Chapter 59

Aviena’s POV

“Congatulations!” Malapad ang ngiti sa aking mga labi nang batiin sina Ruby at Marieta. Napatawa pa ako nang mahina nang mapatingin kay Camillia na hawak-hawak ang dalawang lobong punong-puno ng ilang bills for them and a box na may lamang susi for their own condos. It’s a gift from River na siyang kasama rin namin ngayon.

Nang lingunin ko siya’y he just look coldly at me. Hindi nadaan sa banat ko nitong nakaraan. Malas din dahil saktong tumawag si Levi para magtanong kung ano nang ganap in my part sa project namin. Ang ending mas lalo pa ata siyang nainis sa akin.

May dalawang proseso talaga ang galit ng isang ‘yan. Kapag nakatingin lang siya sa akin at madalang magsalita, ibig sabihin galit na galit talaga. Kapag umiirap-irap na, mild na lang ang galit niyan. Tipong nagpapalambing na lang.

“Totoo ba ‘to, Kuya? Hala! Nakakahiya naman pong tanggapin!” ani Marieta na tila ba gusto nang ibalik kay River ang susi ng condo na ibinibigay niya. Ang hilig talaga ng pamilya niya na mambigla sa mga regalong ganiyan.

But still, I’m happy for Marieta and Ruby. They really deserve it to. If I just have money I won’t hesitate to give them what they deserve. Ilang taon silang naghirap para makapagtapos ng pag-aaral.

“Mas nakakahiya kung hindi tatanggapin, Marieta. Ano ka ba?” ani Tita Puschia. Kahit na malaki na ang pinagbago nito, minsan din talaga’y dumadaan ang Puschia noon. Hindi ko na lang maiwasan ang matawa sa aking iniisip. They kissed Camillia and me while saying thank you. Nagpasalamat din sila kay River. Ni hindi nga nila alam kung paano ito pasasalamatan ngayon. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila.

Bahagya ko ring naalala si Ate. We worked really hard for them kaya I’m sure kung nasaan man siya ngayon, maybe she’s also proud of them. May mga pagkakataon din talaga na na-mimiss ko ito but of course mas lamang pa rin ang takot na nararamdaman. Hindi ko rin talaga maintindihan ang sarili.

We celebrated Marieta and Ruby's graduation in Baguio for a few days.

Kalaunan ay umuwi rin kami sa Manila to celebrate Pride Sandoval’s birthday. He invited us. May mga anak na rin ang Bachelor kaya naman may children’s party din doon. Sa clubhouse kami ng nga Sandoval tutungo. It seems like it was just reserve for the Bachelor. I don’t really mind going. Nagagawa ko pa rin namang magtrabaho kahit paano. I just really want Camillia to enjoy. It seems like Serenity told her about the Bachelor’s kids.

I was also excited to see Veron. It’s been so long since I last saw her. Hindi ko alam kung ano nang ganap sa kaniya pero now natupad niya na ang na makabingwit ng bilyonaryo. I can’t help but to smirk with that thought.

Nang makarating kami sa lugar, agad kaming binati nina Pride na siyang nag-aasikaso ng party.

“Veron!” Hindi ko mapigilang ang sariling sumigaw lalo na nang makita si Veron na wala pa rin namang pinagbago sa itsura. She’s still so pretty just like before. Magara naman na rin siyang magdamit noon kahit binibili niya sa mga ukayan ang damit.

“Uy, Ma’am Vena?!” tanong niya na hindi mapigilan ang ngiti sa kaniyang mukha habang nakatingin sa akin ngayon.

“Omg! Ikaw nga, Ma’am! Nagbabalik ka na ba? Hala, ang ganda mo lalo!” aniya na halos magtatalon pa nang tuwa habang nakatingin sa akin.

“Gaga, ikaw nga ‘tong dapat na tinatawag na Ma’am! Yayamanin ka na!” ani ko sa kaniya.

“Uy, hindi, ah? Medyo blooming lang pero ako pa rin ‘to si Veron.” Napatawa na lang ako nang mahina nang magsimula na siyang magkwento. Naiiling na lang ako habang nakatingin sa kaniya ngayon.

Bago niya pa matapos ang isa pang kwento, nanakbo na sa gawi namin ang dalawang batang lalaki. Magkamukhang-magkamukha ito.

“Mama!”

“Mama.”

Sabay na tumawag ang dalawa at mahahalata na agad kung sinong hyper sa kanila.

“Anak mo?” tanong ko sa kaniya.

