Chapter 8: First Day Smells Like Trouble
"Nakakapagod." sabi ni Mina habang nagpupunas ng pawis niya. Habang yung iba ko namang mga kaibigan ay nakaupo habang umiinom ng tubig. Paano ba naman kasi, pagdating namin dito, eh bigla kaming pinatawag at pinatakbo hanggang main hall tapos pagdating namin doon, sinabihan ba naman kami na libutin ang buong Southville sa pamamagitan ng pagtakbo at hindi daw gagamit ng kapangyarihan. At hindi din kami pwede magviolate dahil malalaman nila agad yun. Totoo naman, may mga nagviolate kanina at ang mga tao na yun ay bigla nalang nawala the moment na gagamitin nila ang kapangyarihan nila, parang automatic na madidetect ng kung sino mang naghahandle ng training na to. At hindi ko alam kung saan napunta ang mga nagviolate kanina.
Tungkol naman sa mga magulang namin, actually hindi sila kasama sa training nato pero ewan, training ba toh or test? Aba, both nalang parang pareho eh. Hindi ko alam kung may sarili silang training o maghihintay lang silang matapos kami or baka nandoon na sila sa lugar kung saan kami titira.
Kung iniisip niyong nalibot na namin ang buong Southville, ay mali kayo. Ang laki pala talaga ng lugar nato. Actually, pinayagan lang kaming magpahinga muna ng 15 mins. Pagkatapos nito, balik takbo na naman. Nakakapagod, di ko nga alam kung paano ako nakatakbo ng ganoon kalayo eh.
Sa mga dumaan na ng ganitong training, or mas matindi pa nito, siguro madali na lang sa kanila. Sa nakikita ko kasi ngayon, ang dami namin na nandito and mostly sa kanila ay taga Westville, iba kasi sila manamit compared sa amin dahil mayayaman ang nasa Westville. Wala ding nag-aaway at nambubully dahil bawal din yun sa training na toh.
Kahit ganito lang ang training nato, pero more likely ay parang "mind your own business or keep on your own lane, don't disturb others and focus on your own but don't hesitate to call help when it is most needed." Parang last option yung call for help, dapat you can stand on our own itong training nato, pero pwede kang tumulong kung kinakailangan at pwede ka ring hihingi ng tulong kung kinakailangan mo. I really don't know what's on the mind of the one who created this training, but that person is smart. I wonder what they really want to achieve after this.
"15 minutes is over. Get up now and run in the count of 5." kaya nagready na kaming lahat. Tumingin muna ako sa mga kaibigan ko at tumango kami sa isa't-isa. As much as possible ay dapat hindi kami magkakahiwalay, or dapat hindi kami magkalayo-layo.
"5............ 2... 1. Gooo"
Takbo lang kami nga takbo. Anong oras naba? 6 am kaming dumating dito sa Southville. Hindi ko alam kung anong oras na pero nagugutom na ako. Tanghali naba? Hindi ba kami nila pakakainin?. Ang laki pala talaga ng lugar nato eh. Baka sa ikalimang araw pa kami matapos nito? Naku naman. Nagugutom na talaga ako.
Takbo.. takbo... takbo.. takbo... takbo
Hayyyy pagod na ako. Ang gutom na, ang uhaw pa. Baka hindi demons ang ikamatay ko kundi ito. Naku naman.
"Silver, here." sabi sakin ni Annie habang inaabot ang tubig at tinapay.
"Teka, wala kang dala kanina hah. Nagtago ka?" tanong ko sa kanya at kinuha ang hawak niya.
"Hindi ba din toh bawal? Baka kasi mapahamak ka ng dahil sa akin." patuloy ko pa.
"May dala ako just in case. Tsaka water magic kaya yung kapangyarihan ko."
"Teka magic mo tong tubig nato? Malinis ba toh?"
