Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

CHAPTER 6: Work

ASHLEY

Isang linggo na mahigit wala parin akong trabaho, nakakahiya na kila rylene dahil wala akong maibigay. Lumabas ako sa kwarto namin ni rylene para kumain dahil simula umaga ay hindi pa ako kumakain. Pakuha na ako ng pagkain ng dumating ang ama ni rylene, masama ang tingin saakin.

“ kakain ka nanaman?”

“ Ngayon lang po” sagot ko.

“ mamaya huwag ka ng kakain, dapat nga hindi ka kumakain dahil wala ka namang binibigay aba ginawa mo---”

“ ricky!” dumating ang mama ni rylene.

“ ano ba yan! Parang hindi ka naman tao sa ginagawa mo”

“ Bakit?! Andami natin dito naki siksik pa yan! Mabuti sana kung may bigay pero wala! Tsaka lakas lumamon!” sabi niya, napa tingin ako sa plato ko. Hindi naman dahil tatlong kutsara nga ung nasa plato ko at aminado naman ako na wala akong bigay pero syempre kapag may trabaho ako magbibigay ako.

“ darating din yan, hayaan mo na at andiyan naman si rylene” sabi ng mama niya

“ rylene?? Aba kawawa naman ang anak ko! Ashley ganito ha kapag wala ka pa trabaho sa susunod na linggo umalis kana” sabay alis siya, napa buga naman ako ng hangin.

“ hayaan mo na siya, matanda na kasi” tumango ako, ibinalik ko ung kanin na kinuha ko at hinugasan ko ung plato.

“ kain ka, hayaan mo na siya” umiling ako.

“ okay lang po, okay na po ako dito sa pandesal. Salamat po” nag lakad ako paloob na saktong dumating si rylene.

“ ashley, lika kain tayo may dala ako” ngumiti ako at umiling

“ salamat, busog na ako dito” pinakita ko ung pandesal at nag lakad paloob ng kwarto, tumulo ang luha ko. Kaya ko ito, konting panahon pa makaka pag tapos na ako at magkakaroon din ng maayos na buhay.

--

“ pasensya na kay papa, ganun talaga iyon kapag talo sa talpak” ngumiti ako ng tipid.

“ ano ka ba totoo naman ung sinasabi niya, kailAngan ko pang doblehin ang paghahanap ng trabaho” hindi ko alam kung saan pa ako mamimigay ng resume dahil halos lahat ay nabigyan ko na.

“ okay kaya kainin mo na ito para may lakas ka mag hanap ng trabaho bukas” halos mangiyak ako sa nakita kong pagkain, gutom talaga kasi ako at kulang ung isang pirasong pandesal.

“ kain na” tumango ako at kumain na, tumulo na nga ang luha ko.

“ dahan dahan…huwag mong pansinin si papa, sabi ko sayo magtutulungan tayo kaya huwag kang aalis dito” lumapit tuloy ako sakanya at niyakap.

“ you’re the best” sabi ko, lagi kasi siya andiyan kapag problemado ako at lagi siyang may solusyon kapag may problema ako.

Kinabukasan

Dahil walang pasok maaga akong lumabas para mag hanap ng trabaho, hindi ako tumigil kakahanap ng trabaho at kabibigay ng resume ko. Hapon na pero ni isa wala parin akong natanggap na text message, pauwi na ako ng naka salubong ko si rylene.

“ san ka pupunta?” Tanong ko.

“ kay tim, may customer at tignan ko daw kung gusto ko” sagot niya.

“ sama ka??” napa isip pa ako hanggang pumayag ako.

Nag taxi na kami, tahimik ako kasi napapa isip ako. Kaya siguro hindi na bumitaw sa ganitong trabaho si rylene dahil ang hirap mag hanap ng trabaho at maliit ang kita hindi tulad sa kinikita niya bilang call girl.

“ helo” bati ko

“ hi.. maupo kayo, rylene kinansel ko ung sayo, paano ba naman user kaya huwag na” bungad ni tim

“ ahy grabe… mabuti at nalaman mo?” sabi ni rylene.

“ Syempre ganun ako katindi” sagot naman niya, napangiti ako.

“ so paano na? Ano na gagawin ko? “

“ Wala maghihintay kung may customer ka, mag kape na muna kayo” sabi ni tim, nag pa timpla naman siya.

“ ashley baka binubugaw ka nanaman ng kaibigan mo ah” umiling ako.

“ mabuti naman” saktong tumunog ang phone niya.

“ ano?!!!”

“ paanong nalaman???”

“ sino daw?”

“ Bwesit!.... sige sige sige” nag tinginan kami ni rylene.

“ bakit?” tanong ni rylene.

“ bwesit ayaw talaga akong tigilan!” inis na sabi ni tim.

“ nino?”

“ Yang black holder na iyan! Dahil sa ayaw kong pag bigyan ginugulo—” tumigil siya.

“ ahmm.. never mind” napa hilamos siya ng mukha.

“ ginugulo ka pa nong taong iyon?” tanong ko.

“ yes…desperadong lalaki” sagot niya.

“ akin na ung number niya” kumunot ang noo niya.

“ oyy ashley, ano gagawin mo?” tanong ni rylene.

“ patatahimikin siya” walang nagawa si tim kundi ibigay saakin ung number at tinawagan ko na, hindi niya sinagot nong una pero nong sunod ay sinagot na niya.

“ what?” bungad niya.

“ pwede ba manahimik kana, huwag kang mandamay ng wala naman kinalaman” bungad ko.

“ hmmm?? What do you I am doing?? Iniistorbo ba kita??” tanong niya.

“ hindi ako pero ung taong---”

“ exactly hindi ikaw so huwag mo akong pakialaman kung ano ang pinag gagawa ko” nag ngitngit ang ngipin ko.

“ ano ba gusto mo ng manahimik ka!?”

“ You”

“ Only you baby” sagot niya, napakuyom ang kamao ko.

“ one night again at hindi ko na kayo guguluhin” dagdag pa niya, nag ngit ngit ang ngipin ko. Tinignan ko si tim at si rylene, baka madamay pa si rylene kaya kailangan kong pumayag para matapos na.

“ sige, last na ito” sagot ko.

“ yup… ill send you the details, don’t be late” binaba na niya ang phone niya, mayat maya ay naka tanggap na ako ng text mula sakanya.

“ binayaran na kami” sabi ni tim

“ bwesit talaga yan! Susuntukin—”

“ huwag ka ng gumawa na ikakapahamak mo pa” singit ni rylene

“ talaga bang okay ka doon?” tanong ni rylene.

“ mas okay ng pumayag kaysa mas lumala pa” sagot ko.

“ okay… ingat ka ha” tumango ako.

“ sige na, mauna na ako” ngumiti ako ng tipis at nag lakad na, kinakabahan ako pero huli na ito kaya kailangan kong magtiis.

Chương trướcChương sau