Chapter 5: A Curse

Tanghali na ng magising ako. Blurry pa din ang paningin ko at sumasakit pa ang ulo ko. Ano ba ang nangyayari? Hindi ko na talaga maintindihan.

Ipinikit ko lang ang mga mata ko hanggang sa may narinig akong boses.

"Gising ka na pala Silver. Kumusta ang pakiramdam mo?"

Kaboses yun ni Annie hah. Kaya tumingin ako sa direction niya, kahit di pa din malinaw ang paningin ko ay sigurado akong si Annie nga toh.

"Annie? Ikaw ba yung nandito kagabi?" sabi ko sa kanya na pumipikit pikit at nakahawak sa ulo ko.

"Kagabi? Ngayon lang akong umaga pumunta dito Silver. Pinabantayan ka sa akin ng mama mo." sabi niya habang naglalakad palapit sa akin.

"Pupunta din ang barkada dito mamaya. Okay ka lang bah? Sabi kasi ng mama mo, may aasikasuhin pa daw siya, kaya patawad daw if hindi siya nakabalik pa dito." sabi niya.

"At saka, ba't ang tagal mong nagising? May masakit ba sayo? Normal naman ang temperature mo." tanong niya pa.

"I don't know. Nahihilo ako at sumasakit ang ulo ko. Pwedeng pakikuha ng tubig Annie? Nauuhaw kasi ako." sabi ko sa kanya habang nakapikit pa din.

Kaya lumabas muna siya ng kwarto para kumuha ng tubig at saka bumalik.

"Ito Silver oh." sabi niya sabay abot sa akin ng tubig habang nakapikit pa din ako.

"Maraming salamat." sabi ko at saka uminom. Pagkatapos kong uminom ay yumuko ako at binuksan ko ang aking mata at bigla akong nagtaka kung bakit nag iba ang kulay ng paningin ko.

Naging violet at black bigla? Teka anong nangyayari? Babalik kasi sa normal ang paningin ko tapos babalik naman sa violet at black na paningin.

Tumingin ako bigla kay Annie at napakunot ang noo ko dahil bigla kasi siyang umatras at napalunok. I'm sure I sense fear from her. Minsan lang toh matatakot kaya nakakapagtaka at sakin pa talaga siya nagkaroon ng takot?

"Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" tanong ko sa kanya na nakakunot ang noo.

"Bakit nag-iba.. ang kulay.. ng.. mata mo at bakit parang.. nakaka... takot?" sabi niya na napapalunok.

Nagtaka ako kaya tumingin ako sa salamin. At hindi ako makakapaniwala sa nakikita ko. Naging violet kasi ang iris ng mata ko at naging black naman ang cornea. Pa fade fade ito, babalik kasi siya sa normal tapos balik sa violet black na kulay kaya pala ganun ang paningin ko dahil pala yun dito. Pero hindi ko pa din maiintindihan kung anong nangyayari sa akin.

Tumingin ulit ako kay Annie at pumikit saka binuksan ulit ang mata ko.

"Something's wrong with me." sabi ko kay Annie.

"Last night, kumakati ng sobra ang likod ko papunta sa tiyan ko. Hindi ko maintindihan pero sobra para akong pinapatay sa pamamagitan ng kati. I called for help last night in my mind. Someone heard me, someone is here last night but hindi ko alam kung sino. Hindi ko din nakita ang mukha niya." sabi ko sa kanya.

Magsasalita na sana siya ng may marinig kaming nag-uusap na malapit na sa bahay at walang iba kundi ang mga kaibigan namin.

"Bubuksan ko lang ang pinto. Pahinga ka muna dito Silver." sabi niya at lumabas ng kwarto.

What's happening to me? Something's wrong with me. Hindi ko talaga gusto tong nangyayari sa akin.

"It's too early." sabi bigla ni Rania. Teka, paano toh napunta dito? Hindi ko man lang narinig ang yapak niya at wala ding akong narinig na may nagbukas ng pinto ng kwarto ko. Masyado talaga tong misteryosa, at hindi ko mabasa-basa kung anong iniisip niya.

"Anong early early?" sabi ko sa kanya na nakakunot ang noo.

Kaya naglakad siya palapit sa akin na sobrang seryoso ang mukha. Huminto ito sa harapan ko, saka yumuko palapit sa mukha ko. Kaya umatras ako bigla.

"Anong ginagawa mo?" sabi ko sa kanya na kinakabahan. Ngumiti ito bigla at lumapit na naman sa akin, palapit ng palapit. Ano bang problema nito?

Atras lang ako ng atras hanggang sa wala na akong maatrasan. Naman eh, bakit toh nagkakaganito?

Lumalapit pa din siya sa akin habang nakasmirk. Kinakabahan ako sa totoo lang, iba kasi siya makatingin eh.

Huminto siya ulit sa harapan ko na seryoso na ang mukha. Pero bigla itong tumingin sa lips ko, tapos sa mata ko ulit. Tapos pumikit at binuksan ulit ang mata niya. Mama, kinakabahan ako kay Rania.

