Chapter 60
Aviena’s POV
“So the two Montellos the only one who’s not here today,” ani Mate habang nakatingin sa aming lahat. Hindi ko maiwasan ang tignan silang lahat.
“Sayang, makikichismis pa sana ako kay Pres,” nakangising saad ni Mate kaya nailing na lang sa kaniya ang kaniyang asawa na si Demon. Kung anong kinatahimik ng asawa niya’y ganoon naman siya kausisera.
Napatawa naman ako nang mahina nang marinig ko siyang nagkukwento sa kaniyang mister.
“Don’t you think they’re really together? Dami kayang may alam tungkol sa kanila. Itanong mo.” Naririnig ko pang bulong ni Mate kay Demon na naiiling na lang sa kaniyang asawa. Hinawakan naman ni Mate ang kamay ni Demon.
“Tell him that if they will ever reveal that Mr. President already found the one, sa akin unang sasabihin, huh?” tanong ni Mate kay Demon na hindi naman siya pinansin. Para ngang ayaw na siyang kausapin ng asawa kung hindi niya lang kinukulit. Hindi ko maiwasan ang matawa habang nakatingin sa kanila.
Sa kabilang gilid nama namin, si Kuya Spring ang nangungulit sa seryosong si Tashi. And same with Lake na kasama rin si Rue na siyang tahimik lang habang nakaupo sa tabi ng asawa. Si Lake nga lang ang panay ang pagkukwento. He was just holding her in her waist. Si Strait lang ang walang dalang nobya ngayon pero lahat ng nandito? They are acting so sweet. May mga sariling mundo. Tipong gusto mong makipagbonding sa mga tropa mo pero hindi mo rin magawang tantanan ang jowa mo.
Naiiling na lang ako dahil kami lang ata ni River ang in bad terms right now. Kung may choice nga lang siya, mukhang hindi niya rin ako kauusapin.
“Hindi pa rin kayo ayos?” tanong ni Matilda sa aming dalawa ni River na hindi nagpapansinan dito sa table. Gustong-gusto ko na ngang umalis pero napuna pa nitong si Mate. Hinila ni Demon ang laylayan ng damit ni Mate kaya naman natatawa na lang na napanguso ito.
“Hindi ko alam na ganiyan ka na pala ka chismoso, Fontalejo. Nagagawa mo na kaming i-chismis ngayon,” nakangising saad Lake habang nakatingin kay Demon.
“Four years na tayong ginagamit ng kupal na ‘yan para makaisa kay Mate, ano pa bang bago?” nakangising saad naman ni Pride habang nakatingin kay Demon. Kita namin ang pamumula ng tainga ni Demon dahil sa pang-aasar ng mga kaibigan habang si Mate ay nakangising natatawa na lang din. Palibhasa’y siya ang nagpapakalat ng chismis tungkol sa tahimik na buhay ng kaniyang asawa noon pa man.
Natawa na lang ako nang mahina subalit unti-unti ring nawala ang ngiti sa aking mga labi nang mapansin ang tingin ni River sa akin. He doesn’t look mad or anything right now but he seem like he was just really looking at me.
“Mahina pala manok ko,” natatawang pang-aasar nila kay River na naiiling na lang din.
“Kunwari pa ‘yang si River. Samantalang todo bili naman ng mga magazine na naroon si Aviena,” natatawang saad ni Lake kaya siniko siya ni Rue.
“Can’t you see that they’re having awkward moment right now?” Narinig kong tanong ni Rue sa kaniya. Napanguso na lang ito at natahimik na rin. Napatawa na lang ako nang mahina dahil tiklop din talaga sila kapag dating sa kani-kanilang nobya.
“Totoo rin na—” Hindi pa natatapos ni Pride ang sasabihin ay pinutol na ito ni Lake.
“Oh, bawal magsalita ang halos nagwala pa nang taguan ng kambal,” natatawang saad ni Lake sa kaniya kaya napangiwi na lang si Pride at halos batuhin pa ang kaibigan. Hindi ko maiwasan ang matawa dahil sila na ang nag-asaran. Mayamaya lang din ay random kwentuhan na ang naganap.
