Chapter Thirty
Epilogue
Napaka- daming nangyari. Akala ko ay lubha ng napaka- hirap ng mga pinagdaanan ko sa trabaho ko sa gang. Pero may mas mahirap pa pala doon. Iyon ay ang Malagay sa panganib ang buhay ng mahal mo. Walang oras at araw na hindi ako nagsisi dahil sa mga nangyari. Kasalanan ko naman ang lahat. Pumasok ako sa buhay ni Ariella ng hindi pinag- iisipan ang lahat. Akala ko ay kaya ko na ang lahat. Nagkamali ako na inisip kong magiging maayos ang lahat dahil sa kapangyarihan ko. Sarili ko lang pala ang iniisip ko at hindi sya.
"I'm sorry." Sambit ko.
Kung maibabalik ko lang ang mga panahon na nakalipas, wala sana ako sa harap ng maliit na piraso ng marmol na ito dito sa sementeryo. Wala sanang mawawala kung naging mas matalino lamang ako. Masyado kong pinairal ang puso at damdamin ko. Hindi na ako nakapag- isip pa.
"Graduate na ako, Jem." Ani ng babaeng katabi ko. "Nagawa ko din sa wakas."
Noong mga oras na nalaman nyang wala na ang matalik nyang kaibigan ay ang oras kung kailan ko na- realized ang mga pagkakamali ko.
"Tingnan mo ang diploma ko, ohh. May isasabit na ako sa pader." Natatawang saad nya.
Mahal na mahal nya si Jemimah. Itinuring nya na ito na parang isang kapatid. Tapos sa isang iglap lang ay mawawala ang lahat ng mga masasayang alaala nila sa isat- isa.
"Magiging engineer na ako, Jem. Pag- nangyari iyon, magpapagawa ako ng bahay mo dito. Nakakatamad kayang tumayo dito sa tuwing dumadalaw." Naka- ngiti pero malungkot nyang bitaw.
Nakapag- tapos na nga siya sa kolehiyo ng may pinaka- mataas na parangal. Hindi ko tuloy mapigilan na hindi maging proud sa kanya. Sa lahat ng hirap at pagsubok na kanyang sinuong ay nagawa pa din nyang umangat at magpatuloy. Napaka- galing talaga ng mahal ko.
"Miss na kita. Sana nandito ka ngayon. Nakita mo sanang umiyak si kuya at Mama." Umiiyak na nyang ani. "Hwag kang mag- alala. Ako na lang ang bahala na tumupad sa mga pangarap nating dalawa. I'm sorry. Patawadin mo ako. Hindi ko naman sinasadya. I'm sorry."
Wala ding oras ang lumipas na hindi nya sinisisi ang sarili nya sa nangyari kay Jemimah. Araw- araw din naming dinadalaw ang puntod nito sa hapon pagka- labas nya ng eskwelahan.
"I'm sorry.." Sambit nya.
Hinila ko naman sya papalapit sa akin. Ikinulong ko sya sa aking mga braso at ipinaramdam ang init ng aking pagmamahal.
"What did I tell you?" Bulong ko sa kanya.
"Hindi ko mapigilan." Tugon naman nya.
Paulit- ulit ko syang pinapaalalahanan na hindi nya kasalanan ang nangyari. Pero heto sya ngayon, umiiyak na naman.
"Hindi gusto ni Jemimah na umiiyak ka. What did she tell you?" Mahinahon kong saad.
"That I need to get going." Humihikbi pa nyang sagot.
I started to cares her hair. "Yes, baby. We need to move on."
Tumango sya kahit pa nakasubsob ang mukha nya sa dibdib ko. Mas hinigpitan ko naman ang pagkakayakap ko sa kanya. Good heaven, i really love her. Hindi ko talaga kakayanin kapag may masamang nangyari sa kanya noong mga panahon na iyon. Nailigtas sya ni Carolile at kaagad ding dumating ang mga boat na kumuha sa kanila. Dinala sya sa hospital at ginamot. Doon din napatunayan na magka- dugo silang dalawa dahil nangailangang salinan si Ariella ng dugo. Malalim ang naging tama ng baril sa dibdib nya. And that time, pakiramdam ko ay nahulog ako mula sa itaas at lumagapak sa lupa. Hirap na hirap akong tingnan ang babaeng mahal ko na nakahiga at walang malay. Ilang linggo din syang tulog at nakaratay sa kama. At nang iminulat na nya ang kanyang mga mata ay ipinangako ko sa sarili ko na hinding- hindi na ito mauulit pa. I will protect her no matter what happen.
