Chapter 56
Aviena’s POV
“I only like you, Mahal ko,” ani ko na nilingon pa kunwari si Camillia na siyang agad na napanguso.
“I mean Papa, Mama. Not me,” aniya kaya tumawa na lang ako bago ginulo ang kaniyang buhok.
“Just eat. Maybe you’re just really hungry,” natatawa kong saad at iniba na rin ang usapan. Pinakwento ko na lang sa kaniya ang mga ganap kapag sila ni Ocean ang magkasama.
Hindi ko rin mapigilang pagmasdan ang paligid just to see how secure the place is. Nang matapos kaming kumain. Both River and I just clean the place. Nasanay na rin ako sa paglilinis dahil may anak na ako. Hindi na rin naman pupuwedeng pasenti-senti na lang.
After a while, naglinis na rin kami ng katawan ni Camillia. Pumasok na rin si River sa bathroom while inayos ko lang ang television na panonooran namin ni Camillia mamaya. There’s a three room here. Sinabi naman na ni River na dito kami.
“Nang marinig ni Camillia ang pagbukas ng pinto mula sa bathroom sa labas, agad siyang nanakbo para tawagin ang ama. Napangiti na lang din ako. I like how there’s no uncomfortable and awkward moments in the two of them.
Nahinto nga lang nang makitang hawak-hawak ni Camillia ang kamay ng ama habang pinapapasok dito sa loob. Naibaba ko tuloy ang suklay na hawak. Napatikhim na lang ako roon.
“Mama and I will be watching, Papa. You can join us,” ani Camillia kaya napatingin sa akin si River. I just let them be. Tahimik na lang din kaming nanood ng cartoons. Nasa gitna namin si Camillia na siyang hindi na rin napigilan ang sariling yumakap sa akin. River was just combing her hair with his finger while watching the television. Camillia was just seriously watching too. Ganoon din ako na hindi na rin napansin na nasa iisang kama nga lang pala kami ni River. Nang matapos ‘yon ay inaantok na rin si Camillia. Pagod rin talaga sa paggagala kanina. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti.
“Are you sleepy now?” tanong ni River sa kaniya. Tumango naman si Camillia.
“Good night, Princess,” bulong ni River bago hinalikan sa noo ang anak. Napatingin si Camillia sa kaniya nang tumayo siya.
“Where are you going, Papa?” tanong ni Camillia sa kaniyang ama.
“I’ll let you sleep now. I’m going back to my room,” ani River na nginitian pa ang anak.
“No need for that, Papa,” ani Camillia kaya pareho kaming napatingin sa kaniya ni River.
“You can sleep beside us,” maligalig pa na saad ng anak kaya halos masamid ako sa sarili kong laway.
“Is it really fine?” tanong ni River kaya sunod-sunod ang naging pagtango ni Camillia habang malapad pa rin ang ngiti mula sa kaniyang mga labi.
“It’s fine, right, Mama?” tanong ni Camillia sa akin habang nakangiting nakatingin sa akin. Awkward naman akong ngumiti sa kaniya. Ang cute ng anak ko, ang sarap kurutin.
“It’s fine…” Wala akong choice kung hindi ang sabihin ‘yon kaya agad na napangiti si Camillia sa tuwa.
River ended up sleeping beside Camillia. Napagigitnaan namin ang anak. Hindi ko alam kung paano ako makakatulog nito but it’s fine, malayo rin naman sa akin si River. Hindi ko mapigilan ang mapanguso nang gusto pa ni Camillia na yakapin ko siya. And that was also what River did. Hindi ko mapigilan ang pagtikhim nang abot din sa akin ang kamay nito.
“Good night…” mahinang saad ni River. Malambing ang tinig nito kaya alam ko na agad na para kay Camillia ‘yon. Napanguso na lang ako at sinubukang ipikit ang mga mata dahil ramdam ko rin ang tingin sa akin ni River.
Hindi ko alam kung paano ko nagawang matulog ng gabing ‘yon. Ang alam ko lang ay nagising ako kinaumagahan na nakakulong na mula sa braso ni River. I saw both of them peacefully sleeping. Parehong nakaharap sa gawi ko. Hindi ko maiwasan ang ngiti sa aking mga labi habang pinagmamasdan ang mga ito. They really look a like. Siguro isa na rin sa dahilan kung bakit hindi ko magawang kalimutan si River, because every morning, Camillia reminds me of him.