"Oo naman, sira ka, kaya ko kayang magcontrol ng tubig, they obey me like I'm their master. I can manipulate water on the ground or anywhere as long as there's water. I can also produce my own water but I'm still mastering that part. And regarding the bottled water in your hand, I just summoned it. And if you ask how, like I said they obey me, as simple as that." hmm talaga? Minamaster palang niya na makagawa ng sariling tubig? eh ano yung nakita ko nung nakipaglaban siya ng demon? ang galing kaya nun.
"Ang cool mo talaga Annie."
"Naaahhh I'm not. Kainin mo na yan, gutom ka na at inuuhaw."
"Baka wala ka ng pagkain dyan. Hati nalang tayo."
"Hahaha madami akong baon, wag kang mag alala."
"Okay sige. Maraming salamat."
Takbo pa din kami ng takbo. Kinain ko na ang bigay ni Annie. Atleast, nabawasan na ang gutom ko. Kailan pa kaya toh matatapos. Napakahirap naman, hindi pa naman ako mahilig tumakbo pag hindi dahil sa takot hahaha
"Everyone. Keep running while listening to this announcement. The rule change this time, you are now allowed to use your power but wait til I count to 10. But first, listen, see the blue light ball above? Follow it and if possible catch it. It will lead you here immediately, and the first person to arrived will have a reward. Good luck newbies." sabi ng isang boses na hindi ko alam kung saan nanggaling.
"In the count of 1.... 2.... 3.... 4.... 5.... 6.... 7.... 8.... 9..... 10"
All of the sudden, it becomes so crowded and difficult at parang magkakasakitan na. Everyone is showing there powers except me and, wait my friends are not using their powers too. But why?
"Hey guys, why are you not using your powers? Mas madali pag ginamit niyo ang kapangyarihan niyo para mapunta agad kayo doon." hinihingal na sabi ko dahil sa pagod kakatakbo. Sigurado akong ako talaga ang mahuhuli nito.
"We're not going to leave you here Silver. We should stay together." sabi ni Annie.
"Oo nga, wag kang mag-alala, mas maganda din ang ganito, yung tipong hindi ka umaasa sa kapangyarihan mo." sabi naman ni Mina.
"Hindi ba kayo nagugutom at napapagod? Para naman makakain na kayo at makapagpahinga na doon." Nakokonsensya talaga ako eh na parang dahil sa akin ay ayaw nilang gamitin ang kapangyarihan nila.
"Okay pa naman Silver. Kaya pa, okay din naman sa akin ang ganito, nakikita ko ang kapaligiran dito kaysa magfocus doon sa blue light na yun." sabi ni Alex.
"Buti talaga na mahilig ka sa kapaligiran Alex noh, kasi kung hindi baka sinunog mo na lahat hahaha" sabi naman ni Mina na tumatawa.
"Sira ka talaga Mina, hindi ko talaga maintindihan kung bakit earth magic at healer ka eh. Parang di bagay sayo."
"Hahaha eh ano bang bagay sa akin?" tanong ni Mina na ngumingiti."
"Ang ilibing kang buhay." sagot naman ni Alex. Naku naman, ganito na naman sila.
"Silver, we're fine, don't worry. Wag mong isipin na dahil sayo kaya kami hindi gumagamit ng kapangyarihan. You see the mess those strangers did when they release their magic, and I don't like it." sabi bigla ni Rania. Kaya tiningnan ko siya, ang tahimik nito kanina, I wonder kung bakit ngayon lang ulit toh nagsalita at wala siyang ekspresyon sa mukha ngayon.
Siguro pwede naman magtulungan kami noh? Like isa sa kanila will carry me using their magic para makaalis kami dito agad but they chose not to. Seems like they got no plans of really using their magic pag ganito. Ah no mali, Rania's the only person who possessed the air magic, so siya lang yung tipong makakalipad sa amin ng normal. The rest, they can innovate but it will be messy. Kaya siguro ganun. I see.
