CHAPTER 21: LORRAIN’S PARENTS
Lorrain P. O. V
NAPATINGIN AKO kay Jordan na ngayon ay nakangiti lang sakin na parang timang. Umalis lang kasi saglit si Darius dahil may aasikasuhin pa ito. Umalis rin ito nung isang araw at ngayon lang siya nakabalik ngunit pagbalik niya rito ay ito na naman siya ay umalis na naman siya.
Medyo naiirita na ako kasi nagiging busy na naman siya ulit. Natatakot ako na baka iba na naman ang mangyayari. Pero ang kailangan ko lang talagang gawin ay ang pagkatiwalaan siya. Kaya pinipilit ko ang sarili kung pagkatiwalaan siya.
Ayaw ko lang siyang mawala ulit. Gusto ko nasa akin lang ang atensyon niya. Gusto ko hindi siya mawala sa tabi ko at gusto ko ako lang ang mamahalin niya at mamahalin pa.
"Ano ba?!" inis na singhal ko sa kaniya.
"Napaka moody nito! Hindi ka naman siguro buntis noh?"
"Ganito lang talaga ako! At hindi ako mabubuntis dahil wala akong mattres!"
"Pwede pala yun?" tanong nito na parang nag iisip.
Inismaran ko lang siya at hindi nalang siya pinansin pa. Gusto ko na siyang sipain. Kanina pa kasi siya nakatingin sakin at paulit ulit nalang ang usapan namin.
Mukhang nililibang niya ako pero hindi naman ako nalilibang kasi ang boring na niya kausap.
"Okay fine! Ang boring kasi ang tahimik! " iritang sigaw niya rin " 'Tanong ko sagot mo' nalang tayo"
"Sge game" pag sang ayon ko.
"Okay G! Gaano kahaba?" para akong namula sa sinabi niya kailangan ba talaga niyang itanong?
"8?" patanong na sagot ko di ako sure ko e.
"Ganun kahaba gurl? Nakaya mo rin?"
"Syempre para sa kaniya kasi tong puke ko" saka ako bumungisngis.
"Malakas ba siya? Hanggang ilang round kayo? Maganda ba pakinggan ang ungol niya?"
"Malakas? Oo abot nga niya yung 12 hours e. Pinagod pa ako hehe. Nakakapag init yung ungol niya" walang hiya hiya hindi ako virgin para mahiya pa. "Eh ikaw?"
"May nakilala akong fafa kaya lang ang sakit niya magsalita. Akala niya daw nung una babae ako kaya pumatol siya sakin pero nalaman niya nalang na lalaki pala ako" malungkot na sabi nito.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Rinig ko agad ang iyak niya. Sino ba ang lalaking ito?
Kinomfort ko nalang siya. Walang kahit sinong lalaki ang mananakit sa best friend ko. Hmp!
Darius P. O. V
NAGPAALAM MUNA ako sa kaniya at hindi ko sinabi ang dahilan dahil gusto ko surpresa. Sumakay ako sa private plane ko at umuwi sa pilipinas. Hinanap ko ang adress ng parents ni Lorrain. At nahanap ko naman ito.
Balak ko sana silang puntahan at hingin ang kamay ng anak nila. Gusto kung pakasalan si Lorrain at maghihintay ako hanggang sa sasabihin niyang oo.
Tumango ako sa driver binigay niya sakin ang susi saka ko ito sinakyan at tinahak ang daan papunta sa bahay ng mga magulang nito.
Kinakabahan ako. Pero para sa babaeng mahal ko gagawin ko ang lahat mapatunayan lang na mahal ko talaga siya. Ayaw kunang mawala pa siya sakin kasi ng minsang nawala siya sakin may hindi magandang nangyari.
Nasa harapan na ako ng pintuan ngunit hindi ko magawang makakatok dahil sa paninigas ko at dahil sa panginginig ng kalamnan ko. Talagang kinakabahan ako bente.
