Chapter 5 LIMA

Tumawag sa akin si Joan. Pinilit kong tumayo. Nakakuha ako ng isang maluwag na shirt at underwear. Sinuot ko ito kahit nahihirapan ako.

"Hara, wag ka muna pumasok. Ewan ko kay Mayor kasi yun ang sinabi niya. Personal ka daw niyang pupuntahan. May sasabihin sayo. Sige yun lang. Ingat."

Labis akong nagtaka sa sinabi niya. Huwag siyang magkakamaling gawin ulit yun dahil papatayin ko siya. Akala niya yata mahina ako. Sa kabila ng pagpapalakas ko nang aking loob ramdam ko ang kakaibang takot. Umayos ako ng higa. Pagod na din ang katawan ko. Hindi ko napapalitan ang bed sheets. Inaantok kase ako.

Naalimpungatan ako dahil sa mga haplos sa mukha ko. Nanlaki ang aking mata ng mabungaran ko si Mayor sa harapan ko. Ano ginagawa niya? Di ko ba naisarado ang pintuan? Tanga ko!

"Ano po ba kailangan niyo? At paano ka nakapasok,"tanong ko dito. Naupo ito sa lapag.

"In the first place, Joan called you and told you that I'll visit you. Second, your door was not locked. And lastly, I am not needed to explain okay."

Ang sama talaga ng pag-uugali nito.

"Pagod po ako. Kung pwede lang po, kailangan ko mapag isa."

"You don't have to command me woman. I'll do whatever I want." Sarap niya talaga suntukin. Yung diretso sa ilong niya para dumugo.

"Hindi po yun utos. Pakiusap yun." Tinalikuran ko ito. Bahala na kung kagalitan niya ako.

"Did I heard the word PLEASE from you?"

"Please lang po Mayor, Kailangan ko magpahinga."

"Umusog ka, bilis na." Anong pumasok sa komplikadong utak niya? Umusog nalang ako."Humarap ka." Dagdag pa nito. Hay! Malala na nga ang taong ito. Ginawa ko rin ang sinabi niya dahil ayoko ng gulo.

Nagsimula na naman itong haplusin ang aking buhok. Shit! Bakit nag iinit ako sa simpleng bagay na ginagawa nito? May sakit yata ako. "Your beautiful." Simpleng dalawang salita pero iba ang tama sa akin.

Nagsalubong ang mata namin. Nakikita ko ang matinding pagnanasa pero may nakatagong kalungkutan sa sulok nito. Nakaakit ang mata nito pero pag nagalit nagliliyab.

"Hindi ako hihingi ng tawad sa ginawa ko sayo." Parang sinaksak ako ng paulit-ulit sa sinabi niya. "But I'll be responsible of what I did."  Naguguluhan ako sa kanya.

"Anyway, you'll stay in my house. Pack your things now." Napakabilis nitong nagdesisyon. Baliw ba siya? Ayoko nga. Baka gawin niya akong parausan. Hindi ako kumilos.

"Okay fine. You win. You rest."

Sikretong kumurba ang ngiti ko. Ngayon ako nanalo sa kanya.

"Magpapahanda ako ng pagkain." Umalis na ito sa kama. Naglakad ito palabas. Ipinikit ko na ulit ang aking mata. Kailangan ko ng tulog.

Lumipas ang ilang oras. Nagising ako sa gutom at amoy ng pagkain. Nakaupo si Mayor na salubong ang kilay. Galit na yata.

"For how long you plan to sleep," pagtatanong nito sa akin.

"Until death," asar ko sa kanya. Mas lalong nagdilim ang paningin niya.

"Don't ever do that. Papatayin muna kita sa sarap." Natikom ko ang aking bibig. Hindi na ako nagsalita. 

Bumangon ako sa kama. Umupo din ako sa lapag. Napatingin naman ito sa akin. "Are you tempting me woman?" Napataas ang kilay ko. Bwisit siya! Kapal!

"Hindi po Mayor."

"Make sure, it's me only seeing that. I'll kill whoever laid there eyes on your legs. Those are mine! Everything in you is mine only." Yabang! Akala niya sa akin laruan o gamit.

"I'm serious woman. Don't taste my patience."

"Pati po ba puso ko mayor, sa inyo na rin?" He look at me with annoying look. Seryosong tanong din yun.

"Just eat woman. Stop talking or ill shut you up by the kiss." Kumain na nga ako. Sobrang sarap nito or baka gutom lang ako. Pagkatapos kong kumain ay nagburp pa ako.

Kinuha ang pinagkainan namin ni Aling Salud.

"I'll pack your things now. Pupunta na Tayo sa bahay."

"Kailangan ba agad? Pwede bukas nalang kasi po Mayor masakit ang katawan ko."

"Tomorrow is fine. Matutulog ako dito."

Ano kaya pinaplano niya? Panigurado di ako makakatulog nito dahil kasama ko siya.

"Babantayan kita baka tumakas ka."

"Paano ko po yun gagawin? Baka patayin niyo pa ako." Gusto ko pa mabuhay.

Biglang may tumawag dito. Tumayo agad ito at lumabas. Pinilit ko din tumayo para sundan siya. Dahan-dahan akong naglakad. Kunwari nagpapahangin ako. Sa kalayuan Kita ko ang pagkunot ng noo nito.

"Shahara, anong ginagawa mo sa labas? May lakad ka,"tanong ni Cathy. Napalingon ako dito. "At galing yata si Mayor sa kwarto mo."

"May sinasabi kasi ito sa akin. Tungkol sa trabaho."

"Pwede kitang kausapin sa kwarto ko? Kung okay lang,"tanong niya. Pumayag naman ako. Dinala ako nito sa kanyang kwarto. Medyo makalat ito.

"Sorry sa makalat na kwarto." Ngumiti lang ako. Pinaupo niya ako.

"Alam ko, bago ka palang rito pero maigi nang malaman mo."

"Ano ba yun? Parang nakaktakot ka?"

Huminga muna ito ng malalim. Nagsalita ito ulit. "Kase alam mo si Mayor, mahirap siyang tantyahin di ba? Pakaingatan mo lang ang sarili mo dahil alam kong may malalaman kang sana hindi mo nalang hihilingin na alamin pa. Iwasan mong maging matanong."

Nakarinig kami ng katok. Kinabahan ako bigla. "Open this damn door! Or I'll kick it!" Binuksan namin ito ni Cathy.

"Pumasok ka na sa kwarto. At tigilan mo ang pakikipag-usap sa walang kwentang tao." Nagliliyab ang mga mata nito sa galit. Narining nito panigurado ang pinagsasabi ni Cathy kanina. Habang pabalik sa kwarto, malakas ang pintig ng puso ko.

Nakapasok na kami sa loob. Tahimik ito. Ayoko na din magsalita baka magalit lalo. Naupo ito sa harapan ko.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Bakit ka lumabas at nakipag-usap sa babaeng yun?"

Tiningnan niya ako ng hindi ako umimik. Napasabunot ito sa buhok niya. Nakatalikod ito sa akin. Naupo ito sa lapag. Nakayuko ang ulo.

"Kailangan ko ng tulong mo. I'll need to get this client. You have a background in business right?"

"Oo."

"Then tomorrow will meet this client and get the deal."

Humarap ito ulit sa akin. I can see in his eyes the desperation. I'll help him because it's my job. Hindi Naman siguro illegal yun. Wala pa din talaga ako clue sa lalaking ito kung anong buhay meron siya maliban sa pagiging politiko.

--------

Yay! 1k words for this chapter ! Salamat mga madam/sir👏