Chapter 58

Aviena’s POV

“What did Mommy tell you?” tanong sa akin ni River.

“Did she say something again?” tanong niya pa ulit habang pabalik kami kung nasaan ang mga kamag-anak niya. Ngumiti naman ako sa kaniya bago umiling.

“No, we just talk about things,” ani ko kaya kita ko ang titig niya sa akin. Mabuti na lang din ay dumating si Camillia para hilain kaming dalawa ni River. They were having a barbeque party. Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang nakatingin sa mga ito.

“Aviena, halika na! May extra bikini ako!” ani Ocean na malapad pa ang ngiti nang hilain ako papasok sa loob ng bahay nila. Camillia was already with his father kaya naman nagagawa akong itakas ngayon ni Ocean.

“Kuya’s still mad, right? Baka chance mo na ‘to para akitin si Kuya,” aniya na humalakhak pa. Natawa naman si Tashi na nasa gilid naman habang ako’y naiiling lang na kinurot si Ocean. Natatawa nama siyang lumayo. Ocean is really annoying when you became close. No. She’s already annoying before we became friends. Mas lalo lang ngayon.

“As if madadaan sa ganiyan ang Kuya mo,” ani ko na naiiling sa kaniya. When River is mad, kahit maghubad ka pa sa harapan niya’y hindi ka talaga niya papansinin.

“Hindi nga. But you’re Aviena and the heck? Don’t you trust yourself? Kuya just look so pabebe but he misses you damn much. Arte lang niyon, eh,” saad niya pa kaya hindi ko na lang maiwasan ang mailing.

Hindi rin naman ako nagpapilit na magsuot ng bikini because that was always the case. Sanay naman ako roon at confident naman sa aking katawan. Just like what I said, I’m still a part time model. Sexy naman ako kaya bakit hindi?

After I change my clothes, lumabas na rin kami ni Ocean. Normal naman na sa pamilya niya kaya wala rin silang pakialam and one more thing, I don’t know why I am just waiting for one person’s reaction. He didn’t give me any. Dumaan lang ang mga mata niya sa akin at bumalik na rin agad sa kaniyang anak. They’re already in the pool right now.

Napanguso na lang ako at bahagya pang tinignan ang aking katawan. Para lang akong ibinabalik noon. Natawa na lang ako sa aking iniisip. Well, that’s usually how he look at me the first time we met. He just look at me like I was just like the other girls. Napakibit na lang ako ng balikat doon. I was just about to go with Ocean and Tashi but the two widened their smile while going away from my side. Talagang nagtungo pa sa pinakamalalim na parte, palibhasa’y alam na basic lang ang kaya ko. Hindi ko maiwasan ang mapairap sa kanila roon lalo na nang may ngisi sa mga labi ni Ocean at Tashi. But of course, I’ll still go, pupuwede namang sa gilid lang ako but before I could go on, Camillia was already calling for me. She’s smiling from ears to ears when she wave at me.

“Let’s have fun here, Mama!” aniya sa akin kaya ngumiti na lang din ako sa kaniya at tumango. That’s what we really did. Hindi ko maiwasan ang matawa dahil pinipilit niya pa si Serenity na maglaro but the girl is to busy with her thoughts. Parang ang dami na agad iniisip.

Napangiti naman ako nang isalabay ni River si Camillia kaya agad na napatili ang anak ko. Ganoon din naman si Serenity subalit natatawa lang si Kuya Spring dahil nagulat ang anak niya.

“I don’t like how high it is, Papa. Can you please let me go?” tanong ni Serenity sa kaniya.

“Sungit naman ng bunso ko, have fun with Papa muna,” ani Kuya Spring kaya napanguso lang si Serenity.

“But I’m already having fun,” ani Serenity kaya natawa na lang si Sertio na inaasar na agad ang kaniyang kapatid.

“You’re having counting the leaves of the trees?” natatawang tanong niya sa kapatid dahil doon lang nakatingin si Serenity kanina. She just glare at her brother. It seem like it’s always that way.