"Come on. Lets go. Hinihintay ka na nila." Ani ko.
Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako sa mga mata. Ngumiti naman ako at pinunasan ang mga luha sa mukha nya gamit ang dalawa kong hintuturo. Pagkatapos ay nilapatan ko sya ng halik sa kanyang noo.
"I love you." Sambit ko.
"I love you too, Ed." Tugon naman nya.
"Tara na?." Saad ko.
Tumango naman sya sa akin. Pinagsiklop nya ang aming mga kamay at magkasama kaming naglakad pabalik sa sasakyan. May ihinandang party si San Diego para kay Ariella. Ayaw magpapigil ng kumag sa paghahanda. Gusto pa nya engrande at mamahalin. Iba kasi talaga kapag mapera at mayabang.
Nakilala na ni Ariella ang kanyang tunay na pamilya. Masaya naman sya at si Carolile ang naging kapatid nya. Mas masaya nga lang ang kumag. At dahil sa pagkukulang nya sa kapatid ay nagpagawa ito ng bahay. Hindi ito kasing laki ng Mansion pero, mas malaki naman kaysa normal na bahay ng mga mayayaman. Ibinigay nya sa mga Delfin ang titulo nito at dito na sila pinatira. And because he's an asshole, nakitira na din sya sa mga ito. Noong una ay tumututol pa sya sa relasyon namin ng kapatid nya. Pero dahil ang mahal ko ang boss, wala na din syang nagawa pa. Nag- iba ang ugali ni San Diego. Para syang bata na kailangan ng bantay at kalinga. Naging madamdamin na ito at mas kumulit pa. Isa lang ang ibig sabihin noon. He is now at home. Nahanap na nya ang daan pabalik sa kanyang tahanan.
Malakas na music ang sumalubong sa amin ng makarating kami sa bahay nila. Wala namang pagsidlan ang saya ng mahal ko dulot ng kasabikan. Nag- niningning ang kanyang mga mata at bumibilis din ang kanyang pag- hinga. Paminsan- minsan ko namang pinipisil ang kamay nya na hawak ko. Para kahit papaano ay mabawasan ang tensyon na nararamdaman nya. Ako ang nagbukas ng pinto. Bumungad naman sa amin ang engrandeng handaan at ang pamilya at ilang kamag- anak ni Ariella.
"Congratulations!" Sabay- sabay nilang sigaw.
"Salamat po." Mahinahong tugon naman ng mahal ko.
Tumatakbo namang lumapit sa amin si Carolile na may bitbit na malaking kahon.
"Congratulations, my princess!" Bati nito. "Buksan mo bilis."
Napatawa naman ang magandang babaeng katabi ko. "Salamat, kuya. Ano ba yan? Nag- abala ka pa."
"Magugustuhan mo yan." Nae- excite namang balik ng kumag.
Kahit nag- aalangan pa ay inabot nya ang dalawang dulo ng ribbon ng kahon at magkasabay na hinila ito. Pagkatapos ay inalis nya ang takip nito at sumilip sa loob.
"Ohhh, my goddess!" Tili nya dulot ng saya.
"I told you.." Nagmamalaki namang ani ng kapatid nya.
Dumukot sya sa loob ng kahon at inilabas ang mabalbon na kulay itim na maliit na pusa. She hugged the cat lovingly at hinimas- himas ang ulo nito.
"Thank you, kuya! I love it." Ani nya.
"What's her name?" Tanong ni Carolile.
"Its a she? Wow. Okay." Umakto sya na parang nag- iisip. "Dex. She is Dex."
