Chapter 7: See you soon, Southville
"Silver, Silver gising na Silver" sabi ni mama sabay yugyog sa akin.
"Ma?" Sabi ko tsaka bumangon na pero nakapikit pa din.
"Gising na, maaga kayong pupunta doon ngayon." sabi niya habang nag-aayos ng mga gamit ko na dadalhin ko doon.
"Ma, bakit pala sa Southville pa kami pupunta? Bakit di nalang sa Northville?" tanong ko pa sa kanya.
"Dahil kailangan mo na kayong i-train para makapasok sa Northville"
"Bakit naman ma? Ibig sabihin ang malalakas lang ang pwedeng makapasok sa Northville? Ba't parang ang unfair naman nito sa mga tao."
"Ganun talaga Silver. Kailangan kasi, para nadin sa proteksyon ng mga royals, at isa pa kadalasang makapasok doon ay gagawing royal guard or guards mismo ng Northville."
"Wala kayang spy doon ma? Mahigpit ba sila sa loob ng Northville? Ang boring siguro ng lugar na yan."
"Yes mahigpit sila doon." sagot ni mama.
Ang weird naman kung bakit sobrang higpit ng Northville. Hindi ba malalakas ang royals? May kinatatakotan ba silang kalaban?
"Ma, malalakas ba ang royals?" tanong ko kay mama.
"Oo naman."
"Pero bakit sobrang higpit kung malalakas naman pala? May kinatatakotan ba sila ma?" tanong ko.
"Hmmm.. I guess related sa princess. Pero maligo ka na Silver." sabi ni mama.
"Mama naman." sabi ko habang nakapout. Ang hilig niya kasing pumutol ng usapan.
"Hahaha malalaman mo din. Gusto ko ikaw na ang umalam nun." sabi ni mama at tinawanan lang ako.
"Ma malabo yun, kung yung mga malalakas ang pwedeng makapasok dun, eh sobrang labo sa part ko. Wala nga akong kapangyarihan eh."
"Hahaha magtiwala ka lang." sabi niya sabay lakad papunta sa pinto para lalabas sana.
"Ma teka, kung may training naman pala doon, bakit hindi mo po ako nagawang i-train simula pagkabata ma kahit dito man lang sa bahay para atleast man lang ma may alam ako?" sabi ko na nagtataka. Never kasi akong tinuruan ni mama ng combat pati na din sa defense at hindi ko alam kung bakit. At hindi din niya pinapakita ang kapangyarihan niya sa akin. Kung sobrang lakas naman pala ni mama, bakit kaya hindi niya ako nagawang i-train? Ano kaya ang nasa isip ni mama?
"At saka bakit i-titrain pa kami doon, ba't hindi nalang test agad kung sino ang malalakas na pwedeng makapasok sa Northville?" Patuloy ko pa. Si Mama naman nasa may pinto lang nakatalikod sa akin.
"Yeah I did mention na kailangan kayong itrain para makapasok sa Northville. But this time Silver, this training is not about going to Northville, but to defend Arklaria as a whole. And the training will not only be limited to combat and defense, there are other things to learn than just being strong Silver." sabi ni mama tsaka ito lumabas na ng kwarto.
Hayysss kunsabagay tama si mama, but if this training isn't only about combat and defense, then ano pa kaya? Hmmm.. makaligo na nga lang.
Pagkatapos kung maligo ay nag-ayos na ako dahil pupunta na yung mga kaibigan ko dito pati mga magulang nila.
What is it like out there? We've never been to other places before. I guess it won't be easy in there. Knowing that we're from Eastville, a criminal place, I don't know, people might freak out just by seeing us? or not.. maybe.. Southville is where elites lived so I guess they have the courage to face us and discrimination will definitely exist, that's for sure.
"I thought you're still sleeping, but here you are drowning with your thoughts. Good morning Silver." Rania said na kakapasok lang ng kwarto.
"Nandiyan na pala kayo." sabi ko.
"Ako palang." sagot naman niya.
"Oh kaya pala, wala akong ibang naririnig na boses." sabi ko naman.
"Ang dami mong iniisip." sabi niya.
"Dami kasing nangyayari na hindi ako sanay." sabi ko nalang.
"Pahiga muna dito sa bed mo hah." sabi niya sabay higa.
"Teka, matutulog ka ulit?"
"Hindi. Pahinga lang." sagot niya.
"Level up yata toh. Dati gusto mo lang umupo at magbasa, pero ngayon gusto mo ng humiga. Magaling, tinablan ka rin ng pagod."
"Hindi ako pagod. Kulang lang sa tulog."
"Bakit? Anong pinagkaabalhan mo kagabi?" tanong ko na nakakunot ang noo.
"May mga iniisip lang." sagot niya.
"Ae ang galing, sinabihan mo pa akong ang dami kong iniisip pero ikaw din naman pala."
"Ouh, para may karamay ka." sabi niya tsaka ngumiti pero nakapikit.
