Chapter 2: Seventeenth Birthday
"Silver, gumising ka na. Tanghali na." sabi pa ni mama sa akin. Pero inaantok pa talaga ako, ayoko pa.
"Silver, Silver, Silver", sabi pa niya sa tonong pambata sabay yugyug sa akin habang ginigising ako. At dahil di pa din ako bumabangon, kinikiliti na niya ako. Hayyy si mama naman, isip bata talaga toh minsan. Para lang nga kaming magbarkada nyan eh.
" Okay mom, I'm awake now." sabi ko habang nakapikit pa din pero bumangon na. Habang si mama ayun lumabas na.
Pumunta muna akong cr, nagsipilyo saka naligo muna bago ako lumabas sa kwarto ko. Paglabas ko hindi ko inasahan na nandito pala mga kaibigan ko.
"Happy Happy Birthday Silverrrrr" sabi ng mga kaibigan ko, may hawak hawak silang balloons, cake, gifts saka bulaklak. Oo nga pala 17th birthday ko na ngayon, nawala sa isip ko kung anong date na. Buti pa sila nakaalala, samantalang si self, waley, sanaol nalang di makakalimutin huhu
"Guys, nandito pala kayo, maraming salamat, pinaalala niyong birthday ko pala ngayon hahaha" saka ako lumapit sa kanila para yumakap.
"Luh siya, sariling kaarawan kinalimutan, r. i. p Silver r. i. p. Ito oh panglamay mo" sabi pa ni Mina habang nagnonod na ngumingiti sabay abot sakin ng bulaklak saka gift. Sira talaga toh kahit kailan, siya kasi yung tipong mahilig mang-asar, mahilig manira ng moments, mahilig din mambara pero mabait naman.
"Jusko Mina, kaarawan niya pinapatay mo na. Silver oh ito gift ko para sayo, actually magagamit mo yan sa libing mo" sabi naman ni Alex. Naku, isa pa toh. Para din tong si Mina, pero depende nga lang sa mood niya. Moody kumbaga pero in a sense naman na alam niyang hindi kami maapektuhan dun.
"Hahaha mga siraulo kayo, wag niyo ng asarin ang bunso ng grupo guys. Ito Silver, cake and gift" sabi naman ni Annie. Sa aming apat kasi siya yung parang leader namin. Magaling kasi yan sa lahat at mabait din.
"Here's my gift too. Happy Birthday Silver." sabi ni Rania habang inaabot yung gift niya sa akin. Siya yung pinakatahimik sa aming lima, yung tipong nagmamasid lang, pero pag yan ang nagsalita, nakikinig talaga ang lahat. Kung tutuusin, may mga qualities yang pang leader type eh but hindi niya trip, moody din kasi.
Sa aming lima ako yung pinakamatakutin, at pinakamahina na din. Buti nga kinaibigan pa din nila ako, kahit wala akong kapangyarihan, at ako ang pinakamahina sa amin. Hayys
Pero nakakapagtaka talaga yung symbol sa likod ko eh, sabi din kasi ni mama sa akin na wag na wag ko daw ipakita ang mark na yun kahit kanino. Sasabihan lang din naman niya na malalaman mo din sa tamang panahon pag nagtanong na ako.
"Thank you so much guys for these, and for being my friends" sabi ko sabay yakap sa kanila.
"Hahaha nagdrama ka pa hahaha sige iyak ka pa hahaha" hayyyss sira talaga tung si Mina, wala na siyang pag-asa.
Mina, Alex, Annie are my childhood friends and neighbors but Rania, we just met her around 5 years ago and become friends with her. We live in a town, called Eastville, mahirap actually ang buhay dito. Pero nakayanan naman ng mga tao, may mga small businesses din naman sa parte na toh.
Ang Arklaria kasi ay nahahati sa apat na bahagi. Ito ay ang Northville, Southville, Westville and Eastville. Sa Northville kasi nandun ang mga Royals saka Elites. Sa Southville naman nakatira yung mga matataas na rank at estado ng buhay. Sa Westville nakatira kadasalan ang mga healers, at ang mga nagsusupply ng products sa ibang parte ng Arklaria, business minded ang mga tao dito. At ang huli ay ang Eastville, this is where ang mga barumbado, criminals ay nakatira pero mayron din namang hindi actually, gaya nalang namin. I don't know why mom choose to live here, when we can actually go to Westville, but she want it here pero okay lang din naman sakin dahil ayaw ko din naman iwanan mga kaibigan ko.
The reason why my friends lived here is because their parents had some sort of criminal history, except for Rania, because we didn't know a thing about her parents. She didn't tell us about them and she's not the type to tell stories anyway, and we respect her. We found her when I was just 11 years old that time, binubugbog kasi siya ng mga bullies, ang dami din kasing bullies sa lugar nato, at ayun niligtas namin siya doon sa mga bullies, inalalayan ko lang siya that time, yung mga kaibigan ko na ang lumaban. That time din kasi, mukhang hindi pa gumagana ang abilities niya, kaya wala din siyang magawa.
Oh I forgot to mention sa mga kapangyarihan ng mga tao dito. Well, sa Eastville malalakas talaga ang mga tao sa totoo lang. May mga tao kasing nagtataglay ng multiple abilities, mayroon din namang isa lang. Actually, sa pagkakaalam ko, the highest number of abilities na pwedeng makuha ng tao ay tatlo, at kadalasan kasi ang mga royals and elites ang nagpopossessed ng tatlong abilities, pero mayron din naman sa iba't ibang bahagi ng Arklaria, pero rare nga lang. Sa mga kaibigan ko, ang ama ni Annie ang may tatlong abilities, pero hindi ko alam ang sa mama niya, kaya hindi din malabo na may tatlong abilities din si Annie if ever. Pero ewan ko sa mga kaibigan kong toh, di kasi sila showy sa mga abilities nila.
Kadalasan kasi, isang ability lang ang pinapakita nila at paulit-ulit pa. Yung ability na palaging pinapakita ni Alex ay Fire, yun namang kay Mina ay Earth, Si Annie ay Water, at kay Rania naman ay Air. Ewan kung bakit puro elemental ang mayron sila. Madami naman kasing abilities na itaglay kagaya nalang ng body shifting, lightning, poison, copying, nullifying, cloning and etc. Basta madami ang kapangyarihan, pero baka nga mayron silang ganun pero di lang nila pinapakita.
Hmm, ang mama ko naman ay hindi ko alam, never niyang pinakita sa akin ang ability niya pero duda talaga ako eh, na hindi basta-basta ang kapangyarihan niya, wala kasing bumabangga sa amin. Yung mga barumbado and bad criminals, yes mayroon namang good criminals yung tipong nagbagong buhay na, pero yung mga bad criminals ay madami pa din, pero ni isa sa kanila hindi binabangga si mama. Siguro nakalaban na niya ang mga yun dati ng di ko alam, baka nga ganun.
And speaking of mama, asan pala yun? Tumingin ako sa bandang kusina, ayun naman pala may hinahanda. Ng bigla itong tumingin sa akin at ngumiti habang sinasabi na happy birthday ng walang tunog. Pero bakit parang iba ang sinasabi ng mata niya kahit nakangiti siya? Bakit parang..... malungkot?
Pupuntahan ko na sana siya ng biglang may narinig kaming pagsabog at sigawan ng mga tao sa labas.
"What the.... hell is that... thing?"