Chapter 9 Locked

Stella's POV

Bumuntong-hininga ako at kalmadong nagsalita.

"Anong problema mo?"

"Ikaw! Ikaw ang problema ko, Stella. You're getting into my nerves! Anong klaseng babae ka? Nangbibiktima ng mga lalaki at nagkataon pa na nadamay ang isang baklang katulad ko!" galit na sigaw niya.

"Puwede ba na tumigil ka na? Hindi ako criminal para mangbiktima ng kahit na sino. And as far as I can remember, sinabi mo na lubayan na kita. And now, I'm already doing what you want but you're still angry. Ano ba talaga, Sevi? Ang gulo mo."

I felt that his grip on my arm loosened a bit so I immediately shook it off.

"Wow! I'm impressed. Ang galing mo talagang umarte." He clapped his hands.

"Sana nga, Sevi. Sana nga nag-iinarte lang ako. Pero hindi eh..."

Hindi ko mapigilang hindi maluha. A tear escaped from my eye that I quickly wiped off. He was taken a back.

"Talagang hindi ko naiintindihan ang laro at panloloko mo, Stella–"

"Sevi! Stop this. I understand and accept that you will never like me because you are gay. I also know that you like other people and I respect that. Nakita mo naman di ba? Lumalayo na ako sa iyo. Nilalayo ko na ang sarili ko sayo. You want me out of your way? Ito na ginagawa ko. You want us to act strangers? Ito na nangyayari na."

He was stunned by what I said.

"What do you mean na may gusto akong iba?"

"Huwag ka nang tumanggi at magmaang-maangan pa. Alam ko na. Alam ko na gusto mo si Garret."

His eyes widened.

"Fine! I admit, I admired him. That's all, but I don't have feelings for him. I thought that when I liked him, you would disappear from my mind. Turns out, I was just using him to forget you."

"Huh? Sevi, what are you–"

Napahinto ako nang itinapat niya ang isang daliri niya sa mga labi ko.

"Let me finish first, Stella. Noong una naiinis talaga ako sa iyo. Para kang aso na naghahabol sa akin at kahit ilang beses kitang tinaboy, you didn't stop. Maraming beses akong humiling na sana mawalan kana ng interes sa akin. But you didn't really get out of my mind. I don't know what you did to me because your face and your smiles are always imprinted in my mind. Gusto mo ako di ba?" he paused for a while.

"Ang bilis mo namang sumuko, Stella..."

"Wala akong sinabi na susukuan na kita. Sino ka ba para pigilan ako sa nararamdaman ko sayo? Ha?!" nagulat siya sa biglang pagsigaw ko.

"Anong sinabi mo—"

"I'm just distancing myself from you because I was so hurt by your rejections, Sevi! But that doesn't mean I'm giving up."

"Stella—"

"Makinig ka sa akin, Sevi. I just needed time to sort things out." mahinahon kong saad.

"Really? So bakit nakikipagtawanan ka kanina kay Owen? Nakita ko kayo. Gusto mo na ba siya? Nakalimot ka na sakin?!" Nakataas ang isang kilay niya.

He paused. Pareho kaming nagulat sa sinabi niya.

"I mean—"

"Are you jealous?"

"W-what? A-anong selos? Hindi ako nagseselos. Huwag ka ngang managinip nang gising." nauutal niyang sabi at iniwas niya ang tingin sa akin.

"Argh! Ano ba? Stop lying, Sevi!"

"M-mas lalo ka kasing pumapangit kapag tumatawa ka kasama yung lalaking iyon!"

I chuckled a bit. Napakawalang kuwenta ng palusot niya. It's obvious that he's jealous but he's still trying to deny it. Parang nababaliw na ako dahil kanina lang ay umiiyak ako at ngayon ay natatawa na.

"Fine! Bahala ka na. Doon kana kay Owen para lalo kang pumangit kasama niya." sabi niya.

Inirapan ko lang siya at nilagpasan. Magpapalit na ako ng damit kasi napakadugyot ko na talaga.

"Hoy!"

Pinigilan ko ang sarili ko na mapangiti dahil naririnig ko ang mga mululutong niyang mga mura. Hindi ko nalang siya nilingon at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Bahala siya sa buhay niya. Napakabakla talaga niya! Ayaw pa niyang umamin kung gusto niya ako.

Pagkatapos kong magbihis at magretouch nang kaunti ay lumabas na ako. Hindi ko na nadatnan si Sevi sa hallway. He didn't even wait for me. I even made myself beautiful for him.

Dumiretso na ako sa court para tumulong sa pagdedecorate sa mini stage namin.

"Ayos na ba, Owen? May maitutulong ba ako?" tanong ko nang makarating doon.

"A little bit touches and tapos na lahat." His face was serious as he looked at our classmates who were putting decorations in the middle of the stage.

"Ngayon ay alam ko na kung bakit baliw na baliw sayo ang kaibigan ko. You're good at everything and you're almost perfect. Babaero ka nga lang." bulong ko sa sarili ko.

"What did you say?" Nakakunot ang noo niyang tanong sa akin.

"Nothing. I said you could be an event organizer. Magaling ka! Maaari mong gawing sideline iyan."

"Eh? I don't believe you. Parang iba ang narinig ko."

"Guni-guni mo lang iyon." I smiled and tapped his left shoulder and went to one of our colleagues.

"Stella!" sigaw niya at hindi ko nalang siya pinansin. Natatawa ako habang tinutulungan ang mga kaklase ko na magbuhat ng mga maliliit na box.

