Chapter 62
Aviena’s POV
“Wow, nice. Are you already looking for a woman who will satisfy your desire?” nakangisi kong tanong kay River nang sadyaing dumaan sa likod niya. Hindi ko na rin kasi mapigilan ang sariling punahin ang pagtitingin niya ng litrato roon. Well, he was just sliding an instagram post. Hindi naman siya nagsalita sa pagpaparinig ko.
“Why don’t we just divorce now so we can just date whoever we want?” tanong ko pa sa kaniya na nakahalukipkip pa ngayon. Nahinto naman siya sa pag-slide ng post bago ako nilingon. Kita ko ang sama ng tingin niya sa akin ngayon.
“What? So you can’t cheat. Para naman hindi ka na mahirapan,” ani ko na inirapan pa siya.
“You have someone you like to date?” aniya na masamang tingin ang ibinigay sa akin. Tila ba sa mga sinabi ko, ‘yon lang ang kaniyang narinig. I was just so annoy. Ewan ko ba. Maski ako’y naiinis na rin sa aking sarili minsan.
“Answer me.” Umirap lang ako at lalagpasan na sana siya subalit agad niyang nahawakan ang palapulsuhan ko.
“I told you, I don’t have one. Ang kulit mo, ikaw pa rin ang gusto. My stay in Amsterdam just make me miss and love you more but of course why would I stay martyr if we divorc—” Bago ko pa matapos ang sasabihin ay nasiil niya na ako nang halik.
“Stop saying that fucking word. That won’t happened. I will never let you go,” aniya matapos akong patahimikin gamit ang kaniyang mga labi. Masamang tingin na ang ibinigay nito sa akin ngayon.
“Damn it, Woman, you’re the only one I like,” aniya. Imbes na bitawan matapos ang halik, nagpatuloy pa siya sa pag-slide sa isang ig post kaya tatayo na sana ako at inis na itutulak siya nang mapagtanto kung anong brand ‘yon and some of the models are familiar with me. That’s the brand I’m working with.
“This is the woman I would like to satisfy my desire and that includes growing old with me with our kids,” mahinang bulong niya na ipinakita ang litrato ko mula roon. Napatikhim ako roon at hindi na nanlalaban ngayon. Ang kapal ng mukha mo, Aviena. Napakaharot mo talaga.
“Damn it. I only want you to act sweet in front of me but you never did… Ang hirap mo namang manuyo…” sambit niya na ang mga labi’y nasa tainga ko na. Nagsitaasan ang lahat ng balahibo ko roon. Hindi ko na rin namamalayan ang sariling nagpapadala sa init nang nararamdaman.
“Camillia’s just in her room, baka lumabas.” Aba, ‘yon lang ang inaala mo, Aviena?
He just continue kissing me hanggang sa dalhin ako sa kabilang kwarto.
“Camillia can’t sleep without hugging someone,” ani ko na hanggang salita lang naman dahil hindi ko rin magawang humilaway sa kaniya.
“It will be quick,” namamaos na saad niya.
That didn’t happened at all. Saka lang siya huminto nang kumatok si Camillia mula sa pinto at mukhang paiyak na ang tinig.
“Ang sabi mo’y mabilis lang!” ani ko sa kaniya habang nagmamadaling magbihis.
“We’re here, Camillia!” ani ko na nagmadaling labasin ang anak.
“I thought you left me here. It’s fine if you stay there, Mom. So you can finally give me a younger sibling,” ani Camillia na ngumiti pa sa akin. Halos masamid naman ako sa sinabi nito.
“No, I’m sorry, we just fix something in that room,” palusot ko na lang kaya nilingon lang ako ni Camillia. Napanguso na lang siya roon. Sumunod na ako sa kaniya at nilingon pa ang kwarto. River didn’t go out yet pero sumunod din naman mga labing limang minuto ang lumipas.
Camillia didn’t immediately went back to sleep kaya naman nakipagkwentuhan lang kami sa kaniya. Katulad ng dati’y nasa gitna lang namin siya ni River. Hindi ko maiwasan ang ngiti habang nakatingin sa anak na siyang tuluyan na ulit na hinila ng antok. Pareho lang kaming nakangiti ni River habang nakatingin sa kaniya. Pinagtaasan ko lang ng kilay si River nang magkasalubong ang mga mata namin.
