Chapter 55

Aviena’s POV

Huminto kami para bumili lang ng ilang fastfood. After that ay dire-diretso na rin naman kami sa pagbyahe.

Kapag si Camillia ang kaharap ni River, palagi lang itong nakangiti subalit kapag nagagawi sa akin ang kaniyang mga mata, akala mo’y lahat ng sama ng loob niya sa akin, handa niyang ibato. Hindi ko maiwasan ang mailing na lang doon. Plastik ang pangit.

Nasa byahe na kami when Levi called me asking for some revision of our project. Well, I told him to call me if there’s a problem in our project dahil kaunti lang naman talaga kaming staff doon. I also want our project to be good.

“How’s your flight. Does Camillia enjoying your stay in the Philippines now?” tanong sa akin ni Levi when we are already done talking about our project. It seems like it was also his break.

“She is,” ani ko na nakangiti.

“Godfather Levi is asking about you, Camillia. Say hi,” ani ko kay Camillia na agad ding bumati sa kaniyang ninong. Imbes na ang ninong niya ang manghingi ng pasalubong, she’s the one who’s asking for one. Natatawa na lang ako roon. Levu was really nice. Mahilig talaga sa bata ang isang ‘yon dahil madalas na nag-vovolunteer sa mga orphanage sa Amsterdam.

After the talk, ibinaba ko na rin ang tawag. Mayamaya lang din ay nakatulog na si Camillia sa akin. Napakagod na rin sa kadadaldal.

“What are you doing, Aviena?” tanong ni River. Napalingon naman ako sa kaniya habang hinahaplos ang buhok ng anak. He’s tightening his grip to the handwheel now. Mukha pa siyang galit habang nakatingin sa kalsada wari ba’y may ginawang masama ‘yon sa kaniya.

“Hmm, combing my daughter’s hair?” nagtataka kong tanong kaya mas lalo lang kumunot ang kaniyang noo.

“Are you joking with me?” tanong niya sa mahina subalit mariing tinig. Tila ayaw ring gisingin ang anak dahil sa kaniyang iritasiyon.

“What did I do?” tanong ko na nangungunot na ang noo sa kaniya.

“Are you really asking that?” tanong niya.

“And what will I ask when you’re getting mad at me when I haven’t do anything?” tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay. Kita ko ang pag-irap niya roon.

“You’re married and already have a child… a family… And here you are talking with someone else? Who are you dating?” tanong niya na mukhang masama pa ang loob.

“What are you talking about? I’m not dating anyone here.” Hindi ko alam kung mapapairap pa ako sa kaniya. What’s wrong with this idiot? How can I date someone when my main focus is our child. Hindi naman siya nagsalita kaya naiiling na lang ako habang natahimik din na nakatingin sa labas. Mabuti na lang din ay dumating na kami sa Baguio kaya lumabas na rin agad ako. Nagising na rin naman si Camillia after niyon.

Maligalig naman akong sinalubong ni Marieta na hinihatid din ni Ocean dito kahapon.

“I already give a brief information to Lola and Tita but expect to hear some earful sermon from them.” Nakangiting saad sa akin Marieta kaya hindi ko maiwasang mapaanguso.

‘Yon ang akala namin.

When they saw Camillia, agad na nila itong pinagpiyestahan. Ni hindi na nila ako nagawang sermonan dahil sa anak ko. Well, Si Camillia ang kauna-unahang apo sa tuhod ni Lola. Wala pa ring pamangkin ang iba kong pinsan kaya tuwang-tuwa agad sila na may panibagong bata ulit dito sa bahay

“Hala! May blue eyes na sa pamilya natin!” ani Tita Puschia na tuwang-tuwa habang nakatingin kay Camillia ngayon. Nang mapatingin ako kay Ruby, she’s also smiling while looking at my daughter. I know how she’s feeling again. She probably miss her daughter now. Hindi ko mapigilan ang malungkot para sa kaniya but when she see me looking at her, agad na lumapad ang ngiti mula sa kaniyang mga labi bago lumapit sa akin at yumakap.

