Chapter 63
Aviena’s POV
“Are you going to make a baby now?” tanong ni Camillia na sumilip pa sa amin. Hindi ko maiwasan ang matawa roon dahil may ngiti rin sa kaniyang mga labi habang nakatingin sa akin.
“What?” natatawa kong tinulak si River bago nilingon si Camillia na inosente pa ring nakatingin sa aming dalawa.
“Klein said that his Dad said that they will create a younger sibling for him and Calvin. Then he saw them kissing while going to a room,” ani Camillia kaya agad na napaawang ang labi ko roon. Naririnig ko na naman ang mahihinang bulong ni River. Minumura ang kaibigang si Pride.
“What? I won’t let Camillia meet your friend’s child!” ani ko kay River. Sinamaan ko pa siya ng tingin.
“Don’t worry. We will just kick Pride out,” aniya na napahawak pa sa kaniyang sentido. Mukhang mas stress pa sa kaniyang mga kaibigan kaysa sa trabaho.
Napatingin pa ako sa kaniya nang tumawag sa ilang kaibigan.
“Do you want to kick out Pride in the group?’” He was so serious while asking Demon kaya hindi ko maiwasan ang matawa.
“I don’t mind. I heard him saying weird things to Lucifer,” anito. Demon also look so serious na akala mo’y seryoso talaga sila sa binabalak. Sumilip naman si Mate doon at nakita kaming dalawa ni River. Napatawa siya nang mahina.
“Just tell it to Veron. Kaltok abot niyon,” natatawang saad ni Mate kaya natawa na lang din ako bago napailing.
Nang-usisa pa ito kaya hindi ko maiwasan ang mailing. Alam ko na agad na may article na lalabas tungkol sa amin ni River dahil kay Mate. We ended the call bago ako nagsumbong kay Veron. Mate was right though. Paniguradong si Veron na naman ang manenermon sa kaniyang asawa. May sira rin kasi talaga sa utak ang asawa niya. Natawa na lang ako sa naiisip.
“That’s not how you make babies, Camillia. You can’t really make babies just by kissing, Mahal ko,” ani ko kay Camillia na siyang napatingin sa akin. Napanguso naman siya at magtatanong pa sana subalit agad ko na ring iniba ang usapan.
“Look! We’re getting near!” ani ko kaya agad siyang na-distract. Hindi niya rin mapigilan ang matuwa habang nakatingin sa paligid. Napangiti na lang din ako roon.
Mayamaya lang ay nakarating na kami sa island. Camillia was so excited because they were going to snorkle together ni River. Mayamaya lang din ay magkakayaking kami kaya naman nawala na rin sa isipan ng anak ko ang tungkol sa mga tanong kanina.
“Look! The sea is so clear!” aniya habang pinagmamasdan ang paa naming tatlo nang makababa. Sobrang linaw ng tubig na makikita mo rin talaga ang bato at buhangin mula sa baba. Kaunti lang din ang tao sa island.
I was so excited to sketch the place too. It was so refreshing to look at it.
Wala pa atang ilang minuto’y nakababad na si Camillia sa dagat. Sinasamahan na ito ng kaniyang ama na nalilibang din habang binabantayan ang anak. They really have the same hobby kaya naman hindi talaga magrereklamo si River and he never really seem to be a person who will say things when you tell him to take care of the kids.
Napangiti na lang ako habang nililibang din ang sariling kumuha ng litrato at mag-sketch sa aking tablet.
Matapos silang mag-snorkle. Agad nila akong niyayang mag-kayaking. Napanguso ako dahil para bang walang choice kung hindi ang sumang-ayon na lang sa kanila.
When we started, hindi ko mapigilan ang mapatili habang natatawa lang si River at Camillia habang sinasabayan din ng aming anak ang tili ko. Napatawa na lang ako nang mahina nang matapos kami.
“That was fun…” mahina kong saad kaya agad lumapad ang ngiti nila sa akin.
“Let’s go to the cave now, Papa!” excited na saad ni Camillia kay River na napatango na lang sa kaniya.
