Chapter 61

Aviena’s POV

Napakagat na lang ako sa aking labi habang pinaglalaruan lang ang aking mga kamay. Inis na inis pa dahil sa tanong ko sa kaniya kagabi. Naiinis ako sa aking sarili dahil hindi ko natiis na itanong sa kaniya ‘yon.

Ni hindi ko pa hinintay ang sagot niya dahil agad na akong pumasok sa cr. He also looks like he was actually amused nang lumabas ako. Para pa siyang tangang nakangisi sa akin kagabi.

“Are we going to island hop, Papa?” excited na tanong ni Camillia habang nasa chopper kami. Mabuti na lang din ay kinausap siya ng anak dahil kanina pa siya nangangalumbaba habang nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy alam kung paano iiwas ang aking mga mata. It’s just really annoying dahil kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin mapakalma ang puso.

Parang gago lang dahil para na naman akong nagbabalik sa nakaraan sa inaasta.

“Yep, we will. And we will also try snorkeling. Anything my princess wants,” aniya.

“Really? Anything?” tanong ni Camillia na nilingon pa ako. Agad na naningkit ang aking mga nata dahil sa paraan ng tingin niya ngayon.

“No. Not anything dangerous. Stop with your thoughts, Camillia,” seryoso kong saad kaya napanguso.

“That’s not what I really want.” Bumulong pa ito na hindi ko naman narinig. Nailing na lang ako roon.

Mayamaya lang ay nakarating na rin kami sa lugar.

Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking mga labi nang makita ang private island kung saan kami bumisita noon. It seem like they really bought it.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti nang makita kung gaano kaganda ang luhar. Marami pa ring puno ng niyog dito pero mayroon na ring resthouse na malaki na siyang nakatapat din sa dagat. I can’t help but to be amused while looking at the place. Napatingin din ako kay River na siyang masayang nakatingin sa aming dalawa ni Camillia. Camillia look so happy. Halos tumakbo pa siya patungo sa dagat kaya natatawa ko muna siyang hinila.

“You can’t go yet. Change your clothes first,” sambit ko sa kaniya kaya napanguso na lang siya bago napatango sa akin.

Nakasunod lang naman kami sa kaniya habang papasok sa loob. Hindi ko rin maiwasan ang ngiti sa aking mga labi dahil ang ganda rin talaga ng buong lugar at mukhang talaga namang masusulit namin ang pananatili rito ng ilang araw.

Inayos lang namin ni River ang mga gamit sa loob at ganoon din naman si Camillia na siyang gustong-gusto nang lumabas kaya tumutulong na sa amin. Napatawa na lang ano nang mahina nang tuluyan kong maayos ang suot niyang damit.

Agad din siyang nanakbo sa dagat dahil do’n. Napangiti na lang ako bago ako sumunod sa kaniya. Ganoon din naman si River na masayang nakikitang tuwang-tuwa ang anak naming dalawa.

“Ma! Pa! Look at this!” nakangiting saad ni Camillia at may kinuha pang crab mula sa batuhan. Hindi ko mapigilan ang manlaki ang nata roon. Hawak-hawak niya pa kaya hindi ko maiwasan ang matakot para sa kaniya.

“Baka ipitin ang kamay mo,” ani ko.

“No, it won’t, Mama. Papa,” tawag ni Camillia sa ama na agad din naman siyang nilingon.

“Do you think I can actually pet some crabs?” tanong niya kaya agad akong napatingin sa anak.

“And I also want a turtle,” aniya pa kaya agad naman napatango si River.

“Alright, I’ll make sure to make a aquiruim for your pets in our mansion,” sambit ni River sa kaniya kaya hindi ko maiwasan ang mapailing doon.

Basta talaga kung anong maisip ng anak ay suportado naman nitong si River. Hindi ko maiwasan ang mailing na lang doon. Talagang namili pa si Camillia ng kaniyang gusto. Pinangalanan pa nilang dalawa ‘yon.

