Chapter 23: Kairhara Pov

Nagising ako na puro puti ang paligid ko, nang mapagtanto ko kung nasan ako ngayon. Tumayo na 'ko sa kama, na sa hospital pala ako. Naalala ko ang nangyari, sa akin.

"Penge tubig..." ani ko at napahawak sa ulo ko. Bakit parang uhaw na uhaw ako.

"Young Lady, I'm glad you're awake!" bungad sa akin ni butler, bakit kaya narito s'ya?

"Tsk, did you heard? I'm talking to you tsk?" sungit na sabi ko kay Butler Kin, common sense naman tsk.

"I'm sorry, Young lady!" aniya at nag-bow sa akin.

"Butler, kuha mo ako ng tubig..."

"Okey, wait--- kukuha ako ng tubig!" aniya at umalis na. Pagbalik nito may tubig na itong dala, agad nitong inabot sa akin.

"Ilang oras na akong tulog, Butler?"

"Hindi ka lang ilang oras natulog, Young lady. Tatlong araw ka nang tulog, kaya masaya akong nagising ka na!" halos mapanganga na lang ako, seryoso? Ang tagal ko namang natulog.

"Okey," sino ba ang may gawa nito sa akin? "Nalaman mo na ba kung sino may gawa nito sa akin?" tanong ko.

"Hindi pa, pero pinapa-inbistigahan ko na. Don't worry, sasabihin ko agad 'pag nahanap ko na!" tumango na lang ako. Kung sino ka man, humanda ka sa akin. "Young lady are you hungry? What do you want to eat?" tanong nito, napaisip naman ako hindi naman ako nagugutom.

"Gustong ko nang umuwe," tipid na ani ko. Sisimulan ko na humanap nang mga information. Pinaglalaruan niya ako, ilang araw na rin kase akong nakatanggap ng death threat sa kanila. Hindi ako puwedeng umupo na lang rito at wala pang gawin.

"But--- Young Lady, hindi pa kayo magaling. Ang mga sugat n'yo baka biglang bumukas, " nag-aalalang aniya.

"I'm totally fine now, Butter. And I don't care, kung anong mangyari sa akin hindi ako puwedeng ma-upo na lang rito!" inis na ani ko, sinamaan ko siya ng tingin. Basta sinabi ko sinabi ko na.

"Young Lady, nag-aalala ako sa'yo. Huwag mo na isipin ang paghahanap sa kanila, ako na ang bahala um-alam sa lahat!"

"Butler, sinabi ko na ang dapat kong sabihin kilala mo ako." Ani ko. Napabuntong hininga na lang ito.

"Okey sige, babayaran ko na ang bill niyo." Ani nito at nag-bow.

"Alam na ba ito ni, Old man?" sana huwag na malaman ng matandang 'yon ang nangyari. Mas OA pa 'yon kay Butler eh tsk.

"Hindi ko pa napapaalam kay, Master Kyoger ang lahat." Nakahinga ako nang maluwag sa nalaman ko, mabuti at 'di pa niya nasasabi.

"Good,"

"Young Lady, excuse me lalabas na ako upang maayos ko na ang release papers ninyo!" tumango na lang ako. Pagkalabas nito inayos ko na ang sarili ko, med'yo masakit pa ang sugat ko pero hindi ko na ininda. Hindi ako puwedeng magtagal rito.

Pagbalik ni butler, agad na akong lumabas ng hospital. Hindi ko na ginamit si Baby ko sa van na lang ako sumakay. Pagkarating sa bahay, umakyat na agad ako at pumunta sa computer room.

Na-miss ko ang kuwartong ito, dito kase ako lagi tumatambay 'pag na sa bahay lang ako. Binuksan ko ang mga computer at tinignan ang record ng hidden camera sa katawan ko. Yeah, palagi akong may camera sa katawan. Lalo noong nalaman kong may mga sumusunod sa akin, inilalagay ko lang sa tenga ko ang maliit na device para 'di halata. Napangisi na lang ako nang may makita akong kahina-hinalang tao. Habang pinapanood ko ang video, kinuha ko ang baril sa drawer ko at pinunasan 'yon. Mukhang magagamit ko ang bagay na 'to, ako naman ngayon ang kikilos. Tignan na'tin kung hindi umikot puwet niyo, ngumisi ako at binaba na ang baril nang nakaramdam ako ng gutom.