Isa- isa ding lumapit ang pamilya ni Ariella sa kanya. Binati sya ng mga ito at nagyakapan. Masaya ko naman silang pinag- masdan, nangangarap na sana ay mayroon din akong masaya at buong pamilya na kagaya nila. Mayroon nga akong mga kapatid ngunit, may kanya- kanya na silang mga buhay. Hindi na nila ako naaalala pa. I won't mind naman dahil ayaw ko din silang mapahamak kapag muli silang pumasok sa buhay ko. And as long as masaya sila at ligtas ay okay na ako. Naputol ang pag- iisip ko ng bigla na lang akong hinila ni Ariella palapit sa kanila. And then, isinama nila ako for a group hug.
"Nagdadrama ka pa, Bayer. Kahit labag sa kalooban ko, kasapi ka na din sa wonderful naming family." Mahabang litanya ni San Diego.
"Pwedeng- pwede mo kaming tawaging Mama at Papa." Rinig ko namang sabi ng Ina ni Ariella.
"Dalawa na ang Kuya ko." Masaya namang dagdag ni Ella.
"I love you." Bulong naman ng mahal ko sa may tenga ko.
This is too much. Umaapaw na ang kaligayahan dito sa puso ko. Hindi ko inaakalang ituturing nila akong isa sa kanila. Totoo nga na mabubuting tao ang nagpalaki sa babaeng mahal ko. And i will do everything to protect this family. My family.
Hinayaan ko muna na makipag- bonding si Ariella sa mga bisita. Napag- pasyahan ko naman na magpunta sa may terrace at doon maupo. Ang bilis ng oras. Kanina lang ay araw pa ang makikita mo sa itaas. Pero ngayon, puno na ito ng mga kumukutitap na mga bituin. Napaka- ganda nilang pagmasdan. Noon pa lamang ay gustung- gusto ko na ang pagtanaw sa mga ito. Me, being alone and stressed that time, on my childhood days, ang mga stars at buwan lang ang naging kasama ko.
"Naiinip ka na ba?" Boses mula sa may likudan ko.
"No. I just want to looked at the stars." Tugon ko.
Tumabi sya sa akin. Nakasandal sya sa may hamba ng terrace na naka- harap sa akin. Lumapit naman ako sa kanya at inilagay sa magkabilang side nya ang mga braso ko. Nakulong tuloy sya sa akin.
I looked down on her. "Nainip ka na bang kasama sila?"
Umiling sya. "Hindi. Pinuntahan lang talaga kita."
"Really?" Pang- aasar ko.
"Bigla ka kasing lumabas. Akala ko, aalis ka ng hindi man lamang nagsasabi sa akin." Naka- nguso nyang saad.
I kissed the bridge of her nose. "Why would I do that?"
She shrugged. "Naisip ko lang naman."
"Bakit nga pala, Dex ang ipinangalan mo sa pusa?" Tanong ko.
"Kasi... hmm.. Wala akong maisip." Nahihiya nyang sagot.
Napatawa naman ako. "I'm hungry."
Napatitig sya sa akin. "Anong gusto mong kainin?"
"Ikaw." Tugon ko.
Hindi sya naka- imik. Mabilis syang pinamulahan ng mukha at kaagad na nag- iwas ng tingin. She's too cute and I can't resist her. So, I grabbed her chin and pressed my lips on her. Bahagya pa syang nagulat pero kaagad din namang nakabawi. Mabagal yet passionate ang mga halik ko sa labi nya. And she's responding on it sweetly. Ikinawit na din nya ang kanyang mga kamay sa may leeg ko. Sinuportahan ko naman sya by placing my hands around her waist.
"Ed..." Tawag nya sa pangalan ko between our kisses.
Bahagya naman akong tumigil. Pero magkalapat pa din ang aming mga labi. "You're.." I kissed her lips. "... tempting me, baby."
"Ehem sa inyo. Bawal ang PDA dito sa bahay." Boses ni Carolile.
"Kuya!" Saad naman ni Ariella sabay agwat sa akin.
Dala nya ang mataba at mabalbon na pusa. May kulay puti pala ito sa bandang tiyan at sa dulo ng kanyang buntot. Magkaiba din ang kulay ng bilugan nitong mga mata which is blue and green. Kaagad naman itong kinuha at kinarga ni Ariella.