“I like to name it Bibe,” ani Camillia kaya napatawa na lang ako. Agad siyang napanguso nang lingunin ako.

“What’s funny with that, Mama?” tanong niya na napasimangot pa sa akin. Hindi ko naman maiwasan ang matawa bago umiling.

“Right. There’s nothing funny with that,” ani River kaya inirapan ko lang siya.

Matapos silang makapili’y nilagay na rin nila ito sa aquarium na walang laman. Naka-stuck lang dito sa resthouse.

I was just trying to draw beneath the tree while they’re now trying to surf. Hindi ko maiwasan ang ngiti sa aking mga labi dahil sa wakas nabigyan na ako nang pagkakataon na i-drawing ang mukha nilang dalawa. I was just having fun drawing both of them nang makarinig ng tunog mula sa hindi kalayuan. Nahinto ako nang makita na cellphone ‘yon ni River.

“Someone’s calling you,” sambit ko kay River. Bumalik tuloy sila ni Camillia sa pwesto ko. I don’t know who it was but it seems like a girl's name. Her name is so formal on his phone but who knows, right? Maybe he’s really finding someone now.

Nagkunwari lang akong hindi nakikinig dito. Nagkunwaring abala sa pag-aasikaso kay Camillia na naglalaro lang naman ng buhangin. Kahit mag-isa lang ito’y kaya niya rin talagang libangin ang kaniyang sarili.

Formal naman ang tinig ni River but I just can’t stop thinking about what we talked about last night. He didn’t really answer my question so is he really going to date someone else? I don’t really know. And what is it to me if that was really the case? Napangiwi na lang din ako sa aking sarili dahil hindi ko rin talaga maintindihan.

Napansin niya ang titig ko kaya agad niya akong pinagtaasan ng kilay. Hindi ko alam kung saan ako nagkaroon ng lakas ng loob para umirap sa kaniya.

“Do you want some shake, Camillia?” tanong ko kay Camillia na siyang napalingon sa akin. Ngumiti naman siya at tumango kaya agad ko siyang binuhat para lang malubayan ang kaniyang ama.

Camillia was just talking to me when we enter the house.

“Isn’t it so pretty, Mom? I wish we can stay here for a while. It’s just so refreshing, right?” Malapad pa ang ngiti ni Camillia kaya hindi ko maiwasan ang ngiti sa aking labi. Camillia was just always the active kid. Kapag nasa loob ng bahay, panay naman ang nood ng cartoons. But when she came outside, parang ayaw nang umuwi.

“It is. There are a lot of things to do here. We can go out later,” ani ko kaya napatango siya sa akin.

Sumisimsim na ako sa aking mango shake nang makita si River na papasok sa loob. Pa-simple ko lang siyang nilingon. Mukhang natapos na rin ang call mula sa kaniyang kausap. Napakibit na lang din ako ng balikat doon.

“Papa, you want? Mama make this!” ani Camillia na ipinakita pa ang mango shake sa ama.

“Let me taste it then,” aniya at ang baso ko pa ang nagawang simsiman. Hindi ko mapigilan ang pagtaasan siya ng kilay. I already make one for him. After talking with other girl, kunwari’y balik pamilya ulit?

“Who’s that?” Damn this mouth. Hindi ba talaga pupuwedeng tapalan ng tape ang bunganga ko? O kahit i-zipper na lang sana?

“Why?” Hindi ko na mapigilan pa ang pagsimangot nang makita siyang nakatingin sa akin ngayon at may ngisi sa mga labi. He also look amuse while looking at me.

“Wala! Huwag mo na ngang sagutin. Tabi nga riyan,” ani ko na marahan pa siyang tinulak.

“Are you getting mad at Papa, Mama?” tanong ni Camillia kaya nahinto ako. Agad akong umiling sa kaniya.

“No, Mama’s not mad at all, Nak,” ani ko na ngumiti pa sa anak. Pabalik-balik naman ang tingin niya sa amin ni River.