“Gago, huwag kayong ganiyan, baka biglang umiyak si Strait dito,” ani Lake kaya halos kutusan na siya ni Rue.
“Nagsalita ang hindi umiyak nang iniwan.” Strait, who was just quiet a while ago, said. Malapad tuloy ang ngisi sa kanilang mga labi habang nakatingin kay Lake ngayon.
“Binuking,” nakangising saad ni River na natutuwa rin na inaasar si Lake.
“Crying doesn’t mean you're weak. It’s actually fine to cry,” ani Rue.
“Right, no to toxic masculity,” saad ni Black kaya agad naman kaming sumang-ayon.
Napangiti na lang din ako dahil ang ending ngiting tagumpay si Lake.
“Sige nga, Love. Ipagtanggol mo ako,” ani Lake na sinubukan pang ipagsiksikan ang sarili kay Rue na naiiling na lang din.
“That’s not only for you. It’s for all the guy who was scared to cry out there,” ani Rue kaya napangiti na lang si Lake habang nakatingin sa kaniya. He seems so proud with his girlfriend mindset kaya hindi rin namin mapigilan ang mapangiti habang nakatingin dito.
Nagpatuloy na rin ang pagkukwentuhan namin subalit mayamaya lang ay kaniya-kaniya na silang ganap. Nag-bibilliard na si Rue at Lake habang kulang na lang ay magpasugal si Veron. Nagpapainom na rin si Night habang natatawa na lang akong pinapanood ang mga ito.
“You’re going to drink?” tanong ko kay River nang mapansin ang pag-inom niya.
“I won’t drink that much,” aniya kaya napatango ako. I know that he won’t really drive us drunk. He never did that to me.
“I’ll just check the kids for a while,” sambit ko kay River na siyang tinignan lang ako. He didn’t really say anything so tumayo na rin ako. Napairap na lang ako kay Veron na may ngisi sa mga labi habang tuwang-tuwa pang nang-aasar sa amin.
He didn’t come with me kaya mas lalo lang siyang inasar nina Pride. They really know when things are not good between us. Napatawa na lang ako nang mahina bago nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi ko maiwasan ang ngiti sa aking mga labi nang makita ang anak na tuwang-tuwa rin habang nakikipaglaro sa ilang anak ng kaibigan ni River. They even greet us nang makita.
Napangiti na lang ako dahil pinaka-hyper talaga ang anak nina Pride na si Klein. Parang hindi nauubusan ng enerhiya ang bata. Natatawa na lang akong nailing bago sinubukang kausapin sina Camillia. Serenity just smile at me. Mayamaya lang ay lumapit na rin kay Lucifer na siyang abala pa rin sa kaniyang binubuong rubics cube.
Habang si Camillia’y abala sa pakikipaglaro kay Calvin at Klein.
We just ended up trying to calm them down dahil ang dami rin talagang laruan dito. May mini arcade din. Hindi ko maiwasan ang ngiti sa aking mga labi habang pa-ikot-ikot sila rito.
Ang ending ay nakipaglaro rin ang mga kaibigan ni River dito dahil mukhang hindi na rin pupuwedeng mag-inuman ng pangmalakasan lalo na’t may mga batang kailangang iuwi.
Pagod na pagod na rin si Camillia nang iuwi namin siya ni River but she still have energy to talk about what they talk about. Panay ang kwento niya sa kaniyang ama.
May driver din kami ni River ngayon dahil incase na maparami ang inom doon.
Napatingin ako sa aking phone nang maka-receive nang text mula kay Tom asking if we’re going to come in their house tomorrow.
“We’re going to visit in the private resort tomorrow. You can’t visit him,” ani River kaya napatingin ako sa kaniya. Napatikhim ako nang mapansin na nakikitingin din pala siya sa text ko. Napanguso ako bago napailing sa kaniya. Chismoso rin katulad ng kaniyang mga kaibigan.
“I thought that’s for next week?” tanong ko sa kaniya. Next week we’ll come back to Amsterdam but I don’t really know what will happen. Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon. As of now, I’m just happy about making my Camillia the happiest.