Kakatok na sana ako ng bumukas ito kaya agad akong napatayo ng maayos saka palihim na lumunok.
"Anong kailangan mo?" tanong ng isang ginang sa akin na kamukhang kamukha ni Lorrain.
"Gusto ko po kayong makausap" magalang na sabi ko.
"Sino iyan Mahal?" saka lumitaw ang may katandaan na lalaki. "Sino ka?"
"Ako po si Darius Jake Sanchez"
"Anong pag uusapan natin?" napabaling ang atensyon ko ginang.
"Tungkol po kay Lorrain" magalang na sabi ko.
"Pasok" nilakihan nito ang bukas ng pinto at pinapasok ako.
Naglakad ako papasok at nilibot ang paningin ko sa loob ng bahay nila. Maganda at magara ito. Napatingin ako sa mga picture frame na nasa gilid. Agad akong nagtungo roon at tiningnang mabuti ang litrato ni Lorrain ng high school siya.
Napakaganda niya kahit saan banda. Wala man siyang make up or meron. Rinig kung may tumikhim kaya napalingon ako saka ngumiti ng may pinapahatid na paumanhin.
"Maupo ka" agad kung sinunod ang sinabi nito. "Kung hinahanap mo siya samin. Hindi namin alam. Matagal na siyang wala rito. Matagal na niya kaming iniwan dahil lang nasaktan siya sa isang lalaki na hindi niya alam kung anong dahilan"
"Naguguluhan po ako. Ang sabi po ni Lorrain ay gusto po ni Ralph si Nica at niloko siya. Pero ang sabi naman ni Nica kaya ito hiniwalayan ni Ralph ay dahil hindi ho niya kayang ibigay ang gusto nito" nakwento sakin ni Lorrain ang nangyari pero hindi tugma.
"Alam mo na ba ang tinatagong sekreto ng anak ko?" seryoso na tanong ng Papa ni Lorrain.
"Yung hindi ho siya magkakaanak?" tanong ko sa kaniya saka ako tumango "Tanggap ko po siya kung yan po ang iniisip niyo. Mahal ko po ang anak niyo. Kaya po ako narito para hingin ang basbas niyo na mga magulang niya. Mag p-propose po ako sa kaniya kaya lang hindi pa ako sigurado kung sasagutin niya ba ako ng oo dahil advance po ako mag isip "rinig ko ang tawa ng ginang "Nandito po ako sa harapan niyo na nangangakong hindi ko iiwan ang pinakamaganda niyong anak"
"Sa tingin mo sinong maganda? Si Lorrain? O Si Miya?" may mapanuring tanong ng Papa nito.
"Syempre si M-miya" nahihiyang sabi ko sabay nagkamot ng batok "Pero sa mga mata ko mas maganda pa talaga si Lorrain wala ng hihigit pa dun at siya lang ang tinatayuan nitong—" agad akong napatigil ng takpan ng ginang ang bibig ko skaa siya tumawa ng malakas.
Na ikinangiti ko. Yung tawa niya katulad ng tawa ni Lorrain. Mag ina nga sila. Ang cute nilang dalawang kung magkasama lang sila.
Napatingin ako sa lalaking nakaupo ngayon. Nakangiti ito habang nakatingin sa asawa na para bang ngayon niya lang nakita at narinig ang tawa nito.
"I miss your laugh mahal" malambing na sabi ng ginoo "And your smile" sinuklay nito ang buhok ng asawa "Simula nung umalis si Lorrain sa poder namin parang wala ng buhay ang bahay."
"Kaya wala na kaming karapatan na bigyan ka ng basbas dahil hindi na niya kami tinuturing na magulang——"
"—dyan ho kayo nagkakamali... Mahal po kayo ng anak niyo. Dadalo po kayo sa kasal namin pangako po yan. Kaya ipagdasal niyo na sagutin na ako ng anak niyo"
Tumawa na naman ang ginang sabay tayo. At binigay ang basbas nakailangan ko.
Tanging, oo nalang ni Lorrain ang kailangan ko.