Chapter 24
Kahit 'di pa masyadong magaling ang mga sugat ko pumasok pa rin ako, naglalakad ako sa hallway ng makasalubong ko ang Evil gang. Lalagpasan ko na lang sana sila nang magsalita si Montiverde. Kailangan kong iwasan ang grupo nila, dahil magiging sagabal lang sila sa akin at worse. Baka mapahamak rin sila nang dahil sa akin, ayokong may madamay na mga innocent sa paligid ko.
"Ms. Konaide? How are you? Maaga ka yatang lumabas ng hospital?" tanong ni Montiverde.
"I'm totally fine, hindi ko na kailangan mag-stay sa hospital marami pa akong dapat gawin." Seryosong ani ko aalis na sana ako nang magsalita naman si Monticello, argg bakit ba ako nakikipag-usap sa kanila.
"Kairhara, wait--- ito oh Chocolates oh, para sa 'yo dinala ko talaga 'yan para sa'yo. Magpagaling ka!" ani nito at inabot sa akin ang chocolates.
"Sa'yo na 'yan," seryosong ani ko. Ayoko nang ma-involve sila sa akin.
"Para sa 'yo talaga ito eh, marami naman akong dinala eh..." napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang chocolates. Pero ang dami niyang dinalang chocolates, parang gusto yata nitong sirain ang ngipin ko eh. "Hmm... thank..." matipid na ani ko. Lumakad na ako paalis, wala akong panahon para makipag-usap nang matagal sa kanila.
"Kairhara wait--- sabay sabay na tayong pumuntang room!" ani Monticello at sumabay sa paglalakad ko. Hinayaan ko na lang sumabay sila, kinuha ko naman ang chocolates at kinain ito. Actually mahilig ako sa Chocolates, stress ko kase ito.
"Masarap ba? Kung kulang pa, marami ako rito!"
"K," matipid na sagot ko, may mga student na rin na galit na galit sa akin.
"Nangigil na talaga ako sa kaniya..."
"Malandi talaga s'ya..."
"Ang ganda mo talaga, baby Kairhara!" sigaw ng ilang lalaki sa paligid. Tch, baby? Nakakadiri sila.
Marami pa akong naririnig, hindi ko na lang sila pinakinggan tch. Ang sakit lang nila sa tenga, pagdating sa room lahat ng classmates naming babae ang sama nang tingin sa akin. Lalo na si Mondragon, nginisihan ko na lang ito na halata namang kinainis nito. Umupo na ako at tumungo sa desk ko. Matutulog na lang ako kaysa pakinggan ang mga bulungan nila. Maya maya lang patulog na sana ako nang may biglang maingay na babae ang nambulabog sa akin. F*ck that's girl, she's bullsh*t.
"Good morning besty, I miss you!" sigaw nito at niyakap ako sa likod, f*ck she's annoying. Nakakabuwisit na siya, anong best? Kaylan ko sinabing magkaibigan na kami? "Besty, hindi mo ba ako na-miss?" tanong pa nito, miss her face.
"Shut up you're so noisy! Hindi kita kaibigan, kaya puwede don't call me besty? Kahit kaylan hindi kita magiging kaibigan!" inis na sigaw ko, med'yo nagbulungan naman ang mga classmate namin tch. I don't care, umupo na ito sa tabi ko at hindi talaga tumigil kapag ako mas lalong nainis, bubusalan ko ang bunganga nito.
"Sorry na, miss lang talaga kita. Ilang araw ka kaseng hindi pumasok eh..." tinignan ko ito at inirapan. Nakakasuka ang katulad niyang maingay, walang ginawa kun 'di mangulit.
"I don't care, kahit na-miss mo pa ako or what? Stop pouting nakakadiri ka, mukha kang Aso..." ani ko. Mabuti nang ganito ang approach ko sa kaniya, para tigilan niya ako. Para kase siyang Bobo na hindi makaintindi nang salitang hindi ko kailangan ng kaibigan.
"Grabe ka naman sa akin? Bakit ang harsh mo sa akin? Mukhang aso talaga tingin mo sa akin?" aniya at lumuha na. Artista ba ang babaeng ito, o isip bata lang.
"Can you please? Shut up your mouth, stop talking to me again. Huwag ako ang kaibigan-in mo, dahil wala akong paki sa'yo." Inis na ani ko, ayoko sa tulad niyang mahina. Dahil tiyak akong wala siyang magandang idudulot sa akin. Tumungo na ako at matutulog na sana pero 'di ako makatulog dahil umiiyak ito.
"Pinsan, bakit umiiyak ka? May problema ba?"
"Panget ba ako?" tanong nito sa bagong dating. Tinatanong pa niya, panget naman talaga siya.
"Ay pinsan, tinatanong mo pa talaga 'yan! Oo syempre, panget ka!" mas humagulgul ito ng iyak. Wala ba talaga siyang balak tumigil? Bakit kase dumating pa ang isang ito, akala ko pa naman makakatulog ako rito nang maayos.
"Ang sama mo sa 'kin!"
"Shut up, pinagtitinginan na tayo oh!"
"Ewan ko sa'yo!" dahil sa inis ko, bigla kong sinampal ang babaeng madaldal na ito. Matanda na siya para umiyak napatigil naman ito at tumingin sa akin. Hindi na ako umimik at lumabas na lang ako ng room. Baka kase kung ano pa masabi ko sa kaniya. Kailangan ko nang tahimik na lugar, mas'yadong toxic ang babaeng 'yon.
Lumabas na lang ako sa school, sa bakod na ako lumabas. Mas may thrill kase kapag sa bakod pagbaba ko nagulat ako ng may isang lalaking nakatayo sa gilid ng pader.
"Cutting class?" hindi ko na siya pinansin at lumakad na. Gusto kong nang tahimik na lugar. "Ang sungit mo naman, anong pangalan mo?" tanong nito at sumusunod pa sa akin, hindi ko na lang ito pinansin at nagtuoy tuloy sa paglalakad. "Hey, Ms! Pipi ka ba?" humarang naman ito sa harap ko, malamig ko lang itong tinignan. "Bakit ayaw mo akong pansinin? Gusto lang kita makilala, I'm Skyper and you?" ang daldal niya. Ang sakit na talaga ng tenga ko sa kanila, kapatid ba ito nang madaldal na babaeng 'yon. Hindi na tumigil sa kakadada eh buwisit. "Uy, pansinin mo na ako!"
"Puwede? Manahimik ka?" malamig na ani ko. Akala ko pa naman makakapag-relax ako kapag lumabas ako ng school. Maya maya lang hindi ko na ito nararamdaman na sumusunod, salamat naman.
"Ms! Ito o ice cream!" bigla ulit akong nainis dahil hindi pa pala siya sumuko tch. "Kunin mo na itong ice cream, baka matunaw ito. Sayang naman!" aniya at pilit na inabot sa akin ang ice cream hindi ko naman siya pinansin bahala siya sa buhay niya. Wala akong ibang gusto kun 'di lubayan niya. "Hey, ito nga ice cream. Pang palamig ng ulo, para kase ang init ng ulo mo eh!" aniya. Dahil nakukulitan na ako, kinuha ko na ang ice cream at kinain ito. "Kukunin rin pala eh,"
"Tch..."
"Ang sungit mo, ano nga ang pangalan mo?"
"Alamin mo," tipid na ani ko.
"Grabe ka, hindi ba puwedeng sabihin mo na lang?"
"Ayoko."
"Paano kapag nalaman ko?"
"Ede nalaman mo..."
"Ang pilisopo mo,"
"I don't care..."
"Hay!"
"Tch..."