Chapter 3: Demons
"What the... hell.. is.. that.. thing?" rinig kong sabi ni Mina.
Isang dark creature ang nakikita namin ngayon. May buntot, sungay, pula ang mata, nakalabas ang pangil, matulis ang isang kamay, samantalang ang isang kamay naman niya ay parang rubber na siyang bigla niyang ihampas sa mga nakikita niyang tao at mukhang kaya nitong i-decay ang mahawakan niya. Samantang yung isang kamay naman niya na matulis ay hindi pa masyadong gumagalaw.
Nakatulala kaming lahat, ng biglang nagsalita si Rania.
"Dito muna kayo, mukhang mahirap kalabanin toh, pero lalabanan ko ang halimaw na yan." sabi pa niya tsaka ito biglang lumabas ng bahay.
"Teka.." sabi ni Alex. Mukhang natauhan na din sila.
Tumakbo si Rania patungo sa halimaw ngunit di pa nga umaabot si Rania doon sa halimaw ay biglang itong tumingin sa kanya at tinapat ang matulis na kamay niya sa banda ni Rania, ng bigla itong tumira ng black magic.
Muntik na yon pero buti nakaiwas si Rania. Sumugod ulit si Rania, ng sunod-sunod itong tumira ng black magic. Habang takbo iwas naman ang ginawa ni Rania, mukhang naghihintay siya ng tamang pagkakataon para mapatumba yung halimaw.
"Kailangan natin siyang tulungan." sabi ni Annie, tsaka ito biglang lumabas. Nagkatinginan naman kaming tatlo saka tumango. Aalis na sana ako ng maalala ko si mama, kaya tumingin ako ulit sa may kusina. Hah? Bakit nawala, kaya tumakbo ako papunta kwarto niya at sa kwarto ko, wala siya. Ibig sabihin nun, wala siya sa bahay. Paano siya nawala bigla? Dito lang yun kanina tsaka isang pinto lang mayron kami at nandito kami nun sa may pinto.
Pagtingin ko sa labas, nakita ko si Alex na nakahandusay habang pinapagaling siya ni Mina. Ano kayang nangyari? At healer din pala si Mina? Si Annie at Rania naman ay nagtulungan. Rania unleashed air tornado while Annie creating a water ball as big as the size of the monster, saka niya ito ibinato doon sa halimaw.
Tumakbo ako palabas papunta kanila Mina.
"Bantayan mo muna si Alex, Silver. Tulungan ko lang sila." sabi niya saka ito tumakbo sabay bato ng lightning doon sa monster din.
Kumbaga, air tornado, water ball and lightning ay nagka-isa while the monster is inside that water ball na pinalaki na masyado ni Annie. Akala ko nga ang purpose nun ay para ibato doon sa monster para tamaan ito at tumilapon pero di pala, hihigopin pala nito ang halimaw sa loob para lulunodin. Si Rania naman ay mukhang pinalaki niya ang tornado kung saan nasa ilalim nito ang water ball ni Annie at pinakaway-kaway niya ito sa iba't- ibang direction. Saka naman ang lightning ni Mina papunta doon sa water ball.
Later on ay tumigil na sila at hindi na din gumagalaw ang halimaw. Patay na kaya yun?
Tumakbo si Rania papunta sa halimaw, saka ito pinugutan ng ulo para siguradong wala na itong buhay.
Pagod na pagod silang lahat, kaya umupo sila bigla. Habang si Alex dito sa tabi ko ay parang okay na din, nakatingin na ito sa kanila. Hindi ko akalaing ganito na pala sila kalakas, ngayon lang kasi nila ito pinakita.
Si Rania alam kong air ang kapangyarihan niya pero di ko alam na ganito na pala siya kalakas. Si Annie naman ay ganun din, kahit water lang yun pero mukhang nag-eexperiment toh sa kapangyarihan niya. Si Mina naman, nalaman kong may tatlong abilities na siya, Earth, Healer, at Lightning yung sa kanya. Magaling din siya pero isa lang ang kapangyarihan na pinakakita niya ngayon, yung pinaka ideal sa situation. Si Alex, alam kong fire ang kapangyarihan nito, pero di ko alam kung anong nangyari sa kanya kanina. Pero buti nalang talaga na healer si Mina, baka kasi kung ano ng nangyari pag hindi siya magamot agad. Knowing na pwede kang maging pulbo pag tinamaan ka nung kapangyarihan ng monster. Pero oo nga, paano toh nakasurvive kung tinamaan siya nung kapangyarihan ng halimaw na yun? na naging pulbo lahat ng timaan eh
"Okay ka naba Alex?" sabi ko kay Alex. Tumango lang ito saka pumikit. Yeah, mukhang okay naman siya physically, pero emotionally mukhang hindi.
"Pasok muna kaya tayo sa loob?" sabi ko ulit. Himala at hindi yata tinamaan ang bahay namin? Ngayon ko lang narealized na sa dami ng ibinato ng monster kanina dito eh, kahit isa walang tumama sa bahay namin. Bakit kaya?
"Okay" sabi ni Alex. Kaya inalalayan ko siya, kahit mukhang okay nato physically ay parang wala pa din sa sarili eh. Siguro dahil napurohan siya kanina at wala ng magawa para lumaban doon sa halimaw. Mukhang nasaktan ang pride nito.
