Chapter 6 Small world

KIEL WANTED TO REST pero hindi pwede dahil ang magaling niyang kaibigan, pagkatapos nitong ma embalido ng ilang linggo, may gana pa itong magbakasyon kasama ang boylet nito. Kiel bit his lower lip and focused on her work.

"Kiel, may tumatawag sa phone mo." One of his hairstylist said.

"Paki sagot, busy pa ako." He answered using his gay voice. Pero minsan ay nahahalata na siya ng mga ito, dahil bigla na lang daw nagiging manly at masyadong mapang-akit ang boses nito.

Of course, tatanggi siya. At papakainin na naman ang mga ito ng kasinungalingan at numang numa slash gasgas na niyang dahilan. Pati ang pagkilos ng mga daliri niya ay nagbago. Simula noong gabing 'yon.

"Kiel, importante daw."

"Paki sabi importante din ang ginagawa ko, I'll call them after this." Pinal na sagot niya rito.

Personal na hiniling ng customer nila na siya mismo ang mag gupit sa buhok nito. Kanina pa dapat ito tapos pero biglang nag iba ang isip nito at nagpakulay pa ng buhok. He can't say no, kahit na tamad na tamad siya ngayon. Ilang oras na niya itong inaasikaso dahil ayaw nitong magpahawak sa ibang bakla na nasa salon niya.

The woman smiled at him, pasimple pa nitong hinawakan ang kamay niya. He felt nothing. Pasimple niya nalang na iniwas ang kamay sa babae, wala 'yong nakakapaso at nakakapanindig na balahibo na naramdaman niya sa babaeng nakatalik niya ilang araw na ang nakakaraan.

"I'll be back within a minute." Paalam niya nang matapos na siyang mag-apply ng pang kulay sa buhok nito. He cleared his throat. Damn, napapadalas na yata ang pagiging natural ng boses niya.

"My phone?" Aniya sa matinis na boses.

"Sabi kasi sayo kanina importante, pwede mo nang iwan sa amin ang isang 'yan. Bakla ka! Kanina kapa chinachansing-an." Bulong nito sa kanya.

Tumawa lang siya at umiling. Tinawagan ulit niya ang isang manager sa branch na balak ulit niyang buksan. Kinakabahan pa siya dahil kilala ang resort na 'yon, and it is his first time na magbalak na mag open ng salon sa loob ng mismong resort.

[Sir.] The manager said when she accepted his call. Masigla ang boses nito kaya mas lalo siyang nakaramdam ng kaba.

"Ano? Ano'ng balita?" Tanong kaagad niya.

[Good news, Sir! Nakuha ko 'yong magandang spot sa resort!]

Nakahinga ng maluwag si Kiel. Pinagpuyatan niya ng husto ang paggawa sa business proposal na 'yon, mabuti naman at naisipan ng may ari ng resort na tanggapin sila. Kung hindi mapipilitan siyang maghanap ng ibang resort or hotel na wala pang salon and Spa.

"Good job! Nasaan kayo ngayon? Umuwi na ba kayo?" Sunod sunod na tanong niya.

Ang alam kasi niya ay hindi lang ang manager ang nagpunta sa nasabing resort, isinama din nito ang ibang staff para maging pamilyar ang mga ito sa lugar kung sakali.

[Hindi pa po, the owner provided a cabin for us and the service is great! Hindi po ba kayo susunod dito, sir? Nakita ko ho kasi kanina yung kaibigan niyo.] Pagdaldal nito sa kanya.

"Frances?" Tanong niya.

[Yes sir! Ang gwapo nga ho nung kasama!]

"Boyfriend niya 'yon gaga!" Pabirong sigaw niya sa manager ng isang branch niya.

[Sir, sunod ho kayo dito. Promise! Mag eenjoy kayo! Maraming fafa!] Natawa siya rito.

"Sure. I'll try to meet the owner to show some gratitude. Gwapo ba?" Pabirong tanong niya rito.

[Gwapo sir, pero lesbi. Pass sayo.]

Umangat ang kilay niya. "Okay, sunod ako dyan pagkatapos ko dito."

May mga hinabilin pa siya rito bago binaba ang tawag. He continued his work again, pero mas binilisan niya ngayon. Ang boutique ni Frances hinabilin nalang sa staff nito na mapagkakatiwalaan. Even her salon, hinabilin nalang niya para makabiyahe agad siya.

"Thank you! God! Hindi ko nakilala ang sarili ko." His customer exclaimed while checking her self in the mirror.

"You're welcome." Tipid na sagot niya rito.

"Can I treat you? We can have a dinner." Nakangiti itong humarap sa kanya.

"I'm sorry, I can't. I have something important to attend." He apologetically look at his customer.

"Ganoon ba 'yan ka importante?" Kumunot ang noo ni Kiel sa tanong nito, nakarinig din siya ng pagtikhim sa mga bakla na kasama niya sa loob ng salon. He gulped and licked his lower lip. Hindi nakatakas sa paningin niya ang pagsunod ng mga mata ng babae sa dila niya.

"Yes. It's important. I'm sorry, and I'm gay. I don't do girls."Liar.

Gustong mailing ni Kiel sa sinabi niya. Pigs can really fly.

"We can... uh... try? Malay mo diba? After one night, maging lalaki ka na talaga."

Napatigil si Kiel sa narinig. After one night. After that night, he can feel a lot of changes in him. The way he talk, the way he walk, everything changed. Tinignan niya ng matiim ang babae na ngayon ay hindi na makatingin sa kanya ng deretso, probably she's shy about what she just said. Nakakainsulto itong pakinggan.

