Thirty One
Kinabukasan ay nagising ng maaga si Airy tumingin siya sa kama at nakita niyang wala na si Drown. Tumayo na siya at nag-ayos ng sarili. Ilang buwan na rin niya kasing hindi ito nagagawa ng maayos. Lumabas na siya ng kwarto at nakita niya sa harap ng kusina si Drown. Medyo nanibago siya sa buhok ni Drown pero alam naman niyang masasanay din siya.
"Magandang umaga." bati ni Jak pero iba ang sinasabi mg mga mata niya.
"Anong meron?" tanong ni Airy pagkaupo niya sa upuan.
"Hindi ko rin alam Airy pero kanina pa ayaw magsalita ni Jak tungkol sa iniisip niya." sabi naman ni Drown at inihain na niya ang niluto niyang pagkain.
"Bakit hindi mo simulan na ang pagkukwento? Tutal sasamahan mo pa kami sa paghahanap ng libro." sabi ni Airy at kumuha siya ng tinapay at ipinalamanan niya ang itlog na niluto ni Drown.
"May nagawa akong mali." sabi ni Jak at tumingin siya sa may bintana malapit sa banyo. Sinundan din ni Airy ang tinitignan niya.
"Sandali..." sabi ni Airy at nilunok niya muna ang kinakainya. "... Hindi ka nagbuhos pagkatapos mong dumumi?" tanong ni Airy na diring-diri sa naisip niya.
"Ha? Hindi! Hindi yun yon." pagtanggi naman ni Jak habang iwinawagay niya ang kamay niya sa harapan niya tanda ng pagtanggi sa sinasabi ni Airy.
"Eh ano?" tanong ni Airy habang hindi naman mapigilan ni Drown na tumawa.
"May... may hindi ako sinabi sa inyo tungkol sa libro."
"Ano? Pakipaliwanag para malinaw." sabi ni Airy at tumigil sa pagtawa si Drown.
"Napansin n'yo nung una kayong umakyat dito? Hindi ito ang totoong city."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ang city na ito ay ginawa ko lamang para sa mga taong gustong tumakas kay Queen Fright." sabi ni Jak at tumigil siya sa pagkukwento. Para bang ayaw na niyang ituloy ang nasimulan niyang kwento.
"Pero?"
"Pero hindi lang tao ang nakaakyat dito."
"Huh?"
"May nakaakyat dito na alagad ni Queen Fright. Isang dambuhalang bestia na nagsasalita." sabi ni Jak at bakas sa kanyang mukha na takot na takot siya.
"Bakit mo ba kinukwento sa 'min 'to?" tanong ni Drown.
Pumikit si Airy at inisip ang posibleng sabihin pa ni Jak.
"Sasabihin mo ba sa amin na walang kinalaman ang libro sa sinabi mo kaninang bestia?" sabi ni Airy.
"Ganon na nga." sagot ni Jak.
"At ang alam nila Pipe ay kailangan muna nilang matalo ang bestia na yon bago namin makuha ang libro? Tama?"
"Tama."
Binuksan na ni Airy ang mga mata niya. "Ngayon. Sabihin mo sa 'min kung nasaan ang librong yon." seryosong sinabi ni Airy habang direktang nakatingin sa mata ni Jak.
"Airy, anong binabalak mo?" tanong naman ni Drown.
"Wala naman..." sabi ni Airy. Tumayo na sila at nagsimula ng maglakad.
* * *
Narating na nila Pipe ang kabilang dulo ng syudad. Walang kahit ano doon bukod sa makapal na hamog na bumabalot sa parteng yon.
"Ano namang meron dito?" tanong ni Data habang kinikilatis pa ang paligid.
"Di ko sigurado kung gaano kalaki ang haharapin natin pero sigurado akong malakas ito." sagot ni Pipe.
Naglakad-lakad sila at wala pa rin nangyayari.
"Mukhang niloko ata tayo ni Jak." sabi ni Data habang hinahawakan niya ang bahaging nilagyan ni Salt ng magos. Nagbabakasakaling may makikita siya.
"Hindi. Alam kong totoong may kung ano dito." sabi ni Pipe habang hinihila niya ang dalawang cutlass niya ng dahan-dahan.