Halos masamid lang ako sa aking laway nang magmulat ng kaniyang mga mata si River. Agad kong nakasalubong ang kulay asul na mga mata nito. He didn’t say anything but he was just looking at me. Agad akong napatikhim at aalisin na sana ang pagkakahawak niya sa aking baywang nang mas lalo pang humigpit ‘yon.
“Let’s just stay like this for a while. Camillia still sleeping.” Namamaos pa ang tinig nito kaya hindi ko maiwasan ang mapatikhim at napapikit na lang. I saw how he look at me. Hindi ko alam kung paano ko iiwas ang mga mata sa kaniya.
“What are you doing two, Mama, Papa? Are you having a staring challenge?” paos subalit natatawang tanong ni Camillia. Agad akong napatikhim at pinamulahan nang mukha nang mapagtanto na gising na pala ang bulinggit namin. That’s my cue para kumawala kay River na wala pa sanang balak gawin ‘yon subalit agad akong nagpalusot.
“Let’s get ready now. I thought we’ll go there at 8?” tanong ko. Kita ko ang pagngisi ni River subalit nang makitang nakatingin ako sa kaniya’y binalik niya lang ang tingin na para bang hindi na naman natutuwa sa akin. Napairap na lang ako roon.
“Arte,” mahinang bulong ko sa sarili.
We are already getting ready for our trip.
Nang nasa sasakyan na kami’y hindi ko rin maiwasan ang mapangiti kay Camillia na siyang excited din habang nakatingin sa buong paligid.
I was nervous and excited at the same time too. Hindi ko maitatanggi na sa bawat lugar talaga na pinupuntahan ngayon, doble na ang kabang nararamdaman ko. It’s just I don’t know if Ate’s here or something like that.
We tried Bohol countryside tour first. Ni hindi na nila agad natapos dahil excited na agad sila sa susunod na pupuntahan.
We’re going go try Danao Adventure Tour now. Both of them are excited to zipline and to try cable car kaya roon na agad ang sunod na pinuntahan namin.
“Are you sure you can try it, Mahal ko?” tanong ko kay Camillia na siyang agad na napatango. She wanted to try zipline and as well as the kayaking activity. I know na malakas talaga ang loob niya pero hindi ko rin maiwasan ang kabahan. Magiging hobby ko ata ang nerbiyosin sa mga ito.
We really went there, nauna na silang mag-try sa zipline while I was just watching them. I can’t help but to remember the time I tried to face my fear with River. Pero hindi ko na ata kakayanin talaga sa ngayon. Napuno na ako ng mga takot sa katawan.
“Mama, you don’t want to try it?” tanong ni Camillia sa akin. River look at me too. Ngumiti lang ako at umiling.
“I’ll just take a picture of the two of you,” ani ko kaya napanguso na lang siya. Sabay silang dalawang susubok ngayon at hindi na rin mapigilan pa ni Camillia ang excitement sa kaniya. She always want to try this things pero hindi ko siya kayang samahan kaya naman wala siyang choice kung hindi sa tubig tubig lang muna.
I just took a picture of them. Hindi ko rin mapigilan ang ngiti sa aking mga labi nang makita ang saya sa mukha ni Camillia. I want everything to stay this way but I know too that it can’t really happen. There are still things that I didn’t solve yet. Should I talk to Ate? What will happen if she’s still mad as it was before? What will happen if she’s still using things she is supposed not to use? I don’t know anymore.
Unti-unti lang akong nawala sa pag-iisip nang salubungin ko si Camillia at River. They’re both smiling with each other. The happiness on Camillia’s, walang katumbas. She look genuinely happy and I always want to see this smile.
“Next na, Mama! You should come with us this time, please… Hindi po pupuwedeng hindi…” ani Camillia who almost tried to beg me. Cable cars remind me of some rides in our perya that time. I don’t think I can ride that one. Yes, I tried zipline before but it’s more different.
