Chapter 4: Love
Sumasakit ang ulo ko sa mga nalaman ko. Pero nacucurious talaga ako doon sa mga covenants na sinabi ni mama. Ano kaya yun?
Hindi kasi niya nasabi kanina dahil dumating na ang mga elites. Ang tagal nilang dumating. Kunsabagay nag-iimbestiga lang naman sila kanina. Pati kami naimbestigan eh, paano ba naman kasi, bahay lang namin ang hindi nasira sa banda dito. At yung ibang bahay may natira pa din naman pero damage nga, at yung iba naman ay wala na talaga.
Si mama ang humarap sa kanila para sagutin ang mga katanungan nila. At ngayon, hindi pa din siya bumabalik at hindi ko din alam kung nasaan sila dahil bigla nalang kasi silang nawala. Although may natira pa ding elites dito ngayon para magbantay.
May mga bantay naman kasi ang Eastville kahit paano. At may mga taga report din sa higher ranks at elites kung anong nangyayari dito. This is to ensure na hindi dadami ang crime rates dito, knowing nga places of criminals din toh. Pero kadalasan takot talaga ang ibang lugar sa lugar nato. At yung mga businesses na nandito ay may mga bantay na higher ranks. But hindi ko alam kung nasaan ang mga bantay dito kanina at pati na din ang mga higher ranks. Wala akong nakita na nandito sila kanina. Nakakadisappoint sa totoo lang. Feeling ko kasi hindi sila tutulong pag walang bayad. Besides medyo may kalayuan ang mga businesses dito sa amin, baka nga ganun. Pero yung mga guards talaga dito sa Eastville? Aba malay ko, baka pumanaw?
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit parang hindi nako natatakot kanina, eh masyado kaya akong matatakutin. Actually nag enjoy pa nga ako sa laban nila, ang bad ko ba? Enjoy lang din akong tumingin eh. Pero ewan, ang weird talaga sa part ko eh, parang may mali sakin. Hayyys, ewan, nagbirthday lang ako pero ganito na ang mga nangyayari, ang malas ko naman. Huhu
Teka, si Mama din eh, ba't nakatingin lang siya sa amin kanina? Ba't hindi siya ang humarap doon sa demons kung pwede namang siya para mas mabilis mawala yun. Ano bang nangyayari ngayon? Hindi ko na maintindihan. Saka yung demons? Paano yun nakapunta dito? Sa pagkakaalam ko kasi kwento lang yun at hindi totoo pero ngayong nakita ko na, masasabi ko ngang totoo sila. Ibig sabihin nito, may iba pang mga nilalang bukod sa mga Arklarian.
"Stop overthinking. Kumain ka muna. Tanungin mo nalang mamaya ang mama mo." sabi sakin ni Rania. Geez, nandito pa pala toh. Akala ko umalis na din toh eh, kanina pa kasi nakaalis yung tatlo, pero nakita ko din tong umalis kanina, bakit bumalik?
"Wag kang manggulat. Ba't ka pala nandito ulit?" sabi ko sa kanya.
"Wala kang kasama kaya dito muna ako. Kain ka muna. May dala ako." sabi niya at biglang tumalikod papuntang sala.
Rania is really unpredictable and... silent.. but she cares a lot. Siya din kasi yung tipong nagmamasid lang at tinitimbang muna ang sitwasyon. Sa mga bagay bagay kasi ay si Annie ang naglelead, pero minsan ay si Rania ang nagpaplano. And Rania acts what's necessary for the situation, and more likely the one who likes to help people. Just that, she looks so cold. Yes, parang may warning sign na don't go near me and don't you dare mess with me, parang ganun at para din siyang walang pakialam kung titingnan but once you know her, masasabi mong mali ka.
Kaya nga yan nandito ngayon eh ay para may kasama daw ako, at saka alam niyang wala akong kapangyarihan kaya nandito yan para bantayan din ako. Dahil hindi naman kami masyadong nag uusap dahil palagi yang may binabasa pag nandito yan. Wala kaming aklat dito, dala dala niya yan, hindi ko nga lang alam kung saan niya nilalagay eh.
Pumunta nako ng kusina para kumain na. Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa may sala. Nakita ko siya dun na nakaupo at nagbabasa. Kaya pumunta ako doon at umupo din sa tabi niya.
"May alam ka ba sa mga nangyayari Rania?" tanong ko sa kanya.
She closed the book and looked at me. Ganda talaga ng mata nito eh, grayish. Although same kami ng kulay ng mata pero yung sa kanya kasi mas lighter. Tsaka ang buhok niya ay white. Yes, I don't know kung bakit puti, pero sabi niya natural daw yang buhok niya na yan at napakaputi din niya. Actually, sa totoo lang, para sa akin, siya ang pinakamaganda sa aming magkakaibigan eh. Maganda naman kaming lahat pero lamang talaga si Rania sa amin.
Dito kasi sa Arklarian ay napa-rare ng puti ang buhok at grayish ang mata. Si Rania palang ang nakikita kung ganun eh. Sa akin kasi ang buhok ko ay gray at gray din ang kulay ng mata ko. Ang mata kasi ni Alex ay black, yung kang Mina ay brown, at yung kay Annie naman ay blue. Ang buhok ni Alex at Mina ay kakulay lang sa mata nila, pero ang kay Annie kasi ay blonde.
"Mayron." sabi niya. Ang tagal nagsalita nito hah. Tinitingnan pa kasi niya ako bago siya nagsalita. Pero nagsalita nga, isang word lang naman. Hayys.
"Pwedeng malaman?" tanong ko sa kanya.
Hindi muna siya nagsalita, mukhang nag-iisip pa siya.
"Anong gusto mong malaman?" sabi niya bigla.
