Chapter 6: Princess?
Why would a gift gives a curse as a punishment? I really don't get it.
If someone is cursed, what would happen to that person?
Gusto kong itanong yan kay mama, kaya lang, may naghahanap sa kanya bigla dito sa bahay eh. Hindi ko kilala, hindi pa namin nakita ang taong yun, but somewhat kamukha siya ni mama. Hindi ko alam if magkapatid ba sila or kamag-anak. Now, when I think about it, I didn't know anything about mom's family. She's just mysterious but childish sometimes. I wonder who really mom is.
Since that demon incident happened, mom always away, at pagnandito naman siya sa bahay, madaming naghahanap. I don't know but she's really an important person.
Nandoon sila ngayon sa may kusina nag-uusap nung bisita niya. Lalaki yun, kamukha niya, green eyes, at bata din ang hitsura. Si mama din eh, mukha siyang nasa 20's pa, but she's already 36, bata pa lang talaga ang hitsura ni mama.
"Sino kaya yun? Kilala mo ba yun Silver?" tanong bigla ni Alex.
"Hindi. Ngayon ko lang siya nakita." sagot ko.
"Baka uncle mo o tito mo kamukha kasi ng mama mo eh pero mukhang bata pa." sabi naman ni Mina.
"Ewan. Si mama naman ah 36 na pero mukha pa din 20 kaya di din ako sure kung bata pa talaga yang lalaking yan." sabi ko naman.
"Ang tahimik niyo Rania at Annie? Wala ba kayong masabi sabi diyan?" tanong ni Mina.
"Wala." sabi ni Annie, samantalang si Rania naman ayan nakatingin na ngayon sa sakin. Problema talaga nito noh?
"Anyway guys, anong gagawin natin pag may mga demons na darating sa mundo natin?" tanong ni Alex.
"Lalaban, wala tayong choice eh." sabi naman ni Mina.
"I don't think lahat ng demons ay masama." sabi ni Annie.
"Think about it. Why would the demon queen agreed to the treaty if they really want war? If the demons will come here, it's either they want it or they are forced to do so." Patuloy pa ni Annie habang nag-iisip.
"The demon queen is defeated by someone. And I really really think that this someone is very dangerous. You're mother did not mention if it's a demon who defeated the demon queen, so it might also be another creature. And I doubt that the demon queen is weak knowing that it's the "Queen" in their world. And based on the description of demons by your mother, demons are so freaking hard to defeat and kill. So whoever it is, Arklarians can never defeat something like it" sabi pa din ni Annie habang nakatingin sa akin at kami naman ay nakikinig sa kanya.
"So, we need the covenants? We can't win alone. But I really hope they will help us or if they don't, we will still fight til the end." sabi ni Alex.
"They will help." sabi bigla ni Rania.
"Hah? Paano mo nalaman?" tanong ni Annie.
"Simply, because I think may connection si Tita Mara sa kanila or isa sa kanila." sabi ni Rania. Oo nga naman, mukhang may connection nga si Mama sa kanila, knowing na madami siyang alam tungkol sa kanila at sa ibang creatures.
"Your mother is mysteriously cool hahaha exact opposite mo" sabi bigla ni Mina. Okay bumalik na siya sa pagiging siya. Minsan seryoso, pero madalas hindi.
"And my father seems to respect her so much. So I guess your mother is not just an ordinary Arklarian. Besides ang dami niyang alam sa ibang mundo at nilalang." sabi na naman ni Annie.
"May mga hindi ka ba alam tungkol sa mama mo Silver?" tanong naman ni Alex.
"I don't know. I know some parts, but looking at it now, I'm not sure." sagot ko at napabuntong hininga nalang, sabay tingin sa may kusina. Mukhang seryoso talaga pinag-uusapan nila.
"I don't know anything about Mom's family and my father. It's something that she doesn't want to talk about." sabi ko. Tumingin lang sila sa akin na parang naghihintay sa susunod kong sasabihin.
"I didn't forced her to tell me. I don't want her to be sad. I believe she'll tell me once she's ready or in the right time." patuloy ko pa.
"So you... You're such an empathetic person Silver. Maybe that's you're ability, one that can understand others without even saying a word." sabi bigla ni Rania. Buti nagsalita nato noh? At madami yatang words yung sinabi niya. Achievement yun, may pa compliment pa.
