TIM
Para akong tanga dito paikot ng paikot ng upuan, bored na bored ako. Wala na kasi ung taong nanggugulo saakin at laging nasa opisina ko na kwento ng kwento kahit wala ng kwentang usapan.
Ring ring
“ oh??? Day off ng boss namin… bye---”
“ gago…” nanlaki ang mata ko.
“ axe???”
“ may nangyari??” agad kong tanong
“ para kang siraulo… meet me in this place at exactly 8pm, don’t be late” binaba na ung phone, loko iyon ah parang ginawa naman akong call boy, don’t be don’t be late pa.
Knock knock
“ sir andiyan ang papa niyo” binuksan ung pintuan.
“ naubos na ung pera kaya ka ba andito?” tanong ko agad.
“ masyado ka namang mainit saakin anak, masama pa ba ang loob mo na nagulpi ka ng tao ko” sinamaan ko siya ng tingin.
“ may pupuntahan ako kaya sabihin mo na kung ano ang gusto mo” tinitignan ko ung relo ko sabay ayos.
“ pera”
“ Wala pa akong pera, hindi ko pa nabawi ang perang nilustay mo” sagot ko
“ malabong maubusan ka ng pera…. Mamigay kana kung ayaw mong umnit pa ang ulo ko sayo” napa ngisi ako.
“ huwag mo ang sagarin pa… hindi lang ikaw ang may karapatang uminit ang ulo” biglang pumasok ang mga tao ko.
“ ahhahahahahahahaha!!! Magaling, natututu kana. Maganda yan, may susunod na sa yapak ko” tumayo na ako
“ umalis na kayo dahil wala akong maibibigay sayo” kung hindi dahil sa pagiging sugarol niya hindi sana siya maibabaon at hinahanap ng pinagkakautangan niya, napaka kilala niyang tao dahil sa pagiging successful tapos ganito ang bagsak niya.
“ kung ganun sa susunod---”
“ walang susunod” lalampasan ko siya ng hinapit ung braso ko.
“ magbibigay ka sa ayaw mo at gusto mo sa susunod na buwan kung hindi baka makakita ako ng---”
“ aalis na ako” hindi ko na siya pinatapos.
Pumunta na ako sa lugar kung saan sinabi ni axe, sa totoo lang ang aga ko pero hayaan mo na kaysa uminit pa ng tuluyan ang ulo ko sa papa ko. Nanatili na muna ako sa kotse at naka tanaw sa labas, teka ngayon ko lang napansin ung lugar.
“ bar??” kailan pa nag ka guto ng bar si axe na ganito??? Naghihirap??
Patingin tingin lang ako habang dumadaan ang oras hanggang may nakita ako, sila rylene at si ashley na may kasamang mga lalaki.
“ aba… lokong babae ito ah, nawala lang sa agency ko kung sino sino na ang kinakasama at ang pangit pa. Walang muscle, ang liliit at puro buto buto… kailan pa siya umayaw sa malaman na lalake??!!” reklamo ko dito sa sasakyan.
Pumasok na sila, asan na ba si axe bakit ang tagal niya. Tinignan ko ung oras, ugh! Maaga pa pero kasi--- ugh!!!! Hinintay ko na lang si axe kahit gusto ko ng pumasok pero lampas na sa oras na simabi niya ay wala parin siya.
Beep beep
Dali dali akong lumabas, si axe iyon. Lumabas na siya kasama ung laging naka buntot sakanya na babae, hinila ko siya agad at pumasok na. Bahala na ung babae na sumunod ang mahalaga ay mapuntahan na namin sila.
“ late ka” bulong ko habang hinahanap sila.
“ kanina pa sila meron tapos ikaw an tagal mo, don’t be don’t be late ka pa ikaw naman ang late….” Ngumisi siya.
“ huwag kang mag reklamo diyan, mabuti nga at tinawagan pa kita” sagot niya.
“ kaibigan mo ako, alangan tatawagan mo ako…. Ayon na sila”
“ Tsk” iniwan ko na siya at agad akong lumapit, nagulat nga si rylene pero si ashley hindi.
“ andito na pala kayo sir, nagsama pa kayo ng guard boy natin… ang galing talaga ni sir” huh??? Guard boy??? Kulang na lang guard dog ang sabihin ah.
“ excuse me” sabi ko sa lalaki.
“ huh???”
“ Ako diyan…” sabi ko.
“ pero---”
“ ako nga diyan….” Hinila ko ung lalaki at tumabi kay rylene, wala ng nagawa ung lalaki… papalag siya, makikita niya agad ung putting manok sa taas.
Hindi umimik si rylene, nag si inuman na kami at kwentuhan. Tahimik lang si axe, ung babae na kasama niya lingkis ng lingkis sakanya kaya tinignan ko si ashley.
“ yang patingin tingin mong yan… umayos ka” sabi ni rylene..
“ hindi pa ba sila?” bulong ko..
“ huh??!”
“ wala wala…. Inom tayo” nginitian ko siya at kinindatan, inirapan naman ako.
Natatamaan na kami habang ung dalawang lalaki lasing na, kung ano ano na pinag gagawa. Inakbayan nga si ashley, napa lingon ako kay axe na kalmado.
“ sayaw tayo ashley, rylene” yaya nong lalaki.
“ tara---” nakasabit ung kamay ko sa bulsa ng jacket ni rylene, tinignan niya.
“ sama ako” sabi ko na lang.
“ tara na… mas madami mas maganda” hinila ko naman si axe kaysa umapoy ung upuan niya, nagsayawam kami, tinutulak ko ung lalaki na lapit ng lapit kay rylene na halos ikaskas ung tete niya.
“ wooh sayaw” sabi ko, nakakahalata ata ung lalaki pero nananadya at nilalapit parin.
“ woot… wooot… woooot….” Pasimpleng tulak habang sumasayaw, sinunod naman si ashley ang pinagkakaskasan ng tete.
Tinignan ko si axe na pasimple namang pumapagitna, kunware natutulak daw. Napa ngiti na lang ako hanggang naka rinig kami ng sigaw.
“ ano ba!!” sigaw nong babaeng linta.
“ ang kulit kulit...” reklamo niya.
“ miss kung ayaw mong nadidikitan umupo ka na lang” sabi nong lalake.
“ napapa sobra ka eh” ooppsss away na ata ito
“ oyy huwag kang bastos kay mam” naksss taga pag tanggol.
“ mam niyong pangit!!” nabigla ako doon, bigla namang sinuntok nong lalaki. Bakit niya sinuntok??? Totoo naman??? Haisttt!.
“ ouch!” naipit na si rylene, hihilain ko ng bigla akong sinuntok.
“ aggghhhhhh!!! Bakit ako????!!!!” sigaw kong reklamo.
Pinag susuntok ko na din sila maski hindi kasali, lumayo ang ayaw madamay. Nasagilid lang si axe ng nakita kong sinuntok siya, natawa ako kaya pumatol na din siya.