He smiled and pat her head. "Don't worry, I am not mad. But don't go around gays and tell them like that. Baka masabunutan ka, ikaw rin." Biro niya dito.

"I'm sorry..." The woman whispered. Agad itong naglagay ng bills sa counter at nagmamadaling umalis.

Nang tumingin siya sa mga kasama niya, umarko agad ang kilay niya. They all looked at him like he did something wrong.

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya sa mga ito.

"Gurl! Hindi ikaw 'yan! Ibalik mo si Kiel!" Eskahaderang sigaw ng isang hairstylist niya. Kiel rolled his eyes and chuckled.

Itinuro siya ng mga ito at nanlalaki ang mga mata. "Gago! Lalaking lalaki ang tawa! Hindi na siya Mamsh! Papsh na!"

"Tado!" Singhal niya sa mga ito.

"Kiel, patungan mo ako!" Malanding sabi nito.

Inayos niya ang mga gamit na ginamit niya at inabot 'yon sa isang kasama nila na malapit sa kanya. He fixed his collar and unbutton the first three buttons.

"Sarap!" Sigaw nang isa at gumawa pa talaga ito ng popping sound.

Napailing nalang si Kiel. "Kayo na ang bahala dito. May kailangan pa akong puntahan." Habilin niya bago talikuran ang mga ito at lumabas sa salon.

Kumapit ang amoy ng pang kulay sa kanya pero hindi nalang niya pinansin. He don't have enough time to bath, medyo may kalayuan din mula sa branch ng salon niya ang resort na pupuntahan. He's been eyeing the resort for a months now, simula ng mag-open ito. Maraming mga foreigners ang dumadayo doon. At kahit tag-ulan, hindi ito nawawalan ng guests.

Nang makarating siya sa loob ng resort. Agad niyang ipinalibot doon ang tingin, the resorts beauty didn't failed to fascinate him. As usual, madami na naman tao na nakalublob ang katawan sa pool at ang iba naman ay pakalat kalat lang.

He texted Frances a while ago, pero hindi ito nagreply sa kanya. Malamang ay pagod ito at natutulog na.

"Sir!" Kumaway ang manager ng isang branch niya sa kanya, Carren.

"Carren, thanks for covering me." Agad na sabi niya nang makalapit ito sa kanya. Tumikhim siya at pilit na iniipit ang boses.

"Naku, Sir! No problem, basta ba dito ako ma assign." Biro nito sa kanya.

Kiel chuckled. "Sure." He answered without thinking twice.

Carren is a very efficient woman. Tiwala siya na hindi nito mapapabayaan ang branch ng Spa na bubuksan niya dito.

"Mag stay ka ba dito sir? Lilipat ako sa Cabin ng mga kasama ko." She offered.

Umiling siya dito. "Ah, no. Gusto ko lang talaga makita ang resort. And I want to see my friend, pero hindi ko ma contact."

"E yung may ari, Sir?" Tanong nito.

"That too. Saan ang office niya dito? I just want to thank her." He smiled warmly.

"Sir, kayo ah? Huwag kayong ngumiti sa akin ng ganyan naku! Nakakalaglag ng panty!" Pabirong sabi ni Carren. Kiel laughed at her.

Pabiro itong kumindat sa babae. "Ingat ka." Biro niya.

"Kung hindi ko lang talaga alam na lalaki din ang bet mo, Sir. Matagal na kitang itinali!" Carren laughed when he made a vomiting sound. "Tama na nga ang biruan, Sir! Baka seryosohin ko lalo at ang gwapo niyo sa japorms niyo ngayon!"

Kiel looked at his clothes. Simpleng button down shirt, at naka roll ang sleeves nito hanggang sa siko niya, naka tucked in ito sa suot niyang pantalon at pinaresan lang niya ng Nike na sapatos.

Carren lead the way towards the resort owner office. Kahit gabi na ay walang kasing liwanag ang resort, even the sounds were loud. Sementado ang daan malapit sa mga swimming pools, pero ang daan papunta sa wave pool ay buhangin. Hindi siya sigurado kung anong klaseng buhangin ang ginamit pero mukhang hindi ito ordinaryo.

Carren smiled at the woman in front desk, nagliligpit na ito ng gamit nang makita nila. Mukhang tapos na ang trabaho.

"Yes? May problema ba sa Cabin niyo?" Agad na tanong nito.

Carren shake her head. "This is my boss, gusto lang niya makita ang may-ari."

The woman eyed him from head to toe. Her cheeks turned red in an instant. Hindi maiwasan ni Kiel ang matawa dahil sa reaction nito. Hindi man ganoon ka ganda ang katawan niya, but his face was enough to make woman fall in his hand. Even a man.

The woman knocked on the door and step inside. Ilang segundo lang ang hinintay nila at agad din itong lumabas.

"Pasok daw po kayo, Sir." She said and smiled at him.

"Sir? Text or tawag ka nalang po kapag tapos na kayo, dinner lang po kami. Gusto namin i try yung seafood restaurant nila dito." Paalam sa kanya ni Carren.

Kiel just nod his head. Nakapamulsa siyang pumasok sa loob ng opisina nang may-ari. His eye brows shot up when he saw the inside. It looks like a house to him. He jumped a little when a woman popped up out of nowhere. Naka bathrobe lang ito at basa pa ang maiksi nitong buhok. The water was slowly dripping down to her neck and chest. May dala itong wine glass at isang bote ng wine. Napalunok si Kiel nang makita ang mukha nito.

She was smirking at him. "What a small world. Kiel." She uttered.