At tama si Rania, simula kasi nung announcement kanina, nasira na ang mga dinaraanan namin. Kung tutuusin ang Southville, hindi naman masyadong mapuno at mabundok pero may mga nadadaanan kaming mga puno na ngayon ay nasira na, may mga bahay na din kaming nadaanan at yung iba ay nasira din dahil doon. Galit na galit nga ang mukha nung may-ari eh. May mga tao na din na nakatingin lang sa amin habang tumatakbo kaming lima. Binabantayan yata ang mga galaw namin. Hindi ko gusto ang mga toh.
"Bakit ganyan sila makatingin sa atin? Parang hindi maganda ang iniisip ng mga yun hah." sabi ni Mina.
Tapos biglang may humarang sa amin. 8 silang lahat, 5 na lalaki at 3 na babae. Ano bang problema ng mga toh? Huminto muna kami.
"Anong kailangan niyo?" Tanong ni Annie.
"You're newbies right? Why don't we have a match before you proceed?" sabi nung mukhang leader nila.
"Sorry but we're in a rush." sagot naman ni Annie.
"I like you woman. Perhaps I let you continue but you have to give yourself to me." sagot nung leader tapos ngumiti lang yung mga kasama niya. Ngiting masama.
"Then die." sabi bigla ni Alex, saka ito naglabas ng apoy papunta doon sa mga humarang sa amin.
"Hahaha you think fire can hurt us lady? Sorry, but my magic is shield hahaha you have no choice but all of you will be ours"
"Bow down." sabi bigla ni Rania. And suddenly, nakaluhod silang lahat habang yumuyuko sa amin.
"If this will happen again, you'll pay with your life." sabi na naman ni Rania na walang ekspresyon ang mukha, habang yung nasa harapan namin ay nanginginig na parang nasasaktan. Ano toh? Ano ang kapangyarihan nato?
"Let's go... out here." That's what I heard mula kay Rania. And the next thing we know, nandito na kami sa Main Hall? Teka paano kami napunta dito agad? Bakit kami bumalik? Wait ito ang starting place tapos ito din ang end place sa training nato?
Nagkatinginan kaming apat nina Annie, Alex at Mina. Mukhang hindi basta basta itong si Rania. Wala nga talaga kaming alam sa kanya.
"Congratulations, you are the first ones to arrived. However, there's only one winner in this trai...."
Rania cut her off saying...
"We don't need winners. Just take us to the reserved place for us to stay, and eat, gutom na kami." sabi ni Rania. Wala talaga toh sa mood ngayong araw. Iba kasi talaga ang aura ni Rania ngayon eh.
"Of course, come." sabi nung babae na humarap sa amin.
Sumunod lang kami sa kanya papunta sa isang pinto.
"Here we are. Just open the door and it will lead you there. Good luck." sabi nito na nakangiti at naglakad na palayo sa amin. Bakit di ko gusto ang ngiti na yun?
Good luck? Bakit maypa good luck siya? Anong ibig sabihin nito? Hindi ko alam pero mukhang may gagawin na naman kami sa susunod naming pupuntahan.
Binuksan ni Annie yung pinto, tsaka kami pumasok sa loob. Wala kaming makita dahil ang dilim. Kaya kumapit nalang ako sa kung sino man tong malapit sa akin. Naku naman, anong gimik na naman toh.
"Guys?" sabi ko sa kanila. Baka kasi hindi na sila ang kasama ko. Wag naman sana, baka dito nako mamamatay? Kung may papatay sakin dito, walang makakaalam huhuhu
"I'm here, crybaby." kaboses yun ni Rania hah. So siya tong kinapitan ko?
"Rania?" kompirma ko sa kanya.
"Ako nga"
"Sigurado ka?" tanong ko pa.
"Oo"
"Ba't ikaw lang ang nagsalita? Teka guys? Annie, Alex, Mina?"
"Boooo" bigla sabi ng kung sino man sabay hawak sa akin.