ROOOOOOAAAAAARRRRR!!!!
Malakas ang pagsigaw ng bestia kaya naman napatakip ng tenga si Data.
"Sino ang may lakas ng loob na gumising sa akin?" galit na tanong nung bestia pagharap nito kina Pipe.
"Pipe. Hindi ko kayang magbasa ng bestia. Pero kakaiba siya. Bukod kay East, siya lang ang nakilala kong nagsasalitang bestia."
Napatingin si Pipe sa mga mapupulang mata nito at napansin niya ang peklat nito sa kaliwang mata.
"Siya yon." sabi ni Pipe.
"Ang alin?"
Bago pa man makapagsalita si Pipe ay nagsalita na ang bestia. "Kamusta na hangal na prinsepe? Ikinagagalak mo ba na nagkita tayong muli?"
"Siya yung nakalaban namin ni Airy sa mundo ng mga ordinaryo." sabi ni Pipe.
"Kung ganon, alam mo kung nasaan ang kahinaan niya?"
"Hindi eh. Bigla na lang siyang umatras nung binanggit ni Airy na isa siyang locator."
"Ano? Hinayaan ni Airy na makatakas siya?" tanong ni Data na kinokontrol pa rin ang pagkainis niya.
"Mukhang hindi mo kasama ang Fairy Warrior ngayon, hangal na Prinsepe. Nagdala ka pa ngayon ng isa pang hangal." sabi nung bestia pero hindi siya masyadong pinagtutuunan ng pansin ng dalawa.
"Sa tingin ko, takot siya kay Airy. Bakit kaya? Dahil ba alam ninAiry kung nasaan ang kahinaan niya?" tanong ni Pipe.
"Tama na ang tanong. Labanan n'yo ako." sabi ng bestia at naging tao siya.
"Ikaw yon?" gulat na tanong ni Pipe.
"Ako nga. Sino pa ba?" sabi nung bestia habang nakangisi. Siya nga ang nakalaban din nila Pipe sa lungga ni Dynn na kumokontrol ng mga cougar.
"Whoa. Ang pangalan niya ay Just Strong. 19 years old. Bestia transforming at duplus ang kaya niyang gawin. Swordsman din ang kaya niya. Meron siyang dalawang cutlass. Isa siyang martial." paliwanag ni Data.
"Magaling ka ah. Sabagay yan naman talaga ang kakayahan mo." sabi ni Just.
"Duplus-Human transformation-katulad ng kay Kill at Fright. Martial?" iniisip ni Pipe nang biglang umatake si Just.
Dalawa laban sa dalawang cutlass.
"Hindi ako nag-iisa." sabi ni Just at biglang may tumalon mula sa makapal na hamog patungo kay Data.
CHANK! (pagtama ng dalawang espada sa isa't-isa.)
"Hehe." sabi nito. Buti na lang ay nasangga ni Data ang atake niya.
"Echo Strong. 19 years old. Duplus. Swordsman. Cutlass. Martial. Bakit ang daming martial dito?" tanong ni Data sa sarili niya.
"Alam mo, pumapatol ako sa lalake." sabi ni Echo habang lalo niya pang idinidiin ang cutlass niya sa cutlass ni Data.
"Ako rin. Pumapatol ako sa babae." sabi ni Data at nagawa niyang pigilan ang atake ni Echo at tumalon siya palayo mula kay Echo.
"Talaga?" tanong ni Echo at nagpalit siya ng anyo bilang si Fade.
Bigla na lang natulala si Data at tinitigan niyang mabuti si Fade.
"Bakit? Sana pinatay mo na lang ako." naalala ni Data ang sinabi ni Fade sa kanya nung una silang magkita.
"Hindi kita iiwan. Nasa tabi mo lang ako lagi." at naalala niya rin ang huling mga sinabi ni Fade bago siya mawala.
Agad natauhan si Data at naisip na hindi si Fade ang kaharap niya.
"Malas mo nga lang at di mo ako maloloko sa pakana mo." sabi ni Data at humanda na siya sa muling pagsugod.
"Tch." sabi ni Echo at bumalik na siya sa dati.
