Chapter 26: Clarnce Pov
8:40 pm, naghahanda na kami para mamaya sa laban namin. Nanrito na kami sa sinasabing lugar para sa laban namin ngayong gabi. Narito rin kami kanina dahil chi-neck namin ito, mahirap na baka may kalokohan na naman silang ginawa.
"Ang tagal Naman...." ani Lay.
"Maghintay ka, malapit na mag-9pm." Ani ko
"Sila nag-aaya tapos sila ang wala pa dito tch. Nangangati na kamay ko eh!" kahit ako excited na sa laban, ngayon na lang kase ulit kami lalaban sa laban nakakamiss ito.
"Tumahimik nga kayo, nangangati na rin mga kamay para suntukin kayo..." inis na ani Ice, palibhasa kase lalaban na lang nagbabasa pa. Wala siyang paki sa laban.
____
Saktong 9pm nang lumabas na kami ng kotse at pumasok kami sa abandoned building at wala pa rin sila. Kanina pa kami naghihintay, mukhang wala silang balak pumunta rito ah?
"Naduwag na yata ang mga 'yon!" naiinis na ani Lay.
"Nasaan na ba sila? Ang tagal nila ha?" tanong ko, pero parang may pakiramdam akong nagtatago lang sila rito.
"Let's go, nag-aaksaya lang tayo ng oras rito. Kung ayaw nila dumating, wala tayong magagawa." Ani Shadow.
"Wait--- hintayin pa na'tin sila..." ani Lay.
"Mukhang wala silang balak dumating," ani Ice.
"Kapag talaga nakita ko ang mga member nila, mabubugbog ko talaga ang mga kupal na 'yon!" inis na ani Lay, mukha siyang dismiyado dahil excited pa naman siya. Aalis na sana kami nang may mga taong nagsalita, napangisi ako dahil sa wakas nandito na sila.
"Ohh? Aalis na kayo?" tanong ng leader nilang si Levon. "Bakit naduwag na ba kayo?" tanong ng leader nila at ngumisi sa amin.
"Wala sa grupo namin ang duwag!" ani ko at ngumisi sa kanila.
"Talaga ba? Bakit parang paalis na kayo kanina?"
"Akala kase namin, naduwag na kayo at piniling hindi na pumunta."
"Nakakaboring kayo..." ani Ice.
"F*ck you, hindi kami aatras babawi kami sa ginawa ninyo sa amin!" ani ng leader nila at tinaas ang kamay. Bigla naman lumabas ang mga grupo nito, marami sila halos na sa 40+ samantalang kami 4 lang. Sinabi ko na nga ba may mga kalokohan na naman silang gagawin eh. Ang original na myembro lang nila ay 4 tapos ngayon mas dumami na. May mga hawak pa silang baseball bat at mga tubo. May balak yata silang patayin kami ah?
"Ano 'to? May pandaraya na naman kayo?" tanong ni Lay. "Wala ba kayong lakas para harapin kami nang fair at square?" tanong ulit ni Lay.
"Napaka-duwag niyo naman? Apat lang kami, ang dami niyo?" tanong ko naman. Nagtinginan naman kaming magka-grupo, kapag umiling si Shadow ibig-sabihin aatras kami. Pero kapag tumango siya, lalaban kami. Nagulat naman ako nang tumango si Shadow at Ice, my gosh.
"Pre, ang dami nila kaya ba na'tin 'to?" bulong ko kay Shadow.
"Yeah... mukhang wala rin silang balak patakasin tayo, wala na tayong pagpipilian." Dahil sinabi ng leader namin na lalaban kami, ibig-sabihin wala nang atrasan 'to.
"Ano pinagusapan n'yo na ba, kung aatras kayo?" matapang na tanong ng leader nila.
"Hindi kami aatras, hindi kase kami duwag na kagaya niyo haha.. matapang ka lang dahil marami kayo!" ani Lay.
"Goodluck, kung makakalabas kayo nang buhay rito. Sisiguraduhin kong ngayong gabi, magwawakas ang grupo ng Evil Gang!"
"Tsk, ang daming dada. Magsimula n kaya tayo, naboboring na kase ako sa inyo!" ani Ice.
Nag-umpisa na ang laban namin, ang dami naman kaagad na sumugod sa akin. Hahatawin na sana ako ng baseball bat nang isang lalaki. Mabuti na lang at naunahan ko itong sikmuran, kahit may mga armas sila. Napa-sigaw naman ako nang tamaan ako ng tubo sa balikat, tang*na. Agad kong sinuntok ang taong humampas sa akin at kinuha rin ang tubo at hinampas rito.
"Clarnce, ayos ka lang ba?" tanong ni Lay.
"Ayos lang ako, baby Lay!" sigaw ko pabalik, nagawa ko pa talagang mag-biro eh.
"G*go! Umayos ka nga! Bakla ampt!" natawa na lang ako kay Lay.
Ilang minuto ang lumipas, marami pa rin sila. Marami na rin kaming napabagsak, nakakaramdam na rin ako ng pagod. Habang nakikipagsuntukan ako sa isang lalaki, may humampas naman sa akin mula sa likod. Nahilo ako at natumba na lang, nakaroon naman nangpakakataon na kuyugin ako ng mga kalaban. Wala na akong nagawa kun 'di tanggapin ang mga suntok at hampas nila. Tang*na, katapusan na ba namin ito? Nakita ko si Lay na bugbug sarado na rin at pilit na lumalaban para sa grupo. Sila Shadow at Ice namin, alam kong nahihirapan na rin. Sorry wala na akong lakas para lumaban.
"Clarnce, Lay!" tawag sa amin ni Shadow, hindi na ako nakapagsalita habang tinatanggap pa rin ang mga atake ng kalaban.
"Mamatay ka na..." ani ng isang lalaki at bigla akong hinampas ng baseball bat sa ulo, nahilo ako hanggang sa unti unti na akong lamunin ng dilim.
Third person pov
Nakikipag laban pa rin si Ice at Shadow, samantalang si Lay at Clarnce bumagsak na at wala nang malay. Habang nakikipag laban si Ice 'di n'ya napansin na may papalapit sa kan'ya, hinampas s'ya nito na nakapag pahilo sa kaniya. Natumaba si Ice at si shadow na lang ang pilit na lumalaban, marami-rami na rin silang napatumba pero hindi nila kinaya dahil sa sobrang dami.
"Ano Shadow? Kaya mo pa ba?" nakangising tanong ng leader nang kabilang grupo.
"F*ck!" mura ni Shadow nang hampasin ito ng baseball bat.
"Akala ko ba, kaya niyo kami? Kaya ang tapang ninyo? Kung una pa lang sana sumuko na kayo, sana wala nang nasaktan!" ani ng isang lalaki.
"M---atapang ka lang, dahil marami kayo, duwag ka..." ani Shadow. Naglabas naman nang baril ang leader ng Levon Gang at tinutok 'yon kay Shadow.
"Gusto mo pa bang mabuhay?" nakangising tanong ni Levo. Ngumisi lang si Shadow. "Kung gusto mo pang mabuhay at nang mga kaibigan mo, lumuhod ka sa harap ko at halikan ang paa ako!" ngumisi lang si Shadow.
"Ulul! Ano ka Santo?"
"Madali akong kausap, any last word Shadow?"
"Patayin mo na, ang dami mong daldal..." ani Shadow at tinanggap na ito na ang katapusan niya.
"Good bye!" ani Levo at ngumisi ng mala-demonyo. Kalalabitin na sana ni Levon ang baril nang biglang…