“Oo si Calvin saka si Klein,” aniya.

“Hulaan mo kung saan ko nakuha pangalan nila?” tanong niya kaya napailing ako. Parang ayaw kong hulaan lalo na’t nakikita ko ang ngisi sa kaniyang mga labi ngayon.

“Edi sa favourite na brief ng ama nila—” Halos takpan ko ang bunganga niya dahil do’n. Gaga talaga. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapatawa nang mahina sa kaniya.

“Mama!” tawag pa ulit ng isa.

“Oh, ano ba ‘yon? ‘Di ba sinabi kong ang ama niyo ang guluhin niyo?” tanong niya na pinaningkitan ng mga mata ang mga anak.

“Mama, why can’t I open this?”

“Mama, Klein took this. What’s this? Is this a balloon?” tanong ng mas kalmanteng lalaki at pinakita ang isang condom na nilagyan pa nila ng tubig.

“Why can’t we blow it if it’s a balloon then?” tanong no’ng Klein kay Calvin.

“Nasaan ang ama niyo?” tanong ni Veron.

“Nang makaltukan ko,” aniya pa na naiiling.

“Don’t touch these things. It’s not for kids. Akin na nga ‘yan,” ani Veron kaya napanguso na lang na ibinigay no’ng Calvin ang hawak-hawak.

“I heard Papa saying it to Tito Light that it’s for good luck? Pampaswerte raw po,” ani Calvin kaya naman naiinis na nilingon ni Veron ang lugar kung nasaan na ang mga lalaki.

“Sabihin mo sa Tatay mo na huwag magpapakita sa akin dahil kaltok ang abot njya. And this is sometimes for good luck. He’s right about that. Kung alam niya na palang pampaswerte, gumamit na sana siya para wala akong dalawang konsumisiyon ngayon,” ani Veron na napahawak pa sa kaniyang sentido habang itinatakwil ang nga anak niya. Hindi ko maiwasan ang matawa dahil mukhang stress na sa kaniyang buhay. Napanguso na lang na umalis ang mga bata sa tabi nito subalit bago sila umalis ay napatingin sila kay Serenity at Camillia na padating.

“Seren!” tawag agad ni Klein kay Serenity. Kumaway naman sa akin si Camillia kaya napangiti na lang din ako bago siya kinawayan pabalik.

“That’s my daughter, Camillia,” ani ko.

“Ganda, Beh, gusto mo reto mo na agad sa anak ko?” tanong niya sa akin kaya hindi ko maiwasan ang matawa bago napailing.

“Pero ‘yon nga kung gusto mong malaman kung saan nanggaling ang pangalan nila, doon nga,” aniya pa na akala mo’y kuryoso ako sa pinagkuhanan niya nang Calvin at Klein. Natawa na lang ako roon. His two son is really cute too.

Mukhang nakuha rin ang itim na itim na mata ng ama subalit hindi naman nakuha ang blonde at kulot na buhok ni Pride. Nakuha nila ang kulay itim na buhok ni Veron. Tinitignan ko pa lang, sumasakit na rin ang ulo ko. Mukha ngang nga pasaway.

“Tara na sa loob. May room para sa mga bata. May playground dito sa clubhouse,” ani Veron sa akin. Pumasok kami sa loob. Mayroon ngang playground sa kabilang banda at tila isang bar naman sa kabila.

Mayamaya lang din ay nagsidatingan na ang mga kaibigan ni River. Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang binabati ang mga ito.

“Good evening,” bati ko. Agad naman akong niyakap ni Atasha.

“Omg! I miss you so much!” aniya sa akin.

“Kumusta na?” tanong ko sa kaniya.

“Ayos naman, Te! Ikaw? Kumusta? May anak na pala kayo ni River? Camillia is her name, right? You’re lucky…” mahina niyang saad kaya napatingin ako sa kaniya. Bakas ang lungkot sa kaniyang mukha subalit agad din akong nginitian.

“Are you okay?”

“I am!” aniya na ngumiti sa akin.

“We have so many things to catch up with,” aniya sa akin kaya napasang-ayon ako. We ended up talking about random things between the two of us.

Umupo na rin kami sa table kung nasaan ang bachelor.

All of the bachelors are here expect for the two person which is the president and the one who’s managing a kids apparels. Vernon is already the president of the philippines pero hanggang ngayon mukha pa ring ginagago ng mga kaibigan niya. Si Vernon nga lang ata ang mukhang matino sa kanilang lahat.

