ASHLEY
Binuhat ko ung pinapabuhat niya at sobrang hirap na ako, pinunasan ko ung pawis ko at nag lakad na pero dahil sa kapaguran ko hindi ko na nakita na may hagdan pala na konti at natapilok ko kaya out balancee, naitama pa ako sa pader.
“ a-aray”kinapa ko ung ulo ko kasi nauntog din.
Tatayo na sana ako ng napansin ko ang skirt ko, nanginig ang buong katawan ko. May dugo kasi, ung lakas ko biglang naubos at hindi na malaman ang gagawin.
“ kalma ashley… kalma” sabi ko sa sarili ko.
Tumayo ako at nag lakad, nakita ko ung fire exit at doon dumaan. Pumara ng taxi at nag padala sa hospital, nakarating ako at doon na ako nawalan ng malay.
Nagising akong naka swero na, naabutan ko pa ung nurse na inaayos ang swero ko. Bumangon ako, nginitian ako ng nurse.
“ ano po nararamdaman niyo?”
“ Mabigat at masakit ang ulo ko” sagot ko.
“ dahil po yan sa pagkaka untog niyo, mamaya po darating ung doktor para sabihin kung paano ung lagay niyo” tumango ako, sumandal ako at ngayon ko lang napansin na hindi ako sa ward kundi sa isang room, sa eleganteng room.
“ teka…. pa—” bumukas ung pintuan.
“ ashley…”
“ Drei?? Paanong---”
“ nakita kita kaya sinundan kita, antagal mo kasi at hindi na bumalik kaya tinigna ko kung ano na ginagawa mo sana pero nakita kitang hirap na naglalakad palabas ng fire exit” sagot niya
“ itong room… kahit ward na kasi hindi naman natin kayang bayaran” sabi ko.
“ no its okay… this hospital is mine” kumunot ang noo ko.
“ hehe long story pero don’t worry sasabihin ko sayo later, here kumain ka para lumakas ka”
“ kamusta ung ulo mo?” dagdag niya.
“ masakit” ngumiti siya.
“ malakas ang pagkaka untog mo, here eat this” inabot ko ung binigay niya sakto naman na pumasok ung doktor.
“ sir” bati kay drei
“ how is she?” tanong niya, ang weird naman nitong lalaking ito nag tra-trabaho siya ei may ari naman pala siya ng hospital at panigurado hindi lang ito dahil pananalita pa lang niya ay mukhang katulad siya ni axe.
“ good news sir, your already a father” nanlaki ang mata ko, well hindi ako gulat sa buntis ako dahil nag p. T ako at positive pero sa sinabi niyang si drei ang ama.
“ hmmmm…” iyon lang ang sagot, nilingon ako.
“ mabuti na lang talaga malakas kapit at kahit ganun ang nangayari ay nakaka kapit parin, im going to give a vitamin lalo pat anemic siya”
“ And please have some rest” dagdag nong doktor.
“ sir paki alagaan naman si madam” natawa si drei.
“ don’t worry I will hahaha” sagot ni drei.
“ mauna na ako, be careful always” tumango ako, umalis na siya.
“ hmmmmm…. paano ba yan? Malalaman yan sa pagnagkataon”
“ hmmm… pero aalis ako afer 4 months… kailangan ko maka pag ipon para saamin at need ko ung trabahong iyon” sagot ko.
“ okay kung yan ang plano mo” umupo at nag dekwatro.
“ ikaw… bakit ka nag tra-trabaho eh may hospital ka naman” tanong ko.
“ hahaha sa totoo lang it’s a misunderstanding kaya ako napunta, imbes na huwag akong pumunta ay pumasok na lang ako kasi I found it interesting hahaha” baliw nga.
“ ewan ko sayo.... bahala ka sa buhay mo” sumandal ako, nakita ko siyang naka tingin
“ bakit?”
“ hindi mo sasabihin sakanya na buntis ka?” nagulat ako sa tanong niya.
“ kanino??” tumayo siya at nag lakad papunta sa bintana, nag cross arms at tumingin saakin.
“ ahmmmm… let me guess……kay axe” napa pisil ako ng kamay ko.
“ its my expertise ang mag masid masid, that’s my father teach me. The way you talked, the way you looked each other, the way he cares about you…. May something and I figured it now hahaha” nakakairita ung pag tawa tawa niya.
“ mali ka… hindi siya” naka tingin lang siya saakin.
“ òoooookay…. So ako na lang hahahahaha!” napailing ako, tawa siya ng tawa.
Ring ring.
“ opppsss tumatawag na si madam” pinakita niya, si mam rizi tumatawag.
“ he…hello mam?” kumunot ang noo ko, bakit bigla siyang nahihirapan ngayon.
“ mam…nasiraan ak… aaako ng tiyan….. at kanina….. pa ako dito sa cr……. baka—”
“ o…. opo mam, maski si ashley ma…. mam”
“ o.. po… okay po…..”
“ sa…. lamat ahhhh ma---hahahahahahahaha!” Anlakas ng tawa niya.
“ binabaan ako, nandiri ata”
“ okay na… don’t worry for today kaya rest ka, you need it” sumeryoso na siya
“ mag absent ka bukas, mas mahalaga na fully rest ka bago pumasok. Kaya na namin iyon bukas”
“ okay ako… kaya ko na bukas” sagot ko.
“ matitigas talaga ulo ng mga babae” napa ngiti ako.
Ring ring
Si axe
“ helo”
“ meet me later, same place and time” binaba niya na agad ang phone.
“ kailangan---”
“ no…. Mag pahinga ka ngayon, walang aalis dito”
“ Drei kailangan ko—”
“ Kailangan mong mag pahinga, I don’t care kung sino man ang tumawag sayo… like what I said you need this lalo pat dalawa na kayo” napa buga ako ng hangin, mukhang wala akong magagawa lalo pat siha may ari neto.
“ okay”
“ Don’t worry ako bantay mo para sure”
“ no need na” sabi ko.
“ I insist…. Malambot naman ang sofa and comfortable kaya its alright” hindi na ako umimik kasi parang hindi rin ako mananala sakanya.
“ kain na” tumango ako, kumain na ako.
Matapos akong kumain, siya na nag ayos ng lahat. Pinahiga na din ako at inutusan na mag pahinga. Matapos niyang mag ayos ay pumunta na sa sofa at nag cellphone pero tumayo siya at lumapit saakin.
“ Im going to get this first para hindi ka maintorbo” ung phone ko, kinuha niyA.