"I need to go, princess." Ani ni San Diego.
"May problema ba, Kuya?" Tanong ng mahal ko.
"Wala naman. Mayroon lang akong aasikasuhin sandali. I'll be back tomorrow." Naka- ngiting tugon ng kumag.
Napatango na lang ang reyna ko. "Okay. Mag- iingat ka."
She hugged her brother and the bastard kissed her forehead. Pagkatapos ay kumakaway itong umalis. Hindi man lamang ako tinapunan ng tingin. He really is an asshole. Napapailing na lang ako na niyaya pabalik sa loob si Ariella.
LEXSHAWNA ARIELLA DELFIN POV
This is one of the happiest day of my life. Nakapagtapos na ako ng college and kaunting push pa ay magiging successful na din ako. Nagpapasalamat talaga ako sa aking mga mahahabaging dyosa sa lahat ng bagay na natatamasa ko ngayon. Mayroon na kaming permanenteng bahay at lupa. I have one big happy family. Plus points na lang ang gwapo kong boyfriend na walang sawang sumusuporta sa akin. Akala ko nga noong nahulog at nabaril ako ni Marise ay katapusan ko na. May plano pa naman akong murahin ang mga dyosa kapag nagkita kami. Pero, hindi natuloy. Binigyan pa nila ako ng another chance. Naka- survive ang lola nyo. Psh. Masamang damo yata ako, ehh, matagal mamatay. Charot.
Hindi pa tapos ang party. Pero umakyat na kaagad ako sa kwarto ko. Nag- bihis na ako at naghinaw ng katawan. Wala naman akong ginawa kun'di ang bumati at makipag- kamay. Kaya naman, bakit napagod ako kaagad? Masakit ang mga paa at binti ko. Siguro ay dahil sa matagal akong naka- tayo suot ang wedge kong sandals.
"You're tired?" Ani ng lalaking naka- sandal sa may pinto.
Tumango ako. "Yes. Hindi ko nga alam kung bakit, ehh."
"Want some massage, baby?" Alok nya.
Hindi pa man ako nakaka- sagot ay naglakad na kaagad sya palapit. Tinanggal nya ang suot na business coat at naupo sa kama ko paharap sa akin. Kinuha nya ang kanan kong binti. Ipinatong naman nya ito sa lap nya at sinimulang pisil- pisilin. Banayad at mabagal ang bawat pag- galaw ng mga kamay nya. Napa- sandal naman ako sa headboard ng kama ko dahil sa relief na nararamdaman ko. Suma- sideline yata ito bilang masahista, ehh. Kung hindi, pwede nya itong pagkakitaan. Pero dapat mga lalaki lang at no to girls policy. Kaya nga lang, ang pangit naman tingnan kapag ganoon. Anyways, sobrang nare- relax talaga ako sa masaheng ginagawa ni Ed. Hindi ko tuloy maiwasan na mapa- pikit.
"Ohh, goddess! Masarap yan. Idiin mo ng kaunti." Utos ko pa.
Sinunod nya ang sinabi ko. Pero after a minute ay huminto din sya. Napa- dilat naman ako dahil doon. Nalunok ko bigla ang sarili kong laway nang magtama ang aming mga mata. Matiim syang naka- titig sa akin na parang may masamang binabalak. He then, grabbed my left feet ng hindi inaalis ang paningin sa mga mata ko. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko ng sa halip na sa lap nya ilagay ang paa ko ay sa labi nya ito dinala at hinalik- kalikan ang mga ito. Naka- suot na ako ng sleepwear ko. And its a loose printed Mickey Mouse dress. Take note, i dont have anything underneath. Hindi ako nakaka- tulog ng may suot na underwear. And he knows it.
"You're a living temptation, baby." He huskily said.