Sa kabilang side naman ay nagsimula na rin ang laban ni Just at Pipe.
"Subukan natin 'to." sabi ni Just at mabilis siyang pumunta sa likod ni Pipe at agad nagpalit bilang si Bloom.
Tumalikod si Pipe at napaatras ng konti.
"Bloom? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya kay Just.
Bahagya namang napangiti si Just at susugod na sana siya kay Pipe nung hinagis ni Data si Echo kay Just at natumba sila.
"Pipe! Umayos ka. Hindi si Bloom yan. Nililito ka lang niya. Mag-isip ka o matatalo ka." sabi ni Data habang inaabangan si Echo na umatake.
"O-oo." sagot ni Pipe at humanda na siyang muli.
Patuloy pa rin ang laban at naisipan ni Pipe na kausapin si Bloom gamit ang isip niya.
- - -
"Hehe. Sa totoo lang, kinulong niya kami." sabi ni Bloom sa isip ni Pipe.
"Ano?!" nabiglang tanong naman ni Pipe habang patuloy silang nakikipaglaban sa dalawang martial.
"Pipe. Ayos na kami dito." sabi pa ni Bloom.
"Bababa na ako. Hindi ko yan papayagan." sabi ni Pipe. "Data, tara na." pag-aaya niya.
"Saan?" tanong ni Data.
"Kailangan tayo nila Bloom." sabi ni Pipe habang nagsisimula nang maghanap ng edge para sa pagtalon nila.
"Paano 'to?" tanong ni Data habang sinasangga ang mga tira ni Echo.
"Susubukan kong kausapin sila Airy mamaya. Ang mahalaga ngayon ay ang maligtas sila Bloom." sabi ni Pipe at nahanap na niya ang edge ng kanilang kinatatayuan.
"Ang dami n'yong satsat." sabi ni Just.
Nakita ni Pipe ang pagtango ni Data kahit na medyo malayo sila sa isa't isa. Ibibigay naman sana ni Just ang malakas na tira niya kay Pipe nung nagpatihulog ito pati si Data.
"Tch. Mga hangal nga talaga kayo." sabi ni Just at pinabayaan na lang niya ang mga 'to. Sumusunod lang naman si Echo sa kanya.
* * *
"Sana smooth lang. Sana smooth lang." dasal ni Data habang bumubulusok sila pababa.
"Bigyan n'yo kami ng bagay na magagamit namin sa panahong ito." dasal naman ni Pipe.
Unti-unting nagtitipon ang mga hamog sa kanilang likod na nagiging pakpak. Nang mabuo ang mga pakpak nila ay nakontrol na nila ang pagbagsak nila gamit ang dalawang paa.
* * *
*gasp*
"Buti naman at nagising ka na." sabi ng mama ni Risk.
"Sino kayo? Anong ginagawa ko dito?" tanong nung babae habang hinahabol niya pa ang kanyang paghinga.
"Nandito ka sa bahay namin at ako si Ice. Mama ni Risk."
"Kailangan kong bumalik doon. Kailangan nila ng tulong ko." pagpupumilit nung babae.
"Alam mo na palang totoo ang panaginip mo?" sabi ni Ice habang nagtatahi ng damit sa tabi nung babae.
"Babalikan ko sila." sabi nung babae.
"Hindi pwede." sabi ni Ice at pinipigilan na niya ang babaeng yon na tumayo.
"Bakit? Kailangan nga nila ako. Kailangan ako ni Da-"
"Hindi nga pwede dahil napapaligiran tayo ng mga tauhan ni Queen Fright. Mahuhuli ka nila." sabi ni Ice at hawak na niya ang balikat nung babae. "Gusto mo ba talagang tumulong sa kanila?" tanong ni Ice.
At tumango naman ang babae.
"Magsanay ka. Malapit na sila rito at kakailanganin nila ang tulong mo." sabi ni Ice.
Nabuhayan naman ng loob ang babae at pumayag sa kasunduan ni Ice.
"Hm. Ano bang pangalan mo?" tanong ni Ice pagkatapos kumalma nung babae.
"Fade. Ako si Fade Eave."