“I love you…” bulong niya. I don’t know if it’s a magic word to make me fall asleep but I feel like it was dahil unti-unti na lang din akong kinain ng antok.
Maaga lang akong nagising kinaumagahan para magluto ng almusal naming tatlo. Mahimbing ang tulog ni Camillia at River. Parehong pagod ang mga ito dahil na rin sa pagbababad kahapon. At nadagdagan pa ang pagod ni River kagabi kaya naman hindi na ako magtataka ngayong tulog na tulog sila. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni River. Humigpit pa ‘yon subalit nagawa ko rin namang alisin kalaunan.
Lumabas na ako bago ako napangiti. Maybe everything’s going to be fine. Baka naman pupuwede na ring sumaya ngayon? Baka naman hindi na babalik si Ate.
Baka pupuwede namang pagbigyan ang mga sarili.
I was already busy cooking when a little hand hug me. Hindi ko maiwasan ang mapangiti nang makita si Camillia na humihikab pang lumapit sa akin.
“Good morning, Mama,” bati niya sa akin kaya naman hinarap ko siya bago umupo sa tapat niya.
“Good morning, Princess… Did you sleep tight?” tanong ko sa kaniya kaya tumango siya sa akin. Hindi ko maiwasan ang ngiti sa aking mga labi bago siya binuhat. Sanay na sanay na ako rito. Minsan ay kailangan niya ng lambing sa katawan kaya may nga pagkakataon na kapag nagluluto na ako’y ganitong nagpapabuhat na siya.
Mukha pang inaantok kay sumandal lang siya sa braso ko habang papikit-pikit na pinanood akong magluto. I was about to look at my dish when I heard River’s footstep. Parang nagmamadali itong lumabas kaya nilingon ko siya. Bakas sa mukha ang pagkataranta sa kaniya at ang takot.
“Where are you going, Savellano?” tanong ko kay River. Nagtataka rin tuloy na nilingon ni Camillia ang ama. River looked at us. He look so relief when he saw us. I can see bloodshed on his eyes.
“Damn, I thought you two left me again…” Narinig kong saad niya bago yumakap sa aming dalawa hg anak.
“Huh?” Umiling lang siya bago niya hinigpitan ang pagkakahawak sa amin ni Camillia. Camillia confusely look at him too. Binuhat niya si Camillia bago niya ako hinawakan sa baywang. Natawa na lang ako at napailing sa kaniya dahil ayaw niya nang magsalita.
He was just looking at Camillia and me kaya nailing na lang ako at nagpatuloy na sa pagluluto. Matapos kong magluto, hindi ko maiwasang ang mapangiti nang tulungan niya ako. Camillia was also getting hyper now. Nasulyapan na naman kasi ang dagat mula sa labas.
Instead of eating in the dining area here in his resthouse, nagtungo lang kami sa dalampasigan. Inayos lang naman doon ang picnic matt bago napatingin sa dagat. We just eat peacefully while Camillia was already asking if the yacht in front is actually Rivers.
“It’s actually Mama's yacht,” aniya kaya nailing na lang ako. Yes, nagbigay ang lolo niya but I can’t really take it as mine.
“I’ll buy you one once you graduate in elemenatry,” aniya kay Camillia kaya agad na napatingin ito sa ama.
“Is that true, Papa? I can’t wait for it to happen then,” ani Camillia kaya napailing na lang ako.
I was peacefully eating when River go inside his resthouse. Nagtataka namin siyang tinignan ni Camillia. Nakunot lang ang noo ko nang makitang may hawak siyang box. He gave it to me.
“What’s this?” tanong ko na napakunot ang noo sa kaniya. May album at camera roon.
“Instax and a canon? Do you remember what you said years ago? You said you wanted to take a picture of yourself someday. And I think it’s time for you to do that now,” aniya kaya hindi ko mapigilan ang mapatingin sa kaniya. Hindi ko siya makapaniwalang tiignan. I already forget about it. Paanong naalala niya pa rin ‘yon.
Hindi ko mapigilan ang mapayakap sa kaniya.
“Did you really remember it? It’s been so long…” ani ko kaya ngumiti siya sa akin bago napakibit ng balikat.