"Waaahhh bushet ka. Sino ka? Kung mamamatay ako dito, sigurado akong ikaw ang malilibing." sabi ko, grabe manggulat toh, takot pa naman ako.
"Hahahaha epic ka Silver. Ako talaga ang ililibing kahit ikaw naman ang mamamatay hahahaha" kaboses toh ni Mina. Oo nga pala, walang ibang gagawa nito kundi siya lang. Ang galing naman, tinawanan pa ako.
"Teka guys, malayo pa ba tayo? Bakit wala tayong nakikita dito?"
"Walang nakasaad na malapit na tayo kaya malay natin kung malapit or malayo at wala din tayong nakikita dahil walang ilaw." Bushet sino na naman tong nagsalita? Alex?
"Ikaw ba yan Alex?"
"Hindi. Si Silver ako." Naku naman, lumabas na naman ang sakit nito na parang si Mina lang din.
"Hahaha double kill." sabi ni Mina na tumatawa. Actually, mas bagay sila ni Alex noh?
"Sssshhh, stop talking guys." sabi bigla ni Annie.
"Huh bakit?"
"Stop talking and don't create noise." sabi ni Annie na sobrang seryoso ng pagsasalita. Bakit kaya? Anong mayroon.
Suddenly may naririnig akong tunog na parang naglalakad. Hah? Bakit ang weird ng tunog? May mali ba dito? Anong lugar toh? Para kasing may takong eh tapos 1, 2, 3 ang paraan ng paglalakad tapos hihinto tapos babalik na naman.
"Hahahahahaha" biglang nalang may tumawa, nakakakilabot pa naman ng boses niya. May naamoy na din ako na mabaho. Ang baho, ba't amoy patay?
"Stay close to me." sabi ni Rania sa akin.
"Welcome to Death. Ang swerte ko naman, may napunta pa talaga sa territoryo ko. Hehehehe hahahaha." baliw yata toh. Pero bakit ang baho? Hindi ko toh naamoy kanina, ngayon lang. Nakakakilabot pa naman, kung sino toh.
"Guys anong gagawin natin?" bulong ni Mina.
"Sshhh." sabi na naman ni Annie. Bakit puro ssshh shhhh siya ngayon?
"Hehehehe he he he hahahaha sweet may makakain ako" bakit parang hindi training ang pakiramdam ko nito? Bakit parang kamatayan? Don't tell me, ipapakain kami ng kung sino mang naghahandle ng training kanina? Or baka naman nagviolate kami kanina tapos ito ang parusa? Hindi naman yata makatarungan pag ganito.
"Sino ka ba?" sabi ko bigla. Naiinis na ako eh. Bahala na. Hinawakan bigla ni Rania ang kamay ko na para sinasabi na wag ituloy kung ano man ang balak kung gawin.
"Oh, may naglakas ng loob na sumagot sa akin. Alam mo bang mamatay ka pag kinakausap mo ko? Hahahaha"
"Eh bakit buhay pa ako ngayon?" sagot ko ulit. Bushet talaga, nagugutom na ako. Tapos may baliw pa dito.
"Oo nga naman, ba't buhay ka pa? Hahahaha hindi ka yata tinatablan ng curse ko hahahaha masaya toh"
"Masaya ka? Ako hindi. Sabihin mo nga saan palabas dito?"
"Like I will Hahahaha" suddenly may biglang sumakal sa akin at parang umaangat ako dahil hindi ko na matapakan ang lupa. Nabitawan ko din si Rania. At hindi ko alam kung nasaan sila dahil parang nawala bigla sa tabi ko.
"Hahahaha ang saya." sabi ng kung sino man tong baliw nato at ang baho pa. Ng bigla akong dilaan nito. Yuck, bwesit. Ngayon ko lang din narealized na di ako makagalaw.
