Chapter 57
Aviena’s POV
Hindi rin namin nasunod ang planong pananatili sa Cebu for so long dahil pinauuwi na agad kami ng Lolo ni River. Agad siyang pinagalitan na hindi man lang daw dinala muna sa bahay nila si Camillia bago pinasyal.
Ramdam ko na rin ang kaba sa akin. Inihahanda ko na rin ang sariling mapagalitan dahil hindi ko sinabing may anak kami ni River when in fact hindi naman kami naghiwalay. Walang divorce na naganap o ano.
“Ma, what does Lolo looks like? Is he scary?” tanong sa akin ni Camillia kaya umiling ako. He’s not really that scary but he just always like to have grandchild kaya pakiramdam ko’y magagalit ito na maski sa kaniya’y tinago ko si Camillia.
“Tita said that he was,” ani Camillia kaya napatawa na lang ako. He’s scary when it comes to his granddaughter's suitors.
Nasa sasakyan na kami ngayon at panay na ang tanong ni Camillia tungkol sa pamilya ni River. Sinasagot ko rin naman ang mga tanong nito. I just don’t really know how they change now.
“Lolo likes you already,” River said while he was driving. Napanguso na lang si Camillia at ngumiti sa ama bago tumingin sa labas ng sasakyan. Hindi ko alam kung namana lang sa akin ni Camillia ang pagiging conscious ko sa tingin ng ibang tao sa akin but now that I think about it I don’t really mind their thoughts anymore. But the opinion of those people that was important to me is what matter the most right now.
Nang makarating kami sa mansiyon ng mga Savellano, agad kaming sinalubong ni Ocean na siyang excited din talaga sa pagdating namin or should I say excited na makita si Camillia.
“Camillia!” malakas niyang sigaw bago agad na niyakap ang aming anak.
“I miss you so much, Tita!” nakangiting saad ni Camillia sa kaniya.
“Me too! Sinosolo ka masiyado ng Papa mo. Baby ka dapat ng lahat!” ani Ocean kaya nailing na lang ako sa kaniya. Agad niya ring binuhat si Camillia na siyang excited din na nakikita ang Tita.
“Let’s swim later! I bought you swimsuit!” nakangiting saad ni Ocean kaya sunod-sunod ang pagtango ni Camillia.
Pumasok naman na kami sa loob. I also bought some foods to give it to River’s family. Tahimik lang ako habang naglalakad kami roon. Ramdam ko rin ang kaba sa akin nang batiin kami ng ilang kasambahay sa loob.
“Good noon po,” bati ko sa mga ito. They immediately look at us nang makitang dumating na kami.
Tashi smile at me when she see me. Agad din siyang lumapit para bumati. Tashi is really the most friendly one in this family.
“Hey, how are you, Aviena? It’s been a long time since the last time I saw you,” nakangiti niyang saad sa akin.
“Hey, I’m fine! How about you? Ocean told me that you already have a daughter!” Napatango siya sa akin at tinawag ang isang batang babae na may hawak na libro. It seem like she was studying. May salamin ding suot habang ang itim na itim na buhok ay namana sa kaniyang ina. Maputi rin ito na para bang hindi lumalabas. Kapag itinabi sa aking anak ay talagang mangingitim si Camillia sa kaniya. Parang pinaglihi sa niyebe ang anak niya. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking mga labi dahil excited na excited din talaga si Ocean na ipakilala si Camillia kay Serenity. Magkaedad lang kasi talaga sila.
“This is Seren, my daughter,” ani Tashi habang hawak-hawak ang anak na ibinibaba ang kaniyang libro at nilingon ako. Magalang siyang nag-bow sa akin bago tipid na ngumiti.
“Good noon, Auntie Aviena. I’m Serenity,” aniya. Ngumiti ako sa kaniya bago umupo sa kaniyang tapat.
“I’m Auntie Aviena. Nice to meet you, Serenity,” ani ko kaya tinitigan niya ako.