“Finally, you won’t bear it on your own now, Ate!” nakangiti niyang saad sa akin.

“Anong si Ate? Tayo kaya ang nahihirapang magtago rito!” nakasimangot na saad ni Marieta nang lumapit sa amin. Natawa naman ako roon dahil totoo rin naman na talagang nahihirapan silang magtago rito sa bahay.

“Congratulation to the both of you,” ani ko bago binigay ang regalo ko sa kanila.

It’s just money for them to start. They will be leaving an independent life now. ‘Yon din ang gusto nila.

“Thank you, Ate…” anila na yumakap pa sa akin. Natatawa ko na lang ding ginulo ang buhok nila.

Akala ko lang pala hindi ako masesermonan. Nang pagod na ang lahat ay agad akong pinagalitan nina Tita at ni Lola. While River was just eating beside me, bakas pa sa kaniyang mukha na natutuwang nasesermonan ako ngayon. Hindi ko naman mapigilan ang mapanguso habang pinakikinggan ang walang katapusang sermon. Talagang malamig pa ang kani-kanilang trato sa akin.

“Pareho kayo ng Ate mo. Hindi ko alam kung saan na ba nagsusuot ang isang ‘yon. Hindi na umuuwi pa!” galit na saad sa akin ni Lola. Nahinto naman ako sa pag-inom ng tubig dahil do’n. Para akong nabato balani sa aking kinauupuan nang mabanggit nila si Ate. Yes, I never really told them anything about my sister and I don’t really know where she is right now. Ramdam ko na ang kaba ko ngayon. Tila nagbabalik na naman sa aking mga alaala ang nangyari noon.

“Nakikinig ka ba, Aviena? Alam kong matatanda na kayo subalit alam niyong nandito pa rin kami para sa inyo, huh? Lagi niyong tinatandaan ‘yan,” ani Lola.

“Opo, Lola…” natatawa na lang sina Ruby at Marieta na sumagot dito habang nanatili lang ang kaba sa akin.

Maski nang makaalis kami sa Baguio para magtungo na sa Cebu ay ramdam ko pa rin ang kaba sa akin. We just use chopper.

Mas lalo lang tuloy akong natahimik habang nakasakay doon.

“What’s wrong po, Mama? Are you not feeling well?” tanong sa akin ni Camillia. Nginitian ko naman siya bago ginulo ang kaniyang buhok.

“Mama’s fine. I’m just enjoying myself with the view,” ani ko na nginitian siya. Ngumiti siya sa akin at tumango na lang din.

Nang tuluyan na kaming nakarating sa lugar ay hindi ko mapigilan ang pagbabalik ng mga alaala habang nakatingin lang doon. Napangiti na lang ako sa aking sarili dahil we use to date in different places when we have time. Madalas ay kung saan-saan lang kami nagtutungo kapag may oras kaming dalawa.

“It’s pretty!” Kulang na lang ay magtatalon sa tuwa si Camillia kaya hindi ko maiwasan ang matawa habang nakatingin sa kaniya.

“How long are we going to stay here, Papa?” tanong ni Camillia sa ama na siyang nakangiti rin siyang nilingon.

“Hmm, how long do you want?” tanong ni River kaya hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kaniya. I know how busy he is. Hindi lang entertainment company ang mayroon siya. He’s also rocking the food company now kaya alam ko kung gaano karami ang kaniya tinatrabaho.

“Hmm, 10 days!” ani Camillia na pinakita pa ang kaniyang mga daliri.

“Hindi puwede, Mahal ko… Papa also have works to do,” ani ko kay Camillia kaya kita ko ang pagkunot ng noo ni River.

“I’m on leave,” aniya na para bang wala naman talagang paki sa kaniyang kompanya dahil hindi naman talaga siya mauubusan ng pera. Hindi ko maiwasan ang mapailing na lang bago napabuntonghininga.

