ASHLEY
“ ano bang nangyari, tignan niyo yang itsura niyo para kayong naki sabak sA world war” si mama, matapos kasi silang maki pag away. Dumiretso kami sa bahay dahil iyon ang mas malapit.
“ Nananahimik kami tita, bigla kaming sinuntok” sagot ni tim.
“ baliw pala ang mga iyan, sinuntok kay0 ng walang dahilan” sagot naman ni mama.
“ opo… pero mukhang naiinis sila kasi gwapo kami tita” binatukan ni rylene.
“ sana hinayaan mo na lang kaysa patulan pa sila”
“ Luh… sinuntok ako, hahayaan ko??? Masakit masuntok, hindi iyon kalabit para okay lang, suntok iyon at masakit” natawa na lang kami ni rylene
“ tignan mo nga si axe gumanti din” dagdag niya, tinignan ko si axe na kanina pa tahimik.
“ may masakit pa ba sayo?” tanong ko.
“ wala na” tumayo siya.
“ hindi sana magkakagulo kung hindi mo pinagsusuntok ung mga iba” sabi ni rylene.
“ ahy hindi ko na kasalanan iyon, nandamay sila eh” sagot ni tim
“ they deserve it” singit ni axe.
“ see… galing na kay axe”
“ mali naman iyon, dinamay niyo ung walang kasalanan” sabi ko.
“ paano mo nasabing walang kasalanan??? They all making move to touched you tapos sasabihin mong walang kasalanan??” medyo tumaas ang boses niya.
“ parang wala---”
“ wala??? Baka sanay ka na hawakan nila” kumunot ang noo ko
“ mauna na nga lang ako” pang iiba niya, tumayo na siya
“ sabay na ako” sabi ni tim.
Umalis na sila, nag tinginan kami nila mama. Napa buga lang ako ng hangin, sinabihan na lang kami ni tita na mag pahinga na.
Kinabukasan
Nag desisyon kami na mag pahinga na lang ni rylene para maging ready bukas, nag day off din si tita at pinag luto kami. Wala kaming ginawa kundi kumain at humilata tsaka manuod, napapatulala na lang ako sa panuod namin kasi ung utak ko kung saan saan napapapadpad
“ ung axe bang iyon nanliligaw sayo?” nagulat ako sa tanong ni tita.
“ wala man ako karapatan mag tanong sayo pero parang anak na din kita kaya gusto kong mag bigay ng payo sayo” tumango ako at ngumiti.
“ ung taong iyon galawan pa lang niya may gusto sayo, ung pananalita niya halatang may kakaiba. Kaya tinatanong ko kung nanliligaw”
“ hindi po…boss ko po siya” sagot ko
“ mmm… boss mo pero willing magpabugbog” sagot ni tita.
“ nadamay siya tita”
“ kahit na, concern ung tao sayo”
“ Tita—”
“ hindi mo siya gusto??” hindi ako naka imik.
“ kung ganun dapat malinaw sakanya iyon, may paramdam ung tao at mas maganda na magkalinawagan kayo. Mahirap naman kung umasa ung tao mas okay ng malinaw” tumango ako.
“ ikaw din rylene…halatang halata at alam kong napapansin mo din na may kakaiba sa tim na iyon” nilingon ko siya.
“ osige.. mauna na akong matulog, matulog na din kayo” nag tinginan kami ni rylene.
“ madali lang saakin na sabihin kay axe pero sayo…. Goodluck” hinagisan ako ng unan.
“ madali lang siya oyyy” natawa ako.
Maaga kaming gumising para maka pag ready, matapos naming mag almusal ay naligo na kami. Kinuha ko ang bag kit ko at mga damit ko bago pumasok sa c. r. matapos akong naligo, kinuha ko na ung bag kit ko para mag ayos ng nalaglag ang laman.
Nakita ko ung P. T, ibinalik ko at kinuha ung powder ng napaisip ako. Nag ayos ayos ako ng isasara ko nakita ko uli ung P. T, kinuha ko. Hindi naman siguro masama kapag gagamit ako, binuksan ko na.
Habang hinihintay bigla akong kinabahan, nong huli kasi nakalimutan kong uminom. Lumabas na ung unang linya hanggang……. may sumunod na linya. Napa kapit ako, hindi ko aakalain na ganun ang lalabas. Agad agad kong itinago ito sa bag ko at inayos ang sarili tsaka lumabas na.
“ antagal ah… bilisan mo” sabi ni rylene.
“ ah oo, magdadamit lang” sagot ko, madali akong nag palit. Kukuha ako ng sapatos ng may naalala ako kaya ung rubber na lang ang pinili ko.
“ oyyy… heels tayo, mapapagalitan ka ni mam rizi”
“ hindi ba pwedeng rubber?” tanong ko, umiling siya. Kinuha ko ung heels at sinuot, sana lang talaga hindi ako madapa.
Nakarating na kami sa café, hinanda na namin ung mga free taste namin. Dumating na si axe kasama si rizi, napa kagat labi ako. Focus ashley, mabilis ang bawat pag galaw namin dahil nong natapos na ang ribbon cutting ay dumagsa na ang mga tao.
“ ashley ipunta mo itong mga ito” utos ni mam rizi, kinuha ko at dinala sa mga kausap ni axe.
“ sir” kinuha naman nila, isang oras na ata akong lakad ng lakad.
“ miss” tawag saakin, agad akong lumapit. Kinuha ko ang order nila at pumunta para igawa ung kape peeo ubos na ung stock.
“ rylene mah kape pa ba diyan??”
“ Wala na, teka at kukuha ako” tumango ako
“ rylene, halika dito” napa hinti siya.
“ ako na lang rylene, sige na puntahan mo na” ako na ang kumuha ng stock, dahil ubos lahat ng flavor kumuha ako ng tig isa. Dahil mabigat tinig isa kong binuhat, ang sakit na ng likod ko.
“ ako na” si drei, isa sa kasamahan namin.
“ salamat” napa hawak ako sa mesa dahil nahilo ako.
“ ooh…teka” kumuha siya ng tubig, ininom ko at medyo umokay ako.
“ pahinga ka, kanina pa kita nakikitang lakad ng lakad. Konti naman na ang tao” umupo ako, masakit parin kasi ung likod ko at puson ko dahil sa binuhat ko.
“ what are you doing here?? May mga tao oh” si mam rizi.
“ mam si---”
“ tara na drei” tumayo ako at nag lakad inasikaso ung mga customer, kita ko ang concern sa mukha ni drei.
“ okay ako…” ngumiti ako ng tipid, tumango siya at nag lakad na para mag asikaso ng ibang customer.
Habang nag aasikaso ako napapikit ako sa sakit, napa hawak ako upuan. Nanginginig ang paa ko, pinapakalma ko ang sarili ko.
“ ashley buhatin mo ito” tinignan ko, mukhang di ko kaya