"Guys, okay lang ba kayo? Pasok muna kaya tayo doon sa loob?" sabi ko sa kanila habang nakaalalay kay Alex.
"Sige Silver, pero dito muna ako. Ikaw Alex, okay ka naba?" tanong pa ni Mina sabay tayo papunta sa amin. Tumayo din sina Annie at Rania. Saka niyakap ni Annie si Alex.
"Okay na ako guys, wag na kayong mag-alala at saka maraming salamat pala." sabi ni Alex saka ngumiti. Mukhang okay na siya, yakap lang pala ni Annie ang katapat eh Hahaha
"Wag ka nalang munang masyadong gumalaw galaw at saka wag ka ng malungkot, nalulungkot din kami eh." sabi ni Rania at tumango naman si Alex saka ngumiti ulit. Samantalang tahimik lang si Annie na nakayap pa din kay Alex. Sa amin kasi, sila din yung pinakaclose, although, madaming similarities si Mina at Alex, pero kay Annie pa din siya mas malapit.
"Pasok na tayo sa loob, pumasok ka na din Mina. Tingin ko papunta na mga Elites dito." sabi ni Annie na kumalas na kay Alex pero nakatingin naman ito kay Alex habang nagsasalita. Ang weird ng dalawang toh hah, para silang nag uusap sa pamamagitan ng isip. Wait, possible kayang may kakayahan ang isa sa kanilang ganun? Hmm..
Pagpasok namin sa loob ay nandoon na si mama, nakaupo habang may binabasa. Ha? Chill lang ma? saka saan ba toh nagpunta kanina at nawala bigla.
"I see you've defeated a level 2 demon." sabi pa ni mama, saka ito tumingin sa amin. Seryosong seryoso siya ngayon, nakakapanibago.
"But find it hard to defeat it. That's simply means, you have no or low chance of defeating a higher level demons." patuloy pa niya.
Ano daw higher level? May higher level pa yun? Ang hirap kaya kalabanin nun saka pulbo kami pag tinamaan ng kapangyarihan nun, tapos may higher level pa? Baka naman titingnan lang kami nun, patay na kami agad?
"Yes Silver, tama ka pero yun ay kung gustong gawin yun ng level 4 and 5 demons at kung mahina ang mentality mo para kalabanin iyon" sabi ni mama.
Mentality? Ibig sabihin ba nun ay papasok muna sila sa isip mo at doon ka papatayin? I mean ang kapangyarihan nila. Teka lang, sinabi ko ba ng malakas yun? Akala ko nasa isip ko lang. Pero bakit nalaman ni mama? Ibig sabihin kaya niyang basahin ang nasa jsip ko?
"Paano pala nagkaroon ng demons dito sa Arklaria? For so many years, walang nagparamdam na ganun dito, although may mga stories na tungkol sa kanila pero hindi ko inakala na totoo pala talaga sila." sabi ni Annie habang nagtataka. Actually, kaming lahat ay nagtataka pero ewan ko kay Rania, wala kasing emosyon na pinapakita ngayon eh.
"The portal connecting to another world have been opened by someone. So, we can expect another demons will be here one of these days or perhaps may mga kasama pa ang demon kanina. I want you to prepare dahil mahihirapan tayo nito at mukhang kailangan natin ang tulong. Just hope that there's no level 4 and 5 demons in Arklaria, coz you have no chance of defeating them." sabi pa niya.
"And don't you dare underestimate them. They're brilliant despite how they look." patuloy pa niya.
"May we know how to identify the levels of demons?" tanong naman ni Mina.
"You can identify them by the way they look. Level 1 demons look like bugs, and they're quite troublesome. Although, their power might not kill you directly, but fighting them is like fighting another skilled Arklarian. So, it's still not easy. Level 2 demons is what you see kanina, they have different hands, consist of two different power that can make you vanish in an instant, it's just that they're slow in movements. Level 3 demons look like beast, and can kill you in an instant, plus the fact that this demons are brilliant and can regenerate. So you might not have a chance of surviving if you encounter one. Level 4 demons look like us, but the thing is that they have horns, red eyes, fangs, long nails, and have tails. They can kill you even without touching you, and they can manipulate anyone they wish to manipulate unless you're strong enough to withstand it and they're really fast and so brilliant. Level 5 demons look normal just like us, just that their eye color is red. They're rare and something that can't be defeated by Arklarians." sabi ni Mama.
Ang haba ng sinabi ni mama, at nakakasakit ng ulo at nakakakaba. Mukhang katapusan ng Arklaria if may Level 5 demons dito and pati nadin level 4. Mukhang sobrang hirap nito. Pero mayroon kayang makatalo nung mga higher demons especially sa level 4 and 5 demons?
"May chance bang matalo ang level 4 and 5 demons or may makatalo ba sa kanila?" tanong ni Annie kay mama Mara habang inaabsorb pa ang mga salitang binitawan ni mama.
"Mayron." maikling sabi ni mama.
Mukhang nabuhayan ang mga mukha ng mga kaibigan ko.
"Ano po?" sabay na sabi namin ng mga kaibigan ko, habang naghihintay sa sasabihin ni mama.
"Covenants"