“I like you, Tita. You know how to properly talk with kids,” aniya kaya natawa na lang si Tashi bago ginulo ang buhok ng anak. Walang ekspresiyon si Serenity nang lingunin ang ina. Dahan-dahan siyang napanguso bago niya inayos ang buhok.
“Oh, Is that Serenity, Tita? The one you’re talking about?” tanong ni Camillia kay Ocean. Tumango si Ocean bago ibinaba ang anak ko.
“Hello, Ms. Serenity, I’m Fluvius Camillia Savellano. I know some information about you,” ani Camillia kay Serenity na siyang nilingon siya. She still doesn’t have any expression on her face before she slowly smiles at Camillia.
“Nice to meet you, Camillia. Tita also told me about you too,” ani Serenity.
“I hope we can be friends!” ani Camillia sa kaniya.
“I don’t think we can. Tita said you like adventure while if I can, I would like to stay in my room the whole day,” saad ni Serenity kaya napanguso si Camillia roon.
“But that’s completely fine with me. People can be friends without them being the same.” Ngumiti pa si Camillia kaya natawa na lang si Ocean bago niya ginulo ang buhok ng isa’t isa.
“Omg! We can have a girls hang out soon!” nakangiting saad ni Ocean kaya napailing na lang kami sa kaniya. Mukhang nagpaplano na agad siya.
Nahinto lang ako nang mapagtanto na napapalibutan na kami ng mga kamag-anak ni River.
“Is that my granddaughter?” tanong ng Lolo ni River na agad napalapit sa gawi namin. Agad ring nagpakilala si Camillia sa kanila. Aliw na aliw naman silang nakatingin sa bata. Napanguso ako dahil kahit paano’y wala naman pala akong problema kung magugustuhan nila ang anak. Kahit paano’y mahihilig naman pala sa bata ang mga ito.
Tuwang-tuwa sila habang pinakikinggan si Camillia. Serenity seem like she rather read books than interact with people.
Agad ko ring nakita si Sertio na siyang medyo tumangkad na.
“How are you, Tita Aviena?” nakangiting saad ni Sertio sa akin.
“Wow, umaasenso, Nak,” natatawang saad ni Tashi sa kaniya.
“Of course, he already found someone he likes. He doesn’t want to marry Aviena now,” natatawang saad ni Kuya Spring na inirapan lang ni Sertio. Napatawa na lang ako dahil nakapulupot na agad ang kamay ni Kuya Spring kay Tashi. It seems like some things doesn’t really change. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanila. Hindi ko rin alam kung anong dahilan kung bakit napatingin ako sa gawi ni River na siyang nakatingin sa anak namin. Nang mapansin ang tingin ko’y napasulyap din siya sa akin. Napatikhim ako bago nag-iwas ng tingin.
What are you thinking again, Aviena?
“So here you are, Aviena. Hindi ko alam kung anong mga problema niyo. Pupuwede bang kapag tataguan niyo ang mga apo ko ng anak, huwag niyo akong idamay? I can even help you if you want,” ani Don Crisostomo.
“Lo, huwag mong bigyan ng ideya si Aviena, baka talagang totohanin niya,” natatawang saad ni Ocean kaya hindi ko maiwasan ang irapan siya. Her mom just shook her head dahil din sa sinabi ni Don Crisostomo.
Some of River’s Auntie didn’t really talk with me pero mas ayos na siguro ‘yon kaysa ang paringgan nila ako nang paringgan. Mukha rin namang kahit paano’y nagbago na ang mga ito. Some of River’s cousin are also randomly talking with me. Hindi ko alam kung anong mayroon but they are nice to me now.
Maybe because Ocean talk to me casually now. Mabuti na lang din talaga’y nandito rin si Tashi para kausapin ako.
“Can we talk seriously now, Aviena?” tanong ni Tita sa akin nang madaan sa aking gawi. Napatango ako sa kaniya bago sumunod sa kaniya. Tahimik lang ako habang nakasunod kay Tita.