We ended up going to the cave too. Nasa gitna lang namin si Camillia na siyang hindi na naitago pa ang excitement na nararamdaman lalo na nang makarating kami roon. Napatawa na lang ako nang mahina sa kaniya. May mga paniki pa kaya mas lalo lang natuwa si Camillia. Para bang hindi rin ito nakakaramdam ng takot sa kaniyang katawan.
“Someday, I would like to visit different cave too, Papa and of course I’ll visit the whole world too,” saad niya kaya napangiti na lang din ako. That’s Camillia’s dream. Hindi maitatanggi na talagang na-aattach na siya sa pagbisita sa iba’t ibang lugar.
“We can start your dream now then,” ani River sa kaniya. Right, your dream will immediately became a reality if it’s River. Napatingin naman si Camillia sa ama at nagtataka pa itong nilingon but River just smiled at him.
Hindi pa roon natapos ang adventure nilang mag-ama dahil agad kaming nagtungo sa falls malapit sa island. Maingat naman si River habang buhat-buhat ang anak. I was already contented with my life but now that River was here. I can’t help but to became much more happier.
I was smiling from ears to ears nang patungo kami rito sa isang kainan nang mahinto sa paglalakad nang maramdamang may nakatingin sa akin. Sinubukan kong lingunin ‘yon subalit isang mapayat na babaeng may blonde lang na buhok na siyang agad ding tumalikod sa akin. Bahagyang napakunot ang noo ko dahil pakiramdam ko’y nakatingin ito sa amin kanina.
“Mama?” tanong ni Camillia sa akon na hinawakan ang kamay ko. Nagtataka sa biglaan kong paghinto.
“Is there something wrong?” tanong niya pa sa akin habang nagtataka sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya at napailing.
“It’s nothing, Mahal ko.” Napatingin din sa akin si River at nagtataka rin ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa. Parehong-pareho talaga silang mag-ama.
Pinagkibit ko na lang din ‘yon. I’m just probably thinking too much.
After we ate in the resto near the ocean, bumakik na ulit kami sa island kanina para bumalik na sa rest house dahil malapit na ring bumaba ang araw.
Nasa yate na kami habang pinagmamasdan lang ang kalangitan. Mayamaya lang ay tuluyan na kaming nakarating sa rest house.
Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking mga labi nang maghanda na kami nang snacks because we wanted to enjoy the night.
Nasa tabi lang kami ng dalampasigan habang pinanood ang pagkindat ng mga bituin sa kalangitan. Hindi ko rin mapigilan ang sariling mapangiti habang nakatingin doon. I can’t believe I’m really having fun with my daughter and husband now.
“Ma, Pa, how did you two met?” tanong ni Camillia sa amin ni River. Napaisip naman ako roon bago nilingon si River na siyang napatingin din sa akin. Pinagtaasan niya pa ako ng kilay na para bang nagtatanong din.
“Hmm, in the party I think? Or is it in the set?” Napaisip naman ako roon. I always see him around but I don’t really know where I met him. Basta ang matagal na interaksiyon namin ay ang sinundo niya ako sa presinto para lang sabihing fiancee niya ako. Hindi ko maiwasang mapailing doon dahil hindi naman pupuwedeng ‘yon ang ikukuwento ko sa anak.
“We met in an awarding show,” aniya kaya napatingin ako sa kaniya. I don’t know if he’s making a story or what pero napataas lang ang kilay ko sa kaniya.
“Really? I don’t remember seeing you there,” ani ko kaya napakibit siya ng balikat.
“Still remember what you’re wearing that day. A dress with printed lemon with your cute yellow clip,” aniya kaya nahinto ako. Agad na nanlaki ang mga matang napatingin sa kaniya.
“What? Are you serious?” tanong ko dahil talagang bago pa lang ako noon. Tipong nagsisimula pa lang talaga. I think I was just 18 or 19 at that time. I was even so drunk when I came home because people keeps on bombarding me with alcohol.