“We’re not fighting at all, right?” sambit ko kay River bago malapad siyang nginitian. I’m a former actress kaya kayang-kaya ko rin talagang umarte.

Mabuti na lang din ay hindi na nauto rin si Camillia roon. Nang lumabas kami’y agad din silang nagpatuloy sa pag-susurf. Nagtatawanan pa kapag inaalon sila. Napangiti na lang ako habang pinapanood ang mga ito. Hindi na rin kami nakapasyal pa sa kabilang isla dahil talaga namang nalilibang si Camillia sa bonding nila ng kaniyang ama. Natapos din ang araw na natapos ko ang digital art na ginawa. They look so cute here. They were both looking in front while smiling habang may alon na nasa likod. The cute little sun is already peaking from their background. Kasing liwanag ng kalangitan ang ngiti nilang dalawa.

“Is that us, Mama?” tanong ni Camillia. Natapos ko na siyang banlawan at ngayon ko lang din naisipan na i-finalize ang digital art na ginawa.

“That’s so pretty! You’re really good, Mama!” aniya na hindi pa maiwasan ang mapangiti roon.

“Papa, look! Mama did a digital art for the two of us,” ani Camillia sa kararating lang na si River. River looked at my art. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nahiya when in fact, kahit noong hindi pa naman ako ganoon karunong naroon na siya.

“She’s going to post it on her page.” Minsan gusto ko na lang din talagang pigilan ang anak sa pagsasalita.

“You have a page?” tanong ni River sa akin.

“She have one. It have 5k likes but I know someday it will be so big!” nakangiting saad ni Camillia kaya hindi ko maiwasan ang mapanguso. She’s really my greates fan.

“What’s the name?” tanong ni River na sa akin ang tingin.

“I don’t like boosted like,” ani ko dahil minsan alam ko na kung paano ito kumilos.

“What? I won’t… You’re talanted. I would just promote it,” aniya kaya napanguso na lang ako at umiling. I didn’t tell him at all. Tanong na lang siguro niya sa babaeng mahahanap niya. Napangisi na lang ako sa naiisip at napailing sa sarili.

Kinuha lang namin ang pagkain dahil balak na rito sa labas kumain.

“Today will be the releasing of your photos, Mama?” tanong ni Camillia nang subuan ko siya. Napatingin ako sa kaniya nang nagtataka.

“Your shoot in The Fierce. They will upload your photos now, right? You told me that months ago?” patanong na saad niya kaya napatitig lang ako sa kaniya bago ko naalala ‘yon.

“Ah, oo, Mahal ko. That’s today,” ani ko.

“Let’s look at it before we sleep later,” aniya sa akin kaya napatango na lang ako sa kaniya. Sometimes I forget things about myself and I’m glad that I have Camillia with me. She always remind me things about that. Napangiti na lang ako bago nagpatuloy sa pagkain.

I don’t really take some photos who are just almost naked now. Camillia wants to see some of my photoshoots now kaya that’s why.

After we eat, we just stay there for a while talking with each other. Ang dami rin kasing tanong ni Camillia sa ama. River also enjoy talking to her kaya saka lang sila natapos nang hinihila na ng antok si Camillia. She doesn’t even want to go to bed dahil gusto pang panoorin ang mga stars sa kalangitan but she’s too sleepy dahil sa pagod na pagswswimming kanina pa.

Hinatid na rin namin siya ni River sa kwarto. Pinanood ko lang siya sandali. Ganoon din naman si River na nakatayo lang sa gilid namin. Lumabas na rin siya ng kwarto kalaunan nang may sinagot na tawag. Napanguso ako nang maisip na ‘yong kanina ‘yon.

Hindi rin ako mapakali nang mahina na sa kama dahil hindi rin siya pumapasok sa kwarto. I don’t know what’s really wrong with me but I just saw myself going outside just to look for River. Nakita ko si River na nasa sala habang may tinitignan na babae sa kaniyang instagram account.

Hah! ‘Yan na ba purpose ng Instragram niya ngayon?

And what is it to you now, Aviena?