“Where are you going, Mama? We already talk about this, right?” tanong ni River sa kaniyang ina na nilingon siya.
“It’s fine. I also want to talk with your Mom,” ani ko kay River na nilingon ako. Pinagkunutan niya ako ng noo bago walang nagawa kung hindi ang pagbigyan ako.
Nagtungo lang kami sa garden ni Tita dahil nasa pool area ang pamilya nito ngayon. I also want to say sorry to Tita for not being honest from the start. Isa pa, I know how wrong I am. Alam kong mali kung paano ko tinapos ang sa aming dalawa ni River. Siguro mas lalo ko lang naintindihan si Tita ngayong may anak na ako. Kahit na pa tumanda na si Camillia, I don’t think I can still be calm thinking that she got hurt because of someone or because of something.
I was ready to receive criticism from her when her serious face suddenly look so soft now. The way River always looks so serious but when he talks to me it softened a bit. Of course, that was years ago. But still, that’s how he talked to Camillia right now.
“I’m sorry,” aniya kaya napaawang ang labi ko habang nakatingin sa kaniya.
“Po?”
“I’m sorry how badly I treated you years ago and last week,” saad niya kaya napatitig ako sa kaniya.
“I just don’t like the idea that you’re dating River for his money. I thought you don’t love him at all. I know I suppose not to mess with your relationship especially that you two are married. I’m sorry for that, Hija… I just don’t really want my son to get hurt,” ani Tita kaya agad akong napailing. Medyo nataranta rin na humihingi ito ng tawad gayong dapat ako ‘tong maunang gagawa niyon.
“No, Tita. I understand where you coming from. Aware naman po ako na hindi ganoon kaganda ang image ko. Aware po ako na marami pong lalaking na-link sa akin. I know that you just don’t want River to be in pain just because of someone. I’m genuinely sorry, Tita, because I really can’t answer your question years ago because that’s the truth. I really date River for his money. We started with a contract. I thought that was it but I did fall for him. I genuinely love him when we started dating each other, Tita,” ani ko na ngumiti sa kaniya.
“I’m sorry for hiding my daughter to all of you po. I’m sorry for not being a good daughter-in-law to you, Tita. I just really feel so guilty when I’m talking with you.” Hindi ko alam kung paano ko titignan si Tita ngayon. Siguro magaling akong makipag-plastikan sa ibang tao pero bukod sa nahihiya ako sa ina ni River, I feel guilty that time na nagsimula kaming niloloko silang lahat.
“I am sorry too for not so nice mother-in-law and misunderstood you,” saad niya sa akin.
“I’m sorry for being mad at you last week. I was just really shock that you came back and have a daughter now. Bukod sa hindi ako na-invite sa una niyong kasal, nakakasama ng loob na wala pa rin ako sa binyag ng anak niyo,” aniya kaya hindi ko maiwasang ma-guilty.
“But I can be with you in your second baby, right?” tanong niya kaya halos masamid ako sa sarili kong laway. Bukod sa hindi nga kami nag-uusap ni River, ni hindi ko pa sigurado kung ano nga ba ang kahihinatnan ng future namin ng anak ko.
“I hope you can now make your family much more strong. I just hope for your genuinely happiness, Hija.” Ngumiti pa siya sa akin bago niya ako niyakap. Niyakap ko rin naman siya pabalik. Nakakagaan din pala ng loob kapag nababawasan ang bigat ng dibdib na dinadala mo.
I hope things will just be just like this.
Nang pabalik na kami’y nahinto lang ako nang makita si River na nakatayo sa gilid habang mukhang inaabangan kami ng kaniyang ina. Agad siyang napadiretso ng tayo nang makita kami. Agad kong nakasalubong ang kulay asul niyang mga mata.
Is he worried?
Damn that eyes.
He really knows how to make my heart crazy just by using his eyes.