“I’m watching the birds, duh,” aniya kaya napatawa kami. It seems like they’re cats and dogs. Napailing na lang kami habang nakatingin sa mga ito.

“I think I also want a sibling now, Mama and Papa,” ani Camillia kaya halos masamid ako sa sarili kong laway. Agad naman natawa ang ilang pinsan ni River at lalong-lalo na si Kuya Spring.

“Oh, gusto na raw pala ng kapatid ni Camillia. Pagbigyan niyo na,” ani Kuya Spring na nakangisi kay River.

“Pero paano ‘yan, Rivs? You can even hold he—” Hindi pa natatapos ni Kuya Spring ang sasabihin ay natatawa na siyang siniko ni Tashi na nakalapit na pala sa amin.

“Don’t tease them in front of the kids. Spg na naman ‘yang lalabas sa bunganga mo,” ani Tashi sa kaniya.

“What spg? I’m not even saying anything bad. Ikaw lang nag-iisip niyan. Baka gusto mo na ring bigyan ng younger sibling si Serenity,” natatawang saad ni Kuya Spring kaya halos kurutin na siya ni Tashi.

“Shut up. Manahimik ka na,” ani Tashi kaya nagkunwari na lang si Kuya Spring na zinizipper ang kaniyang bibig. Hindi ko naman maiwasan ang pag-iling ko dahil sa kaniya.

Nagkatuwaan na rin kami na hindi na rin namalayan na padilim na.

“Let’s eat dinner now. Naka-ready na sa loob!” sambit ni Ocean na nakabihis na. Ayaw pang umahon ni Camillia kaya narito pa rin kami ngayon.

“We’ll eat now, Mahal ko.” Napanguso naman siya at walang choice kung hindi ang tumango. Natatawa ko namang ginulo ang kaniyang buhok bago siya binuhat. Pinaliguan ko lang siya sa public bathroom dito sa labas dahil narito na rin naman ang damit niya. Agad na rin siyang nanakbo para makipaglaro kay Serenity na abala lang ngayon sa kaniyang libro. Napangiti na lang ako at maliligo na rin sana subalit agad na sumigaw si Ocean, tinatawag ang pangalan ko.

“Aviena! May tawa sa cellphone mo. Tom daw ang pangalan!” sigaw niya. Hindi ko maiwasan ang mapailing dahil maldita talaga ang babaita. Wala naman akong tinatago roon kaya hahayaan ko na sana pero nagtungo pa siya sa gawi ko para lang ibigay ang cellphone. Ibibigay rin pala, sinigaw pa. May ngisi sa kaniyang mga labi habang nakatingin sa akin ngayon.

“Good luck,” aniya sa akin bago ako tinapik sa braso. Napakunot naman ang noo ko sa kaniya nang nakangisi siyang umalis sa gawi ko. Nailing na lang din ako.

Hindi na tumutunog ang cellphone ko subalit may missed call nga galing kay Tom. Tinawagan ko na lang din ito pabalik dahil bala importante ang sasabihin.

“Hello, Tom?” bungad ko agad dito nang sagutin niya ang call ko.

“Hey, nakauwi na kayo?” tanong niya sa akin.

“Yup! Kayo ba? Nandito na rin?”

“Yep. Piolo already want to give some of our pasalubong for your daughter. Bisita kami sa inyo if we can,” aniya sa akin. I would also like to invite them but it’s River’s house. Hindi naman ako pupuwedeng mag-imbita na lang nang mag-imbita roon.

“Hmm, we’ll just go to your house instead if it’s fine?” tanong ko.

“Of course it is! We already miss Camillia!” aniya kaya hindi ko maiwasan ang ngiti sa aking mga labi.

“She already miss you too. We—” Bago ko pa matuloy ang sasabihin, may mainit nang kamay na humawak sa baywang ko bago ito nagsalita.

“Wife, let’s have our dinner now. Our daughter is waiting for us,” malambing ang tinig ni River nang ilapit sa aking tainga ang kaniyang labi. Hindi ko alam kung sa phone niya ba sinasabi ‘yon o sa akin mismo. Basta ang alam ko’y nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa katawan.