“I always remember everything about you,” aniya kaya napangiti na lang ako. Hindi ko pa mapigilan ang paningkitan siya ng mata.
“Did uou bought this despite the fact that we’re not fine? Or you bought did for someone else?” tanong ko na naniningkit ang mga mata sa kaniya ngayon.
“What?” Natawa na lang siya nang mahina roon.
“Of course not. I’m planning to give it to you yesterday but you look mad at me,” aniya kaya pinagtaasan ko lang siya ng kilay. Napanguso pa siya.
“I don’t want to do the first move but I just ended up doing it,” aniya pa kaya hindi ko maiwasan ang matawa. Bago ko nga pala naging jowa itong si River ay mataas na talaga ang pride ng mokong. Nailing na lang ako at napangiti sa kaniya.
“Thank you…” mahinang saad ko sa kaniya.
“For remembering those little things…” mahina ko pang bulong ngunit isinagot niya lang ‘yon sa mahigpit na yakap.
“Aren’t you going to hug me too?” tanong ni Camillia kaya natatawa ko siyang ipinagitna sa amin bago niyakap.
Hindi ko mapigilan ang saya na nararamdaman. Para akong nakalutang sa alapaap sa sayang nararamdaman ko.
“Let’s take our first photo,” ani ko kaya naman napatango silang dalawa. I want my first polariod photo to be with them. Malapad ang ngiti ko sa aking mga labi nang ibaba ang instax sa pinag-uupuan namin at nanakbo malapit sa dagat dahil nakatimer ‘yon. Hindi ko maiwasan ang matawa kay Camillia na siyang hawak-hawak ng ama, siya pa ang nanghihila sa Papa niya para tumakbo. Agad kaming humarap sa camera at nag-post but when we look at it, natawa na lang ako dahil ang gulo namin sa kuha. I was smiling at River and Camillia who was running towards me. Hila-hila ni Camillia si River na siyang side view lang ang kita pero ang gwapo pa rin. He was smiling too while looking at Camillia and me.
Napangiti na lang ako roon. We took another one. Mas cute naman na kahit paano ang kinalabasan. I was just so happy while taking pictures with River and Camillia. Mayamaya lang ay napagpasiyahan na rin naming magtungo sa kabilang isla. Camillia was so excited when we enter the yacht. Agad kaming binati ni Kap at ng ilang staff. Naroon ang ilang madalas naming kasama kapag nagyayate. Hindi ko maiwasan ang ngitian sila.
Nagtungo agad kami sa deck dahil doon ang gusto ni Camillia. Pinagbigyan din naman namin ni River. Camillia was so excited looking at the island we’re going to visit.
Dala-dala niya rin ang kaniyang alimango na pinangalanan niyang Bibe. Natawa na lang ako habang kinukuhanan siya ng litrato. River was also behind me while holding my waist. Napangiti na lang ako roon. Umupo na rin kami mayamaya habang si Camillia’y nasa gilid ng kaniyang ama. River was also beside me.
“Aviena…” tawag ni River sa akin habang nagpapahinga kami. Pinagmamasdan lang ang alon mula sa karagatan.
“Hmm,” pabulong na tanong ko sa kaniya.
“Why did you left years ago?” tanong niya sa akin kaya nahinto ako. Hindi ako makapagsalita ngayon.
“Are you scared that I won’t take responsibility with our daughter?” mahinang tanong niya pa sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya. Hindi ko ngayon alam kung paano siya sasagutin.
“I won’t take my back away from you, Wife… From you and my Camillia… I will never do that…” aniya pa habang nakayapos sa akin. Hindi na rin ako pinilit pang magsalita dahil wala siyang narinig sa akin.
“Please, don’t leave me…” mahinang saad niya. Para pang nanghihina ang tinig nito kaya hindi ko maiwasan ang malungkot habang nakatingin sa kaniya ngayon. Parang naninikip ang dibdib ko ngayong naririnig ko siyang nagmamakaawa sa akin ngayon.
“Promise me that you won’t ever leave me again…” mahinang bulong niya pa sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya bago siya nilingon.
I was really unfair to him for the past few years. Tinitigan ko lang siya bago nagsalita.
“I love you, Mr. Savellano,” bulong ko bago siya siniil ng halik.