"Ae wow, karamay talaga. Ganda ng reason mo Rania." sabi ko.
"Ouh, kasing ganda mo." sabi niya at ngumiti na naman. Marunong na ba toh ngayong magcompliment? Or joke siguro?
"Mali pala. Mas maganda ka." sabi nito sabay bukas ng mata niya at tumingin sa akin.
Problema nito? Ba't bigla siyang naging ganyan na naman. Actually, nakakaintimidate hah, ang ganda niya kasi tapos nagcocompliment pa which is once in a blue moon lang niya ginagawa.
"Salamat. Mas maganda ka kaya. Wag kang ganyan." sabi ko nalang sa kanya. Hindi kasi talaga ako comfortable eh. I mean, the way she's looking at me, it's full of emotions, and this side of her is very rare.
"Silver." sabi niya at pumikit na naman.
"Once we get in the Southville, stay by my side always." sabi niya.
"Bakit?" tanong ko na nagtataka.
"Just stay, that's all I ask." sabi niya at tumahimik na.
"Can I ask you about something personal Rania?" tanong ko.
"Hmmm" yun lang ang sagot niya.
"Where's your parents? Are you really from Eastville?" tanong ko.
"Bakit mo naman natanong yan? Mukha ba akong hindi talaga dito?"
"I don't know, it suddenly pop in my mind. But I'm also wondering, you really look different. You stand out and I don't know, I feel like there's something that you..."
"yoouu?"
"Hide?" sabi ko.
"Sorry, I shouldn't have asked that. Never mind, just don't answer it if you don't feel like it. I'm really sorry. I crossed my boundary." patuloy ko pa.
"It's okay. I'm not offended, but I'm sorry coz for now I can't tell you yet." sabi niya habang malungkot na nakatingin sa akin.
"It's okay, I understand. I know we can trust you." sabi ko sa kanya at ngumiti.
"Thank you Silver." sabi niya while smiling back at me.
"Looks like they're here." sabi ko ng may marinig na akong mga boses sa labas.
"Let's go outside." sabi ko kay Rania.
"Hmmm." sabi niya tsaka siya bumangon at lumapit sa akin.
"Tara." sabi niya at pumunta na kami sa sala.
"Magandang araw po sa inyo." sabi ko sa mga magulang ng mga kaibigan ko. Nag uusap sila, habang yung mga kaibigan ko naman na sina Mina, Alex at Annie ay nag uusap din.
"Magandang umaga din sa inyo iha. Ready naba kayong lahat ngayon?"
"Ready nalang po." sabi ko naman.
"Hahaha parang napilitan lang hah hahaha pero wag kayong mag-alala, nandoon din naman kami at may paniniwala akong magkakaroon din kayo ng mga kaibigan doon."
"Sana po okay lang yung mga tao doon." sabi ko.
"Titingnan nalang natin pag punta natin doon." sabi ng papa ni Annie.
"Wag kang kabahan Silver. Nandito kami para sayo." sabi naman ng mama ni Annie.
"Maraming salamat po sa inyo."
"Hello sayo Rania. Ang tahimik mo pa din."
"Opo, di na magbabago yun." sagot ni Rania.
"Hahaha straightforward. Anyway nice to see you all again. It's quite a while na hindi tayo nagkita." sabi naman ng mama ni Alex.
"Likewise po. Maraming salamat." sabi ko.
In a while, may narinig kaming katok sa pinto. Mukhang nandito na ang sundo namin.
"Hello everyone, are you all ready?" sabi nung lalaki na pumasok.
"We don't really have a choice sir, do we?" sabi ni Alex na mukhang puyat pa din.
"Yes wala kayong choice kaya tara na doon sa sasakyan." sabi nito sabay yuko sa harap ni mama. Ang hilig nila mag bow noh.
"It's going to be a long day ahead." rinig kong komento ni Annie.
"Gaano ka long yung day Annie?" sabi naman ni Mina na walang magawa kaya ayan kung anong tinatanong tanong.
"Longer than your life, Mina." sagot ni Alex.
"Madami akong stock, healer kaya ako." Hahaha
"Madami kang buhay? Bigyan mo kami isa isa." sabi naman ni Alex.
"Hahaha iyak ka muna." sagot naman ni Mina.
"Wag nalang pala." sagot ni Alex.
Nagkulitan lang yung dalawa samantalang tahimik naman kaming lahat bukod sa kanila. Yeah, it's going to be a long day.
See you soon, Southville.
_________________________________________
Note: Northville, Southville, Westville, and Eastville, doesn't really follow the direction of the globe where north and south are in the opposite direction while the east and west are also in the opposite direction. In this story, ang Northville ay ang pinakadulo sa Arklaria, followed by Southville, Westville and then Eastville. Ibig sabihin, hindi ka makakapunta sa Northville kung hindi ka muna dadaan sa Eastville, Westville and Southville.