“We also don’t have any clothes with us,” sambit ko sa kaniya.

“We can buy in the mall today,” aniya. That’s what we really did. Hindi ko nga alam na kung paanong sa damitan dapat kami subalit ngayon ah namamasyal na sila sa arcade. We also ended up in some water sport store.

“Do you like everything here?” tanong ni River sa anak. Napatango naman si Camillia at excited nang mamili ng kaniyang bibilhin but I think I know how things will work right now. Hindi na ako nagtaka nang buong store ang bilhin niya.

Nabigla naman si Camillia roon at napatingin pa sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya at wala ring nagawa. Alam kong gusto lang talagang bumawi ng kaniyang ama sa kaniya. And if I really can give everything to Camillia, I’ll give it to her.

Matapos ang pagbili namin ng mga gamit, we stay on River’s rest house in Cebu. Marami naman kasi talaga ‘tong rest house kaya wala na rin kaming problema sa pagtutuluyan.

We also buy some food for us if we’re going to stay for that long. Uuwi na lang din ako sa graduation day mismo nina Marieta and Ruby if we’ll really stay here for a while.

For our next day here in Cebu, River has already booked a Bohol countryside day tour. It’s fine with me.. I also want to relax my mind. It’s been a while since I visited the countryside. Madalas kasi’y nasa city lang kami ni Camillia. Kung hindi naman city, nasa beach lang.

“Are you going to order food or I’m just going to co—”

“Cook,” mabilis niyang sagot kaya napatingin ako sa kaniya. Nauubusan na ba siya ng pera ngayon? Hindi ko maiwasan ang ngisi sa aking mga labi dahil do’n.

Nailing na lang din ako bago nagsimulang magluto. Pinapanood ko lang silang mag-ama na abalang magkwentuhan habang sinosolve ang isang math puzzle doon. Grabeng bonding ‘yan, tinitignan ko pa lang sila’y nahihilo na ako. Mabuti na lang talaga sa kaniya nagmana ang anak namin pagdating sa utak dahil kung sa akin, hindi ko na lang din talaga alam.

When I was already done cooking, agad na rin silang lumapit sa akin. River helped me sa pag-aayos. They’re still talking about that puzzle they solve together kaya pabalik-balik lang ang tingin ko sa kanila. I’m glad Camillia have someone to talk with about those things. Hindi katulad kapag sa akin siya nagtanong, wala akong alam na isagot. Ewan ko ba kung bakit hindi aki biniyayaan ng ganiyang IQ.

“How’s school? Are you enjoying it?” tanong ni River kay Camillia nang magsimula kaming kumain.

“I’m enjoying it! I have a lot of friends and most of the time I receive some gifts from Mama’s suitor,” ani Camillia. Bahagya naman akong napaubo dahil sa sinabi ni Camillia.

“What suitor?” tanong ni River na nasa akin na ang mga mata ngayon. He’s looking at me with a glare.

“I don’t have a suitor, Camillia…” ani ko kaya umiling si Camillia.

“You have! You just don’t entertain them but they like you. Even some of my parent’s classmates like you. Some of my classmates are giving me food because they like you too. And of course, those teachers in higher grades want to date you too. They even give me chocolates to give you flowers when the valentines came, you just didn’t want to take it, Mama. But I like it that way. I don’t like any of them. I only have one father to begin with. And you only like him, right, Mama?” Hindi ko alam kung bakit ang daldal ng anak ko ngayon. Epekto ata ng tatay niya.

“Right, Mama?” tanong pa ulit sa akin ni Camillia nang hindi ko sagutin ang tanong niya. Nang mapatingin ako kay River, kita ko rin ang pagtaas ng kilay niya sa akin. Nakasalubong ko ang kulay asul nitong mga mata.

“Hmm, that’s right… I only like you.”