Alam ko na narinig niya ang sinabi ko. Inaasar ko lang siya.

"Puwede ka bang humingi ng extra pad sa clinic, Stella? Feeling ko kasi natagusan ako. I'm on my period." bulong sa akin ni Trisha, isa sa mga kaklase ko. Nakangiwi siya kaya natawa ako.

"No problem. Ako ang bahala."

Hinubad ko ang suot kong jacket at ibinigay sa kaniya.

"Sayo muna 'yang jacket ko. Kukunin ko nalang mamaya."

I went to my locker and saw that I had run out of extra pads so I immediately went to the clinic to ask. There is definitely something there.

Third Person's POV

Sevi is now on the ground and deep in thought. He couldn't get out of his mind what happened earlier.

"Did I just confess? Kay Stella? Sa isang babae?" he whispered to himself. He couldn't believe that he had said those words earlier to Stella. Nang dahil siguro sa galit na naramdaman niya nang makita ang dalaga na nakikipagtawanan sa ibang lalaki kaya lumabas ang mga salitang iyon mula sa kaniyang bibig.

"Watch out!"

Napalingon si Sevi sa pinaggalingan ng sigaw. His eyes widened when he saw a soccer ball flying towards him. He couldn't avoid it anymore and it hit his forehead.

"Ouch!"

Hindi naman siya natumba pero ininda niya ang sakit ng noo dahil sa lakas ng impact ng pagkakatama ng bola.

"I'm sorry. Ayos ka lang ba?" may bahid ng pag-aalala ang boses na iyon.

Napalingon si Sevi sa nagsalita at muling nanlaki ang mga mata.

It was Garret!

"Gusto mo bang dalhin kita sa clinic? Mukhang nasaktan ka. Sorry talaga."

Pinulot niya ang bola at inihagis sa mga kasamahan.

"Huwag na. Wala namang sugat." Iniwas ni Sevi ang tingin kay Garret at pasimpleng pinagpagan ang suot na damit.

Labis na nagtataka si Sevi. Ngayon na malapit na sa kaniya ang lalaking hinahangaan ay wala siyang nararamdaman na kahit kaunting kilig. May pagkakataon na siya na makipag-usap kay Garret pero hindi siya naeexcite. But then again, it hit him. Maybe what he said earlier was true. He was just using Garret. Pinipilit lang niya na magkagusto dito para madistract at mawala ang nararamdaman para kay Stella.

Nagulat si Sevi nang lumapit sa kaniya si Garret at hinawi ang bangs na nakaharang sa noo niya. Nailang siya sa lapit ng mukha nila sa isa't isa at naaamoy ang mabangong pabango ng binata.

"Oh! I'm really sorry. Tinitingnan ko lang ang parte na natamaan ng bola. There is no wound but it's slowly forming a small lump. Unti-unti nang namumula. Kailangan ng remedy, pare. Dadalhin na kita sa clinic kasi baka lumala pa iyan."

Nagsimula nang maglakad si Garret pero hindi sumunod si Sevi.

"No need. Kaya kong pumunta doon nang mag-isa. Ayos lang ako."

"Pumili ka, pare. Hahayaan mo ako na sumama sa iyo o bubuhatin pa kita papuntang clinic?" nakangising ani ni Garret.

Napaawang ang bibig niya sa sinabi ng binata.

"I'm serious, pare. It's my fault that you got hit by the ball so it's my responsibility to take you to the clinic. So, mamili ka!"

Gustong matawa ni Sevi sa isipan niya. Ngayon lang ito nangyari sa kaniya at ang lalaking hinahangaan pa niya ang kausap ngayon ngunit wala talaga siyang nararamdamang kilig.

Nauubusan na ng pasensiya si Garret kaya napakuyom ang mga kamao niya.

"Fine! You'll go with me. Tara na?"

Nakasunod lang si Garret sa likod ni Sevi hanggang sa makarating sila sa clinic.

"Hello? Nurse Clarissa?"

Garret entered the clinic first and looked for the nurse but she wasn't there. Alam niya na may harang ang pinto dahil sira ang lock nito, nanggaling kasi siya dito kahapon nang may masugatan na isa sa mga teammates nila. Ngunit nakalimutan niyang sabihin ito kay Sevi at hindi sinasadyang nasipa ang nakaharang.

"Huwag mong alisin yung harang!" sigaw niya.

Tumakbo si Garret palapit kay Sevi ngunit huli na ang lahat dahil sumarado na ang pintuan.

"Ha? Anong problema?"

Napasapo sa kaniyang noo si Garret at humarap kay Sevi.

"Yesterday the lock was broken and it can't be open here inside. Kaya may harang sa pinto. Dapat may taong magbukas sa labas."

"What? So you mean we're locked in here? Bakit kasi hindi nila agad inayos?" natatarantang sigaw ni Sevi.

"Mamaya pa siguro darating ang maintenance team."

Sevi can't believe this is happening to him right now. Ginulo niya ang buhok niya sa pagkataranta. Nagpabalik-balik sa pinto at sumilip sa mga bintana. He even shouted so that someone would hear and help them but all that had no effect.

"That's useless. Walang dumadaan sa hallway ng ganitong oras. Karamihan ay nasa loob ng classroom kasi may klase pa." sabi ni Garret at umupo sa mahabang upuan habang pinupunasan ang pawis sa noo.

"Did you bring your phone with you?" tanong ni Sevi.

"Phone? Nope, naiwan ko sa room ko."

Sevi closed his eyes in annoyance because, like Garret, he also left his cellphone in his bag in the room.