"Butler, dalhan mo ako ng pagkain dito sa computer room!" ani ko sa speaker na connected sa lahat nang sulok ng bahay. Hinintay ko na lang ito at nag-computer na para mas makahanap ng information.

*Butler Kin Pov*

Hay na 'ko pasaway talaga ang batang 'yon kahit kaylan, 'di marunong sumunod. Nagbayad na ako ng bill nito para umalis na, 'di ko rin sinabi Lolo nito ang lahat dahil gusto ko siya na magsabi. Ayaw kase n'on na pinapangunahan siya, kapag pa naman nagalit 'yon sa'yo. Hindi mo na ulit gugustuhing magalit siya, palagi naman gan'on siya eh. Kapag sinabi niya sinabi niya, gusto niya masunod 'yon. Nang nakapagbayad na ako bumalik na ako sa room ni Young Lady naabutan ko itong naka-upo sa kama at mukhang malalim ang kanyang iniisip. Sa totoo lang sobra na akong na naaawa kay Young Lady, dahil imbis na mag-enjoy sa buhay. Pero hindi nito magawa dahil walang oras, araw siyang kumakalap ng information para mahanap niya ang pumatay sa magulang niya. Alam ko ang lahat dahil mula pagkabata niya ako na ang nag-aalaga sa kaniya kahit buhay pa ang mga magulang niya. Pinagsisihan ko rin 'yung araw na may trahedyang nangyari sa pamilya ni Young Lady, sana pala hindi ako umalis sa tabi nila sana na-protekhan ko sila.

"Young Lady, maayos na ang lahat!"

"Good," aniya at lumabas na sumunod na lang ako rito, sumakay ito sa inihanda kong van.

Habang nagda-drive ako panaka-naka ko itong sinusulyapan. Kapag tinitignan ko siya, parang gusto ko na lang kunin ang sakit na nararamdaman niya. Siguro kun 'di pinatay ang mga magulang niya, nakikita ko siguro ngayon ang masayang kagaya niya. Pero wala na akong magagawa nakaraan na at nangyari na. Ang magagawa ko na lang ang suportahan at huwag siyang iwan sa lahat nang mangyayari dahil alam kong ako na lang sa ngayon ang nakakaintindi sa nararamdaman niya. Tinuturing kong kapatid si Young Lady, para sa akin siya ang nakakabata kong kapatid na maaga rin pumanaw. Pero hiling ko na balang araw makita ko muli ang mga ngiti ni Young Lady. Pagkauwe namin umakyat na agad ito sa taas, kaya naman pumunta ako ng kusina para ipagluto siya. Ilang araw kase siyang na sa hospital kaya imposibleng hindi siya nagugutom. Nang matapos ako, sakto na narinig ko sa speaker ang sinabi nitong dalhan siya ng makakain. Hindi nga ako nagkamali, umakyat na ako at binigyan hindi na ako kumatok. Nagulat naman ako dahil nakita kong umiiyak ito, habang nakatingin sa picture na sa palagay ko ang family picture nila.

"Young Lady, ito na ang pagkain mo! Ayos ka lang ba?" tanong ko rito, agad itong nagpunas ng mga luha at tumingin sa akin nang seryoso. Inilapag ko na ang pagkain nito.

"Salamat,"

"Walang anuman, Young Lady!" ani ko, yumukod ako rito at nagpaalam nang lalabas. Akala nang iba porke cold at walang paki alam sa paligid niya, pero ang totoo walang araw o gabi na hindi ko siya nakikitang umiiyak. Nalulungkot rin ako para sa kaniya, huwag siyang mag-alala gagawin ko ang lahat para matulungan siya sa paghahanap nang hustisiya.