Ramdam ko rin ang paru-paro sa aking tiyan habang hawak-hawak niya ang aking baywang. Kulang na lang ay mabitawan ko ang cellphone na hawak. Why he’s acting like this now?

“Uh… I’ll go for now, Tom. I’ll just see you in your house.” Nang matapos ang usapan namin ni Tom saka niya lang ako binitawan habang may masama nang tingin sa akin ngayon.

“Let’s eat now,” malamig niyang saad kaya hindi ko maiwasan ang mapangiwi bago napairap sa kaniya. Gagong ‘to. Ang kapal ng mukhang paliparin ang paru-paro sa aking tiyan but ended up just glaring at me.

“Who are you talking with?” tanong niya pa nang hindi rin matiis.

“It’s Tom.” Kita ko ang sama ng tingin niya.

“And you’re going to his house? Are you really going there? You already have a daughter. How dare you like another man?” He seems like he’s already throwing tantrums. Bago pa ako makapagsalita’y nagmartsa na siya paalis. Damn him. How can he say things like that? Why would I like another man when he already gives me no choice but to think only about him. Napailing na lang ako nang sumunod sa kaniya.

Nakabusangot na ang mukha kaya nang makita siya ng kaniyang kapatid na si Ocean ay lumapad lang ang ngisi mula sa mga labi nito tila ba natutuwang galit ang kaniyang kapatid ngayon. Hindi ko maiwasan ang mailing bago dumeretso na lang kay Camillia.

Until late at night, hindi pa rin sila natatapos sa bonding nila. Kahit na inaantok na si Camillia, ayaw pa ring matulog kaya buhat-buhat na lang siya ng ama. Nakatulugan na lang din niya ang pakikipagkwentuhan.

“Let’s just let her sleep in her room now,” ani ko kay River na kapag nililingon ako’y napapasimangot lang. Ewan ko ba sa kaniya. Hindi ata napapagod sa pagiging suplado.

“Iaakyat na muna namin si Camillia,” ani ko kaya agad akong nilingon nina Ocean.

“Baka mamaya’y hindi na rin kayo bumalik, huh?” tanong niya na may mapang-asar na ngisi sa mga labi. Hindi ko maiwasan ang mapailing habang nakatingin sa kaniya. Ganoon din sina Kuya Spring na malapad ang mga ngisi at may tingin ding balak na namang mang-asar.

“Ayos lang kung hindi na kayo bumalik para naman masundan na rin si Camillia.”

“Hayaan niyo kami rin gagawa na para may kalaro ang baby niyo,” natatawang saad ni Kuya Spring kaya kinurot siya ni Tashi na siyang natatawa lang din.

Napailing na lang ako habang nakatingin sa mga ito. Do they really think that will happen when this guy is really mad at me? Kung wala lang si Camillia baka hindi na ako kinakausap ni River.

Hindi niya pinansin ang pang-aasar ng mga ito. Ganoon din naman ako na nagpatuloy na lang sa pagbitbit ng mga gamit ni Camillia.

Walang nagsasalita sa aming dalawa ni River habang paakyat sa taas. Pinili ko na lang tignan si Camillia na mahimbing na ang tulog.

Sa iisang kwarto lang din ata kami matutulog kaya hindi ko maiwasan ang mapabuntonghininga bago inayos ang ilang gamit dito sa kwarto. I just look at Camillia before I wish her good night. Pahiga na rin sana ako nang mapansin ang tingin sa akin ni River. Ang talim ng mga mata nito’y naroon pa rin.

“What is it again, River? Just tell me everything, hindi ‘yong para kang tanga riyan kung makatingin,” sambit ko sa kaniya dahil naiinis na rin sa inaasta nito.

“Don’t even think of seeing someone else. You’re still mine.” May pagbabanta pa sa kaniyang tinig doon habang masama pa rin ang tingin sa akin. Hindi ko maiwasan ang mailing. Ilang beses na nga ba siya nagbanta?

“Sino bang nagsabing I’m seeing someone else? The only person I like is still you.”

“That’s right. Even if you don’t tie me at all, I’m still yours…”