Lake, Strait, Spring. All of the Savellanos from bachelors are here. And of course, the Sandovals are also here today. Pride, Black, and Light Sandoval. Demon Fontalejo also came with his wife which is my favorite reporter, Mate.

“Uy, hello, Vena! Nagbalik ka na pala talaga! Pinakamagandang source talaga si Demon. Kaya jinowa ko ang isang ‘yan, eh,” aniya kaya hindi ko maiwasan ang matawa bago napailing na lang.

Matilda is nice if she’s your friend but as a former celebrity? She’s the most fearful person that the celebrities are scared about. Paano’y hindi ka niya tatantanan hangga’t wala siyang nakukuhang impormasiyon from you lalo na kung you’re from the not so good side.

Hindi rin siya nagpapadala sa pera, kung ano ang totoo, ‘yon ang sasabihin niya sa madla. And the thing is kapag siya na ang naglabas ng articles, people will immediately believe it kahit na gaano ka pa kasikat. That’s why maingat sila pagdating sa kaniya.

“Lucifer, halika rito!” tawag niya sa isang batang lalaki na nanakbo rin habang papunta sa gawi namin.

“Nagmano ka na ba sa mga ninong mo?” Tumango naman ang batang lalaki. Parang nag-sslow mo ang lahat sa kaniya. He also have a wicked smile while looking at his mom.

“I did, Mom.”

“May ibinigay ba? Aba, hindi ka nila nagawang pamaskuhan ng ilang taon, ah? Sa mga ninang mo nag-bless ka ba?” tanong pa ulit niya sa anak. His son just shrugged.

“Daddy already have a lot of money, Mom. No need for us to ask them. After all it’s daddy’s job to give us a great life,” aniya kaya nailing na lang ang Mommy niya.

“Kahit na! Galante magbigay mga ninong mo! They can even give you a whole house resort if you want to. Magmano ka sa mga ninang mo,” saad pa ni Mate bago niya marahang tinulak ang kaniyang anak.

“Ay, Beh, maski ako hindi ko rin alam kung paano pakakainin ang mga anak ko kaya huwag ka sa aking manghingi, huh?” ani Veron na humalakhak pa. Hindi ko naman maiwasan ang matawa roon.

Pinabalik niya na rin naman ang anak sa gawi ng mga bata but it seems like his son was more focus on the puzzle he was solving. Kamukhang-kamukha nito ang ama na may kulay abong mga mata. Ang buhok ay kulay itim din, namana sa kaniyang ina at ama.

“Dapat ata hindi bachelor ang pangalan ng grupo nila,” natatawang saad ni Veron na naupo sa tapat ko.

“Samahan ng tinaguan ng anak dapat,” sabay-sabay naming saad at natatawa na lang ding napailing.

“Mag-chichismisan na lang ba tayo rito, Mga Beh? Jinuman na!” nakangising saad ni Night, ang jowa ni Light. Party girl vibes talaga ang dating nito. Taray pa ng pangalan nilang dalawa kaya hindi ko maiwasan ang mangisi.

Siya na mismo ang nag-abot sa amin ng alak. Mahina naman akong natawa bago umiling sa kaniya.

“It’s fine… I don’t think I can drink,” ani ko. Ayaw ko naman kasing tumabi sa anak ko na amoy alak ako. Isa pa, we’re not in good terms ni River. Baka mamaya’y ilaglag na lang ako sa sasakyan. Charot. Natawa na lang ako sa sarili kong iniisip.

“Sige na, Beh, hindi naman nakakamatay ang isang tungga ng alak,” aniya kaya nailing na lang na inagaw ni Light Sandoval ang basong hawak nito.

“Stop drinking, Gabi. Hindi kita iuuwi sa inyo, sinasabi ko sa ‘yo,” anito na ipinulupot na ang kamay sa baywang ng nobya. Hindi ko maiwasan ang mangiti sa kanila.

“Sa ‘yo, hindi. Sa kanila, oo. Ikalma mo ‘yang atay mo,” saad pa ni Light bago pinitik ang noo nito. Napangiwi na lang si Night bago naupo sa kaniyang upuan. Tinabihan naman siya ni Light. Ganoon din ang iba na sumisiksik na sa kani-kanilang jowa. Hindi ko maiwasan ang mapanguso dahil kami lang ata ni River ang in bad terms ngayon.

But I immediately stiffened on my sit nang tabihan niya rin ako. Nagkatinginan kami sandali ngunig agad ko ring iniwas ang mga mata. Heck with his gaze…