Chapter39 Sandra pov
Nandito kami ngayon sa head quarter nagtataka kayo bakit 'di ang mga kaibigan ko sa school ang kasama ko, dahil alam kong tinanggihan nila ako. Ayaw daw nilang madawit sa kagaguhan ko tsk. Bahala sila sa buhay nila.
"Oh my goodness!" malakas na sigaw ni Aki, ano kayang problema niya. Ang sakit kaya sa tenga ng sigaw niya.
"Bakit ka ba sumisigaw ha? Ang sakit mo sa tenga!" ani ko rito. Istorbo may ginagawa ako eh.
"F*ck! Shit, shit! Miss Sandra, please come here! Oh God!" sigaw ulit nito. Ang sakit talaga niya sa tenga, hindi na lang sabihin sa akin at siya ang pumunta rito. Nandito kase ako sa loob. Lumabas lang siya saglit dahil pinabili ko siya. Lumabas na ako at ang bumungad sa'kin si Mawin Ekaylar. Wala itong malay at puro sugat ang katawan nito. Halata ring pinahirapan ito ng husto. Sino kaya ang gumawa nito?
"F*ck, anong nangyari?" tanong ko.
"Hindi ko alam, Miss. Basta nakita ko na lang siya diyan sa harap ng pinto na'tin pagbalik ko galing grocery. Oh my gosh, sino kaya ang gumawa nito Miss? Natatakot na ako..."
"Tanga ka ba bakit sa'kin ka nagtatanong tsk... may alam ba ako ha? Tch..." tinawag ko naman ang mga tauhan kong lalaki. Agad naman silang pumunta lahat at nag-bow sa'kin. "Buhatin n'yo siya at ihiga sa kama!" utos ko sa mga ito. Binuhat na nila si Mawin tumawag na rin ng Doctor si Akira.
Pagdating ng Doctor, agad nitong ginamot si Mawin. Ako naman napapaisip, sino ang may gawa nito? Bakit siya lang? Napabuntong hininga na lang ako sa mga iniisip ko. Bakit ganito? Kinakabahan ako.
"Hmm... miss sa palagay mo sino ang gagawa nito?"
" Hindi ko rin alam, at kung sino man gumawa niyan. Humanda siya sa akin..."
"Miss, hindi kaya ang binugbug na'tin no'ng nakaraan ang may gawa nito. Tapos ngayon bumawe na sa sa'tin. Oh my god malala ang ginawa n'ya. Ang daming pasa at tama ng baril sa kaniya eh. Natatakot na ako, baka ako na ang susunod." Parang tangang aniya. Ang nerbusyo naman ng babaeng ito
'Shut up, Aki!" pagpapatigil ko sa kanya. At sinamaan ko ng tingin, imbis na mag-isip ng maayos, kung ano ano pa iniisip niya.
"Miss baka ikaw na ang sunod. Malay na'tin, baka isa isahin tayo..." maarting ani pa nito.
"F*ck, Aki. Can you please, shut you're f*cking mouth! Hindi mangyayari 'yan!" sigaw ko rito. Tinatakot pa ako eh, kung sino man may gawa nito papatayin ko siya.
Pagkatapos ko kausapin si Aki, lumabas na ako para umuwe. Hindi na rin ako nakapasok sa iba pa naming subject dahil sa nangyari kanina.
____
Pumasok ako ng school nakabusangot ang mukha. Wala akong gana ngayon, dahil mas iniisip ko kung sino ang maaaring may gawa no'n kay Maw. Habang naglalakad ako nakita ko si Konaide sa hallway. Agad na uminit lalo ang ulo, kumukulo talaga ang dugo ko sa babaeng 'to, kasama na naman n'ya si Shadow ko. F*ck, mamaya ka sa'kin, malandi ka. Tinignan ko lang s'ya, hanggang sa umalis na ito. Sinundan ko ito at nakita kong papuntang cr s'ya kaya pumasok rin ako sa cr. May naisip lang ako, saktong walang tao kami lang dalawa. Humanda ka, nang makita kong pumasok na ito sa cubicle. Agad na akong lumabas at tinignan ang paligid, agad ko itong ni-lock. Mamatay na sana siya.
Hinintay ko itong matapos. Mga 40 minuto na ang nakalipas. Hindi pa rin ito lumalabas kaya binuksan ko na ang cr. Tinignan ko ang cubicle na pinasukan nito. Pero wala akong nakita na Konaide. F*ck, naisahan ako ng babaeng 'yon. Nakita kong may maliit na bintana pero imposibleng do'n s'ya lumabas. Dahil ang liit n'on, baka hindi pa kasya ang bata.
Dahil wala na 'kong purpose dito, lalabas na sana ako ng cr ng nakalock na ito. Buwisit! Naisahan ako, tangina hindi ko namalayan na may nag-lock na. Grr... nakakainit talaga ng ulo, sana ang babaeng 'yon ang narito. Kinuha ko naman ang cellphone ko at tatawagan ko sana sila nang makita kong walang signal rito ang cellphone ko. My God, ano bang klaseng school ito.
Kirhara pov
Tsk akala ng babaeng 'yun makakaisa na naman s'ya sa'kin. Pero sorry na lang pero ako naman ang maniningil Mondragon ni-lock ko ang pinto ng cr at pati ung bakal na pinto ni-lock ko. Para sure na hindi siya makakalabas. And I know, walang signal sa loob ng cr. Tsk, mamatay ka diyan Mondragon, karma mo 'yan kaya dapat lang na mabulok ka diyan.
"Flashback"
Habang naglalakad ako nakasalubong ko si Shadow nang maramdaman kong may nakatingin sa'kin. Sino pa nga ba ang despiradang babaeng 'yon tch. Kaya ang ginawa ko kinausap ko si Shadow, alam ko kase mas maiinis 'yan kapag nakikita niyang magkausap kami. Manigas ka sa selos, Mondragon.
"I have to go..." ani Shadow kaya tumango na lang ako. Nang umalis si Shadow naglakad ako papuntang cr that's my plan. Alam kong susundan ako ni Mondragon. And hindi naman ako nagkamali sa aking mga naiisip, maramdaman kong sumunod ito sa akin. At tiyak akong may binabalak na naman siya. Pumasok ako sa cr at nakita kong pumasok rin ito. Nagkunwari pa na tumingin sa salamin para mag-ayos, pumasok ako sa Cubicle at narinig kong ni-lock nito ang pinto ng cr. Sinasabi ko na nga ba eh. Umakyat na lang ako sa maliit na bintana. Easy tsk... 'di naman ako pag hihinalaan na do'n ako dumaan dahil wala naman siyang utak. Pagkababa ko tumago ako at tinignan siya kung papasok siya sa Cr. Napangisi ako nang makita kong pumasok na ito. Nagdahan dahan akong pumunta sa pinto cr at ni-lock at pati na rin ang bakal na pinto ng cr. Ewan ko lang kung makalusot rin siya sa dinaanan ko kanina, ang taba niya kaya tch.
Umalis na ako at bumalik sa room. Mga ilang minuto ang lumipas walang Mondragon ang lumabas. Ano na kaya ang lagay niya? Patay na kaya, huwag naman sana dahil gusto ko pa siyang pahirapan