Hindi ako naka- imik. Naka- tingin lang ako sa kanya habang dahan- dahang tumataas ang kanyang mga halik. Kanina ay nasa may talampakan ko lang ito pero ngayon, pataas na ito sa may hita ko. Hindi pa din nya inaalis ang mainit nyang titig sa akin. And any moment ay hindi ko na iyon malalabanan pa. Nag- uumpisa na kasi akong mailang at mahiya. Lalo na ng mahagya nyang pinag- agwat ang mga binti ko. He parted my legs and moved himself in between. Nag- simula na ding gumalaw ang mga kamay nya. His hands slowly pulled the hem of my dress pataas. Naging dahilan ito para makita nya ang kayaman ko.
This scenario is not new to me. Pero hindi pa din ako nasasanay sa mga ganito nya. Every time kasi na magtagpo kami sa ilalim ng kumot ay never nawala ang kakaibang pakiramdam na ibinibigay nya sa akin. He never force me too. Marupok lang talaga ako at kaunting pang- aakit nya ay bumibigay na ako. He's a living temptation for me too. Hindi ko sya ma- hindian. Ohh, goddess, hanggang ngayon ba ay hindi pa din ako nilulubayan ng dyosa ng kamanyakan at karupukan? Sila lang yata ang may forever. No. Kami din pala. I him so much at hinding- hindi ako papayag na mawala sya sa akin. Kahit pa may mga humarang at humadlang sa relasyon namin ay wala akong pakialam. Besides, sino ba sila para katakutan ko? I have him. I have my gangster's boss.
Having regrets is not applicable sa life. Bakit ka magsisisi kung ginusto mo din naman ang mga iyon noong mga panahong iyon? Natuto na ako sa mga karanasan na dumaan sa buhay ko. I am now proud to say na mas matibay at matapang na ako ngayon. Nagawa ko lang lampasan ang lahat ng iyon dahil may mga taong never tumalikod sa akin. Nandyan ang mga magulang ko na kahit hindi kami magka- dugo ay minahal at tinanggap nila ako. Nandito din ang nag- iisa kong best friend na bagamat nauna na sa min ay never ko pa ding malilimutan. Syempre, my one and only trur love, na handa akong ipaglaban at protektahan at all cost. Lastly, ay ang aking kuya. Maikli pa man ang panahon na magkasama kami ay alam kong hindi nya ako pababayaan. And im looking forward sa mga susunod pang mga araw, buwan at taon na kasama ko silang lahat. Madami pa kaming bubuoing mga masasayang mga alaala. Madami pa di kaming pagsasaluhan na problema. And matagal pa kaming magkukulitan at magmamahalan. Kaya naman, mga mahabagin at mahal kong mga dyosa, maraming- maraming salamat sa lahat ng ups and downs na ibinabato nyo sa akin. Pinapaulanan nyo man ako ng suliranin ay never nyo naman akong pinabayaan. Thank you for having a wonderful family. Salamat sa pagbibigay ng maganda, masagana at matiwasay na buhay sa akin. Sana po ay magtuloy- tuloy na ito. Wala na po sanang mga higad at baliw na mga babae na sumulpot at mang- gulo. Panatilihin nyo po kaming ligtas. Biyayaan nyo po lami palagi ng nag- uumapaw na kaligayahan. Wala na po sanang mawala at magbuwis ng buhay. Tama na po ang isa. And may she have a peaceful life in heaven. Kung kasama nyo man si Jem ngayon, pakibatukan na lang po para sa akin. Pakisabi din na mahal at miss ko na sya. Ohh, my goddess, have mercy on me, please. Aasahan ko po ang mga sinabi ko. Siguro naman po ay nagsawa na ayong pahirapan ako. Taman na ang dyosa ng kamanyakan at karupukan ang manggulo sa akin. Pabor din naman iyon for me. Masarap kayang maglaro sa ilalim ng kumot. Syempre, data ay kasama ang taong mahal mo.
I am Lexshawna Ariella Delfin San Diego nagsasabing, never give up! Lahat ng pagsubok ay kakayanin. Walang ibinibigay na problema ang nasa itaas na hindi natin kayang lagpasan. Magpatuloy lang sa pagsulong dahil worth it ang paghihiral mo sa huli. When you can finally see the outcome of your long journey. And i, thank you.
This is my not so, good story when the gangster's boss became my teacher and my lover.