"Himala Rania, kami din icompliment mo para di naman masyadong halata." sabi ni Mina na kumikindat kindat pa.
Ano daw? Halata saan?
"Mali ka doon sa can understand others without saying a word Rania hahaha ang dami mo ngang sinabi pero iyan oh hindi man lang na gets hahaha" sabi naman ni Alex.
"Hahaha bato" sabi na naman ni Mina.
"Bato? Mukha ba akong bato?" Tanong ko sa kanila na naguguluhan. Kaya ayun tumatawa silang lahat. May mali ba sa sinabi ko?
"Hahaha Oo, mukha kang bato hahaha" sabi na naman ni Mina. Eh kung batohin ko kaya toh? Syempre joke lang.
"Ang bad niyo sakin, sabihin niyo nalang para mas maintindihan ko agad." sabi ko sa kanila.
"Alam mo ang talino mo sa ibang bagay. Pero pag ganito parang wala kang talino ni isa hahaha" sabi na naman ni Mina. Actually naguguluhan ako kung bakit may healer ability yan eh ang hilig kaya manakit ng emosyon at masasaktan ka talaga pag di ka sanay. Siguro nga siya yung tipong break you then heal you? Hahaha
"Ba't ka nakangiti na nakatingin sa sahig? Doon ka nalang tumingin kay Rania, malayong-malayo yan sa mukha niya." sabi naman ni Alex. Kaya tumingin ako kay Rania. Seryoso lang yung mukha niya pero nakatingin sa akin.
"Ahem, maya na yan." sabi ni Annie na ngumingiti. Hah? Ano bang mayron?
Magsasalita na sana ako ng may magsalita sa likod ko.
"Ladies" sabi ni mama.
"This is Lawrence. I want you all to listen to what his going to say." patuloy ni Mama.
"Everyone. I just want to inform you that one of this days, demons might attacked here in Arklaria, we have confirmed that the gate keepers of the portal that linked here and the other worlds, have gone missing. Their places and houses were burned but no signs of them in there. No dead bodies found. So I assume that they were taken or into hiding. Ang Eastville ang nagsisilbing lagusan sa ibang mundo, ibig sabihin pag may pumuntang demons sa Arklaria, ay dito unang mapupunta... We have received a command from the King to transfer the people of Eastville and Westville to Southville. Doon muna kayo, ang mga elites muna ang maghahandle sa lugar nato." sabi nung Lawrence.
"Teka po, kasya ba tayo doon?" Tanong ni Alex na nagtataka. Actually kaming tatlo ni Alex, Mina ay nagtataka. Wala lang kasing reaction ang mukha ni Annie at Rania.
"Oo naman, malaking lugar yun." sagot naman ni Lawrence.
"Can you guarantee our safety in there?" Tanong naman ni Annie.
"Yes, we have already receive a place for you guys to stay. You and your families."
"You mean all of us, staying in one place?" tanong ko sabay turo sa mga kaibigan ko.
"Yes, Mara requested it. Since she'll be working with us, and can't stay with you. So, she asked us if it's okay to put you all in one place, para madaling mamonitor pag may mangyaring hindi maganda at para na din na hindi ka malungkot." sabi ni Lawrence.
Tumingin ako kay mama... she looks... sad?... yeah, she looks like saying sorry to me because she can't stay with me yet. I understand, mom's a very important person, knowing that this man right here in my front is one of the top ranks of elites, yet pumunta siya dito personally para lang kay mama. Ibig sabihin, hindi nga basta basta si mama.
"I understand ma. You don't have to give me that look." sabi ko tsaka pumunta sa kanya para ihug siya.
"Mag-iingat ka ma hah sa mission niyo at bisitahin mo din ako doon." sabi ko sa kanya habang nakayakap pa din ako sa kanya.
"Oo naman." sabi niya at hinalikan ako sa ulo.
Kumalas na ako kay mama at tumingin kay Sir Lawrence.
"Sir, wag niyo sanang pabayaan ang mama ko."
Tumango lang siya sabay yuko.
"Kailan po para kami magsimulang pumunta sa Southville?" sabi bigla ni Annie.
"Bukas. May susundo sa inyo dito." sagot ni Sir Lawrence.