"Yung sa covenants, at mga ibang nilalang bukod sa mga Arklarians, at kung paano biglang nagkaroon ng demons dito." sabi ko sa kanya.
"Sa pagkakaalam ko, may mundo ng Angels na tinatawag na Gelians, Tangi naman sa mga giants, Fairia para sa mga fairies. Yung tawag naman ng mundo ng mga demons ay Moniade. Yung sa covenants at kung bakit may nakapasok na demons dito ay wala akong alam." sabi niya sabay buklat ng aklat na binasa niya para magbasa ulit.
Okay, madami palang nilalang, and yeah I heard about them but pati ba naman mga yun ay totoo? Naku naman. May tutulong kaya samin if ever hihingi kami ng tulong sa kanila? Tsaka sabi ng mga kwento ay mabait daw ang mga angels. Yung sa giants and fairies ay okay lang dahil hindi yun nakikialam kung hindi sila pinapaki-alaman din.
"Totoo ba talaga mga yun? Kwento kwento lang naman yun dito." sabi ko kay Rania.
"They're real Silver." she said in a serious tone at patuloy parin sa pagbabasa.
Oo nga pala, hindi toh mahilig magbiro. Seryoso toh pagmay sasabihin. Pero kasi, ewan parang ayokong maniwala dahil hindi ko pa sila nakikita except nga lang sa mga demons. Pero ano, ah ayaw ko ulit makakita ng demons, baka kasi mas may pangit pa nung kanina eh. Ngayon ko lang narealized kung iisipin ko ulit na nakakatakot pala ang mukha nun. And oh no no, dun sa mukhang bugs daw, takot pa naman ako sa bugs.
"Okay. Anyway, thanks Rania. Matutulog muna ako hah." sabi ko sa kanya.
"Okay." sabi niya.
Kaya tumayo na ako para pumunta sa kwarto ko upang matulog.
Pagkagising ko ay gabi na. Wala na si Rania sa may sala. Umuwi na siguro. Pero nasaan si mama? Bakit parang hindi pa umuwi.
Pumunta na akong kusina para magluluto sana ng makakain. Pero may nakahanda na na pagkain dito. At may nakita akong note sa mesa.
"Silver, aalis muna ako hah. Babalik ako bukas. Mag-iingat ka dito sa bahay at wag na wag kang lalabas at magpapasok ng kahit na sino bukod sa mga kaibigan mo."
- Mama
Yan ang nakasulat sa note. Oo nga pala, masyadong protective si mama sa akin, ayaw na ayaw niya akong lumabas na walang kasama. Tatawagan niyan ang mga kaibigan ko para samahan ako paglalabas ako ng bahay tas wala siya, or minsan siya mismo ang sasama sa akin pag wala siyang gagawin.
Kumain na ako at pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa aking kwarto. Kumuha ako ng t-shirt para magbihis. I'm about to put on my t-shirt nang mapatingin ako sa salamin at nakita ko yung S na symbol sa likod ko. Geez, lumalaki yata toh kada taon. At ang laki na nito ngayon. It is colored black with shades of violet. And why do I feel like this mark is something not good?
I am looking at it ng bigla itong gumalaw. Kinabahan ako bigla, di ko alam ang gagawin, kaya tumalikod na ako sa salamin at pumunta sa bed ko. Baka guniguni ko lang yun?
Pumunta ulit ako sa salamin para tingnan ulit ang likod ko. Okay, wala akong nakitang gumagalaw sa likod ko. Baka nga guni guni ko lang yun. Itulog ko nalang kaya toh ulit? Pero kakakain ko pa lang. Makapunta na nga lang ng sala.
Pagdating ko sa sala ay umupo ako doon para doon mag isip isip. Pag sa kwarto ko kasi ako ay baka bigla akong makatulog kaya dito muna ako.
Hmm.. bakit kaya ang daming alam ni mama tungkol sa ibang mundo at sa ibang mga nilalang? Kung titingnan kong mabuti, mukha ngang kakaiba si mama. Yung mata niya kasi kulay light green na maypagka yellow sa ibabang banda, and wala akong nakitang ganun dito sa Arklaria. Bukod doon, wala akong namana sa kanya physically, kaya iniisip ko nalang na sa papa ko ako nagmana. At wala talaga akong alam tungkol sa papa ko. Although I deserve to know pero ayaw ko siyang pangunahan. Mukha kasi siyang malungkot pag nag-iisa eh. At ayaw na ayaw kong nalulungkot siya, baka kasi pag nagtanong ako kay papa ay may matitrigger ako sa nakaraan nila. I asked her naman before nung bata pa ako, at wala akong nakukuhang impormasyon tungkol sa kanya kaya I stop asking nalang. Sasabihin din naman niya sa tamang panahon.
I keep thinking about some clues when suddenly my back becomes itchy. Bakit ang kati? Anong nangyayari? Geez, ano ba toh bakit ganito?
Tumakbo ako papuntang kwarto saka ako pagulong gulong sa bed ko. Ang kati talaga, kaya hinubad ko yung t-shirt ko and I can't believe what I see in the mirror.
The S symbol in my back is moving like a snake, paulit ulit and then it stop. Suddenly it moves again and this time, napunta na sa stomach ko. What's happening? Makati siya, makati talaga, Kating kati ako. Oh no oh no oh no no no no no no no. Ugh
Can someone make this stop. Mom, where are you? If you can hear me now ma, please ma come home, come home ma. Or if someone out there who can hear me please help me. Ang kati sobra huhuhu naiiyak na ako, and my visions started to get blurry and I feel like I'm losing consciousness, and suddenly I felt that someone catched me from behind and I can't see the person's face clearly but I managed to say something before everything turns black.
"Love." and I don't know why I said that.