Chapter 25: Skyper Pov

Sinundan ko lang ito nang sinundan, ewan ko pero trip ko ang babaeng ito. Ang ganda niya, pero ang tahimik at ang lamig nang awra niya. Para tuloy gusto kong magkumot sa sobrang lamig, biro lang.

"Hey, Ms? Ano nga pangalan mo?" paulit ulit kong tanong, kanina pa ako nagtatanong ayaw talaga sabihin ang pangalan niya eh.

"Stop following me," may inis na ani nito. Tignan mo ang babaeng ito, matapos kong i-treath eh napaka-snobera eh.

"Paano kung ayaw kitang tigilan?" nakangising ani ko at hinarang ulit siya.

"Tch..."

"Sabihin mo na pangalan mo, i-add kita sa Facebook!"

"Wala akong Facebook," napabuntong hininga na lang ako dahil ang tigas niya.

"Kahit sabihin mo na lang, pangalan mo?"

"Ayoko, alamin mo."

"Puwede mo naman sabihin eh,"

"Tch, ayoko nga."

Nangulit ako nang nangulit sa kaniya, hanggang sa may makita akong bilihan ng bulaklak at lobo.

"Manong, isang lobo at bulaklak!"

"Ito, hijo oh. 150 lahat!" binayaran ko na ito at sinundan ulit ang babaeng 'yon. Hindi ko alam kong saan siya pupunta pero balak kong sundan siya kahit saan. Intresado talaga ako sa kaniya kaya gagawin ko lahat makuha ko lang pangalan niya.

"Hey, Ms!"

"Stop following me,"

"Nah, sinabi ko na 'di ba na hindi ako titigil?"

"Ede huwag ka tumigil, hanggang mapagod ka." Ang pilisopo talaga ng babaeng ito.

"Oh flower at lobo, binili ko 'yan para sa'yo." Ani ko at iniabot sa kaniya ang binili ko. Pero hindi naman nito kinuha.

"Hindi na ako bata para sa lobo at, lalong hindi ako ang babaeng mabobola mo."

"Ay grab ka naman sa akin, mabait naman ako. Gusto ko lang talaga malaman pangalan mo!"

"Hindi mo ako madadaan diyan,"

"Ano bang gusto mo?" tanong ko, bigla naman nitong nilapit ang mukha sa mukha ko. P*ta ang lapit sobra, as in para yatang gusto ako nitong halikan eh.

"Lubayan mo ako..." aniya at tumalikod na, napabuntong hininga na lang ako at hindi na siya sinundan. Pinagmasdan ko na lang siya habang papalayo, ang ganda niya grabe. Para yatang in love ako sa kaniya.

"Hoy Sky, Laway mo tumutulo!"

"Huh?" wala sa sariling tanong ko.

"Earth 'to, Sky? Nasa Earth tayo, wala tayo sa kalawakan. Lutang ka mas'yado!" nagulat naman ako sa nagsalita sa likuran ko. Nilingon ko ito at nakita kong si Valser ito.

"Anong ginagawa mo rito Valser? Sinusundan mo ba ako?" tanong ko, nakalayo na talaga ang babaeng 'yon 'di ko manlang nalaman pangalan eh, paano kung pupuntahan ko siya sa school niya? Tch, malalaman ko rin pangalan mo, babae.

"Oo, kanina pa kita sinusundan. Ang tanga mo mas'yado kang busy, hindi mo ako nararamdaman. Paano kung papatayin na kita, baka pinaglalamayan ka na ngayon!"

"Nah? Bakit mo ako sinusundan, aber?" tinaasan ko ito ng kilay. Anong akala niyo, mga babae lang marunong magtaas ng kilay?

"Malamang, sinabi mo kaya sa akin na hihintayin mo ako sa labas. Iba pala ang iniintay mo, nakita kitang sinundan ang babaeng 'yon. Kaya naisipan ko na lang sundan ka, para malaman ko kung Sino ang babaeng 'yon?" ani nito at biglang tumawa. "Si Ms. Konaide, lang pala ang sinusundan mo!"

"Bakit kilala mo siya?" takang tanong ko, mabuti pa siya alam ang pangalan niya.

"Kase kaklase ko, siya!"