Rania. Sabi ko sa isip ko. Tingin ko di makagalaw ang mga kasama ko at hindi na din sila makapagsalita. Bwesit, papatayin talaga kami dito?
"Die witch." sabi bigla ng kung sino man. There I saw a light, Rania is filled with light at may pakpak? What? Nanaginip ba ako or resulta toh ng kapangyarihan ng baliw na toh?
"Well, well, what do we have here. I didn't expect na may another creature sa Arklaria hahahaha you're going to be a good dinner. Sweet delicious dinner. And oh, you can't command me, you don't have enough control yet hahahaha but it's a surprise that you manage to make a move even if I nullified your powers and put you under my control, but well, as expected of being one of the strongest creatures, aren't we? Hahahaha "
"Rania." sabi ko bigla habang nakatingin sa kanya. Ngumiti bigla si Rania.
"Who says I'm going to command you?... Light Creation Release." tsaka biglang lumiwanag lahat.
"Ahhhh what did you dooo? Stop the light Ahhhh. Stop it aaahhhh I'm going to kill you Ahhhhhh" bakit bigla itong napapaso? Tsaka sigaw ng sigaw ito na parang nasasaktan ng sobra. Liwanag lang pala ang katapat nito? Nagdala nalang siguro ako ng flashlight noh para naman may laban din ako dito? Pero kawawa naman, I feel like her soul is really sad and lonely. Hayyy. Maybe someone just need to take a step to save this creature? It's worth to try.... or not?... but nevermind, I’ll try.
Nakajacket naman ako at makagalaw na din. Kaya pumunta ako sa kinaroroonan ng baliw nato. Tsaka ko binukot sa kanya ang jacket ko para hindi cya masyadong matamaan ng liwanag.
"Silver, bakit?" sabi bigla ni Rania.
"Silver lumayo ka dyan. Masama yan, papatayin ka ng halimaw na yan." kanina witch, ngayon halimaw? Ano ba talaga?, mukha naman tong tao, mukha nga lang talagang galing sa hukay, pero baka pwedeng ayusan? Tsaka hindi kita ang mukha niya, buhok kasi ang nasa harapan eh at puro itim ang damit. Ano bang problema nito?
" I'm fine Annie. Hey, what's your name lady?" sabi ko dito sa baliw na toh na ngayon ay nakaupo nah at hindi na nagsasalita. Buhay pa naman siguro toh noh?
"Ba't mo ba kinakausap yan? Eh sinaktan ka niyan kanina." sabi ni Alex na naiinis.
"Hmmm. I don't know." sabi ko sa kanila.
"Let Silver handle things." sabi ni Rania tsaka she dim the light. Yung sakto lang na may makikita pa din kami at nawala nadin ang pakpak niya.
"Haha.. ha ha and you really... think na.. maaawa ako sa... inyo? Haha.. haha" sabi bigla ng baliw na toh pero nakaupo at nakayuko pa din. Tumatawa nga pero para namang umiiyak. Kaya umupo din ako sa harapan niya. Mukhang nasaktan talaga toh sa liwanag. Ano ba naman toh. Tingin ko hindi naman talaga toh masama, pero hindi din toh mabuti. Aba iwan ko kung ano.
"Are you okay?" panimula ko.
"How long have you been here?" tanong ko ulit pero wala akong nakuhang sagot.
"I don't know what happened to you and why you're here but I just want you to know that we really don't have the intention of hurting you. Sabi kasi kanina nung babae na naghahandle ng training namin na buksan lang namin ang pinto tapos dadalhin kami sa kung saan ang punta namin sa susunod. Tapos dito kami napunta. If nagambala ka man namin. Sorry talaga, hindi namin alam at hindi namin sinasadya."
Wala pa din akong nakukuhang salita mula sa kanya pero alam kung nakikinig toh. Kaya hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko na inalintana ang baho, wala na akong pakialam doon. Hindi naman siya gumalaw, kaya nagsalita ako ulit at nakahawak padin sa kamay niya.