“Are you one of those asshole?” tanong ko sa kaniya na naniningkit ang mga mata kay River. Tinakpan niya naman ang bunganga ko kaya napanguso ako. Narito nga pala ang anak.
“What? I’m not. You puke on my hands the first time we met,” aniya sa akin kaya agad na nanlaki ang mga mata ko. Ganoon din si Camillia na agad na napangiwi sa akin.
“Mama?” tanong ni Camillia tila ba hinihintay akong magsalita. Hindi ko maiwasan ang matawa roon.
“I don’t remember puking on anyone’s hand,” ani ko kahit na ang totoo’y inalis ko na sa memorya ko ‘yon dahil sa kahihiyang dala. I remember being forced to drink at the party after the awarding. I was not so good at drinking at that time. Kahit isang baso pa lang ata’y nasusuka na ako that’s why I remember running outside ang bumping with someone. I just didn’t focus on who it was. I just feel like everyone going inside was just an asshole. But I also remember talking with someone in the dark, I just don’t remember the face because everything was already blurry at that time.
“We also talked outside but I think you don’t remember it at all,” aniya kaya agad na naningkit ang mga mata ko bago nagtataka siyang nilingon. Right. I don’t really remember it all.
“But it’s fine, I remember everything,” aniya pa kaya napanguso na lang ako bago napatingin dito.
“Why didn’t you tell me?” tanong ko. He was just only the one who became so nice to me.
I looked for him for months and have a little interest and attraction for the guy I met that night but I just instantly forget about it. Naging abala rin kasi ako sa trabaho at unti-unti ring nawala sa isipan ko ang tungkol doon. Ngumiti naman siya at napakibit ng balikat.
“I just like admiring you from a far,” aniya kaya agad ko siyang nginiwian.
“What a creep,” ani ko kaya agad na nanlaki ang mga mata niya at hindi ako makapaniwalang tinignan. Hindi ko maiwasan ang matawa nang hawakan niya ako at nilapit sa kaniya.
“What?” tanong niya na nanliliit pa ang mga mata. Natatawa ko lang akong napailing doon at sinubukang kumawala sa kaniya subalit hindi niya ako binigyan nang pagkakaton. Makikita rin ang ngiti sa kaniyang mga mukha habang natatawa akong nilapit sa kaniya.
“I hope everything will stay like this,” ani Camillia na nakangiti sa aming dalawa ni River. Hindi ko mapigilang mapanguso bago marahan siyang hinila papalapit sa amin.
“I hope so too. But don’t grow up so fast, Baby… Mama don’t want you to think too much,” ani ko sa kaniya subalit nagkibit lang siya ng balikat bago ngumiti sa akin.
Nakasandal lang kaming tatlo sa isa’t isa habang pinagmamasdan ang kalangitan. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil parang noon lang, kami lang ni River ang madalas nakamasid sa kalangitan. Kaming dalawa lang subalit ngayon ay may isa na kaming chikiting na kasama rin naming bubuo ng bagong pamilya.
“Camillia,” tawag ni River sa anak.
“Do you mind if Papa married Mama again?” tanong ni River kaya halos maibuga ko ang iniinom. Napaawang ang labi ko bago siya nilingon. Nanlalaki rin ang mga mata ni Camillia sa biglaang saad ni River.
“Is it fine with you to let me marry your mom?” tanong niya pa sa anak namin. Agad naman na napatango si Camillia.
“Of course, Papa! I would also like to be there in your wedding! And Mama deserve to have her gandest day too!” ani Camillia subalit hindi ko pa rin maiwasang lingunin si River.
“We already get married 3 times now,” ani ko na natawa na lang nang matauhan.
“And I would still like to marry you again and again…” aniya sa akin na nilabas ang isang singsing. Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kaniya nang unti-unti niyang isuot ‘yon sa aking daliri.
“Hoy, ‘di ka pa nagtatanong!” ani ko.
“You don’t really have any choice,” aniya na ngumisi pa sa akin bago ako siniil ng halik.