“Please?” tanong ni Camillia na hinawakan pa ang kamay ko.
“We can just ride together, princess. Mama’s not good with that,” ani River na napansin ang pagtahimik ko. He knows me. Alam niya lahat ang tungkol sa akin. Malungkot na lang na napatango si Camillia.
“I’ll try…” ani ko. I also want to face my fear. Ilang beses naman akong nag-practice while I was trying to heal. Baka pupuwede nang sumubok na tuluyang harapin ang takot ko.
“You don’t have to force yourself if you can’t, Aviena. I’ll look after our daughter,” ani River sa akin ngunit ngumiti lang ako sa kaniya bago umiling.
“It’s fine… I want to try it too…” ani ko kaya nanatili lang ang tingin niya sa akin. Is he worried! He still care then?
I’m sweating bullets when we finally went there. Hindi ko na rin mapigilan ang kaba mula sa akin. Pabalik-balik din ang mga mata ni River sa aming dalawa ni Camillia. Nang sumakay na roon, napapikit na lang ako sa takot at kaba. Unti-unti na namang naalala ang mga pangyayari noon subalit agad din akong nahinto nang may humawak sa aking kamay. A small hand and a big one. Nang lingunin ko si River at Camillia, they are both worried while looking at me.
“Are you okay, Mama?” tanong ni Camillia sa akin. Unti-unti akong huminahon nang marinig ang tinig niya. Ngumiti rin ako nang tipid doon.
“I am…” ani ko.
“I’m sorry for forcing you, Mama… I just want you to have fun…” aniya kaya tuluyan na akong napangiti bago ginulo ang kaniyang buhok.
“Mama’s having fun watching you and your father enjoying yourself,” ani ko na ngumiti sa kaniya. Ngumiti rin siya pabalik sa akin doon.
“Look, Mama, Papa! Isn’t it pretty?” tanong niya habang nakatingin sa buong paligid. It is… Hindi ko rin maiwasan ang mangiti dahil sa pangalawang pagkakataon ay naranasan ko ulit ito but with the two most important person in my life now.
We just enjoy our view bago kami bumaba. Hindi pa sila nakuntento roon at gusto na agad mag-kayaking.
Namamangha pa si Camillia habang pinagmamasdan ang nag-roo-root climbing kaya hindi ko mapigilan ang pagbawalan siya.
“Aba, Camillia, kung gusto mong subukan ‘yan, patayin mo na lang ako,” sambit ko sa kaniya dahil napatingin siya sa ama as if asking him if she can try that too. Now that she’s seeing more adventerous sport, pakiramdam ko’y mamatay na lang ako sa kaba dahil sa kaniya. Napanguso naman ito bago humalakhak.
“I’m just looking at it, Mama. I won’t try it yet. Maybe when I’m little older like I’m already 7 like that…” aniya kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.
“No,” kontra ko agad kaya napangus pa siya. She even want to try Cliff Rappel and River Trekking when she saw that they have that too pero agad ko ring pinigilan. Aba. Gusto na ata akong mamatay nang maaga.
“But I’m old when I’m 7, Mama. I can even try diving if I’m already in that age,” aniya kaya agad akong naupo sa tapat niya.
“Don’t even think about that. Do you want your mom to die earlier?” tanong ko pa sa kaniya kaya napanguso na lang siyang napailing.
“But you won’t die if I try i—”
“Camillia,” banggit ko sa pangalan niya kaya unti-unti na lang siyang napanguso bago nanahimik.
“I’ll let you when you’re 3 times older than 7,” ani ko kaya napanguso siya roon.
“What if I can’t reach that age? That’s too long…”
“Fluvuis Camillia.” She knows that I’m already serious when I already say her whole name kaya natahimik na siya at huminto. But now of course, she already have someone to talk with. Agad siyang napaharap sa ama niya who look so amused looking at the two of us. Pansin ko pa ang ngisi sa kaniyang mga labi kaya agad ko siyang pinagkunutan ng noo. He tried to supressed that but he can’t. He just rolled his eyes at me before facing her daughter.
“Let’s just follow Mama for now,” aniya kaya hindi ko mapigilan ang mapakunot ang noo.
For now, huh? What does he mean by that?