"Can you be my friend?" sabi ko sa kanya.
"Shut up, Will you?!!" Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit toh. I don't know but I feel like she's crying on the inside. Did someone betrayed her perhaps?.. Makipagkaibigan lang sana ako eh.
"Why not?" sabi ko sa kanya tsaka ko siya tiningnan. Making me shut up is indirectly saying na ayaw niya. Pero ayaw nga ba talaga niya? Nakita ko ang mga mata niya, this time kasi umiilaw ang mata niya. Kulay blue siya. Pero hindi ko pa din nakikita ang mukha niya.
Hindi muna siya nagsalita. Hindi din ako nagsalita, hinintay ko lang siyang may sasabihin tsaka nakahawak pa din ako sa kamay niya. Buti hindi niya ko sinaktan nung nagalit siya noh nong nagtanung ako kung pwedeng makipag ibigan.
"No. We can't. You can go now and don't come back again. The next time na babalik kayo dito ay papatayin ko na kayo." Sabi nito tsaka biglang tumayo at naglakad paalis, ganun padin ang lakad niya. hayyy unpredictable lady.
"I'll wait for you outside. See you again one day." sabi ko sa kanya. Huminto lang ito saglit saka naglakad ulit. Hindi ko man lang nakuha pangalan niya at hindi ko din nakita ang mukha niya. Pero I'm hoping that one day she'll be outside and be friends with me.
"Tara na Silver." sabi nina Alex.
"This place is lonely." sabi bigla ni Mina.
"I wan't to heal her if she wants me to." patuloy niya.
"You will be. Tara na." sabi ko.
Si Annie at Rania ay tahimik lang. Now, when I think about it. I'm going to asked Rania later, her identity, power, and her reasons why she only used her power kanina at ngayon, and why not the other day kung saan madami cyang mailigtas sana nung panahong umatake yung demon. Alam ko na may dahilan siya kaya lang kasing gulo niya, hindi ko maintindihan.
"Hayyyy, alright I'll tell you later about me." sabi bigla ni Rania na parang binabasa ang nasa isip ko.
"Ayon na ang pinto." sabi ni Mina na tinuturo ang pinto. Mayron na ngang pinto kaming nakikita.
"So sinong magbubukas? Silver ikaw nalang kaya?"
"Hah? Bakit ako?" tanong ko kasi hindi ko maintindihan kung bakit ako pa kung pwede namang siya nalang.
"I think the door will respond to the one who opens the door. Titingnan natin kung saan tayo dadalhin ngayong ikaw na ang bubukas ng pinto." sabi bigla ni Annie.
What does she means by that? Connected? Siya ang nagbukas ng pinto kanina, ibig sabihin may koneksyon siya doon sa babae kanina? Anong ibig sabihin nito? Wala akong maintindihan.
"Dali na Silver." sabi ni Alex sabay tulak sa akin papunta sa may pinto. Sige na nga. Huminga muna ako ng malalim, saka tumingin pabalik sa lugar, I have a feeling na may nakatingin pero wala akong nakikita, kaya huminga ako ulit ng malalim bago ko binuksan ang pinto.
Sinalubong kami bigla ng matinding liwanag kaya pumikit ako, at ng buksan ko na ang mga mata ko ay hindi ako makapaniwala kung nasaan kami ngayon. Ang ganda kasi ng lugar eh. Super ganda.
"Sino kayo at bakit kayo nandito?" sabi bigla ng tao sa likod namin.
"Guards!!!" tawag niya bigla sa mga guards and suddenly pinalibutan na nila kami.
"Teka nasaan ba kami? sabihin niyo naman sa amin, ng may maintindihan kami" sabi bigla ni Alex.
"Pumunta kayo dito mismo sa palasyo and you don't know kung nasaan kayo? What a joke" teka palasyo? Nasa palasyo kami? Ba't sa palasyo kami napunta???