"Miss Mara, aalis na po ako." sabi ni sir Lawrence kay mama saka nagbow, at tumango sa amin bago ito tumalikod at umalis.
"Ma? Why do I feel that you're rank higher than the elites?" sabi ko bigla kay mama habang nakatingin sa labas. Ang mga kaibigan ko naman ay nakikinig lang sa amin.
"Hmm.. I don't have a rank here Silver, but people do respect me." sagot ni mama.
"Here? And why is that ma?" tanong ko ulit kay mama habang nakakunot ang noo.
Mama is just looking at me.. hindi siya nagsasalita.. but her eyes looks like calculating something.. parang tinitimbing ko sasabihin ba niya o hindi. sasabihin kaya niya sa akin, sa amin?
"I defeated all the elites, that's why" sabi ni mama habang nag-iisip pa din.
"Whatttt?!!!? sabi ko pa.
" Hmmmppf hahaha epic ka talaga Silver. Hindi mo man lang alam kung gaano kalakas ang mama mo hahaha" sabi bigla ni Mina. Alam ko namang malakas si mama, pero hindi ko inasahan na lahat talaga ng elites ay matatalo niya. Sa pagkakaalam ko, ranking yung elites, ibig sabihin pati yung pinakamalakas doon ay natalo niya. At nirecruit ba siya ng mga ito? at ginawang rank 1?
"Hindi Silver. Hindi ako pumayag na mapabilang sa elites. Pumayag lang akong makisama sa kanila dahil sa mga demons." sabi ni mama na walang emosyon.
"Yung Lawrence po ba ang rank 1 ng mga elites?" tanong bigla ni Annie.
"Hindi. He is one of the bodyguards of the royals in the palace. He's stronger than the elites." sagot naman ni Mama. Mali pala ako hindi pala Elites si Lawrence, so yun pala ang plate ng mga guards na nakita ko sa damit niya sa may right arm. Maliit lang ito at hindi basta basta mapapansin. Kulay itim kasi, tapos itim pa ang suot.
"Iba po ang nagbabantay ng palace at royals ma?" tanong ko kay mama.
"The palace is protected by the top 20 elites yes, and royals have their own right hand and bodyguards. The Queen has two bodyguards and 1 right hand. The King has the same. And the Princess, I think she has 4 bodyguards." sabi ni Mama.
"You've seen the princess?" tanong ni Rania na seryosong sersoyo. Iba ang seriousness niya ngayon hah.
"I did, one time. I didn't saw her fight yet, but she's really silent, and quite a keen observant. And she has the charm." sagot ni mama.
"Charm?" tanong ni Alex.
"Charm to make you bow down and obey her without using her abilities." sabi ni Mama.
"Do you know anything about her abilities ma?" tanong ko, nacucurious ako eh. Hindi kaya yun manipulative? and makes people her puppet? parang ganun?
"Hahaha no Silver. She's not like that." sabi ni mama na natatawa.
"You'll know once you cross paths with her." sabi ni mama na sumeryoso bigla.
"Silver, remember who you are when the time comes." sabi ni mama na naging malungkot bigla. Hah? Ano daw at Bakit? Hindi ko maintindihan.
"Magpahinga ka na Silver, at kayo naman, umuwi muna kayo at pumunta dito bukas ng umaga kasabay ng magulang niyo. Dito na kayong lahat kukunin bukas." sabi ni Mama.
"Excuse me po. Can I have a word with you miss Mara?" tanong ni Annie na nakatingin kay mama.
"Sige." sabi naman ni mama.
"Una na kayo guys, may itatanong lang ako." sabi ni Annie.
Kumunot naman ang noo naming magkaibigan. Mukha kasing private tong pag-uusapan nila, at ngayon din ay seryosong seryoso si Annie, kaya nakakapagtaka.
"Sige. Mauna na kami." sabi bigla ni Rania, mukhang nakikiramdam toh sa situation. Kaya lumabas na siya kasabay nung dalawa.
"Sa kwarto lang po ako." sabi ko sa kanila at pumuntang kwarto. Kahit na nagtataka ako, ay pinili ko nalang na manahimik. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may kinalaman sa akin ang pag-uusapan nila. Makatulog na nga lang.