“It’s tomorrow,” aniya kaya agad nabuhayan ang inaantok na si Camillia.
“Talaga, Papa? I’m already excited to go there!” nakangiting saad ni Camillia habang nakatingin sa kaniyang ama.
“Yes. There’s a lot of activities we can do there,” aniya kay Camillia kaya agad na napalakpak ang anak ko. Tuwang-tuwa ito roon. Napangiti na lang din ako dahil I would always want to see those smile from her face. Nang mapatingin kay River ay kita ko ang tingin niya sa akin. Pinagtaasan niya pa ako ng kilay kaya napatikhim na lang ako.
“Tell him that you won’t meet him now,” aniya sa akin na nilingon pa ang aking cellphone. Hindi ko maiwasan ang mapanguso bago nagtipa sa aking phone.
“Who are you texting, Ma?” tanong ni Camillia.
“It’s Ninong Tom, Mahal ko,” ani ko kaya agad siyang napasilip.
“Oh? Why daw po?” tanong niya.
“Hmm, he’s asking if we’re going to visit tomorrow. He misses you so much he said,” ani ko dahil ‘yon ang mensahe niya.
“Oh, that’s too bad… We can just visit him after we go to Daddy’s private island!” aniya na malapad ang ngiti ngayon. Kita ko ang unti-unting pagsimangot ni River doon. Hindi ko alam kung matatawa ako roon o ano.
Tumahimik na lang ako nang lingunin ni River.
“Mama, Papa, you can stay together in one room today. I can be in my own room,” ani Camillia kaya agad kaming napatingin sa kaniya ni River.
“Why? We’re going to stay with you,” sambit ko sa kaniya kaya agad siyang umiling sa akin.
“No need, Mama. In order for you to give me now a younger sibling you needed to stay in one room in night,” aniya sa akin kaya halos masamid ako sa sarili kong laway habang nakatingin sa kaniya.
“What do you mean by that, Anak? Who told you that?” tanong ko.
“Klein told me that his father—” Narinig ko ang mahinang mura ni River. Minumura si Pride. Mahina ko namang tinapik ang kaniyang braso kaya natahimik siya. I just don’t want Camillia to hear him curse.
“Hmm, do you really want a younger sibling now?” tanong ni River kaya hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kaniya. Hindi ko na rin napigilan pa ang pagsimangot dahil sa ideyang bibigyan niya ang anak galing sa ibang babae. Hindi ko alam kung saan ko naisip ang ideyang ‘yon pero we’re not fine. Alangan naman gumawa kami ng bata at ang kalalabasan ay batang pinaglihi sa sama ng loob?
Napanguso si Camillia at unti-unting tumango sa kaniyang ama. Masamang tingin naman ang ibinigay ko kay River kaya nilingon niya ako. Walang ekspresiyon ang kaniyang mukha dahil do’n.
“Why are you going to give her using someone else body?” Hindi ko maiwasan ang inis sa aking sarili nang pabulong na itanong sa kaniya ‘yon. Kita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha subalit bandang huli’y naglandas ang isang ngisi sa kaniyang mga labi. But he ended up just raising his eyebrow to me.
“What? Is that what you want?” tanong niya kaya dumiin ang pagkakahawak ko sa aking mga daliri. Nag-iwas na lang ako ng mga mata sa kaniya subalit hindi ko maiwasan ang pagsimangot ng aking mukha. Hindi ko rin alam kung saan nanggagaling ang inis sa aking sarili basta ang alam ko’y badtrip na ako kay River. And of course to myself too. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para mainis when everything’s my fault from the very beginning up until now because I still can’t came up with a decision on what to do.
Nang makarating kami sa bahay, mabuti na lang din ay tulog na si Camillia kaya hindi niya na ipinipilit pa ang gusto.
Nang nasa loob na kami’y inayos ko lang din si Camillia. Nanatili lang din si River na nasa likod ko habang pinagmamasdan si Camillia na mahimbing nang natutulog ngayon.
I was about to go to the bathroom nang hindi ko na natiis pa at hinarap siya.
“Are you really going to find someone who will give you a child?”