"Ah, gan'on ba? Nakakainis kanina ko pa tinatanong pangalan niya, hindi sa 'kin sinabi!" inis na ani ko.

"Kung ako sa'yo, pre? Tigilan mo kahibangan mo sa babaeng 'yan, alam mo bakit? Balita balita na jowa 'yan ni Shadow."

"Balita lang 'yon, wala pang ebidensiya kaya may pag-asa pa ako..."

"It's up to you, bahala ka masasaktan ka lang! Goodluck!" hindi ako makapaniwalang jowa 'yon ni Shadow, grrr... Nanggigil ako, ngayon na nga lang ako nagka-interes sa babae. Parang may sabit pa.

"Tara na nga!" aya ko, may pupuntahan kase kami ni Valser tapos nakita ko naman ang babaeng'yon. Kaya t'yak akong pagagalitan na kami ni leader.

Ako pala ang pangatlong myembro nila Vlaser, hindi ako nag-aral sa University na pinag-aaralan nila. Ayaw kase ni Daddy, kailangan kong sundin ang Daddy ko. Kaya mas pinili kong lumayo sa kanila.

*Lay Pov*

"Lay, pahiramin mo muna ako nang pera. Babayaran ko naman, bibili lang ako ng ice cream!" kanina pa nangungulit sa akin 'yan.

"Akala ko ba, marami kang stock?"

"Naubos na eh,"

"Magkano ba kaylangan mo?"

"10k lang, ibabalik ko rin agad!" halos mailuwa ko ang kinakain ko dahil sa sinabi niya. Narito kase kami ngayon sa Cafeteria. Binatukan ko nga ang g*go.

"Aray ko!"

"10k? Pangbili mo lang ng Chocolate?"

"Oo, minsan nga 20k pa nagagastos ko. Pang stock ko na rin kase 'yon,"

"Manigas ka d'yan, wala akong gan'on kalaking pera na maipapahiram sa'yo!"

"Ibabalik ko rin naman, alam ko naman may pera ka--- kaya pahiramin mo na ako!"

"500 pesos lang maipapahiram ko sa'yo, isang libo lang pera ko no? Hindi pa nga ako binibigyan ni Daddy eh." Noong nakaraang araw, nabawasan lang naman ang allowance ko dahil sa babaeng pumunta sa bahay. Nag-iskandalo lang naman siya, kaya nalaman ni Daddy na babaero ako kaya bawaa ng 5k ang allowance ko sa isang buwan. Kaya kailangan ko rin magtipid, puwera na lang kung may lalaban kami para may extra money kami.

"Ang kuripot mo naman, mabuti nagugustuhan ka pa ng mga babae!"

"Pinapahiram ka na, nagrereklamo ka pa!" ani ko at binatukan ulit siya.

"Sumusobra ka na ah, nakadalawa ka nang batok. Sunod na batok mo, may bayad na!"

"Letche ka!"

"Manahimik nga kayo..." ani Ice, palagi namang ganiyang sinasabi niyan eh. Nahinto naman ang kalokohan namin nang tumunog ang cp ko, agad ko itong tinignan at napangisi sa nabasa.

"Five street Abandoned Building, 9pm pumunta na kayo gaganti kami sa inyo!" Gaganti pala huh?

"Nag-text ang Levon Gang, gaganti raw sila sa 'tin. 9pm raw ng gabi, pumunta na daw tayo sa Five street Abandoned Building."Ani ko.

"Seryoso ba sila d'yan? Baka may kalokohan na naman silang naisip." Ani Clarnce.

"Ano? Magdisisyon kayo, papatulan ba na'tin sila?" tumingin ako sa kanilang lahat.

"Payag ako, exciting 'to!" masayang ani Clarnce. Ang dalawa namang may kaniya kaniyang mundo. Tumango lang, ibig-sabihin mapapalaban kami mamaya.

"Lay, Clarnce check ninyo ang lugar mamaya. Baka kase may daya na naman silang ginawa." Ani Shadow. Kilala kase ang grupo na ito na mahilig mandaya, hindi naman sa amin umuubra. Tumango na lang ako at ngumisi, akala siguro nila maiisahan nila kami tch asa sila.