"Silver, don't forget us when the time comes." sabi niya at hinalikan ako sa noo. Tapos ngumiti ng malungkot at tumalikod para lumabas.

What was that? Bakit ganun yun? At anong don't forget forget ang sinasabi niya. Bakit ko naman sila kakalimutan? Hindi ko maintindihan.

Pumikit ako saka huminga ng malalim at pumunta ako sa may salamin para tingnan ang sarili ko. Tiningnan ko ang sa tiyan ko kung nandoon pa din ang mark pero wala na siya, ibig sabihin nasa likod ko na ulit ito.

Bakit kaya biglang nagkaganun? Possible kayang may makatrigger sa mark ko? Yun ang hindi ko alam. Saka sino kaya yung taong nandito nung gabing yun? Kung sino man yun ay baka link yun sa akin. At saka hopefully mabuting tao yun.

And regarding Rania, something's off with her. Naalala ko yung sinabi niyang early daw at kung bakit bigla siyang nagkaganun sa akin.

Geez, mama, asan ka naba kasi? Umuwi kana, madami pa akong tanong sayo ma.

Lumabas ako sa aking kwarto at doon nakita ko ang mga kaibigan ko sa sala. Si Mina ay nakatingin sa labas, si Annie at Alex naman ay nag-uusap, at si Rania naman ay nakatingin lang sa akin. Okay, wait, Ba't sakin na toh nakatingin? na palaging aklat ang pinagkakaabalahan niyan. Ako naba ang aklat niya ngayon?

"Nandito na pala kayong lahat." sabi bigla ng tao sa likod ko. Geez mama, paano ka napunta diyan ma?

"Hello Silver, kumusta ka? Sorry ngayon lang ako nakabalik may inaasikaso pa kasi ako." sabi nito sa akin at hinalikan ako sa pisngi at ginulo ang buhok ko. Tapos bigla itong sumeryoso at tumingin sa mga kaibigan ko.

"May malaking problema tayo. Natalo ng kung sino man ang demon queen kaya ngayon masyadong magulo ang Moniade. Hindi na balance ang treaty kaya dapat handa tayo sa pagsalakay ng mga demons dito at sa ibang sulok ng mundo." sabi ni mama.

"Teka teka ma, anong demon queen at treaty treaty yan ma? Hindi ko maintindihan" sabi ko kay mama na nakakunot ang noo.

"May treaty ang iba't-ibang nilalang para pananatiling walang digmaan na magaganap. Ang Moniade kung saan ay mundo ng mga demons ay pinamamahalaan ngayon ng demon queen. Ang fairia naman ay mundo ng mga fairies, na pinamamahalaan ng fairy king kaya lang nawasak ang mundo nito at kaunti nalang ang natitira na mga fairies dahil sa digmaan nuon ng mga demons at fairies nung ama pa ng demon queen ang namamahala sa mga demons. Tangiants naman ay pinamamahalaan ng isang giant king, hindi sila nakikialam sa ibang mundo kung hindi din sila pinapaki-alaman ng mga ito. Para din silang fairia na hindi nakikialam kung hindi pinapaki-alaman. Sunod ay ang Gelans, ang mundo ng mga Angels. Nasa kanila mostly ang mga covenants na siyang namamahala ng treaty." sabi ni Mama.

"Covenants? Ano po ba talaga yun? So grupo po ba sila ng mga Angels?" tanong naman ni Annie.

"Covenant is a gift given by the creator of the universe. There are 9 covenants, namely: Faith, Hope, Love, Wisdom, Justice, Courage, Moderation, Integrity, and Perseverance. And whoever is chosen by these covenants still have the right to refuse at first or perhaps take the responsibility. They are given a year to decide, although the symbol can be seen in a certain part of their body, if they refuse to take the responsibility, that mark will vanished and continue to choose another person to take the covenant." sagot naman ni mama.

"And for your question na grupo ba ito ng mga angels ay depende ito sa covenants kung sino ang pipiliin nito, kahit sinong nilalang ay pwede, but more likely ang angels yung kadalasang napipili." pagpapatuloy pa niya.

"Bakit anong criteria pala ang hinahanap nung covenants?" tanong naman ni Mina.

"Kung anong klase ng covenants yun, like the name itself ay may qualities kang ganun, for example if the covenant of wisdom ang pumili sayo, ibig sabihin nun ay napakatalino mo pero hindi lang yun ang hinahanap na qualities ng covenant, mayron pang iba at hindi ko alam, dahil ang nakakaalam lang ng mga bagay tungkol sa covenants ay ang holder lang mismo. At bawal na bawal nilang sasabihin kung anong napagkasunduan nila sa covenants" sabi ni mama.

"Hah? Bakit ma?" sabi ko.

"The covenant has its law that you should not break once you accept it or else you'll be punished." patuloy pa niya.

"And the punishment is?" tanong pa ni Alex.

"A Curse."