Chapter 6 ANIM
Habang nasa biyahe hindi mawala sa isip ko ang kaba at kabog ng dibdib ko.
" Is there something wrong?" Umiling ako bilang pagtanggi.
Pinilit kong pakalmahin ang isip at puso ko. Narating namin ang isang private property. Sa labasan makikita ang nagtataasang pader at sa bakal na gate may dalawang lalaking nakabantay na pawang may baril na hawak. Diyos ko po! Ito yata ang kaba na naramdaman ko kanina.
Nauna siyang lumapit dito. Kasabay ang personal driver niya.
"Mayor, kayo po pala. Pasok na kayo."
Susunod na sana ako pero pinigil ako ng dalawa. "Ma'am kailangan kang kapkapan." Biglang tumaas ang kilay ko sa inis.
"No need for that. She's my personal secretary."
Dahil sa sinabi niya, hindi na nga tumuloy sa pagkapkap ang dalawa. Pinagbuksan kami. Sumalubong sa akin ang isang malawak na pathway. May iilang bermuda grass na nakatanim at mga bulaklak. Diretso kaming pumasok sa isang bahay na puro halos lahat salamin.
Binuksan ito ng isang babae. Para siyang lalaki dahil sa ayos niya.
"Mayor, nasa loob si Miss Adella."
Babae pala ang kliyente niya. Sumunod lang ako rito.
"Mayor, I expected you already."
Isang maputing babae na may dark colored lipstick. Maganda ito at sobrang kinis ng balat. Nakasuot ito ng dress na navy blue ang kulay.
"Adella, I'm glad you welcome me here."
"Anyway, here's my personal secretary, She's Shahara Garcia."
Nakipagkamay ito sa akin. Nakaramdam ako ng hiya dito.
"Well, I'm impressed with your taste. Shes a gorgeous one. Maupo muna tayo."
"I'm here to discuss about my proposal to you. You said, you wanted to open a business."
Tumingin ito kay Mayor.
"Bakit? Is it even good to have business with you? I do some research and I found out, you failed them."
"Mga palpak lang ang tauhan ko."
"Well, that's not excuse. Ikaw ang boss nila so why don't you discipline them."
Lumipat ito ng tingin sa akin. I think she's asking my opinion. " Miss A, hindi Naman siguro sinadya ang pangyayaring yun di ba?"
"In the business world, lahat ng nangyayari ay sinasadya lagi. Take note of that." Bahagyang sumandig ito sa malambot na upuan.
"Miss Garcia, I'm planning to build a resto bar . Sa tingin mo ba pag hindi secure ang place, is it still safe to do business." Umiling ako.
"That's what I'm talking about. Alam mo ba, this goddamn good looking Mayor of this town have poor security services. Wala siyang disiplina sa tauhan niya. He have anger issues kaya nga nahihirapan mag adjust ang lahat eh."
"Hey, my beautiful cousin, what's with the personal things your talking. I'm here to do business."
Isang nakakagulat na rebelasyon na naman ang natuklasan ko. May kapamilya pa pala ito. Nagpatuloy ito sa pagsasalita.
"Thanks for calling me beautiful. That's not the point here. As I was saying, is he capable?"
Napaisip ako. Ano kaya magandang sagot? Naguguluhan na ako. Pressure is on me.
"Answer me Ms. Garcia? The clock is ticking."
"Miss A, hindi naman ibig sabihin na pumalpak siya sa unang pagkakataon ay magtutuloy-tuloy na yun. Ibig ko lang sabihin, may mga achievements din naman siya. And I guarantee you, he will do good. Babawasan na niya po ang pagiging masungit." Mayor look at me with raised eyebrows. Para siyang bakla pero sign yun na di siya pabor.
Napatawa si Miss Adella. Bakit kaya?
"Look, am I hearing this,"bahagya itong tumigil dahil natawa ito.
"Shut up Ade, itutuloy mo ba yun or I will tell your parents na pabalikin ka nalang sa Korea."
"Your so serious my dearest cousin. Anyway, I'm tasting your patience here. Looks like I make the tiger out of you. Shahara, thank you for making my cousin have patience."
"Whatever you say."
"May building ka na ba for me? This town is not a city that you can grab so many customers."
"Building? That's not a problem. I have so many influential people in my side and tourist keep on visiting here."
"I'll make a contract with you para may pakinabang ka sa akin."
"Fine. Whatever you say cousin."
Pagkalipas ng ilang oras na pananatili namin sa bahay ng pinsan niya, umalis na din kami. Walang imikan na naganap. He break the silence.
"You don't have to tell I have anger issues." Bigla akong kinabahan. "You don't know everything."
Hindi ako makapagsalita. Buong biyahe hindi na din ito nagsalita. Pagdating sa mansion niya umakyat agad ito sa taas. Nandito na rin kase gamit ko dahil pinakuha ito kay Joan.
"Hara, nandito na pala kayo. How did it go?"
Pinaupo niya ako sa sala. "It's fine. Nakuha namin yung deal."
"Mabuti nman. Bakit ang tamlay mo dyan? Para kang nalugi."
"Siguro dala na rin ng kapaguran. Pwede na ba ako umakyat sa taas?" Sumang-ayon naman ito sa akin. Pagpasok ko sa guest room ay dumapa agad ako sa kama.
Naiinis pa din ako. Bakit ba ang daldal ko? I should limit myself. Tumihaya naman ako. Umupo na din ako sa kama. Nakakabaliw. Ano ba dapat kung gawin? Should I say sorry? Bakit pa ako nag-iisip? Dapat gawin ko yun.
Tatayo na sana ako when the door opens. Iniluwa nito ang galit na mukha ni Mayor.
He lock the door. I'm dead now.
Lumapit ito sa akin. Itinukod ang dalawang kamay niya sa magkabilang side ko. Nakatitig ito sa akin with his deadly look. Nalunok ko ang laway ko.
"Don't you deserve a punishment of what you did?"
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Sa susunod talaga lalagyan ko nang masking tape ang bibig na 'to.
"Mayor, sorry sa ginawa ko. Dapat nag-iingat ako."
"Not accepted. You deserve both. A punishment and a reward." Inangkin nito ang labi ko. Parang may gigil pa nga. Iniangkla ang magkabilang legs ko sa may beywang. Ramdam ko ang galit niyang alaga. He don't stop kissing me. Parang mapupunit ang labi ko.
"Uhm," yun lang ang lumabas sa bibig ko. Dinala ako nito sa banyo. Doon ba namin gagawin? Bakit ako excited? Baliw na yata ako.
Ibinaba na ako nito. "You nnaed a shower." Iniwan na niya akoAagkatapos sabihin. Naiwan akong nagtataka. What's with him? Pinaglalaruan ba niya ako? Naligo na nga ako. After an hour, natapos na din ako. Lumabas ako suot ay white robe lang at twalya sa ulo ko.
Umupo ako sa harapan ng tokador. I suddenly felt empty. Ugh! I hate this feeling. Nàkasilip pala siya sa akin. Nalaman ko yun dahil nagsalita ito.
Pumasok siya sa loob ng kwarto ko. Lumapit ito sa akin. He slightly massage my shoulders. Bakit ang galing niya? Ayoko na magpadala. Pinaglalaruan na naman ako siguro nito.
"You smell good. Nabitin yata kita." He said while smirking. Bwisit siya! Hindi pa din ako nagsasalita. "Thank you for having patience to me. Pahinga ka nalang." He said while kissing my forehead. Umalis na din pagkatapos. Namumula ang pisngi ko. Nag iinit pa. Kailangan ko na yata matulog.
This day is quiet exhausting.
-----