ang isang tao. Hindi ito matukoy kung sino ba ito sa pitong naiwan—kasama yung bestia sa bilang. Sinipa-sipa lang ito ni Arg hanggang sa tuluyan na siyang maging abo. Lumiyab din ang hawak niyang fairy ring kaya ibinalibag niya ito at inapakan para hindi kumalat ang apoy pero lalo lang itong lumakas at pinanood niya na lang din 'tong masunog.
"Sir. Ano pong nangyari dito?" tanong nung isang martial na bumalik. Dala niya ang lahat ng armas nila Airy. Bigo niyang nahanap si Pipe.
"Ano sa tingin mo?" sabi ni Arg at nakatingin siya sa martial na yon.
Hindi naman na nagtanong ang martial at bumalik na rin ang iba at bigo rin nilang nahanap si Pipe. Nakita ng iba na nasusunog at nag-iinit lahat ng armas nila Airy. Tinanggal niya ito sa isa pang kabayo niya at itinapon sa lapag at hinayaang masunog.
"Hahahahaha. Ang dali naman nilang nilamon ng apoy. Wala ng makakapigil sa pagsakop ni Queen Fright sa buong lupain ng Fairy Land. Ahahaha." tawa niya at tumalikod na siya mula sa umuusok at ngayon ay abo na, na sasakyan. Naglakad na siya palayo at ganon din ang iba.
* * *
"Okay. Eto ang plano. Pipe at Drown kayo mismo ang kailangan ko dito." bulong ni Airy sa mga kasama habang nakapabilog sila.
Bumalik lang tayo sa araw na nabuo ni Airy ang plano.
"Drown. Gumawa ka ng paraan para makalabas dito. Pag nagawa mo yon. Puntahan mo si Fade at isama mo siya papunta sa may tarangkahan."
"Yun lang? Edi mahahalata tayo non." sabi ni Drown.
"Gagawa ka ng illusion mo at yun ang papasok ulit dito. Pero bago mo puntahan si Fade ay kinakailangan mo muna kaming tulungan. Pipe, gawin mong invisible ang sarili mo at yung ang magpaparanta sa lahat. Pag nangyari yon. Uutusan ni Arg ang ibang martial na hanapin ka. Pag siya na lang ang natira tsaka natin gagawin ang parte na masusunog ang sasakyan na 'to." sabi ni Airy.
"Huh? Edi namatay tayo?" singit naman ni Risk.
"Tama. Gagamitin natin ang magos ni Drown. Dahil si Arg na lang ang natitira at isa siyang baliw. Agad siyang maniniwala na nasusunog tayo pero ang totoo, habang kunwaring nasusunog ang sasakyan natin ay naka-invisible na tayo gamit ang magos ni Pipe."
"Well. Mukhang maganda pakinggan."
"Game?" tanong ni Airy at nilapag niya ang kamay niya sa harap.
"Game." sabi nila at ipinatong nila ang kamay nila sa kamay ni Airy.
* * *
"Ayos! Tagumpay ang plano!." sabi ni Airy nung nakita nilang umalis na si Arg at pinulot niya ang espada at wooden bow and arrow niya.
"Tama nga ang ginawa mo."
"Simulan na natin ang paglalakad para maabutan pa natin si Fright bago pa lumiwanag ang ikatlong bilog na buwan mamaya." sabi ni Airy at pinulot na rin ng iba ang gamit nila.
"Airy."
Lumingon si Airy pero di niya nakita kung sinong tumawag sa kanya.
* * *
"Ngayon na ang takdang panahon." sabi ni Queen Fright habang hawak ng alagad niya ang korona na ilalagay niya sa kanyang ulo.
"FRIGHT!!!!" sigaw ni Airy at lahat napatingin sa kanila.
"Tatalunin ka namin! Hinding-hindi mo makukuha ang Fairy Land." sigaw ni Pipe.
"Charge!" sigaw ni Airy at lumabas mula sa likod nila ang libo-libong bestia.
Isang pangitaing nakita ni Ice.